Love You in Contract

Love You in Contract

last updateLast Updated : 2025-12-25
By:  Ylla Myrt Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"No feelings involved, Kontrata lang." Malinaw iyon kay Pristenna Raye Zorajero at Stefano Ryl Ignacio. Magpapakasal sila para sa parehong interes, kapag nakuha na nila ang mga ito ay tatapusin na nila ang pekeng kasal. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduan ay may tumubong damdamin? Sa gitna ng pangangailangan ay may kumislap na pag-ibig. Kaya kaya nilang harapin ang damdamin o pipiliin pa rin nila ang hindi matapos-tapos na responsibilidad?

View More

Chapter 1

Chapter 1: Contract

"I'll help you in exchange for our marriage."

Gulat lang naman akong nakatitig sa gwapong lalaki na nasa harapan ko.

"Vlogger ka ba at gumagawa ng prank content? Kuya, please, 'wag ako kailangan pa ‘ko ng kapatid ko." Tatayo na sana 'ko pero pinigilan niya 'ko sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

"We're both in need now, so why don't we help each other? Look, I'm being generous here."

Napairap ako. "Bakit kailangan pa kasing magpakasal tayo para lang tulungan mo 'ko? 'di ba pwedeng free na lang, mabait ka naman 'di ba? "matulungin" pa." May diin talaga ang pagkakasabi ko ng "matulungin".

"Wala nang libre ngayon, Ms. Zarajero. You will just marry me, then you'll have your money. No worries, our marriage will not last forever. So, do we have a deal?" tanong niya habang may nakaangat na kilay.

"Sandali. Para lang malinaw, no sex?" tanong ko na mas lalong kinataas ng kilay niya. "Eh, nagtatanong kasi 'ko." Nakakainis naman ‘to.

"Are you asking for one? Well, I can give you that," sagot niya.

"Hindi, ah," sagot ko naman. Napabuntunghininga ako. "Ilang taon?"

"More or less a year," diretso niyang sagot.

"Okay, deal."

"Saan ka ba galing Raye? Nagising si Rye kanina, hinahanap ka," bungad sa 'kin ni Aling Tess pagkarating ko sa ospital. Siya kasi ang pinakikiusapan kong magbantay muna sa kapatid ko kapag umaalis ako. Napatingin siya sa lalaking nasa tabi ko at agad siyang nagtaka. "Sino ito, hija? Kapatid mo ba sa ama?"

Napaismid ang kasama ko dahil sa tanong ng matanda.

"Ahmm, si ano po...ahmm." Ano nga ulit pangalan niya?

"Stefano Ryl Ignacio, her fiancé po," sagot niya na itinagulat ko kaya nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.

"Abay, Raye, kelan mo pa 'to nakarelasyon at hindi mo man lang ipinaalam sa 'kin?" tanong ni Aling Tess.

"We met in the bar, then we became lovers," deretsang sagot ni Mr. Ignacio.

Totoo naman 'yon. Nakita ko lang naman siya sa Bar nitong madaling araw tapos biglaan niya na lang na-offer na pakasal daw kami.

Humarap ako kay Aling Tess at pilit ngumiti. "Regular customer po namin siya, tapos ayon... nagka-develop-an," pagsisinungaling ko.

"Abay, sige, imbitahan mo na lang kami sa kasal niyo," biro niya. "Oh, kailangan ko nang umuwi at baka magalit pang asawa ko sa akin."

"Salamat po, Aling Tess. Mag-iingat po kayo." Ngumiti lang naman siya at saka umalis na.

Dali-dali ko namang pinuntahan si Raye, samantalang si Mr. Ignacio ay nagpaiwan sa labas. Mahimbing na siyang natutulog pero halata pa rin na nanghihina siya. Maputla na siya at namayat na kahit isang linggo pa lang siya dito.

"Rye, andito si Ate, gagawin ni Ate ang lahat para sa'yo. Mahal na mahal ka ni Ate, kaya 'wag mo siyang iiwan, ah? Ikaw na lang kasi ang meron ako eh." Hinawakan ko ang kamay niyang may dextrose. "Iniwan na nila 'kong lahat, Raye, laban lang, hindi pwedeng pati ikaw aalis."

"Ate." Napatingin ako sa mukha niya nang pabulong siyang magsalita. "Big boy na si Rye, hindi ka niya iiwan, Ate." 

Kahit nanghihina siya ay pilit niyang inabot ang mukha ko at pilit na pinahid ang mga luhang hindi ko namalayang pumatak na pala.

Kinabukasan ay trinansfer namin sa mas malaking ospital si Rye dahil iyon ang gusto ni Mr. Ignacio, mas magaling raw ang doctor doon.

Nang nasa kwarto na kami ay titig na titig si Rye kay Mr. Ignacio, bahagya pang magkasalubong ang kilay niya. Samantalang parang walang pake sa paligid ang lalaki.

Tumikhim muna ako bago umupo sa upuan sa tabi ng hospital bed niya. "Hmm, Rye, siya si..." Ano ba dapat? Sinenyasan ko si Mr. Ignacio na lumapit sa 'kin at tamad lang naman siyang sumunod. "Ahm, si Ryl, boyfriend ko siya, malapit na kaming magpakasal."

Mula kay Mr. Ignacio ay lumipat ang tingin niya sa 'kin. Magkahalong gulat, tampo at lungkot ang nasa mata niya.

"Hindi mo sinabi sa akin? Kailan pa, Ate?" nagtatampong tanong niya.

"Mahabang kwento kasi, Rye."

"Hindi mo pa rin sinabi." Nagsimula siyang umiyak kaya't nataranta 'ko.

"Rye, ano kasi—"

"Hindi mo na mahal si Rye, siya nang mahal mo ate," umiiyak niyang saad.

"Rye, hindi, syempre mahal ka ni Ate."

"I'm not your enemy, baby boy. I won't stole your sister." Hindi ko alam kung nang-iinis siya o 'di lang siya aware na hindi naman nakatutulong ang mga sinasabi niya.

"Rye, hindi pa kasi handa si Ateng magkwento noon, saka hindi rin ako makahanap ng magandang pagkakataon noon. Ang dami kasing nangyari eh."

Apat na taon pa lang si Rye nang iwan kami ni Mama para sa lalaki. Mula noon ay kinailangan kong alagaan si Rye at magtrabaho para sa kanya. Wala na rin kasi kaming ibang aasahan. Ang papa niya, iniwan sila wala pang isang taon si Rye at hindi na nagpakita pa, samantalang ang papa ko naman ay missing-in-action din. 

Mga wala talagang kwenta.

Walong taon nang wala si Mama at naitaguyod ko naman iyon sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang mall sa umaga bilang saleslady, sa bar naman sa gabi bilang waitress at rumaraket rin ako sa pag-make-up kung minsan.

Kinaya naman namin ang mga taon, pero iba ngayon. Wala na 'kong ibang makapitan. Buhay  na kasi ni Rye ang nakasalalay eh.

“Basta mahal ka ni ate, ah?” Yinakap ko siya ng mahigpit at sabay kaming umiyak. “Mahal na mahal kita.”

Nang pareho na kaming kumalma at makatulog na siya ay marahan akong lumabas ng kwarto kasama si Mr. Ignacio 

"This Sunday will be our wedding."

"Sunday? Agad-agad?" gulat na tanong ko.

"Yes, we need—oh, I need it urgently. Be thankful that I still  gave you enough time to inform your love ones. Kung pwede lang ay ngayon na," parang balewalang saad niya.

"Pa'no ang mga magulang mo?" tanong ko kasi what if bigla akong sampalin ng sampung milyon kapalit ng paglayo ko dito.

“Their only concern is for me to be married. They would surely celebrate once they heard that I'm finally marrying someone,” he answered. Tiningnan niya ang relo niya sa braso. “You'll meet them tomorrow, I'll send you the dress you will wear and I'll also pick you up. For now, I have to go.”

Napapikit ako't napasandal sa pader pagkaalis niya.

Masyadong biglaan ang lahat. Hindi naman ganitong love story ang pinangarap ko. Gusto ko yung step by step. Ito kasi last step agad.

Pero hindi naman pala kasi love story 'to. Kontrata lang naman ang kasal namin. Magpapakasal lang kami para ipakita sa parents niya na hindi siya tatandang binata at para kay Rye. Mas kailangan ako ng kapatid ko at mas kailangan ko siya kesa sa mga walang kwentang pangarap ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status