Share

Chapter 14

CHAPTER 14

Miguel's POV

"What do you think you are doing?" Kinabahan ako at halos mapatalon ako sa takot ng marinig kong magsalita si Daddy.

Napaka-seryoso nito at para akong pinapatay sa tingin niya. Ginagamit lang niya ang tono ng pananalita na ito kapag may kasalanan kami ni Kuya Carlo tapos wala kaming balak umamin o mas mabuting sabihin, ginagamit niya ang tono na ito kapag may bahid na ng galit sa kanya.

"Answer me, Miguel."

Halos mapaatras ako sa pagkakasabi ni Daddy. Patay ako, alam kong galit na ito dahil tinawag na ako sa pangalan ko. "D-dad?" Nauutal kong sabi dahil diko alam kung anong sasabihin ko.

Kita ko na ngayon ang galit kay Daddy dahil sa pagtiim-bagang nito. Mula sa magkasalubong na kilay at ang matulis nitong tingin sa akin.

"Is this the reason bakit ka nanginginig kanina? Ito rin ba ang dahilan kung bakit ka ganoon makatingin sa akin?" Hindi ko alam ang sasabihin ko, napayuko na lamang ako habang nanginginig na napayakap sa sarili ko.

"Dad?" Nanginginig kong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status