Share

27: VALID FEELINGS

The pain is not really on what you see, it's in what you feel.

Shan's Pov:

Libo-libong mga butuin at isang napakalaking buwan sa madilim na kalangitan ang nagbibigay liwanag sa buong planeta. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang buong kapaligiran. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa tuwing hinahalikan ng nakakabinging katahimikan ang buo kong pagkatao.

Kakauwi pa lang namin mula sa usapan namin kanina sa hideout. Pagod na pagod na kaming lahat at ang gusto na lang ay magpahinga.

Ipinarada ko ang aking sasakyan sa garahe tsaka mabilis na naglakad papuntang main door. Ang gusto ko nalang ay magpahinga matapos ng napakabigat na mga pangyayari kanina.

Habang naglalakad ay sakto akong napahinto mismo sa harapan ng nakasiradong pintuan dahil sa isang mahihina ngunit mabibigat na hikbi na aking narinig. Mabilis na kumunot ang aking noo nang mas lumakas ang mga halinghing at hikbi ng kung sino kasunod ng pagsinghot.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status