Share

Kabanata 2

RYLEIGH POV

“Aalis ka ba, Ryleigh? Ngayong gabi ang laban namin, hindi ka ba manonood?” Nagtatakang tanong ni, Zamara sa akin. 

Seryoso ko naman siyang tinignan tsaka ako sumagot. “Kaya niyo na 'yan. May importante pa akong aasikasuhin.” Seryosong sagot ko.

“Ikaw ang bahala”

Tinanguan ko nalang si, Zamara at tsaka ako lumabas ng hide out.

Paglabas ko ay kaagad akong sumakay sa motoe ko. Balak ko kaseng puntahan si, Seannah ngayon.

Ako si Ryleigh Devara, ang childhood best friend ni Seannah. Mula pagkabata namin ay alam ko na kung ano ang naging takbo ng buhay niya.

Lagi akong naaawa sa kaniya, pero niminsan hindi manlang siya naawa sa sarili niya. Hindi niya iniinda ang bawat pananakit sa kanya. Palagi siyang ngumingiti na akala mo ay palagi siyang maayos.

            

****                              

PAGKARATING ko sa palasyo ay kaagad kong hinanap si, Seannah sa mga katulong nila dito sa palasyo.

"Nandoon po siya sa kwarto niya." Nakayukong sabi sa akin ng isang katulong dito sa palasyo kaya naman tumango ako bilang pagtugon.

Ito ang tinatawag na Mafia Palace. Hanggat ang mga magulang ni Seannah, ang tumatayong Mafia Queen at Mafia King, kanila ang palasyo. Halos buong Maravilla at Mollenas nalang yata ang tumitira dito. Palagi kase na napupunta sa kanila ang trono. Wala naman umaangal lalo na dahil talaga naman na magagaling sila. Palagi silang lumalaban at palagi silang may panlaban.

    

                  

PAG-AKYAT ko sa kwarto ni Seannah, ay kaagad akong pumasok. Naabutan ko siyang nakaupo sa upuan, tapat ng veranda habang pinagmamasdan ang mga bituin.

"Bakit nandito ka? Namiss mo ba kaagad ako?" Tanong nito pero seryosong tingin lang ang pinakita ko at kaagad ko siyang nilapitan.

"Hindi ko napansin ang Queen at King. Wala ba sila dito?" Seryosong tanong ko pabalik sa kaniya.

"Wala. Nandoon sila sa mansion. Nakauwe na kase kanina si, Sierra" 

Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya.

"Kung ganon, mas mabuting doon ka na muna kay-" 

"Ayos lang ako, Ryleigh. Sanay na sanay ako alam mo iyan." Seryosong sabi nito.

Mas lumapit pa ako sa kaniya at seryoso ko siyang tinignan. "Seannah, mula pagkabata kilala na kita. Sabay na tayong lumaki, kaya alam ko na lahat ng mga dinanas mo na hirap at pasakit. Alam ko naman na pagod ka na rin pero pinipili mo lang magpakatatag," seryosong sabi ko. "Hindi mo kailangang magpanggap, Seannah. Marami pa kameng nagmamahal sayo. Isa pa hindi na kita kayang protektahan laban kay, Sierra. Siguro ngayon kaya ko pa, pero baka sa susunod na araw ay hindi na." Dag dag ko pa kaya nilingon niya ako.

"Hindi mo ako kailangang protektahan laban sa kapatid ko o kahit sa buong angkan ko. Ryleigh, alam mo naman na kaya ko na ang sarili ko." Seryosong sabi nito.

Sana nga, Seannah.

“Panghahawakan ko ang mga sinabi mo.”

{KINABUKASAN}                            

        

               

                        

                                         

SEANNAH POV

"Bagong University, bagong panimula na naman." Nakangiting sambit ko.

"Hmm maganda ang lugar na ito huh. Kaso medyo weird ang mga tao rito. Feeling ko may mali kaagad tayong ginawa sa kanila.” Iiling-iling na sabi naman ni Zamara, kaya napatango rin ako dahil tama naman siya.

Mga naka-uniform kame. Pero ang iniba ko lang sa sarili ko ay nagsuot ako ng salamin. Naglagay rin ako ng fake brace. Ayaw ko lang kase na mamukhaan ako ng ibang tao na nakakakilala sa akin.

"Ito ang schedule" Inabot sa amin ni Lainarashi, ang tig-isang papel.

"Section Diamond ako" -Ako

"Section Star" -Lainarashi

"Section Diamond rin ako" -Zamara

"Zamara, ikaw na ang bahala kay, Seannah. Iwasan niyo sana na mapaaway, dahil hindi ko gusto na dito pa lumabas ang pagiging demonyo ko." Seryosong sabi sa amin ni, Lainarashi.

"Depende iyan sa sitwasyon. Lalo na nandito rin si Sierra, impakta" Mataray na sabi ni, Zamara.

"Magsipasok na tayo"

Tumango kame sa sinabi ni, Lainarashi.

Walang pwedeng makaalam na isa akong Maravilla. Ayaw kong ipaalam sa iba, dahil nag-iingat lang din ako.

"Hawak kaagad ni Lainarashi, ang schedule natin, eh hindi pa naman tayo nagpupunta sa Dean Office."

Napatingin ako kay, Zamara nang sabihin niya iyon.

Kahit ako ay nagtataka, pero hindi na dapat. Alam ko naman na kakaiba talaga ang University na ito. Maraming kakaiba dito, lalo na ang mga tao.

                    

                                       

PAG-AKYAT namin ay kaagad na kumatok si, Zamara.

{TOK TOK TOK}

Maya maya pa ay bumukas na rin ang pintuan at bumungad sa amin ang magulong silid. Naunang pumasok si Zamara, at sumunod naman ako kaya ang lahat ay nahinto sa mga ginagawa nila at napatingin sa amin.

"Seannah, humanap na tayong ng mauupuan natin." 

Tinanguan ko si, Zamara bilang pagtugon.

Napatingin naman ako sa mga kaklase namin. Bale tatlo lang kameng babae dito. Halos lahat ay lalaki na.

Lumakad ako papunta doon sa isang babae at doon ako naupo sa tabi niya. Si, Zamara naman ay nasa bandang unahan at mga lalaki ang naging katabi niya. Napatingin naman ako sa katabi kong babae. Napansin ko kaagad na may pasa at sugat siya sa katawan niya. Mahahalata mo rin kaagad na bagong bago ang mga sugat at pasa niya.

                        

                                 

LUMIPAS ang tatlong oras at lunch break na rin namin. Wala nga akong naintindihan sa mga naging lesson dahil halos puro mga weapons at paraan sa pakikipag laban ang mga tinuturo.

"Zamara, Lainarashi, mag c-cr lang ako. Mauna na kayo sa cafeteria" Paalam ko sa dalawa kong kaibigan.

"Samahan ka na namin" Sambit ni, Zamara pero umiling kaagad ako.

"Hindi na. Mabilis lang naman ako"

"Sige na, basta bilisan mo"

Tinanguan ko si Lainarashi, tsaka ako lumakad.

Habang papunta ako sa cr ay may kung ano akong narinig sa likod ng building. Dahil sa sobrang curious ko ay pumunta kaagad ako doon.

Nagulat ako sa nasaksihan ko.

Yung babaeng katabi ko, ay sinasaktan ng mga kaklase namin.

"HOY! ITIGIL NIYO IYAN!" Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin.

Nahihirap naman akong tinignan nang babaeng katabi ko sa room.

                       

                

                  

               

               

RYLEIGH POV

"Kumusta ang naging laban nila, Black?" Tanong ko kay, Anderson.

"Natalo sila, Zamara at Lainarashi," Sagot nito kaya napatango ako. "Kakaiba talaga si Black. Matagal na ako naghahanap ng kahit anong bakas niya para lang malaman kung sino ba talaga siya." Dag dag pa nito kaya saglit ko siyang tinignan.

"Mahirap makilala si Black, Anderson. Kaya naman huwag mo ng balakin na alamin kung sino siya sa loob ng maskara." Seryosong sabi ko kaya napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Alam ko iyon, pero sobrang misteryoso niya kase talagang tao. Kahit sana makilala ko lang siya, para naman malaman ko kung saan siyang angkan o organization na nabibilang. Kung gaano ba kalakas ang angkan na kinabibilangan niya." Kibit balikat na sambit ni, Anderson.

                  

                        

               

                 

SEANNAH POV

"Ikaw ang newbie hindi ba?" Tanong sa akin nitong lalaki na mukhang lider yata nila.

"Oo," sagot ko, "Tigilan niyo nga ang pananakit niyo sa kaniya" dag dag ko pa, kaya nakangising lumapit sa akin itong lalaki na lider nila.

"Bakit? Gusto mo rin ba na madamay huh? O baka gusto mo na ikaw ang unahin namin?" Nakangising tanong nito sa akin kaya seryoso ko siyang tinignan.

"Baka ikaw ang unahin ko" Seryosong sabi ko.

Sumenyas naman siya sa dalawa niyang kasama kaya kaagad akong sinugod ng mga ito.

/*Cha!

/*Boggsh

/*Blagg

Sisipain na sana ako noong isa pero mabilis akong napayuko dahilan para yung kasama niya ang masipa niya.

"IISA LANG IYAN KAYA TAPUSIN NIYO NA!!" Sigaw nitong lider nila.

Kaagad na bumunot ng dagger ang dalawang lalaking ito kaya mabilis akong naghanda.

Sabay silang sumugod kaya mabilis akong tumalon dahilan para sila ang magkasaksakan.

"MGA TANGA!!" Sigaw ng lider nila, sa dalawang tauhan niya.

Kaagad akong lumapit sa lider nila at malamig ko siyang tinignan.

"Bitawan mo ang hawak mong baril kung ayaw mo na magaya sa mga tauhan mo." Seryosong utos ko sa kaniya.

Inis niyang binitawan ang hawak niyang baril kaya nilapitan ko na kaagad iyong babae.

Nakita ko sa suot nitong uniform ang tag name niya.

Siya pala si Leizel.

Aalalayan ko na sana si, Leizel pero may naramdaman akong may papalapit sa aking kung anong patalim.

Mabilis kong nasalo iyon gamit ang dalawang daliri ko.

Inis kong hinarap yung lider nila.

"Gusto mo rin?" Malamig kong tanong at mabilis kong binato sa kanya ang dalawang shuriken na pagmamay-ari niya mismo.

                             

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status