The Wife Who Refused to Die

The Wife Who Refused to Die

last updateLast Updated : 2026-11-12
By:  JeorgetteUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Adrian? Nakakalakad ka na? At ikaw… Isabel? Buhay ka?” Nanginginig ang boses ni Mikaela Villanueva habang nakatitig sa asawang akala niya'y pilay. Ngunit mas masakit ang sumunod niyang nakita—ang kapatid niyang apat na taon na niyang ipinagluksa ay nakatayo sa tabi nito. “Surprise, ate! Akala mo ba talaga patay na ako?” nakangising tanong ni Isabel. “Bakit? Bakit ninyo ginawa sa akin ito?” nanginginig na tanong ni Mika. “Because you were never supposed to find out,” malamig na sagot ni Adrian. Sa loob ng halos limang taon nilang pagsasama, siyam na beses na nawalan ng anak si Mika. Buong akala niya, malas lamang siya sa pagbubuntis. Hindi niya alam na ang mga taong pinagkatiwalaan niya ang nasa likod ng bawat sakit at pagdurusang dinanas niya. Bago pa niya mailantad ang katotohanan, namatay siya sa operating table—bitbit ang lahat ng lihim na hindi niya nagawang ibunyag. But fate gave her a second chance. Nagising siya noong June 18, 2022, halos isang taon pa lamang silang kasal ni Adrian. This time, hindi na siya ang inosente at sunud-sunurang asawang madaling lokohin. “No more lies, Adrian. This time, ako naman ang maglalaro.” Determinado siyang alamin ang sikreto sa likod ng siyam na miscarriages at ang totoong nangyari kay Isabel. Sa tulong ni Rafael Monteverde, ang misteryoso at makapangyarihang nakatatandang kapatid ni Adrian, unti-unti niyang bubuksan ang mga lihim na matagal nang itinago ng pamilya. But Rafael has secrets of his own. Can Mika expose the people who destroyed her first life without becoming a victim again? And can she trust the one man who might be hiding the biggest secret of all? This time, she refuses to die—and refuses to lose.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Hindi dapat marinig ni Mikaela Villanueva ang usapang iyon. Ngunit nang marinig niya ang pangalan niya mula sa bibig ng doktor, tuluyan nang nagbago ang lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa kaniyang asawa.

Nakatayo siya sa labas ng isang examination room sa pribadong ospital sa Makati, hawak ang resulta ng kaniyang ultrasound.

Maayos ang tibok ng puso ng sanggol. Sa unang pagkakataon matapos ang siyam na beses na pagkawala ng kaniyang mga anak, naniwala siyang baka sa pagkakataong ito ay makauuwi na siya sa kanilang tahanan kasama ang isang batang matagal na niyang ipinagdarasal.

"Sigurado po ba kayong ligtas ang baby?" tanong niya sa doktor kanina.

Ngumiti ang lalaki at sinabing maayos ang resulta. Kailangan lamang niyang magpahinga, umiwas sa stress, at bumalik para sa regular na pagsusuri. Kaya naman nang maalala niyang naiwan niya ang medical folder sa silid, agad siyang bumalik upang kunin iyon. Ngunit bago pa niya mahawakan ang doorknob, narinig niya ang pamilyar na boses ng kaniyang asawa.

"Hindi puwedeng umabot sa panganganak ang pagbubuntis na ito."

Nanlamig ang mga daliri ni Mika.

Adrian.

Apat na taon na silang kasal, at halos limang taon nang naging sentro ng buhay niya ang lalaking iyon. Siyam na beses na niyang sinubukang bigyan ito ng anak, ngunit siyam na beses ding nauwi sa pagdurugo, operasyon at pagkawala ng kanyang anak.

"Pero maayos ngayon ang resulta ng pagsusuri," maingat na sagot ng doktor. "Walang nakikitang komplikasyon. Kung ipagpapatuloy natin ang plano ninyo, kailangan nating tiyaking walang magiging bakas."

"Gaya ng dati," malamig na tugon ni Adrian. "Naitala naman ang mga nauna bilang natural complications. Ayokong may magbago sa medical records."

Napahawak si Mika sa dingding. Biglang bumalik sa kaniyang alaala ang mga gabing nagigising siyang basang-basa ng dugo, ang mga pagkakataong bigla siyang nanghihina, at ang mga panahong wala si Adrian sa tabi niya dahil lagi itong may mahalagang lakad.

Hindi. Hindi maaaring iyon ang ibig sabihin ng naririnig niya.

"Paano naman ang asawa ninyo?" tanong ng doktor.

"Hindi niya kailangang malaman."

Muntik nang mabitawan ni Mika ang folder nang may isa pang tinig na sumagot mula sa loob.

"Sigurado ka bang hindi siya maghihinala, Adrian?"

Napatigil ang kaniyang paghinga.

Isabel.

Hindi maaari. Apat na taon nang patay ang nakatatandang kapatid niya. Siya mismo ang umiyak sa burol nito, nagdala ng mga bulaklak sa puntod, at ilang taon ding sinisi ang sarili dahil hindi niya ito nailigtas sa aksidente.

"Walang dapat ikabahala," sagot ni Adrian. "Hindi niya alam na buhay ka."

Parang gumuho ang sahig sa ilalim ng mga paa ni Mika. Dahan-dahan siyang sumilip sa siwang ng p***o. At doon niya nakita ang lalaking minahal at inalagaan niya sa loob ng maraming taon.

Nakatayo si Adrian. Wala itong  wheelchair, wala din tungkod. Walang kahit anong palatandaan ng kapansanang dahilan kung bakit halos lahat ng pangangailangan nito ay personal niyang inaasikaso.

Sa tabi nito ay nakatayo si Isabel, buhay na buhay, maganda, at tila walang anumang nangyari sa nakalipas na apat na taon.

"At ang bata?" tanong ni Isabel.

"Isa pang pagkakamali na kailangang itama."

"Hanggang kailan mo siya gagamitin?"

"Hanggang makuha ko ang kailangan ko."

Nang marinig iyon, tila may malamig na kamay na dumakma sa puso ni Mika. Hindi niya namalayang bahagyang gumalaw ang folder sa kaniyang mga kamay. Napatingin si Adrian sa pintuan sa hindi inaasahan, nagtagpo ang kanilang mga mata sa salamin ng kabinet.

"Mikaela?"

Bumukas ang p***o.

"Bakit ka nandito?"

Hindi agad nakasagot si Mika. Nakatingin lamang siya sa mga binti ng kaniyang asawa, sa lalaking ilang taon niyang tinulungan maligo, magbihis, at umupo sa wheelchair.

"Hindi ka..." Nanginginig ang kaniyang boses. "Hindi ka ba dapat nasa wheelchair?"

Hindi sumagot si Adrian. Sa halip, mabilis nitong inayos ang ekspresyon at lumapit sa kaniya.

"Umuwi na tayo. Pagod ka lang."

Umatras si Mika nang tangka nitong hawakan ang kaniyang braso.

"Buhay si Isabel."

Bahagyang ngumiti ang kapatid niya.

"Madali ka talagang maniwala, Mika."

Mas masakit pa iyon kaysa sa isang sampal.

"Bakit?" tanong niya. "Bakit ninyo ginawa sa akin ito?"

"Wala kang kailangang intindihin ngayon," malamig na sagot ni Adrian. "Ang mahalaga, kailangan nating ayusin ang pagbubuntis mo."

Napatingin siya sa hawak na ultrasound result.

"Maayos ang anak natin. Narinig ko ang tibok ng puso niya."

"Adrian, hindi ba masyadong maaga?" tanong ng doktor. "May panganib kung itutuloy natin ang procedure."

"Hindi ikaw ang magdedesisyon."

Naramdaman ni Mika na tila nawalan siya ng hangin.

"Kayo ang may gawa at dahilan ng pagkawala ng siyam kong anak?"

Walang sumagot. Hindi umimik si Adrian at hindi rin tumutol si Isabel. At sa katahimikang iyon, natagpuan ni Mika ang sagot sa tanong na ilang taon niyang kinatatakutan.

"Mga halimaw kayo, napakasama niyo!"

Biglang hinawakan ni Adrian ang kaniyang braso.

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo."

"Pati ba ang mga anak ko? Sadyang pinatay ninyo sila?"

"Tumigil ka na, Mikaela."

Nang makawala siya sa pagkakahawak nito, mabilis siyang tumakbo palabas. Ngunit ilang hakbang pa lamang ay biglang sumakit ang kaniyang puson. Napahawak siya sa kanyang tiyan at biglang may mainit na likidong dumaloy sa kaniyang mga hita bago siya tuluyang bumagsak sa sahig.

Narinig niya ang sigaw ng nars at ang mga yabag ng mga taong nagmamadaling lumapit. Sa kabila ng sakit, nakita niyang lumuhod si Isabel sa tabi niya.

"Hindi mo dapat nalaman ang lahat ng ito," bulong nito.

Sinubukan ni Mika na abutin ang kapatid, ngunit wala na siyang lakas. Tumingin siya kay Adrian. Hindi na niya nagawang umiyak at wala na ding takot siyang naramdaman. Nakatayo lamang ito habang hinihintay ang sasabihin ng doktor.

"Doktor, kailangan nating ituloy ang procedure," malamig nitong utos.

At iyon ang huling narinig ni Mika bago tuluyang lamunin ng dilim ang kaniyang paningin.

Nagising si Mikaela nang biglang napaupo sa kama. Mabilis ang kaniyang paghinga. Kapwa kamay niya ang nakahawak sa tiyan habang pilit inuunawa kung bakit wala ang dugo, sakit, at mga taong huling nakita niya. Nasa kaniyang silid siya sa Monteverde residence sa Forbes Park.

Pamilyar ang bawat sulok—mula sa kulay-kremang kurtina hanggang sa malaking salamin sa tabi ng aparador. Ngunit nang mapansin niya ang kalendaryo sa mesa, napahawak siya rito.

Hunyo 18, 2022.

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Hindi..."

Hinawakan niya ang sariling mukha. Wala ang mga bakas ng operasyon. Wala ang pagod na nakaukit sa kaniyang balat. Mas bata siya ng apat na taon.

Bumukas ang p***o.

"Ma'am Mika? Ayos lang po ba kayo?"

Si Aling Cora, ang matagal nang kasambahay ng pamilya.

"Ano'ng taon na, Manang?" agad niyang tanong.

Nagtaka ang matanda.

"Dalawang libo't dalawampu't dalawa po. Hunyo na, Ma'am."

Napatakip siya sa bibig. Bumalik siya at binigyan siya ng pagkakataong mabuhay muli. At hindi pa niya nararanasan ang siyam na beses na pagkawala ng kaniyang mga anak.

"Nasaan si Adrian?"

"Nasa ibaba po. May kausap sa telepono."

"Si Isabel?"

Saglit na umiwas ng tingin si Aling Cora.

"Wala naman po rito si Ma'am Isabel."

Unti-unting nabuo sa isip ni Mika ang katotohanang matagal nilang itinago sa kaniya. Ang kapatid na iniyakan niya at pinaniwalaang namatay ay hindi pala kailanman nawala o namatay.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok si Adrian. Maayos ang buhok nito. Nakasuot ng mamahaling polo, at nakaupo sa wheelchair gaya ng pagkakakilala niya rito sa unang buhay.

"Good morning, sweetheart."

Napatingin si Mika sa mga kamay nito. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sampalin ito at itanong kung ilang taon nitong pinaglaruan ang buhay niya.

Ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi pa ngayon.

"Good morning," mahinahon niyang sagot.

"Handa ka na ba? Tatawagan ko na ang doktor para sa treatment mo."

Pinilit niyang ngumiti.

"Gusto ko munang pumili ng sarili kong doktor. Magpapa-second opinion muna ako."

Nawala ang ngiti ni Adrian.

"Para saan pa?"

"Buhay at kalusugan ko ang nakataya rito, Adrian. Gusto kong maintindihan ang lahat bago ako sumailalim sa kahit anong procedure."

Matagal siyang tinitigan ng lalaki at pagkatapos ay bahagya itong ngumiti.

"If that’s what you want."

Tumango si Mika. Ngunit nang makalabas ito ng silid, agad niyang isinara ang p***o at inilabas ang kaniyang cellphone. Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kutob siyang hindi lamang siya ang may alam sa mga lihim ng pamilyang Monteverde.

At hindi nga siya nagkamali. May pumasok na mensahe mula sa hindi kilalang numero.

[UNKNOWN NUMBER: Kung gusto mong mabuhay sa pagkakataong ito, huwag kang magtiwala kay Adrian Monteverde.]

Nanlamig ang kaniyang mga daliri at may sumunod pang mensahe.

[At huwag mong hanapin si Isabel sa puntod niya. Hindi siya namatay sa aksidenteng pinaniwalaan mo.]

Napahawak si Mika sa gilid ng mesa. Paano nalaman ng taong iyon ang tungkol sa kaniya? Mabilis siyang nag-type.

[MIKA: Sino ka?]

Ilang segundo ang lumipas bago dumating ang sagot.

[Isang taong nakakaalam kung ano ang nangyari sa siyam mong anak.]

Bago pa siya makapagtanong muli, may huling mensaheng pumasok.

[Kung gusto mong malaman kung sino ang tunay na pumatay sa kanila, hanapin mo ang medical records ng Room 709.]

Napatingin si Mika sa cellphone. Sa unang pagkakataon, hindi niya kailanman tinanong kung bakit Room 709 ang laging ginagamit para sa kaniyang mga fertility procedures.

Ngayon, mayroon siyang apat na taon upang malaman ang katotohanan. At sisimulan niya iyon sa araw na ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status