Share

Chapter 2: Part II

Ano?! Just like other girls? Anong pinagsasabi nitong lalaki ito? At ano like his attention? Eh, hindi naman ako nagpapa-pansin sa ibang lalaki! Kay Connor nga nahihirapan na ako makuha yung atensyon no'n sa iba pa kaya? At sa kanya pa talaga ha? Pero pwede naman. Kaso ekis na siya agad. Mayabang eh.

"H-hoy, t-teka lang ha! Can you please, stop accusing me na may gusto ako sayo? Ang yabang mo naman para sabihin 'yan, sino ka ba sa akala mo?" Napatayo rin ako as I looked at him from head to toe ready to rant pero napamura na lang ako sa isip ko. Dahil wala akong maipintas sa kanya. Kaya lumalaki lalo ang ulo ng isang 'to eh.

"Pa-English-English ka pa d'yan. Akala mo siguro hindi ko naiintindhan noh?"

Akala mo kung sino! Porket pinag-kalooban ng pagiging magandang lalaki? Minsan na nga lang makakita ng kagaya niyang Encantado pero tiga Hatoria naman.

Ako na nga yung nag magandang loob. Ako pa yung napagbintangan na gusto ko siya na mapansin niya ako? Kaya ko 'yon ginawa? Assuming masyado! Kainis!

"So, akala mo ba kina-attractive mo na 'yan kasi pa English-English ka? Feeling mo naman sobrang gwapo mo!" Inis na asik sa kanya bago tuluyang umalis dito sa may rooftop. Pero bago ako umalis sinamaan ko muna siya ng tingin at inirapan.

Inis na inis akong naglalakad papunta sa next class ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Connor pagkaliko ko. Yung pagka-kunot ng noo ko biglang nawala na parang magic when we both blocked each others way.

He chuckle, "Go, ikaw muna." He said sweetly. Oh my gosh heart kalma lang! Ngumiti lang siya.

Napabuga ako ng hangin at kinakalma ang sarili sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Pa-simple akong sumulyap kay bebe Connor ko na kausap yung kaibigan niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan yung ngiti na gustong-gusto maging visible sa mukha ko.

Hindi pa rin ako makapag move-on doon sa kanina na nangyari!

Pansamantala tuloy nawala ang inis ko. He's the best medicine ever talaga. At wala pa rin siyang kupas. Buti pa si Connor, napaka-humble kahit na famous siya dito sa school unlike doon sa na-meet ko kanina.

Napa-irap na lang ulit ako noong maalala ko ulit yung lalaki doon sa may rooftop. Kumukulo talaga dugo ko sa lalaking 'yon at hindi ko siya makalimutan. Siya kasi literal na nagpa-bad vibes sa akin ngayong araw na 'to.

Connor Anderson is in the soccer team and also a student council, gwapo, mayaman, mabait n'at matalino pa, that's why noong high school kami nagka-isyu kami.

I once wrote him a letter at inilagay 'yon sa may locker niya but then kaibigan niya yung nakabasa ng letter tapos ipinagkalat pa 'yon doon sa dati naming school na may gusto ako sa kanya. Buti sana kung kami-kami lang pero may mga admirers din kasi si Connor kaya 'yon na-bully ako noong mga time na iyon.

Kasi nga may gusto ako kay Connor Anderson ang school heartthrob doon sa school namin dati. Hanggang ngayon pa rin naman may mga admirers pa rin naman siya dito. Pero hindi na gaano masyado madami gaya ng dati.

We became friends simula noong na-issue kami, and I can say na he was really a pure gentleman and I swear! All package na din talaga siya. Sweet, smart, charming, talented tapos magandang lalaki pa.

Bumaling sa direksyon ko si Connor, kaya muntik ko na makalimutan ang huminga. Ganito talaga kalakas ang epekto ni Connor sa akin. Hindi ko mapigilan yung ngiti ko nang kinawayan niya ako habang nakangiti siya sa akin.

Yung puso ko sobrang bilis sa pagtibok tuwing nginingitian ako ni Connor ng ganyan. Grabe kasi talaga yung pagka-kilig ko kung alam niya lang.

Pero nawala 'yon noong makita ko yung lalaki doon sa may rooftop, mabilis siyang dumaan sa harapan ko na parang hangin lang siya kung tutuusin.

"O.M.G! Si Chase!"

"Hi, Chase!"

"Sarap magpalahi d'yan kay Chase, gandang lalaki."

Napakurap ako ng marinig ko sa iba yung pangalan no'n. Siya pala yung sinasabing Chase?

Habang tinitignan ko siya sa malayuan, hindi ko maiwasan na isipin na he do walk like a Prince. Dahil sa posture niya na parang model sa isang runway show.

Nilagpasan niya yung mga babaeng bumati sa kanya at hindi pinansin o nginitian man lang gaya ni Connor kanina. Kaya napailing na lang ako. Snobber.

Noong mag-uwian ay agad akong nauna lumabas ng pinto, "Uwing-uwi ba Kaylle?" Natatawang sita ni Carlo sa tabi ko.

"Gusto ko na matulog. Inaantok ako. Hindi ako nakatulog ng maayos." Sabi ko pero umiling ito, "Stalk pa kasi sa crush mo," asar niya sa akin kaya agad naman nag-init pisngi ko at inirapan siya pero tumawa lang yung loko! Bully ang hauf!

"Pero payong kaibigan lang, tama bestfriend mo. Huwag kana doon kay Anderson reto na lang kita sa kaibigan kong si Zion." Sabi niya kaya natulak ko siya. Mahina lang 'yon, pero sana nilakasan ko. Isa rin kasi itong bugaw na akala ko kakampi ko, pero may sarili rin pa lang reto sa akin. Grabe hindi naman ako jowang-jowa eh!

"Mag boyfriend at girlfriend nga kayo ni Zeah pareho kayong bugaw, nakakainis!" Tawa naman ito ng tawa sa tabi ko.

Nagpaalam si Carlo noong maghiwalay kami ng daan lumiko kasi siya papunta sa building ng mga Engineering, kaya napailing na lang ako at nauna na sa kanilang umuwi.

Habang naglalakad ako palabas natanaw ko si Tita na nakatayo hindi kalayuan sa mga street foods na nagkalat dito tuwing hapon. Hinihintay niya siguro yung uwian ng anak niya?

"Hi, Tita!" Masayang bati ko. Ngumiti siya ng makita niya ako.

"Kaylle, how's your first day of school?" Tanong niya sa'kin. "Well, sa totoo lang Tita may mayabang akong na-meet kanina doon sa may rooftop grabe ang kayabangan niya super nakakainit ng dugo!" Sa totoo lang gusto ko 'yan sabihin pero pinigilan ko.

"Ayos lang. Medyo nakakapagod nga lang po." Nakangiting sabi ko. Napatango naman siya.

Nilibre niya ako ng mga street foods na nagkalat dito, habang nag ku-kwento sa anak niya at sa asawa niya. "Saktong nakita kita, I was planning to introduce you to my Son and here he is, Chase!" WHAT?!

Son? Akala ko daughter? Akala ko babae anak niya! Atsaka sino? Chase?! Agad nanigas yung katawan ko. No! This can't be. Hindi naman siya si Chase na naiisip ko 'di ba? Marami namang Chase sa mundo pero...

Damn it!

"What's with the face Chase? Hindi ka ba masaya sa unang araw mo dito?" Tanong ng Mama niya sa kanya. Hindi ko pa rin siya binabalingan ng tingin. Dahil AYOKO!

"Can we just go?" Iritadong sabi niya sa Mama niya na gusto na talagang umuwi. His voice sounds tired and bored at the same time? Saka, Mama na nga niya kausap niya ang sungit niya pa rin.

"Wait! Chase, I'm going to introduce you to Kaylle," ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

I know he was staring kaya nga hindi ako makagalaw pero nag lakas loob pa rin akong binalingan siya ng tingin.

Bakit ba ako natatakot sa kanya? Eh, siya naman yung nag bibintang na may gusto ako sa kanya! Siya yung makapal ang mukhang nagsabi no'n. He stared at me blankly habang nakapamulsa ang kaliwang kamay sa pants niya when his eyes met mine agad itong nagsalita.

"So, it's you again." He smirked, bago ibaling sa ibang direksyon ang tingin.

Blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. I can't even lie at sabihin na pangit siya sa paningin ko kasi... Yung mukha niya ang flawless, walang ka-pimple-pimple.

Wala nga ata 'tong ka-pores-pores kung titingnan mo nang malapitan. He looks like an actual angel sa ganda at perpekto nitong mukha. He looks so innocent na parang lamok hindi niya kaya patayin. But, naah! Cut the crap!

I know he's definitely a devil! Looks can be so deceiving sometimes at alam ko rin na he know how to charm people with that face kung gugustuhin man niya.

But that face won't work on me. Trust me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status