Share

52: “WHERE’S RICKO?”

"Nasaan siya?" Pag-uulit ni Shan na ngayo'y mababahidan na ng konting pagkainis at pag-aalala sa boses matapos lumipas ang ilang minutong walang sagot na natanggap.

"Anak, maybe he's still sleeping," pampalubag-loob ni Shane at tumayo para lapitan ang anak at hawakan ang magkabila nitong balikat.

Nararamdaman niya kasi mula sa kanynag kinauupuan ang kakaibang pagnginig ng kalamnan ni Shan na para bang may hindi magandang mangyayari ngayon.

"Come on, let's eat. Bababa lang 'yon mamaya," ani pa ni Shane at hinaplos ang buhok nito, nagbabaka-sakaling kumalma siya.

Pero imbis na sundin ni Shan ang sinabi ni Shane ay mas lalo lamang itong nainis.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya, naiinis at nanlalamig siya sa kaba sa hindi malamang kadahilanan. Alam niyang posibleng natutulog pa rin si Ricko hanggang ngayon pero papaano kapag hindi? Paano kapag wala ito roon? Paano kapag unti-unti na pa lang nangyayari ang kinakatakutan niya?

Nang dahil sa mga ideyang iyo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status