Beranda / Fantasy / Demon’s Forbidden Wife’s Son / Chapter 3: Unexplained force

Share

Chapter 3: Unexplained force

Penulis: Tearsofpaige
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-22 13:02:26

Isang kotse na may tatak na Rolls-Royce ang huminto sa tabi ng kalsada katapat ng tarangkahan na kulay puti at sa loob no’n ay isang bahay na mayroong dalawang palapag. Bumukas ang driver seat at lumabas doon si Stephan at agad na lumiko upang pagbuksan nito ang pinto ng passenger seat.

“Maraming salamat sa paghatid sa amin, Stephan!” pagpapasalamat ni Allyce sa kaniya. “Maraming salamat sa lahat! Hindi ko na alam kung ano ang magiging buhay namin ng anak ko at kung saan kami pupulutin ngayon kung hindi ka dumating at—”

“Shh!” Nakalagay ang hintuturo ni Stephan sa malambot na labi ni Allyce upang pahintuin ito. “Mahalaga ka sa akin—ng anak mo at tyaka… mahal kita, Allyce. Sapat na ba iyon bilang rason kung bakit patuloy pa rin kitang tinutuluyan ngayon?”

Napakagat ng ibabang labi si Allyce pagkaalis nito ng hintuturo mula sa labi niya at tumango na lang siya bilang pagsang-ayon. Napakalambing ng binata at siguradong magiging maswerte ang babaeng papakasalan nito.

“Hali ka na baby! Ayan… dahan-dahan. Mag-iingat ka.” Inalalayan ni Allyce ang kaniyang anak na si Darkien na ngayon ay pababa mula sa loob ng kotse.

“Allyce,” mahinang pagtawag ni Stephan sa kaniya na ikinalingon niya rito.

“May sasabihin ka pa?” Makikita sa mukha ni Allyce ang kuryosidad at hinihintay niya ang sasabihin ng binata.

“Mahal kita.” Napatigil si Allyce pagkarinig niya no’n at halata sa boses ng binata ang pagka-seryoso nito. “Hindi ako magsasawang sabihin iyon sa iyo.”

Agad na naglaro ang isip ni Allyce at naalala na naman niya ang asawa niyang demonyo, si Demon. Naalala niya pang sinabihan din siya nito nang ganiyang linya. Tila ay ume-echo sa kaniyang isipan ang boses nito at talaga namang naririnig niya pa ang boses ng asawa.

“Matagal na ang anim na taon subalit makakaya ko pa ring maghintay… na hintayin ka habambuhay… ganiyan kita kamahal, Allyce. Lahat gagawin ko.” Nakatitig lang ito sa kaniyang mga mata. “Wala akong hinihinging kapalit kahit bagay man. Nais ko lang ay mahalin mo rin ako—na magawa mo akong mahalin. Ako na ang maswerteng lalaki sa buong imp—mundo kung gano’n!”

Hindi makasalita si Allyce. Tila naputulan siya ng kaniyang dila at hindi gumagana ang kaniyang utak. Kahit na tumatawa ang binata, makikita pa rin sa mga mata nito ang lungkot. Isa rin si Stephan sa dahilan kung bakit hindi niya makakalimutan ang alaala ng kaniyang asawa, si Demon. Ang kulay ng mga mata ng dalawa ay tunay ngang may pagkakatulad. Napakaitim na tulad ng gabing walang tanglaw.

“Stephan…” tanging naisambit ni Allyce nang mahina.

‘Mahalaga ka sa akin… pero…’ napabuntong hininga na lang siya nang mahina. Paano nga ba niya sasabihin sa binata na hindi niya kayang mahalin ito kahit na alam niya sa sarili na napakadali lang na mahalin ang binata. Baka siguro hindi pa sapat ang anim na taong panliligaw nito? Nakakapagtataka naman kung gano’n. Ito lang ang nasa isip ni Allyce… baka hindi lang talaga sila ang itinadhana para sa isa’t isa.

Huminto si Stephan sa kaniyang pagtawa at tinignan niya ang nakakabighaning mukha ng pinakamamahal niyang si Allyce. Hindi siya magsasawang titignan ito maghapon man o magdamag. Siya ang nag-iisang babae na kayang patibokin ang kaniyang patay na puso. Ang babaeng tanging hinihiling niyang makasama sa pagtanda at sa kabilang buhay.

Napababa ang kaniyang paningin sa nakakaakit na mapupulang labi ni Allyce. Tila ay may force na nagmamagnet sa kaniya na halikan ito. Papalapit na nang papalapit ang kaniyang labi kay Allyce nang…

“Mommy? Gutom na ako.”

Kapwa’y napabalik sa wisyo ang dalawa nang marinig ang boses ni Darkien. Napatingin si Allyce sa kaniyang anak na ngayo’y nakanguso at nagpapa-kyut sa kaniya. Nakayakap ito sa kaniyang hita.

“Papatayin mo ba ako sa ka-kyutan mo anak, huh!” Masayang binuhat ni Allyce ang anak sa kaniyang mga bisig at hinalikan niya ito sa mabibilog nitong pisngi.

“Waah!” agad namang umiyak si Darkien nang marinig ang sinabi ng kaniyang mommy.

“O? Bakit ka umiiyak, baby? May masakit ba?” agad namang nag-aalalang tanong ni Allyce sa anak.

“D-Dito.” Tinuro ng kaniyang anak ang bandang dibdib nito.

“Ha? Nahihirapan ka bang huminga? Ano? Sabihin mo, baby!” Natataranta na ngayon si Allyce nang makitang itinuro ng anak ang dibdib nito.

Umiling ang bata.

“Sabihin mo, Darkien. Pasok kayo sa loob ng kotse at dadalhin natin siya sa ospit—”

“Sabi mo, mommy, mamamatay ka sa ka-kyutan ko! A-Ayokong mawala ka!” malakas itong pumalahaw ng iyak.

Agad namang napatawa si Allyce at si Stephan nang malaman ang dahilan ng pag-iyak nito. Akala nila kung ano.

Hindi maiwasan ni Allyce na mapangiti. Talaga nga namang mahalaga siya sa buhay ng bata. Mahal siya nito.

“Biro lang ’yon ng mommy, baby!” natatawang paliwanag ni Stephan sa bata na ikinanguso at ikinasimangot nito. “Anong problema? Anong mukha ’yan?”

“Away n’yo ko! Hindi tayo bati!” pagmamaktol nito at pinag-krus pa nito ang kaniyang dalawang kamay.

“Lulutuan kita ng favorite mong hotdog, okay na ba iyon, baby? Peace offering namin ng tito mo,” nakangiting suhestiyon ni Allyce sa bata.

Agad namang nangningning ang maitim na mga mata nito. “Yehey! Gusto ko hotdog! Bati na tayo!”

Napakasaya nilang tignan na wari isang buong pamilya. Ngunit, sa kabilang banda ay mayroong nagngingit-ngit at halatang matindi ang pagkaselos nito sa kaniyang pinapanood.

“Pinagpalit mo na nga ako!” Nagkas-kasan ang mga ngipin ni Demon sa matinding nararamdamang inis at pagkagalit.

Halata sa mukha nito na hindi siya nasisiyahan sa kaniyang nakikita. Hindi niya matanggap ang katotohanang hiwalay na sila ng asawa—na wala na siyang puwang sa puso ni Allyce.

Napakuyom ang kaniyang mga kamay at sinundan ng tingin ang papalayong Rolls-Royce. Nakita niya namang papasok na sa loob si Allyce habang karga niya pa rin ang anak nito.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay agad namang lumabas si Demon sa kaniyang pinagtataguan at napagdesisiyonan nitong lumapit sa bahay ng asawa. Miski makita niya lang ito sa malapitan kahit hindi nito alam.

“Mommy?”

“Yes, baby? May gusto ka bang sabihin?” Nilingonan ni Allyce ang kaniyang anak ng ilang segundo lang at bumalik sa kaniyang pagluluto.

“Hmm…” Tumatango-tango ang bata kahit hindi siya nito nakikita ng kaniyang mommy. “Mahal mo ba ako?”

Agad namang napangiti si Allyce nang marinig iyon. “Oo naman. Higit pa sa buhay ko, baby. Ako ba, mahal mo ba ako?”

“Opo! Higit din sa buhay ko.”

Hindi mapigilan ni Allyce na h****n ang pisngi ng kaniyang anak at bumalik sa kaniyang pagluluto.

“Mommy?”

“Ano ’yon baby?”

“Mahal mo ba sa tito Stephan?”

“Aray!” Napadaing si Allyce nang hindi niya sinasadyang lumapat ang kaniyang pulupulsuhan sa mainit na gilid ng kawali.

“Anong nangyari, mommy?” Nataranta naman ang kaniyang anak nang makitang nasasaktan siya. “Patingin! Patingin!”

“Okay lang si mommy, baby.” Pilit siyang ngumiti sa kaniyang anak. “Maglaro ka muna doon sa sala. Huwag lalabas ng bahay, a.”

“Opo!” Bago pa ito umalis ay sinipat niya muna ang kamay ng kaniyang mommy at tumakbo.

Napabuntong-hininga si Allyce. Napapaisip kung may nararamdaman ba siyang pagmamahal kay Stephan kahit katiting man lang. Kahit anong tanong niya sa sarili ay alam niya ang totoong sagot. Wala. Gusto n’yong paniwalaing mahal niya ito pero sarili lang ang dinadaya niya.

Malaki ang naitulong ni Stephan sa kanila kaya naging ganito siya ngayon. Nahihirapan sa sariling puso—laban sa kaniyang isip. Ang sinasabi ng puso niya ay hindi niya ito mahal at isa lang ang tinitibok nito maliban sa kaniyang anak na si Darkien. Ang isip niya naman ay napaka-kontrabida at palagi niyang nakukuhang sagot ay kailangan niyang mahalin ang binata bilang kapalit ng kaniyang utang na loob dito. Palaging nag-aaway ang dalawang ito subalit lahat naman ay tama—lahat ay may punto. Isa lang ang magiging bunga ng lahat—sakit.

Sa kabilang banda, nakatayo lang si Demon sa labas ng tarangkahan ng bahay ni Allyce. Nagdadalawang-isip kung papasok ba siya sa loob nang walang paalam, o magpapakita siya sa asawa.

Para siyang uod sa labas na pabalik-lakad ang ginagawa. Hindi rin mapigilan ng mga iilang dumadaan na mapapatingin sa kaniya. Ang ilan pa ay nasasayangan dahil napaka-gwapo niya sana kaso… baliw lang.

“Ay! Ang bola ko!” sigaw ni Darkien nang tumalbog ang kaniyang bola papunta sa direksiyon ni Demon.

Mabilis na nasalo niya ito at napatingin sa batang papunta sa kaniyang direksiyon. Nakangiti itong nakatitig sa kaniya.

Hindi niya maiwasang magulat nang makita ito. Hindi siya tanga upang ipagkakailang hindi niya ito kamukha. Hindi siya tanga na hindi agad malamang anak niya ito. Tanga nga lang siya sa pag-ibig niya kay Allyce.

“Hello po! Anong hanap n’yo?” magiliw na tanong ng batang Darkien pagkalapit niya rito.

Kahit na sinabihan na siya ng kaniyang ina na huwag makipag-usap sa isang istranghero subalit siya pa ang naunang nakipag-usap sa isang malaking mama na nasa harapan niya.

“W-Wala… ito.” Binigay ni Demon ang bola sa bata at makikita sa mukha niya ang sobrang saya.

Tila napawi agad ang inis, galit, at lahat ng sakit, at paghihirap niya nang makita ito. Napakunot naman ang noo ni Darkien at nakanguso ang labi nito na tinanggap niya ang kaniyang bola.

Pasulyap-sulyap pa ito kay Demon habang papasok sa kanilang bahay.

“Mommy?” agad na tawag ni Darkien kay Allyce pagkapasok niya sa loob.

“Halika rito baby. Luto na ang hotdog. Huhugasan muna natin ang kamay mo, a!”

“Opo!”

•••

Ang paligid ay hindi gaanong madilim, sapat lang na makita ang loob ng silid kung saan nakatayo si Demon. Pinapanood nito ang mahimbing na pagtulog ng asawa.

Ang maitim nitong mga mata ay tila nagniningning dahil sa refleksiyon ng desinyong ilaw sa loob ng silid ni Allyce. Makikitang kalma lang siyang nanonood dito kahit ang kaloob-loban niya ay nagdidiwang na.

Akala niya ay may iba na ang asawa. Inaakala niyang wala na siyang puwang sa puso nito. Ang pagluwal at pagpapalaki ni Allyce sa kanilang anak ay masasabing pinapahalagahan pa ni Allyce ang kanilang pagmamahalan. Umaasa pa rin siyang maibabalik sa dati ang nasira nilang relasiyon.

“Mahal ko.” Inihakbang ni Demon ang kaniyang mga paa papalapit sa asawa niya. “Matindi ang pananabik kong makita at makasama kitang muli.”

“Hmm…”

Napatingin siya rito na ngayon ay nakatihaya na. Napatawa siya nang makita ang mukha nito sa pagtulog. Pitong taon na ang lumipas nang huli niya itong nakitang ganiyan. Buhaghag ang buhok, humihilik, at napakaganda pa rin sa kaniyang paningin.

Yumuko siya at akmang hahagkan niya sana ang noo ni Allyce nang may isang pwersang nagpatalsik sa kaniya palayo. Hindi man gaanong kalakas subalit sapat na para masaktan siya—masaktan ang kaniyang puso.

“A-Anong…” Nagtagis ang kaniyang bagang habang nakakunot ang kaniyang noo.

Hindi niya maisip kung anong pwersa iyon. Naguguluhan siya. Isang ordinaryong tao lang asawa kaya lubos siyang nagtataka kung saan nanggaling ang pwersang nagpatalsik sa kaniya papalayo.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Demon’s Forbidden Wife’s Son   Chapter 24: Misunderstood

    ANG malakas na pagsabog ay nagresulta ng malakas na pagyanig ng lupa. Isang makapal na usok ang lumukob sa kinatatayuan ni Demon subalit siya’y nanatili pa ring nakadilat ang mga mata na tila ay hindi nasasaktan.Agad na kumunot ang noo ni Demon nang muli ay nakatakas si Kiefer subalit nakakasiguro siyang malalim ang mga sugat na natamo nito mula sa kanilang labanan. Siya naman ay walang makikitang ni miski maliit na galos.Siya ay tumalikod na at iniwan ang lugar na iyon. Diretso ang kaniyang paglalakad ng walang emosiyon ang kaniyang mukha. Unti-unti ring nawawala ang madilim na awra na nakapalibot sa kaniya.“M-Mister?” Isang mahinang tinig ang nagpalingon kay Demon at nakita ang babae kanina. “Kanina pa kita hinahanap—”Hindi niya pa rin ito pinansin at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad papunta sa naturang nature spot. Narinig ni Demon ang sigaw ng babae subalit hindi siya nag-abalang huminto.Inis man ang nararamdaman ni Jenny subalit nawawala iyon kapag napapatingin siya sa

  • Demon’s Forbidden Wife’s Son   Chapter 23: The explosion

    NAPAKAPRESKO ng simoy ng hangin lalo na’t napapalibutan ang sementadong daanan ng mga naglalakihan at nagtataasang mga puno. Bagama’t masarap ito sa pakiramdam, nagbabadya naman ang malakas na ulan. Namumuo ang maiitim na ulap sa kalangitan at paunti-unti nitong kinakain ang kabuoan ng magandang liwanag ng araw. Ang mga pasahero sa nasabing bus ay naglalakad na papunta sa sinabing nature spot. Sa kabila ng mahanging atmospera, makikitaan pa rin sa kanila ang pawis dala sa pagod. Napaghahalataang mga mayayaman sa lipunan. “Halika rito, baby. Kakargahin kita,” tawag ni Allyce sa kaniyang anak.Umiling lang ito at ngumiti. “Kapag pagod ka na, sabihan mo si mommy, a.” “Opo!” masaya nitong tugon at patalon-talon sa paglalakad. Hahabulin na sana ito ni Allyce nang pigilan siya ni Demon. Napatingin agad si Allyce sa pagkahawak nito sa kaniya. “Hayaan mo muna ang anak natin, mahal.” Nakangiti ito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Umirap lang si Allyce rito at akmang susundan ang anak

  • Demon’s Forbidden Wife’s Son   Chapter 22: Moments in the bus

    SOBRA at hindi mapapatawan ang ingay ni Darkien dahil sa sayang nararamdaman niya sa mga oras ngayon. Siya ang mas pinakamaingay sa lahat ng mga batang naroon sa bus. Nasa byahe na sila ngayon. Magkatabing nakaupo ang tatlo at nasa gitna nina Allyce at Demon ang kanilang anak na kanina pa sobrang hyper.“Baby, umupo ka nang maayos. Huwag kang tatayo, okay? Madidisgrasiya ka niyan.” Kahit anong pilit na pinagsabihan ni Allyce ang kaniyang anak ay hindi ito nakikinig. Panay pa rin itong tumatalon-talon sa umupan. Napalingon si Allyce sa mga taong kasama nila at lahat sila ay nakatingin lang sa kanila na may iba’t ibang ekspresiyon sa kanilang mukha. “Darkien! Tumigil ka na at umupo nang mabuti. Huwag kang mag-ingay, magagalit ang mga tao sa’yo.”“May daddy ako! May daddy ako! Superhero ang daddy ko!” Hindi pinansin ni Darkien ang kaniyang mommy at patuloy pa rin sa pag-chant ng mga katagang iyon habang tumatalon-talon. Kinakaway-kaway rin nito ang kaniyang mga kamay.“Darkien! Tumigil k

  • Demon’s Forbidden Wife’s Son   Chapter 21: Saving his son

    “Mommy! Mommy!” Masiglang tumatalong-talon ang batang si Darkien. Excited na ito sa magiging field trip nila ngayong araw. Lalo sa lahat, excited siyang makasama ang kaniyang mommy at Daddy Demon. Mararanasan na niya ang pagkakaroon ng buong pamilya. Mayroong mommy at daddy.“Oh, baby? Ang aga mong gumising, a?” wala sa sariling tanong ni Allyce sa anak habang nakapikit ang isa niyang mata.“Gising na, mommy. Field trip natin ngayon, hindi ba?” Tila ay kinikilig ang batang si Darkien bago ito tumakbo palabas.“Mag-ingat ka sa pagtakbo, baby!” sigaw ni Allyce upang paalalahanan ito.Walang magawa si Allyce kundi ay bumangon na sa kaniyang hinihigaan. Inuunat-unat niya ang kaniyang katawan at pagkatapos ay tumingin sa orasan. Bandang alas-sais pa ng umaga ngayon at ang oras ng byahe ay magsisimula ng alas-syete’y medya.“Kumain ka nang mabuti. Ito pa kainin mo ito.” Nilagyan ni Allyce ng gulay nilang ulam ang pinggan ng kaniyang anak. Inuna niyang inasikasuho ito bago pa ang kaniyang sa

  • Demon’s Forbidden Wife’s Son   Chapter 20: Off the pride

    SA mainit na araw ng Miyerkules, isang kaguluhan ang nagpapainit lalo sa mga iilang batang nanonood sa awayan ng limang kamag-aral sa gilid ng parking lot ng pinapasukang eskwelahan ng mga ito. Ang kaawa-awang batang si Darkien ay walang awang pinagtutulungan ng apat na kamag-aral. Ang mga ito ay kapwa’y kaniyang mga bully na laking mayayaman at spoiled.Kahit na anong gawing panlalaban ng batang si Darkien ay hindi pa rin niya kayang patumbahin ang apat na mas malaki pa sa kaniya.“Hindi ka nababagay rito!” sigaw ng matabang bata at dinaganan si Darkien.“Lampa! Lampa! Lampa!” sigawan ng tatlong kasamahan nito.Ang matatabang kamao ng nakadagan kay Darkien ay tumatama sa kaniyang namumulang pisngi. Imbis na humiyaw sa sakit ay pilit siyang bumabangon at makaalis sa pagkadagan nito sa kaniya. Nang makahanap ng tyempo ay siya naman ang nasa ibabaw nito at hindi rin mabilang na beses ang pinatama niyang suntok sa matatabang pisngi ng bully.Malakas na umiyak ang matabang bata at nanghing

  • Demon’s Forbidden Wife’s Son   Chapter 19: Invitation?

    “Maraming salamat,“ Allyce said in a low tone nang pagkalabas nilang dalawa ni Demon. Nasa unahan niya ito. “Para saan? Sa pag-anyaya mo sa akin ngayong gabi?” nakangiting tanong ni Demon pagkaharap niya rito. Pinagmamasdan niya ang kumikinang na pisngi ng asawa. Natatapatan ito ng sinag ng buwan. He couldn’t stop himself na mapamangha sa natural na ganda ng kaniyang asawa. “H-Hindi 'yon!” Allyce defended herself. Napansin niyang nawala ang ngiti ng kaharap at nakaramdam siya ng pagkailang nang makitang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Agad na ibinaling ni Allyce ang kaniyang paningin sa ibang bagay. Nakatuon ang kaniyang paningin sa isang madilim na parte ng kalye na may kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Ramdam niya ang lamig ng hangin at ang kaniyang buhok ay sumasayaw sa ritmo nito. Tumikhim si Demon upang mapalipat sa kaniya ang atensiyon ng asawa. “May sasabihin ka?” Pilit na inaaninagan ni Allyce ang mukha nito sa dilim. Hindi naaabutan ng sinag ng buwan ang mukha nito at da

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status