Share

III

Author: Maricinth
last update Last Updated: 2021-11-11 13:33:26

Nagising ako dahil sa ingay. Mga babaeng umiiyak, nagmamakaawang mga sigaw. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. 

Unti unting tumulo ang mga luha ko, nais kong pigilan ngunit tila di ito nagpapaawat, naririnig ko ang pag ragasa ng saganang ulan na tila ba nakikiramay sa akin. 

Sinubukan kong kumilos, pero sobrang bigat ng katawan ko.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay wala akong makita. Madilim. Walang kahit na anong makikita bukod sa dilim.

Ngunit ang iyak ng mga taong nandidito ay tila mas malakas pa sa ingay na gawa ng ulan. Nararamdaman ko ang mabigat at matigas na bagay na nakapulupot sa aking buong katawan. 

Hilong hilo ako, para akong nanggaling sa napakatagal na pagtulog, pero inaantok pa rin ako. 

Wala akong ibang magawa kundi umiyak, naguunahan ang mga luha ko ngunit walang hagulgol na lumalabas sa bibig ko. 

Sobrang bigat sa pakiramdam. Naunahan niya nako. Nakuha niya ako ng walang kahirap hirap. Labis ang pagsisisi ko, di ko man lang nagawang protektahan ang sarili ko. Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa ang mga mata ko na ang kusang sumuko. Ipinikit ko ang mga ito at hinayaan na lamang na talunin ako ng matinding antok. 

________________________________

Ilang oras akong tulog ngunit ramdam ko parin ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Sinubukan ko ulit dumilat. Sa pagkakataong to, maliwanag na. 

Pero napakahina ng liwanag nito, at kumukurap kurap pa. Iginala ko ang paningin sa loob ng napakalaking kwartong 'to. Madilim parin ang ilang bahagi ng sulok nito sapagkat hindi naiilawan ang buong paligid. 

Palagay ko ay nasa abandonadong warehouse ako. Walang sinumang tao ang naririto, wala na rin ang mga ingay na nagmula sa mga iyak ng mga babae at nang buhos ng ulan. 

Nanlumo ako nang tignan ko ang sarili ko. Nakabalot ako sa makakapal na lubid at may mga galos ang mga kamay ko na marka ng kadena. 

Walang katao-tao, ngunit pakiramdam ko ay hindi ako nag iisa dito. At maya maya pa nga'y narinig kong may papalapit. May mga tunog ng paa na nanggagaling sa labas ng kwarto. Nararamdaman kong papalapit ang mga ito dahil palakas ng palakas ang yabag ng mga paa nito. 

Ilang segundo pa ay narinig kong may kumakalikot ng kandado sa pinto ng kwarto. Muli, ay binalot na naman ako ng kaba nang tuluyang mabuksan ang pintuan at pumasok ang apat na matatangkad na lalaki, lahat sila ay nakaitim na polo at itim na pantalon, na animo'y uniporme nila. 

"Kamusta, Mara?" Nagulat ako sa boses na narinig ko. Wala ni isa sa apat na lalaking nasa harapan ko ngayon ang nagsalita. Agad na hinanap ng paningin ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon. At napansin ko ang isa pang lalaki na nakasandal malapit sa pintuan. Animo'y humihithit ito. 

Ilang sandali pa ay umalis na ito sa pwesto at dahan dahang naglakad papalapit sa akin. 

Nang matamaan na ng liwanag ang mukha nito ay agad akong binalot ng galit. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon, ay walang iba kundi ang lalaking pumatay kay demi, ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. 

Gusto ko siyang pagsasampalin at mura-murahin pero di ko magawang ibuka ang bibig ko. Bagkus ay tinitigan ko ito ng matalim. Unti unti siyang lumapit sa akin at umupo para maging magkapantay ang mga mata namin. 

Matapos niyang hithitin ang sigarilyo ay itinipon niya muna sa loob ng bibig niya ang usok nito saka ibinuga sa mukha ko. 

Marahan akong pumikit nang matamaan ng usok ang mga mata ko. Pinipilit kong magpumiglas ngunit labis na naiipit ang buong katawan ko. Tumayo ito at inihagis sa kung saan ang hinihithit niya kanina. Tumingin muna ito nang deretso sa mga mata ko at humugot ng malalim na hininga bago magsalita. 

"Magaling ka rin mag pahirap no? Hirap na hirap akong taymingan ka na mag isa sa daan. At balak mo pa akong isumbong sa pulis? Ngayon ka maglakas loob Mara, balak ko pa sanang isama ang kaibigan mo. Kaso grabe na siguro ang kasamaan ko kung gagawin ko pa 'yon?" Anas nito habang palakad lakad sa harapan ko. Naririnig niya ba ang sarili niya? Sobra sobrang kasamaan na ang ginawa niya, hindi pa ba nakuntento? 

"Any words, Mara?" Tanong nito na halos ikapantig ng tenga ko. Tinitigan ko ito ng masama. 

Maya maya ay lumingon ito sa akin at humagalpak ng tawa. Maging ang mga tauhan niya ay nagtatawanan rin. Nahihibang na ang mga 'to. 

"Remove that cover in her mouth and let her speak." Utos nito sa isa sa mga tauhan niya na agad namang sumunod. Lumapit ang isang lalaki sa akin at mabilis na binaklas ang tape na nakabalot sa bibig ko. Halos maluha ako sa sakit na dulot ng pagkakaaalis nito. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman kong tila may mga sugat ang labi ko buhat ng pagkakatuyot nito ng ilang oras. 

Nang humupa ang sakit ay mas lalo kong tinaliman ang pagkakatitig ko sa kanila. 

"Anong kailangan niyo sa'kin?" Tanong ko. Bigla ay tumaas ang sulok ng labi ng lalaking nasa harapan ko. 

"Relax. Hindi talaga kami ang may kailangan sa'yo. Pera ang gusto naming makuha at hindi ikaw." Sarkastikong tugon nito. 

"Pero bakit dinala niyo ko dito?" Pasigaw na tanong ko. Muli itong yumuko bago nagsalita. 

"Cause we're gonna sell you, Mara." Pabulong aniya. 

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa narinig. Natulala ako ng ilang segundo.

"Nahihibang kana!" Sigaw ko sa kanya at dinuraan ito sa mukha. Nakita ko ang mabilis na paglaho ng nakakatakot niyang mga ngiti, napalitan ito ng matinding galit. 

Tinitigan ko lang ito sa mga mata hanggang sa dumapo ng malakas sa pisngi ko ang mabigat nitong palad. Ang sakit. Gustong gustong bumagsak ng mga luha ko pero ayokong makita nilang mahina ako. Halos hindi ko magawang igalaw ang buong mukha ko dahil sa matinding sampal na ibinigay nito. 

Iniharap niya ko sa kanya sa pamamagitan ng pagsabunot sa buhok ko. 

"Huwag kang magkakamaling kalabanin ako kung ayaw mong mapasakan ng laser sa dibdib" Pananakot niya sakin. 

"P-pakawalan mo na'ko" Nanghihinang sambit ko. 

"Pakakawalan kita pag nagawa mong makawala sa napakalaking selda na ito, once na nakatakas ka? Hahayaan kita. Pero pinapaalala ko lang sayo. Huwag kang magpapahuli sa amin." Nakangiti nitong sabi. 

Binitawan niya ko saka tumayo. 

"Pero habang nandito ka, maghirap ka muna" Dagdag niya pa. 

Ni minsan ay hindi ko naranasan ang labis na saya at ngayon? Kailangan ko na namang maghirap. Ito lang ba talaga ang ganap sa buhay ko? Ang pahirapan ng mga tao para sa sariling kaligayahan nila? 

Nanatili akong nakayuko hanggang sa marinig kong magsalita siyang muli. "Free her" Utos nito sa mga lalakeng nasa likod niya. 

Lumapit sakin ang dalawang lalake at tinanggal ang mga lubid na nakapulupot sa buong katawan ko. Sa sandaling maluwagan na nila ito ay bigla akong nakahinga ng maluwag. Halos mamatay nako sa init at sikip na nararamdaamn ko, dumagdag pa ang sakit ng pagkakahigpit ng lubid. Ilang segundo pa ay tuluyan na itong nakalas, biglang bumagsak ang katawan ko at naghabol ng hininga. 

Agad naman akong itinayo ng dalawang lalake, inilagay nila ang mga kamay ko sa likuran at pinosasan ang mga ito. Tinitigan ko ang buong katawan ko. Doon ko lang napagtanto na nakasuot parin ako ng shorts at long sleeves na kulay puti pero kapansin pansin ang mga dugo na nagmantsa sa iba't ibang parte ng damit ko. 

"Maghanda kana, Mara. Ikaw ang papalit kay Demi." Anito. 

Gusto ko itong palagan ngunit di na kaya ng katawan ko na makatanggap pa ng pananakit mula dito. Mas pinili ko na lang manahimik, kahit pa walang kasiguraduhan ang kaligtasan ko sa kamay ng mga sindikatong 'to. 

"Dalhin niyo na siya kay Carlos" Utos nito sa mga tauhan niya. Nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig sabihin nito? Tauhan lang siya? At mayroon pang nakatataas sa kanya? 

Bigla akong nataranta nang simulan na nila akong hilahin. 

"Teka! San niyo ko dadalhin?!" Pasigaw na tanong ko sa mga ito. 

Matamis na ngumiti ang lalake.

"Relax Mara, mananatili kang ligtas basta't sundin mo lang ang mga utos niya, be nice to him kung ayaw mong mamatay sa loob ng impyernong to." Seryosong aniya habang nakatitig sa mga matatalim kong mata. 

"Napakawalang kwenta niyong tao--"

"Shut up or else.."

Nasindak ako nang dinukot nito ang isang baril sa bulsa niya, nanlamig ang buong katawan ko nang itutok niya ito malapit sa bibig ko. 

Wala akong nagawa kundi tumikom na lang.

Nawalan ako ng imik hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong nagpapatangay sa mga 'to. 

Nang sinimulan ko nang ilakad ang mga paa ko ay naramdaman kong may umuuuntol sa bulsa ko. My phone, nandito parin ang cellphone ko! nabuhayan ako ng loob, may paraan pa para makatakas ako dito. 

Sinimulan na naming maglakad habang nakapalibot sakin ang apat na lalake. Nasa unahan namin ang lalakeng dumukot sakin. 

Nang makalabas kami sa loob ng malawak na kwartong 'yon ay mahahabang pasilyo naman ang sumalubong sakin. Para itong abandonadong ospital, katulad ng kwartong pinanggalingan namin kanina ay madilim din ang daan, ang ilaw ay di nabibigyan ng sapat na liwanag ang buong paligid. 

Ilang minuto pa kaming naglakad at tila nakakahilo ang daan dahil sa daming pasikot sikot nito. Napaka imposibleng makatakas. 

Maya maya pa ay natanaw ko na ang isang pinto at sa palagay ko ay naroron ang 'boss' nila. 

"Napaka tanga mo talaga kumilos Iyah!" Isang sigaw ang bumungad sa amin nang makapasok kami sa pinto nito. 

Mas malawak ang kwartong 'to kumpara sa kwartong pinaglagyan sa'kin kanina. 

Kasunod ng sigaw na yon ang pag bagsakan ng mga gamit mula sa mahabang mesa nito. 

"Dahan dahan lang sa parusa boss, baka magrebelde yang anak mo" Ani ng lalakeng nasa harapan ko na siyang umagaw sa atensyon ng 'boss' nila at ang babaeng sa tingin ko ay kaedad ko lang. Ang tinutukoy niyang anak ng boss niya. 

"Lagi na lang kasing palpak 'tong trabaho nito! Walang maayos na silbe puro problema ang dala!" Sigaw ng boss. 

"Hahahaha palipasin mo muna yang galit mo, siya nga pala, kumpleto na kailangan mo. Ito na ang huling benta ko sayo. Wala na tayong idadagdag. Carlos, meet Mara" Pag papakilala niya sakin. Tinignan ko siya ng masama. 

"Oh, Good job, Kit! Anihin mo na mga pinaghirapan mo" Sambit ni Carlos at naglabas ng isang maliit na kahon ng pera saka ito inabot kay Kit. 

"Iligpit niyo na 'yan pagkatapos niyong kapkapan" Utos pa nito sa mga tauhan niya na agad ring sinunod. 

Napatingin ako sa babaeng nasa gilid niya, at di ko inasahang nakatingin rin siya sa'kin. Nakita ko ang awa at pag aalala sa mga mata niya. Halatang di niya gusto ang ginagawa niya. 

Kinapkapan nila 'ko at kinuha lahat ng bagay sa na nasa mga bulsa ko, including my phone. 

Iniabot nila ito sa boss Carlos na yon, maya maya pa ay hinila na nila ko. Pero bago pa kami tuluyang nakalayo ay sinulyapan ko muna ito. Saka ipinukol ang mga nagtatanong kong mata sa anak nito. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Decay of Dawn   THE 'DECAY OF DAWN' NOVEL

    THE 'DECAY OF DAWN' NOVELCharacters:Mara - Samara DelizoJosh - Joshua Gabriel Gregorio Iyah - Janiyah Grace GregorioLia - Nathalia GomezZea - Zeanille VelazquezUncle Don - Andrew 'Don' MercadoCarlos - Carlo Sebastian GregorioKit - Kit Arizona FloresArianne Mercado GregorioPlaylist:Cat Stevens - Morning Has Broken Erik Santos - Kung Akin Ang MundoWestlife - I Wanna Grow Old With YouLord Huron - The Night We MetDaughter - MedicineThank you for reading Samara's story. Nawa'y maging aral ang simpleng kwentong ito sa inyo. You really have to fail a hundred times in order to succeed once - Sylvester Stallone. This underrated writer was still in the process of improving. And your advices will mean a lot to me. Thank you and G

  • Decay of Dawn   XXIX

    Zea's point of view."Zeanilleee!"Mabilis kong tinakpan ang mga tenga ko nang sandaling makapasok ako sa loob ng condo ni Iyah at bumungad sakin ang nakakabinging sigaw nito.Pasalampak akong naupo sa tapat ng vanity table saka inis na hinalungkat ang makeup kit ko para mag retouch. Grabe naman kaseng taas ng floor nato, ano ba naman kaseng pumasok sa isip niya bakit sa high end condo pa tumira."You're late, again" Puna sa akin ni Lia pero di ko na yon pinansin.Mas lalo akong binalot ng inis nang magsimula na namang mag soundtrip si Mara, inis ko siyang tinapunan ng tingin at nang mapalingon siya sa akin ay nagpatay malisya ito at nangingiting hininaan ang volume saka nagtuloy sa pag aayos ng sarili.Napangiti ako dito saka humarap ulit sa salamin at doon ko na tiningnan ang repleksyon ng maamo niyang mukha sa likod.&nbs

  • Decay of Dawn   XXVIII

    Iyah's point of view."Room 08, private. Please kindly assist her" Tugon ng isang officer sa isa pa nitong kasama. At iginiya na ako nito papasok.Ibinulsa ko ang sulat at pinatatag ang sarili ko.Hinatid na ko ng isang pulis at iniwan ako sa harap ng isang rehas na nakabukas, at nasa loob niyon ay bulto ng isang lalaking nakatalikod na nakatitig sa bintana. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko kaya naglakas loob na akong pumasok dito."D-dad" Nauutal na pauna ko. At nang sandaling lingunin niya ako, ay naramdaman ko ang mga luhang kusang umagos mula sa nga mata ko."Janiyah, anak..." Anito sa mahina ngunit garalgal na boses. Tuluyan na ring bumigay ang mga luha niya at hindi ko na kinaya, tinakbo ko ang distansya naming dalawa saka ito niyakap ng mahigpit.Ang sakit sakit. Hinahagod niya ang likod ko pero nararamdaman ko pa rin ang

  • Decay of Dawn   XXVII

    Mara's point of view.I thought life is just a bunch of trials, problems and failures. 'Cause success and happiness never happened to me. Each one us had given a chance to live, yes.But I thought, some are just living, they just live without knowing life's significance, they just accept realities without learning. And for them, failure is not a big thing that should be worried about.And I'm envy.Kasi bakit sila? Parang hindi naman nasasaktan, parang walang pinagdaanang pagsubok.But that's just what I thought.'Cause now, I realized. That life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced. You have to face every moment of it. And learn from it's lessons.Matagal ko nang itinatanong kung bakit ganito ang buhay ko, at ngayong araw na ito nalaman ko ang sagot. Binibigyan tayo ng pagsubok para

  • Decay of Dawn   XXVI

    Mas lalong tumindi ang pag iyak at kaba ko nang maramdaman ang unti unting pagluwag ng kawit na nagtataas sa akin. Habang pahigpit naman ng pahigpit ang kadenang nasa paa ko.Hawak lang ni Josh ang baril at halos hindi na ito makatingin sa akin."We made this blade trap 5 months ago, Josh. Hindi pa namin ito nasusubukang gamitin at alam kong di mo kakayanin na makitang mag lasog lasog ang katawan ng babaeng mahal mo sa harapan mo." Anito sa malamig na tono.Puro hagulgol ko lang ang maririnig sa buong paligid."I know you wanna save her" Nakakabinging tawa ang pinakawalan nito."Kill me now Jos--""Put her down, Carlos" Anang isang tinig.Lahat kami ay napatingin sa gawi ng pinanggalingan ng boses na yon. At nabuhayan ako ng loob nang makita siya.Uncle Don.Marahan n

  • Decay of Dawn   XXV

    "I said let her go!" Umalingawngaw ang sigaw ni Josh sa bawat sulok ng malawak na espayong 'to.Kasabay no'n ay isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa labas.Lahat kami ay nawalan ng balanse dahilan para maisayad ni Kit ang matulis na patalim nito sa kanang braso ko.Mabilis na dumanak ang dugo. Sa isang iglap ay puro alikabok na lang ang nakita ko. Napaubo ako at unti unting sumikip ang paghinga kasabay ng paglabo ng paningin at tuluyan na akong natumba.Pero bago pa magdilim ang lahat ay naaninag ko ang isang liwanag na tila papalapit sa akin.Sinubukan kong palinawin ang paningin ko at gano'n na lang ang pagbuhos ng mga luha ko nang makita ang isang pamilyar na imahe nito.Mama Leste.Lumapit ito sa akin at saglit na tumingin sa mga mata ko."Lumaban ka, anak."

  • Decay of Dawn   XXIV

    Mara's point of view.Nagising akong nakailaw na ang kwarto.Kinusot ko muna ang mga mata ko, naramdaman ko ang pamimigat no'n dahil onting oras lang ako natulog. Bumangon ako at nilibot ng paningin ang kabuuan ng kwarto.Nakita ko si Josh, katabi ni Zion. Magkaharap sila sa isa't isa at parehong sumisimsim ng kape. Napangiti ako nang mapagtanto na nagkakaunawaan na ulit ang mga ito.Tumayo na'ko kaya naagaw ko ang atensyon ng mga ito."H-hey, ang aga mo naman magising" Bungad sakin ni Josh nang makalapit ako sa kanila. Umurong siya nang kaunti at pinaupo ako sa sofa, katabi niya."Magang maga ang mga mata mo" Puna ni Zion sa akin.Nagkibit balikat lang ako sa mga ito at napatingin sa kapeng iniinom nila."Sandali ipagtitimpla kita" Ani Zion saka nilapag ang kape niya at dali daling

  • Decay of Dawn   XXIII

    Mara's point of view.Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa sinabi niya.Ayokong makasira ng relasyon.Ayokong makasira ng relasyon para lang sa formula na 'yon.Hindi pa kami ni josh.Hindi pa kami. Pero ang katotohanan na isinasakripisyo na ang sarili niya para sa'kin, ay nagpapadurog ng puso ko. Na gi-guilty ako. Kung hindi niya ko nakilala, kung hindi lang kami nagkita. Kung hindi niya lang ako niligtas noon, hindi sana siya napahamak.Ngayon, nararamdaman ko na naman ang galit. Galit para sa sarili ko. Masyado akong naging pabigat sa kaniya. Sana pinigilan ko na lang ang sarili ko, sana pinagbuntungan ko na lang siya ng galit ko, para di siya napalapit sakin. Sana di na kami umabot sa ganito.Sana di na lang kami nahulog sa isa't isa. Nagsisisi ako. Sana di ko siya pinayagang pumasok sa buhay ko

  • Decay of Dawn   XXII

    Josh's point of view."You're such a disgrace!" Sumbat niya sa akin. Di ko siya magawang tignan pero alam kong gustong gusto na niya 'kong sugurin para bigyan ng leksyon. Hinaharangan lang siya ng mga tauhan niya."Paano mo nasikmurang traydorin ako Josh?" Dugtong niya. Galit na galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko, pero hindi niya alam yung haba ng panahong kinimkim kong poot sa kanya.Gusto kong isumbat sa kanya lahat. Gusto kong sabihin na kinakahiya ko siya bilang ama. Hindi ko na kayang palampasin pa.Ayokong sumabog lahat ng hinanakit ko, ayokong makasakit ng damdamin ng isang ama. Ayokong ilabas ang galit ko pero masyado nakong napupuno."Dapat kakampi kita Josh! Bakit di moko lapitan? Bakit nilalayo niyo ang loob niyo sakin? Nakalimutan mo na bang ama mok--""Bakit? Naisip mo ba yan noon? Naisip mo bang anak mo kami bago mo kam

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status