Share

Chapter 7: Part II

Nakaramdam ako ng ginaw kaya naman iniangat ko yung kumot at itinaklob sa buong katawan ko. Kailan ba naging malambot ng ganito kama ko? Marahan akong napadilat at napatingin sa hinihigaan ko. Kailan pa naging puti ang kobre ng kama ko? Inalis ko ang pagkakataklob ko sa katawan ko at ginala ng mga mata ko ang paligid. Napatingin ako sa puting kurtina na nakabukas at kita doon ang buong syudad kaya napabalikwas ako ng bangon kahit na parang binibiyak yung ulo ko sa sakit.

"Nasaan ako?" Bulong ko sa sarili habang sapo ko ang ulo ko. Napatingin rin ako sa suot ko. Hindi ito ang damit ko!

Pinakiramdaman ko sarili ko kung may masakit ba pero wala akong maramdaman! Tanging ulo ko lang.

Noong nakalabas ako ng kwarto agad sumalubong sa akin ang nakatalikod na lalaki na nasa may kusina at hindi ako pwedeng magkamali kung sino iyon. Dahil likod pa lang mukha ng Prinsipe.

Agad itong lumingon sa direksyon ko noong naramdaman niya ang presensiya ko. Nagpupunas na ito ngayon ng basa niyang kamay.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status