Sa gitna ng katahimikan, humakbang si Richard—mabigat, mahinahon, ngunit may dalang nakakakilabot na presensya. Tulad ng isang hukom sa gitna ng silid ng paghatol.Takot na takot si Tiffany. Hindi na siya makapagsalita. Ang dating mayabang at malupit na babae, ngayo'y parang batang naiwan sa gitna ng kagubatan, nakaharap sa isang halimaw."Wa-wait… please…" nauutal niyang sabi habang umatras, halos hindi na makatayo nang tuwid. "Patawad na… hindi ko na uulitin. Pakiusap…"Huminto si Richard sa harap niya. Tumingala si Tiffany, nanlalaki ang mata, umaasang may kahit katiting na awa ang lalaki.Pero malamig ang titig ni Richard. Walang pakiramdam. Walang awa."Humingi ka ng awa?" malamig niyang sabi, bahagyang umiling. "Naawa ka ba sa asawa ko kanina? Nang binugbog mo siya habang hindi siya makalaban? Nang sisipain mo ang tiyan niya kahit namimilipit na siya sa sakit?"Hindi nakasagot si Tiffany. Nanginginig siya, humahagulgol.Pak!Isang kabilaang sampal ang tumama sa pisngi ni Tiffany
Nagtaas ng kilay si Richard. Sa pagkakabangga ng katawan, sa tibay ng paa, sa hugis ng kamao—hindi ito amateur. 'Properly trained. At least may sense,' bulong niya sa sarili.Boom!Sumugod si June—isang mabilis na right hook!Whoosh!Tumagilid si Richard at eleganteng naka-iwas, parang sayaw ang bawat galaw niya, matipid ngunit epektibo.Tumawa si Tiffany. "Aha! Huwag kang masyadong magyabang! Ilang beses nang naging champion si June sa underground boxing!" pagmamalaki niya habang pilit na bumabangon.Napailing si Lexa bago napabuntong-hininga. "Totoo 'yon… undefeated si June. Bagaman natalo ng lalaking ito ang dalawang alipores ni June..." huminga siya bago nagpatuloy. "June is different... He's the real deal."Nagpatuloy sa pagsugod si June.Straight punch, umatras si Richard.Uppercut, umatras at umikot si Richard.One-two combo, nag sidestep si Richard.Nanatiling composed si Richard, parang hindi napipilitang lumaban. Tahimik lang habang ang mata'y nakatutok, di kumukurap."Ano b
Sa mabilis na hakbang, lumitaw si Richard sa harap ni Tiffany. Nagulat at natakot si Tiffany, napahakbang siya paatras pero—Pak!Isang mabilis at malakas na sampal ang bumagsak sa pisngi ni Tiffany.Natigilan si Lexa. Namutla ang grupo ni June. Lahat ay parang natulala sa ginawa ng bagong pasok na lalaki. Hindi sila makapaniwala—isang estranghero, may suot na mamahaling coat at may presensya ng isang hari, ay bigla na lang sumugod at sinaktan si Tiffany sa harap ng lahat.Pak! Isa pa.Ang kamay ni Richard ay mabilis, matalim, parang bakal. Wala siyang pasintabi, wala siyang sinayang na salita. Galit ang nasa kanyang mga mata, malamig na para bang walang puso. Ang bawat hampas niya ay parang hatol.Pak! Pangatlo.Ang dating dominante at puno ng yabang na si Tiffany, ngayon ay namumutla. Ramdam niya ang bawat hampas ni Richard, bawat bagsak ng palad nito sa kanyang mukha ay parang binubura ang kanyang pagiging malakas.Pak! Pang-apat.Hindi niya maintindihan. Bakit parang hindi siya ma
Ngunit ilang segundo ang lumipas, at walang sumapit na sakit. Walang basag. Walang dugo.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, at nakita si Tiffany—nakatitig sa kanya, nakangising parang demonyo, nilalaro-laro ang bote sa kanyang mga kamay.Tumawa si Tiffany. Isang masayang halakhak na tila lumabas sa impiyerno. Umiling siya habang nakatingin sa bote."Hindi ito pwede," bulong niya, bago marahang inilapag ang bote sa mesa sa tabi. "Baka mamatay ka. Sayang naman, wala na akong laruan kung ganoon."Tumingin siya pabalik kay Fae, nakita ang malinaw na takot sa mga mata ng babae. Lumapit siya, inilapit ang mukha sa kay Fae at mariing sinabi, "Oh? Tuluyan na bang nawala ang tapang mo? Bakit parang nagmamakaawa ka na para sa buhay mo?"Tumawa siya muli at umiling. "Too late, my dear... I'm just getting started."Pak!Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Fae. Napalingon ang ulo ng babae, at tila sumabog ang init sa kanyang pisngi.Habang abala si Tiffany sa pananakit kay Fae,
Hindi pa rin tumigil si Tiffany sa marahas na paghampas kay Fae. Dilat ang mga mata niya, puno ng galit, habang sinasalubong ng kanyang palad ang mukha ni Fae na halos wala nang magawa kundi itakip ang kanyang mga braso bilang tanggulan."Hindi ka pa nadadala. Akala mo kung sino kang matapang!" sigaw ni Tiffany habang sunod-sunod ang sampal niya, parang baliw.Hindi na kinaya ni Lexa ang eksena. Halos mawalan na siya ng boses sa kasisigaw at pag-iyak. Sa sobrang poot at takot para kay Fae, bigla siyang nagpumiglas. Nakawala siya sa pagkakahawak ng dalawang lalaking kanina pa'y nakangisi at tila nanonood ng palabas."Hoy!" sabay na sigaw ng dalawa nang mapagtantong nakawala si Lexa, ngunit huli na—tumakbo na si Lexa at buong lakas na itinulak si Tiffany.Tumalsik si Tiffany sa gilid habang si Lexa ay dali-daling inalalayan si Fae. "Fae, ayos ka lang?" garalgal ang boses ni Lexa, nanginginig at puno ng pag-aalala.Ngunit sa halip na magtigil, lalo pang nagngitngit si Tiffany. "Lexa!" si
Tumigil sa ere ang paa ni Tiffany. Napalingon si June. Pati ang dalawang lalaking humahawak kay Lexa ay natigilan.Ngumiti si June.Isang mapanganib na ngiti, puno ng tagumpay at pagnanasa.Biglang tumawa si June, isang mababang tawang tila nanunukso. "Ha? Ano 'yan? Pwede mo bang ulitin, Lexa?" tanong niya, may halong pag-aalipusta.Napakagat sa ngipin si Lexa at muling inulit ang kanyang sinabi. "Papayag na akong magpakasal sa'yo… pakawalan mo lang si Fae…"Tumawa muli si June, mas malakas at tila baliw. Umiling siya habang sinisilip si Lexa mula ulo hanggang paa. "Too late, Lexa."Bigla, nagsalita si Tiffany, malamig ang boses at walang emosyon sa mukha. "Ako ang magdedesisyon kung titigil ako o hindi." Yumuko siya ng bahagya, tinitigan si Fae na tila sinusukat. "Gusto ko 'tong babaeng 'to. May tapang at matatag siya. Mukhang tatagal siya bilang laruan ko."Napasinghap si Lexa, natigilan sa narinig. Agad siyang lumuhod at nakiusap kay June, ang boses niya'y nagsusumamo. "June… pleas
"Ha?"Isang boses ng babae ang biglang narinig, may halong gulat at pagkamangha. Kasunod nito ay mga mapanunuyang salita."Totoo ba 'tong nakikita ko? Talagang sinampal ka lang ng gano'n-gano'n, June?"Napalingon ang lahat sa entrance ng café. Isang babae ang papasok—naka-high heels, at bawat hakbang niya ay may 'click' na tunog sa sahig. Mapupula ang kanyang labi, makapal ang foundation sa mukha, at sobrang haba ng mga pilikmata. Umaalon ang kanyang balakang sa bawat hakbang.Naglakad siya papunta sa grupo.Nakilala siya agad ng grupo ni June—pati na rin ni Lexa. Ngumisi si June, pero hindi nagsalita.Huminto ang babae sa harap nila at walang kahirap-hirap na in-scan si Fae mula ulo hanggang paa, bago tumingin kay June."Hindi ko akalaing dito ka mabubully," panunuyang sambit ng babae.Ngumisi si June, bago nagbitaw ng sagot."Tiffany, alam mo namang ako ang laging binubully ng mga babae. Kailanman, hindi ako nananakit ng babae."Napansin ni Fae ang bahagyang pagsimangot ni Lexa. "Si
Malamig na tumingin si Lexa sa lalaki."June," aniya, walang kahit kapirasong saya o gulat sa kanyang tinig. Tila awtomatikong nanigas ang kanyang mga balikat, at ang dating ng kanyang mga mata'y malamig gaya ng hangin sa aircon ng café.Ngumisi ang lalaki, bahagyang tumingala't nilingon si Fae bago muling ibinalik ang mapang-akit ngunit bastos na tingin kay Lexa."Lexa, mahal kong fiancée," aniya, kunwa'y may lambing, pero halatang may banta ang bawat salita. "Lagi kitang hinahanap—hindi ko akalaing dito kita matatagpuan. Sakto, na-miss kita."Bahagyang sumimangot si Lexa, mariin ang paghinga. "Wala tayong usapan. Hindi ako pumayag sa ayos na 'yan. Ilang ulit ko na bang sinabi sa'yo—hindi ako sayo."Umirap si June at lumapit pa lalo sa mesa, halos sakupin na ng kanyang katawan ang personal space nina Lexa at Fae."Tigilan mo 'yan, Lexa," aniya sa mataas na boses na kumuha ng pansin ng iba pang mga customer. "Matagal nang naayos ang desisyong 'to. Ang mama mo at parents ko... Ayos na
Ang tumatawag ay walang iba kundi ang kanyang step mom, si Glenda.Napairap si Faerie. Hindi na siya nag-abala pang sagutin at agad na dinecline ang tawag. Tumungo siya sa contacts at hinanap ang pangalan ni Richard.Bago pa niya mapindot ang "call," muling tumunog ang telepono at nakitang tumatawag na naman si Glenda.Napabuntong-hininga si Fae. Ayaw niyang masira ang hapon, pero tila hindi siya titigilan nito. Sa huli, wala siyang nagawa at tinatamad na sinagot ang tawag."Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong."Fae! Sinasabi ko sa'yo, umuwi ka sa bahay at pakasalan mo na si—"Hindi na tinapos ni Faerie ang pakikinig. Walang gana at suya na siyang pinindot ang end call. Wala siyang oras makinig sa kalokohan ng babaeng ito. Mas mabuti pang pabayaan na lang niya.Ngunit hindi pa man siya nakakahinga ay muling tumawag si Glenda.Decline.Isa, dalawa, tatlong beses pa ulit. Hanggang sa nainis na si Faerie at sinagot ulit ang tawag, ngunit ngayon ay mas malamig ang kanyang tinig."K