At a young age, Faerie White feels less than free. As the oldest daughter of the struggling White family, she is used to being trampled on by her powerhungry father, her jealous stepmother, and her wicked half-sister-all those would-be conquerors within the family. With her dear mother literally hanging onto life and with imminent financial ruin hovering over the family like a dark storm cloud, Fae is given an icy ultimatum: either marry a notorious first-class playboy or subject her own mother to wait until medical attention comes to a standstill. But then, life has a different direction that it can take her. Richard Gold is the wheelchair-bound heir no one takes seriously. Fae sees something else in him: a man with fire behind those silent eyes. In an offer that has him proposing a marriage of convenience and also offering to cover her mother's medical expenses, Fae produces a life-altering decision. What she doesn't expect, however, is that Richard's secret power isn't the hobbled recluse that everyone assumes that he is. He hides from a world that determines his worth purely based on his status as the secret power behind a multi-billion empire. Unknowingly, Fae has married the king of it all. As she evolves from drowning daughter to dominating wife, Fae learns to wield power in her own right. Taking on corporate espionage, family betrayal, and identity theft in the heat of a high-end kitchen. Through love, lies, and freedom wars, she destroys all the lies that once chained her down. But when the ultimate secret drops-about her real father and the fortune she is about to inherit the enemies come rising from every corner and even love will have to be put to the test.
View More"Faerie White, sinasabi ko sa 'yo—kung hindi ka magpapakasal kay Mr. Lenard, maghanap ka na ng paraan para mabayaran ang bills ng ina mo sa ospital!"
Kinuyom ni Fae ang kanyang kamao, pilit pinipigil ang matinding emosyon na nararamdaman. Si Faerie White, ang panganay na anak ng mga White sa Makati City, ay isang babaeng kilala sa kanyang tahimik ngunit matatag na paninindigan. Ngunit kahit ganoon, mahirap manatiling kalmado sa gitna ng ganitong uri ng pang-aalipusta. Ang pamilya White ay isang second-rate household sa mundo ng mga elitista—nagsusumikap makisabay ngunit laging nasa ilalim ng anino ng mas makapangyarihang pamilya. "Tita Glenda!" singhal ni Fae sa babaeng nakatayo sa harap niya—si Glenda White, ang kanyang mapagkunwaring stepmother. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang playboy!" Tumawa si Glenda. Isang malamig at mapanuyang tawa. "Akala mo ba may pagpipilian ka?" muling banta ni Glenda. "Kung ayaw mong malagutan ng hininga ang mahal mong ina, mas mabuti pang sundin mo kami. Si Mr. Lenard Avila ang sagot sa lahat ng iyong problema." "Ate, 'wag ka nang makulit," singit ni Geraldine White, ang kanyang half-sister. Bata pa lamang sila, tila hindi na nawala ang inggit sa mga mata nito. "Mabait na nga si Mommy, hindi agad pinutol ang bayarin sa ospital. At isa pa, mayaman na, gwapo pa si Mr. Lenard! Bihira na ang gano'n!" "Kung gusto mo pala siya," sagot ni Fae na puno ng pangungutya, "bakit hindi ikaw na lang ang magpakasal?" Napangiwi si Geraldine sa inis, pero agad pinigil ang sarili. "Alam mo, Ate, blessing 'to sa 'yo. Pagpapala kung pakakasalan mo si Mr. Avila." Ngumisi si Fae, bakas ang pang-aasar sa kanyang tinig. "Mahal kong kapatid," aniya, "kung nakikita mong pagpapala si Lenard, bakit hindi mo siya angkinin at itanan?" Napapadyak sa inis si Geraldine at tinapakan ang paa sa sahig bago humawak sa braso ni Glenda na tila isang batang nagsusumbong. "Mommy!" reklamo ni Geraldine, habang nakakunot ang noo. Tinapik ni Glenda ang kamay ng anak at muling humarap kay Fae, ang kanyang tinig ay malamig at puno ng pananakot. "Kung magiging matigas ka, Fae, huwag mo akong sisisihin sa pagiging malupit at sa kung ano ang magagawa ko!" Hindi sumagot si Fae. Sa halip, dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang ama—si Henry White—na nakaupo lamang sa single sofa, abalang-abala sa binabasang diyaryo, tila ba walang naririnig o wala siyang kinalaman sa pamilyang ito. "Dad…" tawag ni Fae sa kanyang ama, bahagyang nanginginig ang tinig. "Hahayaan mo na lang ba siyang putulin ang bayad sa ospital ni Mama?" Tinuro niya si Glenda, galit ang mga mata. "Pamilya natin siya—ang nanay ko! Asawa mo!" Tahimik si Henry. Nag-cross legs pa ito bago dahan-dahang iniangat ang tingin mula sa diyaryo. "Si Glenda ang nag-aasikaso ng bagay na 'yan. Siya ang may huling salita." Mula sa gilid, ngumisi si Glenda—isang ngiting puno ng tagumpay, na para bang hawak niya sa leeg si Fae. "Fae, anak…" panimula niya sa mapagkunwaring tono. "Alam kong hindi kita tunay na anak, at hindi ka galing sa laman ko, pero nagmamalasakit pa rin ako sa 'yo. Kaya nga hinihiling ko na pakasalan mo si Mr. Avila. Para sa ikabubuti mo." Tumawa si Fae—isang tawang may kirot, panunumbat, at galit. "Para sa ikabubuti ko o para makontrol n'yo ako?" Aninag sa kanyang mga mata ang init ng damdamin. "Sa tingin n'yo ba hindi ko nakikita ang mga tunay n'yong motibo?" Humakbang siya palapit, ang boses ay mariin at puno ng paninindigan. "Galit ako—pero sinasabi ko sa inyo ngayon… hindi n'yo ako mapipilit na gawin ang gusto n'yo." Pinandilatan siya ni Glenda bago sumigaw, "Baka nakakalimutan mo, Fae! Dating asawa lang ang nanay mo! At ako—ako ang kasalukuyang asawa ng ama mo!" Ngumisi si Fae, matalim at walang bahid ng takot. "Kung hindi mo inahas ang ama ko, hindi sana nasira ang pamilya ko!" Tumawa si Glenda, saka nag-cross arms. "Hindi ko kasalanang mas maganda ako sa ina mo. Nahulog si Henry sa 'kin—yan ang totoo!" "Sadyang wala ka lang kahihiyan, Glenda!" bulyaw ni Fae. "Anim na taon lang ako nung ahasin mo ang ama ko! Naging mabait pa ang nanay ko sa 'yo—pinatuloy ka sa bahay bilang kasambahay noon!" Tumango siya, nanunuya. "At ngayon, 26 na ako… at nagmamayabang ka pa sa harap ko—sa bahay na ito, kung saan dapat ikaw ay tagasilbi lamang!" "Tagasilbi?" anang ni Glenda, tinaasan siya ng kilay. "Kasalanan bang mahalin ko si Henry?" "Wala kang utang na loob!" mabilis na sabat ni Fae. "Matapos kang kupkupin ng nanay ko, ganito ang isusukli mo?!" Ngumisi si Glenda. "Well, hindi ko kasalanan na tanga ang nanay mo. Nagpatuloy siya ng isang magandang dalaga na mas masarap kaysa sa kanya—" "Hindi tanga ang nanay ko!" sigaw ni Fae, nanginginig sa galit. "Malandi ka lang talaga!" Nanlaki ang mata ni Glenda, itinaas ang kamay at papalapit na ang sampal— Pero naharang ito ni Fae. At bago pa siya maka-react—SLAP! Isang mabilis na backhand slap mula kay Fae ang dumapo sa pisngi ni Glenda. Nagulat si Glenda, hindi makapaniwala sa lakas at bilis ng mga pangyayari. Pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon makabawi. Malamig ang tinig ni Fae. "Hindi mo magagawa ang gusto mo sa akin, Glenda. Hindi mo ako maipapakasal kay Lenard. Gagawa ako ng paraan… Ako ang magbabayad ng bills ng nanay ko sa ospital!" Tumalikod siya, walang lingon, at marahas na binuksan ang pinto ng villa. Wala siyang pakialam kung sumigaw man si Glenda mula sa loob. "Walang hiya! Bumalik ka rito!" sigaw ni Glenda, nanginginig sa galit. Ngunit hinawakan siya ni Geraldine sa braso. "Mommy… putulin na lang natin ang bayad sa ospital, tignan natin kung hindi siya babalik na luhaan at luluhod habang nagmamakaawa." Huminga nang malalim si Glenda, ang mga mata'y halos lumabas sa galit. "Itong babaeng ito… Lalong tumigas mula nang bumalik siya sa bahay na ito! Hindi ako papayag na maging hadlang siya sa mga plano ko! Kailangan niyang tuluyang mawala!" Ikinuyom ni Glenda ang kanyang kamao, waring pinipigilan ang sarili na sumabog. .... ... Sa labas ng villa... Paglabas ni Fae, biglang nawala ang tapang niya. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Napahinto siya sa tapat ng gate, at saka umiling-iling habang nakataas ang kilay at nakakunot ang noo. "Ano bang ginawa mo, Fae?" bulong niya sa sarili. "Ginalit mo pa si Glenda! Saan ka naman ngayon kukuha ng pera?! Akala mo siguro angas lang ang sagot sa lahat?!" Pinatong niya ang isang kamay sa noo, mistulang kinakausap ang sarili na parang baliw sa kalye. "Magaling ka, eh—‘Hindi mo ako mapipilit!' Oh, edi wow, paano ngayon ang hospital bills, ha?! Magbebenta ka ng kidney? Magbenta ka ng kaluluwa?" Habang naglalakad siya paalis, nagpatuloy ang sarcastic inner monologue niya. "Bravo, Fae. Palakpakan. Sinampal mo pa si Glenda, baka bukas headline ka na sa tabloid: ‘Matandang ginang, sinampal ng anak-anakan!'" Ngunit napahinto siya bigla nang may mapansin sa kabilang kalsada. Isang matandang lalaki, matikas pa rin sa edad, nakasuot ng barong at may hawak na baston. Sa tabi nito ay isang lalaking nasa wheelchair, seryoso ang mukha, tahimik lang habang nakatitig sa kawalan. May hawak na karatula ang matanda. "BABAYARAN KO NG MALAKING HALAGA KADA BUWAN ANG KUNG SINO MANG MAGPAPAKASAL SA AKING APO." Napataas ang kilay ni Fae. Napatitig. Hindi alam kung matatawa o maiintriga. Napangiti siya nang bahagya. Tumingin sa langit, saka bumaling sa dalawa. "Hmm… interesting." At humakbang siya papalapit.Sa ApartmentBumangon si Fae habang napangiwi. Masakit ang buo niyang katawan, lalo na ang ibabang bahagi. Napatingin siya sa gilid ng kama at napansin na wala na si Richard. Sa side table, may iniwang maliit na notes. Kinuha niya ito at binasa:"Tumawag si Mr. Gold, may urgent. Nag-prep na ako ng breakfast mo, kumain ka diyan. Di mo na rin need umalis ng bahay. Hintayin mo na lang, may maghahatid ng trabaho mo. I love you, Hon. —Richard."Napangiti si Fae matapos basahin, sabay iling."Kaya ko namang pumasok…" bulong niya sa sarili, sabay pilit na tumayo. Pero nang makaangat ng bahagya, agad siyang napakapit sa gilid ng kama. "Aray…" ungol niya at napakagat sa labi. Masakit.Napilitan siyang bumalik sa kama at marahang kinuha ang kanyang undies. Habang isinusuot ito, napatingin siya sa bedsheet at nakita ang bakas ng dugo. Napangiti siya at umiling habang marahang tumayo para kumuha ng shorts at damit. Kinuha niya ang bedsheet, itinupi iyon at inilagay sa laundry basket.Matapos ayus
Gold Prime Enterprises, President's OfficeBumukas ang pinto at pumasok si Richard, diretso sa loob. Naroon na si Kevin, na agad siyang sinalubong."Sir," bati ni Kevin. "Maaga po kayong dumating.""Anong nangyari, Kevin?" tanong ni Richard, diretso sa punto."Ganito, Sir," panimula ni Kevin, sabay abot ng tablet na may nakabukas na mapa ng isang lupain. "Matagal na po nating minamanmanan itong lote sa West Valley—'yong may access sa bagong expressway at may natural spring sa loob ng boundary. Target po natin ito mula pa noong isang taon. Alam nating hindi ito pipitsugin, kaya hinihintay talaga natin ang tamang panahon... ngayon na sana 'yon."Tumango si Richard. "Auction ngayong araw, diba?""Opo, Sir. Ala-una ng hapon ang simula. Akala po natin madali na lang, dahil wala namang kumukontra o nagpapakita ng interest nitong mga nakaraang buwan. Kaya hindi niyo na rin masyadong pinansin sa schedule niyo."Nagbago ang tono ni Kevin, naging mas mabigat. "Pero kanina po, may nakuha tayong
Natigilan si Richard. Sandaling katahimikan. At biglang humagalpak siya ng tawa. Napahawak siya sa tiyan habang napapailing. "Grabe ka naman!" sabay tawa pa rin. "'Yun pala iniisip mo?" Napangiti si Fae sa hiya, napayuko. Umiling si Richard at marahang humaplos sa pisngi ng asawa. "Nirerespeto lang talaga kita, Fae," malambing niyang sabi. "Alam kong hindi ka casual na babae. Alam kong mahalaga sayo 'to. Kaya naghintay ako." Napatitig si Fae kay Richard. Ramdam niya ang sinseridad sa bawat salita. Walang halong biro. Puro totoo. "Mahal kita, Fae. Hindi dahil sa kung anong kaya mong ibigay… kundi dahil ikaw 'yon." Nahiya si Fae. Tumango siya, dahan-dahan, bago muling napayuko. Ngumiti si Richard at pabirong tinanong, "Ano, naniwala ka rin ba sa mga sabi-sabing sa lalaki daw ako naa-attract? Na mas masaya ako kapag lalaki kasama ko?" Lalong namula si Fae. Napayuko siya pero tumango, ilang ulit. Napailing si Richard, ngunit ngumiti. "Meron akog dahilan." Tuming
At sa loob ng ilang segundo, walang sinuman ang nagsalita. Ang tanging naririnig ay ang mabilis na tibok ng kanilang mga puso. Ang mainit na hininga na tila sumisingaw mula sa pagitan ng kanilang magkalapit na mukha.At sa isang iglap—Tuluyan nang bumigay si Richard.Dumulas ang kanyang kamay sa gilid ni Fae, marahan, parang sinusuyong ulit ang kabuuan nito. Muling nagtagpo ang kanilang mga labi—ngayon ay mas mapusok, mas totoo, mas uhaw. Hindi na ito isang aksidente. Isinandal niya ang palad sa pisngi ni Fae habang hinahalikan ito nang mariin.Napapitlag si Fae, ngunit hindi na niya nagawang itulak ang asawa. Sa halip, unti-unti nang nalulusaw ang paninindigan niyang kumawala. Ang dating mahigpit niyang paghawak ay napalitan ng malambot na pagyakap. Niyapos niya si Richard sa leeg, hinila palapit, at buong puso nang gumanti sa halik.Mainit ang kanilang halikan—may kahalong sabik, may pananabik na tagal nang kinikimkim. Ang mga palad ni Richard ay maingat na humahaplos sa likod ni F
Pumasok si Richard—basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa kanyang baywang. Tumulo ang mga patak ng tubig mula sa kanyang ulo, bumabagtas sa matipunong leeg, dumadaloy sa malapad na balikat at humuhubog sa mga pandesal niyang abs.Lumingon si Fae. At natulala.Para siyang napako sa kinauupuan. Napakagat siya sa labi, biglang nakaramdam ng init sa kabila ng malamig na hangin mula sa bentilador. Tila nag-slow motion ang lahat—ang bawat patak ng tubig na gumuguhit sa dibdib ni Richard, ang pag-angat ng kamay nito para punasan ang buhok gamit ang tuwalya, at ang malalim nitong paghinga habang naglalakad papunta sa cabinet.Sa kabilang linya ng telepono, rinig pa rin ang boses ni Vivian."Fae? Babe? Hoy?!"Walang sagot si Fae. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makagalaw.Ang mata niya, halos hindi kumukurap habang sinisipat ang bawat detalye ng katawan ng asawa—ang hubog ng abs, ang hiwa ng obliques, ang makakapal at matipunong braso. Mapupungay na umikot ang
Nanatiling tahimik si Fae."Narito pa," bulong niya, halos parang lamok ang tinig.Sa totoo lang... na-imagine niya ang sarili niyang ginagawa ang ideya ni Vivian.Sa loob ng utak niya, biglang umikot ang eksena—naka-oversized white shirt siya, walang kahit anong suot sa loob. Bahagyang basa ang buhok, parang bagong ligo. Naupo siya sa harap ng salamin, nagsusuklay. Si Richard, nasa likuran niya, nakaupo sa kama, bagong ligo rin at naka-boxers lang. Tahimik itong nanonood habang dahan-dahan siyang nagsuklay, ang tela ng suot niya ay bahagyang humuhulma sa kanyang katawan.Napalunok si Fae sa sariling imahinasyon."Babe, hindi pa ako tapos!" sigaw ni Vivian mula sa kabilang linya, masigla.Nagpatuloy ito, "Ganito pa, imagine mo to. Nakahiga si Richard sa kama, pagod. Tapos ikaw, sis... ikaw naman biglang lalabas ng banyo. Pero hindi ka naka-pambahay. Naka-lingerie ka—black lace, yung manipis, yung halos walang tinatakpan kundi dangal. May robe kang manipis, pero hindi mo sinara. Naglal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments