Isang tunog ng alarm clock ang nagpabalik kay Allyce sa reyalidad. Agad namang lumukso ang kaniyang puso pagkarinig no’n. Dali-dali niyang iniligpit ang kaniyang mga gamit at nilabas ang isang maliit na salamin. Tiningnan niya ang kaniyang sarili at nag-retouch.
“Janna, pakisuyo ako.” Dumungaw siya sa opisina ng isa sa kilalang katrabaho niya.
Huminto ang dalagang si Janna sa pagtitipa ng keyboard ng kompyuter at tinanggal nito ang suot na headphone bago nito binalingan ng tingin si Allyce. “Ano ’yon, Allyce?”
“Mauuna na ako. Pakisabi na lang kay sir Stephan. Salamat!” nakangiti niyang wika habang nakatitig lang sa katrabaho.
“Sure! Walang problema. Susunduin mo na ang anak mo?”
Tumango siya, “O, sige. Salamat ulit!”
Ngumiti ito sa kaniya at sinimulan na ni Allyce na humakbang papatalikod na siyang ikina-irap naman ng huli. Inikot nito ang kaniyang paningin bago sinuot muli ang headphone at iniunat ang sariling kamay at braso.
Pagkalabas ni Allyce sa elevator ng kompanya ay nasa basement na siya nito. Dumiretso siyang naglakad papunta sa kaniyang kotse na BMW. Kaisa-isahang kotseng kaniyang nabili mula sa kaniyang pagtatrabaho bilang sekretarya. Kahit na ilang beses na siyang bilhan ng kaniyang among manliligaw ng mga mamahaling bagay lalo na ang kotse ay hindi niya ito tinatanggap. Mayroon siyang panindigan na siyang ikinahanga nang husto ng CEO.
Habang nagmamaneho papunta sa eskwelahan ng kaniyang anak upang sunduin ito ay bigla niyang naalala ang kaniyang dating asawa. Hindi man sila nag-annull ng marriage ay masasabi pa ring hindi na sila mag-asawa—para sa kaniya. Napabuntong-hininga si Allyce nang paulit-ulit niyang naalala ang nakita niya noong naglapat ang dalawang palad ng hari ng mga demonyo sa kaniyang ulo.
Nakakatakot, nakakapangilabot, at nakakapanindig-balahibo ang tanawin. Karumal-dumal kung sino man ang makakasaksi ng mga gabundok na mga bangkay na pinatay ng kaniyang dating asawa. Hindi niya maisip kung bakit siya pa ang napiling maging kabiyak nito. Napapatanong na lang siya kung may nagawa ba siyang malaking kasalanan sa dati niyang buhay kaya pinaparusahan siya magpahanggang ngayon.
May mga gabing hindi siya makatulog kapag bigla-bigla itong bumabalik sa kaniya. Tila pasan niya ang iniisip na malaking kasalanan at paulit-ulit siyang humihingi nang kapatawaran.
Nang matanaw na niya ang pinapasukang skwelahan ng kaniyang nag-iisang anak ay agad niyang sinipat ang isang bakanteng pwesto upang iparke ang kaniyang sasakyan.
Isang metro na lang ang layo at ma-iparke na niya ang minamanehong kotse nang biglang may matuling umagaw sa pwesto nito. Mabilis siyang nakapreno at muntik nang madisgrasiya.
Isang babaeng nakasuot ng hapit na hapit na tube dress na kulay itim ang lumabas sa isang Lamborghini nitong sasakyan. Nakasuot ito ng pitong pulgadang taas na takong at naka-full make-up pa. Tila isang modelong rumampa papunta sa harapan ng kotse ni Allyce at hinampas nang dalawang beses ang bumper ng kotse.
Dinuro niya si Allyce na nasa loob ng kotse na ngayo’y gulat pa rin at hindi makapaniwala sa ginawa ng estranghera. “B*tch! You almost hit my car!”
Agad na tumaas ang kilay ni Allyce nang marinig ang maarteng boses nito at pag-aakusa ng babae sa kaniya. “Hoy!” Dumungaw siya sa bintana at masama niyang tinignan ang babae. “Ikaw itong b*tch! Kapal ng mukhang hampasin ang kotse ko! Alis! Alis! Choo!” pagtataboy niya rito.
Namaywang ang babae sabay taas ng kilay nito. “How dare you! Muntik mo na ngang—Ahh!” Napahinto siya sa kaniyang sasabihin at nagsisigaw na tila isang inahing manok sa kaniyang kinatatayuan.
Imbis na mainis ay napangisi si Allyce sa itsura ng babae nang binusinahan niya ito nang ilang ulit.
“Ahh—” Agarang tumakbo ito papunta sa kaniyang kotse nang umandar ang kotse ni Myari sa takot na sasagasaan siya nito. “F*ck you! Biii*tch! Argh!”
Napatawa nang mahina si Allyce dahil sa nasisiyahan siya sa pagpapa-inis sa aroganteng estranghera. Kahit na nasiyahan siya ay hindi pa rin maaalis sa kaniya na mainis sa pag-agaw nito sa pwesto. Wala siyang nagawa kundi iparke ang kotse sa isang maypagka-tagong pwesto.
Inayos niya ang sarili bago lumabas sa kotse at pumunta sa main gate ng eskwelahan.
“Magandang hapon, manong Caloy!” agad na bungad ni Allyce sa lalaking guwardiya na may edad na lagpas kuwarenta.
“O! Miss Allyce! Susunduin mo na ba si Darkien?” Malaki ang ngiti nito nang makita si Allyce.
“Opo.” Tanging sagot niya sa matanda. Gustuhin man niyang magpa-pilosopo sa matanda ay pinigilan niya ang sarili sa takot na makarma siya nito.
“Tatawagin ko muna, miss Allyce!” Tila kinikilig ito na siyang nakasanayan na ni Allyce.
“Mommy!” Malakas ang sigaw ni Darkien pagkalabas ng gate at tumakbo papunta sa kaniyang ina. “I miss you!”
“Miss ka rin ni mommy, baby!” Kinarga niya ang kaniyang anak at hinalikan ito sa pisngi. “Mauuna na kami, manong. Ingat po kayo!”
“O, sige-sige! Mag-iingat din kayo!” Tumawa pa ang matanda at hindi inalis ang tingin sa papalayong si Allyce. Hindi nito maiwasang pagmasdan ang hubog ng katawan ng babae at nanggigil na kinagat ang ibabang labi nito.
“Mommy! Mommy! Look, oh!” Pinakita ng batang Darkien ang kaniyang braso na napuno ng mga star. “Very good daw ako sabi ng mg titser ko po!”
“Oh my! Proud na proud si mommy sa iyo, baby! Kiss mo nga ako!”
Isang malutong na “Mwah!” ang tumunog pagkahalik ng batang si Darkien sa pisngi ng kaniyang mommy.
“Isa pa, baby!”
Pinudpud ng halik ang pisngi ni Allyce ng kaniyang anak. Napakasaya nilang tignan. Kung sino man ang makakakita sa pagkakataong ito ay mahahaplos ang kanilang puso. Mararamdaman talaga ang purong pag-ibig sa pagitan ng mag-ina.
Sa kabilang banda, isang batang babae ang tumatakbo papunta sa kaniyang ina na ngayo’y busy sa sariling nitong selpon. “Mommy!”
“Let’s go,” ani nito na isang segundo lang sinipat ang limang taong gulang na bata at nagpatiunang naglakad papunta sa kaniyang kotse na Lamborghini na kulay dilaw.
Nanubig ang magagandang mata ng batang babae habang nakasunod sa mommy nito. “M-Mommy...” Napatingin ang bata sa loob ng kotse nang binuksan ito ng kaniyang ina.
“Ano pang tinutunganga mo riyan? Pasok! Nakakaabala ka, a!” singhal nito sa bata.
Napasinghot ang batang babae tyaka nito nilagay ang kaniyang dalang lunch box sa loob ng kotse at nahihirapang ihakbang ang sariling mga paa upang makapasok sa loob ng sasakyan.
“Argh! Napupuno na ako sa inyo, Britney!” Nanggigil sa inis ang babae nang kinurot nito ang braso ng bata na siyang ikinaiyak ng kaniyang anak. “Tumahimik ka!” Marahas niya itong kinarga at pinasok sa loob ng kotse tyaka pumunta sa driver seat.
Mahihinang hikbi ang lumalabas sa batang babae. Pinipigil nitong mapaiyak nang malakas sa takot na pagbubuhatan na naman siya ng kamay ng sariling ina.
Sinapat ng babae ang rear mirror at nakita ang kaniyang anak na nakatingin sa kaniyang likuran habang ang mukha nito ay halatang naiiyak na. Napa-irap siya dahil sa naramdamang inis. Halata ang kaniyang pagkadisgusto sa anak. Pinakasalan niya lang ang ama nitong mayamang matanda para lang sa pera.
Napatigil ang pagmamaneho nito nang mapansing mayroong matandang mahinang tumawid sa dadaanan niya, kalahating metro ang layo. Agad namang nadagdagan ang kaniyang inis at ilang ulit na bumusina.
Nagtaka siya nang tumigil ang matandang nakasuot ng mahabang balabal na kulay itim at napalingon sa kaniyang gawi. Unti-unti itong naglakad papunta sa kaniyang kotse at unti-unti ring naaninagan niya ang pagmumukha nito.
“What th—” Napatutop siya nang makita ang pagmumukha nito. Napakagwapong nilalang na ngayon niya lang nasilayan.
Nanglaki ang mata ng babae nang bigla nitong hinampas ang kaniyang bumper ng kotse nang isang beses lamang. Nayupi ito at lumabas ang usok ng sinasakyang kotse.
“Ang Lamborghini ko!” naisigaw niya at tinignan ang estranghero.
Masamang nakatitig ang lalaki sa kaniya at itinukod nito ang isang palad sa nayuping bumper. “Huwag na huwag mong babanggain ang asawa ko. Kung hindi, ako ang makakalaban mo!”
Agad na nanindig ang balahibo ng babae nang marinig ang boses ng estranghero na tila ay nanggaling sa kailaliman ng lupa. Napakalamig nito at nagdudulot din ng kakaibang sakit ang paraan ng pagtitig nito na tila isang nakakamatay na laser.
Isang segundong biglaang pagkawala nang estranghero na nasa harapan kanina ay siya namang pagsabog ng dalawang gulong ng kaniyang sasakyan. Napasigaw siya rito dahil na rin sa halo-halong emosiyon.
‘Sinong asawa?’ Katanungang nanatiling walang sagot na nagpabaliw sa kaniya sa puntong ito.
•••
Sinimulan na ni Allyce na i-atras ang sinasakyang kotse at pinaikot ang manubela sa kaliwa. Napatingin siya sa rear mirror na siyang kinagawian niya upang alamin kung mayroon ba siyang maatrasang bagay sa likuran.
Hindi sinasadyang napabusina siya nang makita ang isang napakapamilyar na tao sa likuran ng kaniyang kotse. Napahinto siya at hindi maigalaw ang sariling katawan sa sobrang kaba at pagkatakot. Ngumiti ito sa kaniya na nagpabalik sa kaniyang wisyo.
Mabilis niyang pinaandar ang kotse. Napatingin siya ulit sa rear mirror at wala na ang nakita niyang pamilyar na tao—demonyo. Ang kaniyang dating asawa!
‘Jusko! Ano na ang gagawin ko!’ Napasipat siya ng tingin sa kaniyang anak na ngayon ay naglalaro sa kaniyang tablet. Nag-aalala siya sa kanilang dalawa. Sigurado siya sa kaniyang nakita at hindi siya magkakamali sa kaniyang hinuha. ‘Kukunin ba niya ang anak ko? Hindi! Hindi ako papayag!’
Mabilis niya itong pinaandar papunta sa kanilang bahay. Pagkahinto sa kotse ay nagmamadali siyang lumabas at binuhat ang kaniyang anak. Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod at kamay.
“Mommy? What’s wrong?” Nagtataka ang batang si Darkien sa kinikilos ng kaniyang mommy ngayon.
Aligaga si Allyce habang nagmamadaling nilalagay ang mga importanteng bagay sa isang malaki niyang maleta.
“Baby, aalis na tayo, okay?” Nanginginig pa ang boses ni Allyce dahil sa sobrang kaba at pagkatakot.
“B-Bakit po?” Hindi maintindihan ng batang si Darkien kung bakit kakaiba ang inaakto ng kaniyang mommy.
“Pupunta tayo sa masayang lugar, baby. Ito.” Ibinigay ni Allyce ang isang maliit na bag sa kaniyang anak. “Ilagay mo ang gamit mo riyan. ’Yong importante lang, baby.”
“Okay po.” Nakanguso ang batang si Darkien habang papunta sa kaniyang silid.
Nais ni Allyce na makalayo na sila agad at makapagtago mula sa kaniyang demonyong asawa. Hindi niya kakayaning mawalay sa kaniyang anak. Ikakamatay niya kapag kukunin ito at ilayo sa kaniya.
“Anak? Tapos ka na? Aalis na tayo.” Hindi mapakali si Allyce habang papalabas siya mula sa kaniyang silid.
“Yes, mommy!” Tumakbo si Darkien papalabas sa kaniyang silid dala ang maliit niyang bag.
“Halika na. Bilisan nati—”
“Wait,” singit nito sabay bitaw sa pagkahawak sa kaniyang kamay. “Si Hershey! Dalhin natin.”
“Huwag na anak. Iwan na natin siya.”
“No!” Agad na tumakbo ang batang si Darkien sa kanilang kusina upang kunin ang kanilang pusa.
“Anak! Bumalik ka rito—” Napahinto si Allyce at napalingon sa main door ng kanilang bahay.
Agad na bumilis ang kabog ng kaniyang puso nang marinig ang mahinang katok mula sa labas ng pinto. Tila lulukso papalabas ang kaniyang puso at nanginginig na ang kaniyang buong sistema.
“S-Sino ’yan?” nauutal niyang tanong subalit wala siyang nakuhang sagot mula rito.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pinto. Pinipigilan ang sariling matumba. Nang makalapit ay inilapat niya ang kaniyang palad sa pinto at kinakabahang dumangaw sa peephole.
Napabuga siya nang malalim na hininga at nawala ang mabigat na kaniyang nararamdam nang makitang isa pala itong delivery boy ng pizza.
Agad niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kaniyang harapan ang nakangiting delivery boy at dala nito ang kaniyang inorder kanina.
“Narito po ang order n’yo, mada—”
“Sa iyo na ’yan.” Ngumiti siya nang tipid at nanginginig pa ang kaniyang kamay habang kumukuha ng isang libo mula sa kaniyang mamahaling pitaka. “Ito. Pasensiya na sa abala.”
“Hala, ma’am! H-Hindi ko po ito matatanggap.” Gulat ang gumuhit sa mukha ng teenager.
“No, I insist. May lakad kasi kami ng anak ko ngayon. Tanggapin mo na... isipin mo na lang na regalo ko iyan sa iyo.”
“T-Talaga po? S-Salamat po!” Nanubig ang singkit na mga mata nito at napahawak pa sa sariling dibdib. “Kaarawan po ng aking ina ngayon! Maraming salamat po!”
Ngumiti lang si Allyce rito at nang tumalikod ang teenager ay agad naman niyang sinara ang pinto at tinawag ang kaniyang anak. “Aalis na tayo. Darkie—”
Napabuntong-hininga si Allyce nang mayroon na namang kumatok. “Ano pa bang kailangan niya!” mahina niyang bulong at mabilis na binuksan ang pinto.
Sa isang iglap ay napalitan ng takot ang kaniyang ekspresiyon nang makita ang isang bultong nakatayo sa kanilang doorstep. Natuod siya sa kaniyang kinatatayuan at tila huminto ang kaniyang paligid at pati na rin ang kaniyang puso.
“Mommy! Let’s go na!” sigaw ni Darkien at tumakbo papunta sa kaniyang mommy dala ang kaniyang pusa.
“Meow!” Tumaas ang balahibo ng pusang si Hershey na tila natatakot at galit ito nang makita nito ang nakatayong lalaki sa labas ng pintuan.
“Kumusta.... mahal kong asawa? Na-miss mo ba ako?”
“D-Demon!?”
ANG malakas na pagsabog ay nagresulta ng malakas na pagyanig ng lupa. Isang makapal na usok ang lumukob sa kinatatayuan ni Demon subalit siya’y nanatili pa ring nakadilat ang mga mata na tila ay hindi nasasaktan.Agad na kumunot ang noo ni Demon nang muli ay nakatakas si Kiefer subalit nakakasiguro siyang malalim ang mga sugat na natamo nito mula sa kanilang labanan. Siya naman ay walang makikitang ni miski maliit na galos.Siya ay tumalikod na at iniwan ang lugar na iyon. Diretso ang kaniyang paglalakad ng walang emosiyon ang kaniyang mukha. Unti-unti ring nawawala ang madilim na awra na nakapalibot sa kaniya.“M-Mister?” Isang mahinang tinig ang nagpalingon kay Demon at nakita ang babae kanina. “Kanina pa kita hinahanap—”Hindi niya pa rin ito pinansin at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad papunta sa naturang nature spot. Narinig ni Demon ang sigaw ng babae subalit hindi siya nag-abalang huminto.Inis man ang nararamdaman ni Jenny subalit nawawala iyon kapag napapatingin siya sa
NAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw. Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan. “Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.” “Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad. Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya. “Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak
SOBRA at hindi mapapatawan ang ingay ni Darkien dahil sa sayang nararamdaman niya sa mga oras ngayon. Siya ang mas pinakamaingay sa lahat ng mga batang naroon sa bus. Nasa byahe na sila ngayon. Magkatabing nakaupo ang tatlo at nasa gitna nina Allyce at Demon ang kanilang anak na kanina pa sobrang hyper.“Baby, umupo ka nang maayos. Huwag kang tatayo, okay? Madidisgrasiya ka niyan.” Kahit anong pilit na pinagsabihan ni Allyce ang kaniyang anak ay hindi ito nakikinig. Panay pa rin itong tumatalon-talon sa umupan. Napalingon si Allyce sa mga taong kasama nila at lahat sila ay nakatingin lang sa kanila na may iba’t ibang ekspresiyon sa kanilang mukha. “Darkien! Tumigil ka na at umupo nang mabuti. Huwag kang mag-ingay, magagalit ang mga tao sa’yo.”“May daddy ako! May daddy ako! Superhero ang daddy ko!” Hindi pinansin ni Darkien ang kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pag-chant ng mga katagang iyon habang tumatalon-talon. Kinakaway-kaway rin nito ang kaniyang mga kamay.“Darkien! Tumigil k
“Mommy! Mommy!” Masiglang tumatalong-talon ang batang si Darkien. Excited na ito sa magiging field trip nila ngayong araw. Lalo sa lahat, excited siyang makasama ang kaniyang mommy at Daddy Demon. Mararanasan na niya ang pagkakaroon ng buong pamilya. Mayroong mommy at daddy.“Oh, baby? Ang aga mong gumising, a?” wala sa sariling tanong ni Allyce sa anak habang nakapikit ang isa niyang mata.“Gising na, mommy. Field trip natin ngayon, hindi ba?” Tila ay kinikilig ang batang si Darkien bago ito tumakbo palabas.“Mag-ingat ka sa pagtakbo, baby!” sigaw ni Allyce upang paalalahanan ito.Walang magawa si Allyce kundi ay bumangon na sa kaniyang hinihigaan. Inuunat-unat niya ang kaniyang katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Bandang alas-sais pa ng umaga ngayon at ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-syete’y medya.“Kumain ka nang mabuti. Ito pa kainin mo ito.” Nilagyan ni Allyce ng gulay nilang ulam ang pinggan ng kaniyang anak. Inuna niyang inasikasuho ito bago pa ang kaniyang sa
SA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing
“Maraming salamat,“ Allyce said in a low tone nang pagkalabas nilang dalawa ni Demon. Nasa unahan niya ito. “Para saan? Sa pag-anyaya mo sa akin ngayong gabi?” nakangiting tanong ni Demon pagkaharap niya rito. Pinagmamasdan niya ang kumikinang na pisngi ng asawa. Natatapatan ito ng sinag ng buwan. He couldn’t stop himself na mapamangha sa natural na ganda ng kaniyang asawa. “H-Hindi 'yon!” Allyce defended herself. Napansin niyang nawala ang ngiti ng kaharap at nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Agad na ibinaling ni Allyce ang kaniyang paningin sa ibang bagay. Nakatuon ang kaniyang paningin sa isang madilim na parte ng kalye na may kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Ramdam niya ang lamig ng hangin at ang kaniyang buhok ay sumasayaw sa ritmo nito. Tumikhim si Demon upang mapalipat sa kaniya ang atensiyon ng asawa. “May sasabihin ka?” Pilit na inaaninagan ni Allyce ang mukha nito sa dilim. Hindi naaabutan ng sinag ng buwan ang mukha nito at da