Susi POV
“Hindi ako makapaniwala na nagawa mo kaming pagsabayin ng kaibigan ko?” Matinding galit ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Labis akong nasaktan ng malaman ko mula kay Lexie na may relasyon na sila ni Quinlan.Kaya ngayon ay nandito ako sa kwarto ni Quinlan at kinukumpronta ito tungkol sa relasyon nilang dalawa ng kaibigan ko. “Enough Susi, alam mo naman na sa simula pa lang ay mahalaga na sa akin si Lexie, at wala pa ring magbabago sa ating dalawa kahit kami na ni Lexie.” Balewala nitong sagot sa akin bago umupo sa gilid ng kama. Para akong sinampal sa sinabi nito at ng mga sandaling ito ay parang naninikip ang dibdib ko ng marinig sa mismong bibig nito kung gaano niya kamahal si Lexie. Hindi makapaniwala na tumitig ako sa kan’yang mukha at makikita sa mukha ni Quinlan na talagang desidido ito na mamangka sa dalawang ilog. Masakit ito para sa akin dahil mahal ko ang kaibigan ko ngunit mahal ko rin ang boyfriend ko. Oo, matagal na kaming may relasyon ni Quinlan na hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Dahil palihim kaming nagtatagpo at nagsisiping nito upang maitago kay Lexie ang aming relasyon. Noong una ay pumayag ako dahil wala naman akong ideya sa totoong dahilan ni Quinlan hanggang sa unti-unti kong natuklasan na may gusto pala ito kay Lexie. “Hindi ako papayag! Kailangan isa sa amin ang piliin mo! At bukas ay malalaman ni Lexie ang lahat ng tungkol sa ating dalawa!” Galit kong pahayag dito. Dahil sa sinabi ko ay bigla akong hinila nito at mabilis na inihiga sa kama bago ito pumatong sa aking ibabaw. “Subukan mong gawin ‘yan, at malilintikan ka sa akin...” mariin nitong sabi habang mahigpit na hawak ang dalawang braso ko sa aking ulunan. Pagkatapos sabihin iyon ay walang pakundangan nitong inangkin ang aking mga labi bago sinira ang suot kong damit at sapilitan nitong inangkin ang aking katawan. Wala akong nagawa kung hindi ang magpaubaya dahil sa pagmamahal ko kay Quinlan. Tulad ng madalas naming ginagawa ay dito ako natulog muli sa kwarto ni Quinlan at buong magdamag na inangkin nito ang aking katawan. Ito ang madalas naming gawin noong mga panahon na nakatira pa si Lexie sa Siyudad. Laging nasa tabi ko si Quinlan ngunit simula ng bumalik ang aking kaibigan ay nagkaroon akong muli ng kahati sa atensyon nito. Halos araw-araw akong nakakaramdam ng selos sa tuwing nakikita ko na magkasama silang dalawa. Minsan pa nga ay pumapasok sa aking isipan na patayin na lang si Lexie para wala na akong kahati sa puso nito. Sa totoo lang ay nasasaktan din ako para kay Lexie dahil alam ko naman na inosenti ito sa mga nangyayari at tulad ko ay biktima din ito ng pagiging makasarili ni Quinlan. “Just sleep, at huwag kang mag-isip ng kung anong kalokohan dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo. Darating din ang panahon na titira tayong tatlo sa isang bubong, kaya alam ko na matatanggap mo rin sa huli ang lahat.” Sabi nito na sa una ay may halong banta ngunit kalaunan ay naging malumanay din ito sa pagsasalita bago niya niyakap ang hubad kong katawan. Wala akong nagawa kung hindi ang tahimik na umiyak habang nakatalikod dito at makiayon na lang muna sa mga desisyon nito dahil ayaw ko rin naman na mawala ito sa akin. Tuluyan na akong iginupo ng antok habang nasa mga bisig ni Quinlan. “Quinlan! Babe! Nandyan ka ba?” Naalimpungatan ako dahil sa malakas na sigaw ni Lexie mula sa labas ng bahay habang kumakatok ito sa pintuan. Kilala ko ang kaibigan kong ito wala ng mas kukulit pa sa isang ito, at alam ko na hindi ito titigil hanggat hindi lumalabas si Quinlan. Nilingon ko si Quinlan na tahimik na natutulog sa aking tabi at napangiti ako ng masilayan ko ang gwapong mukha nito. Hindi ko yata kakayanin na mawala ito sa akin kaya isang desisyon ang nabuo sa aking isipan, gagawa ako ng paraan para masira ang relasyon ng dalawa upang maging akin muli si Quinlan. “Babe!” Muling sigaw ni Lexie mula sa labas na tila naiinis na dahil sa tagal na pagbuksan ito ng pintuan. Nangingiti na niyakap ko si Quinlan at isiniksik ang aking katawan sa kahubdan nito kaya bahagya itong gumalaw. Naramdaman ko na naalimpungatan ito at napabalikwas ng bangon ng marinig ang tinig ni Lexie. Nagmamadaling tumayo at dinampot ang mga nagkalat na damit bago isa-isang sinuot habang ako ay nagkunwaring tulog. Pagkatapos magbihis ay mabilis nitong tinungo ang pinto, naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto nito. Nakaramdam ako ng kirot mula sa aking puso dahil basta na lang ako nitong iniwan. Halata sa kilos ni Quinlan kung gaano nito pinahahalagahan ng husto si Lexie kaya naman matinding panibugho ang nararamdaman ko para sa aking kaibigan.” “Babe! Kanina ka pa ba d’yan?” Nag-aalalang tanong ni Quinlan kay Lexie. “Almost thirty minutes na, sa lakas ng boses ko ni hindi ka man lang nagising? Samantalang yung ibang tao dito kanina pa naririndi sa akin.” Nagtatampong sabi nito habang umakto ito na papasok sa loob ng bahay ni Quinlan. Mabilis na pinigilan ng binata ang sana’y pagpasok ni Lexie at kaagad itong pinihit paharap sa kanya. “Babe mabuti pa ay kumain muna tayo nagugutom na kasi ako.” Ang palusot nito upang maiwasan ang pagkikita ng dalawa. Kaagad na iginiya palayo si Lexie upang hindi na ito magpumilit na pumasok sa loob ng bahay. Nagpatianod naman si Lexie at tahimik na sumunod sa binata. Patalikod na sana ang dalawa ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas si Susi. Napalingon si Quinlan sa dalaga at tinitigan ito ng may halong babala ngunit hindi nagpatinag si Susi at lumapit ito kay Lexie bago niyakap ang kaibigan at saka binati. “Good morning, my dear Lexie,” nakangiting bati nito sa kaibigan. Labis na pagkagulat naman ang lumarawan sa mukha ni Lexie. “Anong ginagawa ni Susi sa bahay ng boyfriend ko? Dito ba ito natulog? Magkatabi ba sila buong magdamag?” Mga tanong na gumugulo sa isipan ng dalaga at mas lalo niyang ikinagulat ng mapansin na suot nito ang t-shirt ng kanyang boyfriend. “S-susi, why are you here? Dito ka ba natulog kagabi?” Out of nowhere niyang tanong kay Susi. Dahil sa totoo lang ay halos mabinge na siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib at umaasa na sana ay mali siya ng iniisip. “Babe, masama ang pakiramdam ni Susi kagabi kaya sinabi ko na dito na lang siya matulog para naman mabantayan ko siyang mabuti.” Paliwanag ni Quinlan na pilit kinuha ang atensyon ng nobya mula sa pakikipagtitigan nito kay Susi na hindi lingid sa kaalaman ni Lexie ay girlfriend din niya. Tila nakahinga ng maluwag si Lexie dahil sa sinabi ni Quinlan at ang expression nito ay napalitan ng pag-aalala. Madalas nilang gawin ang mag-over sleep sa kwarto ni Quinlan noong mga bata pa sila kaya sana’y na siya sa ganitong sitwasyon. Dahil kung minsan ay magkatabi silang tatlo na matulog ngunit iyon ay panahon pa na wala pa silang muwang at iba na ang sitwasyon ngayon. “Kumusta ang pakiramdam mo Susi? Mabuti pa ay sabay na tayong kumain para maka-inom ka ng gamot.” Concern nitong sabi sa kaibigan bago ito hinawakan sa balikat at inalalayan sa braso. Sa paglalakad ay napansin ni Lexie ang isang marka sa leeg nito at doon pa lang ay nagsimula na siyang magduda ngunit pilit niyang inalis ang pagdududa sa kanyang puso para sa best friend at sa kanyang boyfriend. “Kilala ko sila at alam ko na hindi nila magagawa ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan.” Anya sa kanyang isipan kaya naman pinalis niya ang maruming isipin at itinuon na lang ang atensyon sa kaibigan na inakalang may sakit. Lihim naman na napaismid si Susi at tahimik na sumama sa dalawa. “Hindi ko hahayaan na maiwan ang dalawa at masolo ang isa’t-isa, hindi ako papayag dahil akin lang si Quinlan at kami ang unang nagkaroon ng relasyon kaya mas may karapatan ako sa kanya.” Ito ang mga tumatakbo sa isipan ni Susi habang magkasalo silang tatlo sa hapag-kainan. “Babe, tikman mo itong sweet and sour fish.” “ Quinlan paborito mong chicken curry oh.” Halos sabay na sabi ng dalawang dalaga at sabay din nilang inilagay ang pagkain sa plato ng binata na nakaupo sa kanilang pagitan. Natigilan ang dalawa at saglit na nagka-titigan. Naramdaman ni Quinlan ang tila namumuong tensyon sa pagitan ng mag-kaibigan kaya umisip kaagad ito ng paraan para mawala ang matinding pressure sa pagitan ng dalawa. “Hindi pa rin kayo nagbabago hanggang ngayon, ako pa rin ang inuuna ninyong dalawa. Ang mabuti pa ay kumain na kayo at huwag ako ang isipin n’yo, dahil mukha na kayong mga malnourished.” Nakangising sabi ng binata sa dalawa. Kaya naman sabay na sumimangot ang dalawa. “Ah, ganon malnourished pala ha, total ikaw naman ang magbabayad eh di sige.” Ang sabi ni Lexie bago sumubo ng pagkain habang ang dalawa ay nakamasid sa kanya. Hindi makapaniwala si Susi at Quinlan ng sa isang iglap ay naubos nito ang pagkain sa pinggan habang ang pisngi nito ay namimintog pa dahil puno ng pagkain ang bibig nito. “At kailan ka pa naging patay-gutom?” Tanong ni Susi na nakatingin kay Lexie habang nakataas ang kaliwang kilay nito. “Ngayon pa lang, kapag hindi mo kinain ang pagkain mo I swear, uubusin ko talaga ‘yan.” Banta ni Lexie bago tumingin sa pagkain nito kaya naman mabilis na nilayo ni Susi ang pagkain kay Lexie at sinimulan na itong kainin. Natawa naman si Quinlan dahil sa kakulitan ng dalawa, ito ang isa sa dahilan niya kung bakit ayaw niyang mawala ang kahit isa sa mga ito. Isa sa mga paraan ni Lexie ay idaan sa kalokohan ang lahat upang mawala ang matinding tension sa pagitan nilang magkaibigan. Dahil simula pa lang kanina ay iba na ang kutob niya. Kilala niya si Susi at alam niya kapag may tinatago ito sa kanya. At nararamdaman niya na may hindi magandang nangyayari sa pagitan ng kanyang kaibigan at ng boyfriend niya. Hindi siya manhid ngunit alang-alang sa kanilang pinagsamahan ay handa siyang magparaya kung sakaling mapatunayan niya na tama ang kanyang hinala. Matamis na ngumiti sa kaibigan at sa lalaking minahal niya ng buong puso dahil ito ang naging sandalan niya sa lahat ng oras. Parehas na mahalaga sa kanya ang mga ito at may matibay na pundasyon ang kanilang pagkakaibigan kaya hindi niya hahayaan na masira ito.Chloe’s POV“Bakit ganyan ang itsura mo? Sinong may gawa sa’yo niyan?” Galit na tanong ni Emerzon sa akin.Madilim ang awra ng mukha nito habang sinusuring mabuti ang aking kabuuan, tiim-bagâng ito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay.Marumi kasi ang suot kong bestida at mayroon pang naka dikit na chewing gum sa likurang bahagi ng aking damit.“Tsk, hindi lang kita nasundo ngayong araw ganyan na kaagad ang inabot mo?Bakit ba hindi ka marunong lumaban? Hanggang kailan mo sila hahayaan na apihin ka?” Magkasunod na tanong nito sa akin.Nanatili akong walang imik habang tahimik na umiiyak nagmukha tuloy akong bata na sinisermunan ng kan’yang ama.Ayokong magtaas ng tingin dahil alam ko naman na awa lang ang makikita ko sa mga mata ni Emerzon.Kinabig ako nito sa kan’yang dibdib saka mahigpit na niyakap, naramdaman kong hinalikan ako nito sa bunbunan habang masuyong hinahaplos ang aking likod.Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makulong sa mga bisig nito, dahil nakasumpong ako ng
Lexie’s POVKasalukuyan akong naghahanda para sa mission na isasakutaparan ngayong araw.Ito ang unang pagkakataon na sasabak ako sa actual na laban.Ang mission namin ngayong araw ay ang pasabugin ang isang gusali kung saan magaganap ang pagpupulong ng mga ilang corrupt na politiko.Sila ang Dahilan kung bakit hindi umuunlad ang aming bansa at mas marami pa ang naghihirap dahil sa pagiging gahaman ng mga ito sa kapangyarihan.“Fix yourself Lexie dahil sa pagkakataong ito ay hindi biro ang mission na ito, alalahanin mo na buhay nating lahat ang nakataya dito.” Seryoso na paalala sa akin ni Quinlan na siyang ikinatango ko.Hinalikan niya ang aking noo bago ako tinalikuran nito. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang matalim na tingin ni Susi sa akin kaya hinarap ko ito. “Parang may galit ka sa mundo ah? Let me guess hindi ka na naman ba pinakain? kaya ba masama ang loob mo?” Pang-aasar ko sa kan’ya kaya lalong tumalim ang tingin niya sa akin. “Kasi kinakabahan ako kapag
Lexie’s POV Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito dahil sa pagkamatay ni Uncle Relly.Hindi ko matanggap na nagawa niyang isakripisyo ang buhay at pasabugin ang sarili upang magtagumpay lang ang mission na ito. Maging si Momma ay nalungkot mula sa nangyari ngunit wala kaming nagawa kung hindi ang umiyak at tanggapin na lang ang lahat. Kapalit ng pagsasakripisyo nang buhay ni Uncle ay isang malaking halaga para sa kanyang pamilya, bago pa maganap ang mission ay natanggap na ng mga ito ang pera.Labis akong naaawa sa matanda dahil namatay na lang ito na hindi naka-piling ang kanyang pamilya.“Momma, umalis na tayo dito, magpakalayo-layo na tayo, hm? Ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin, Momma.” Pagsusumamo ko sa aking ina, pinipilit ko ito na lumayo na lang kami at magsimula ng bagong buhay ngunit nanatili lang itong tahimik at walang kibo.“Momma, parang-awa mo na! Makinig ka naman sa akin, oh.” Anya na patuloy na nakikiusap sa kanya.“Tumigil ka
“Dad, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ni Alona sa kanyang Ama, ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo.“Importante ba ang sasabihin mo? Dahil busy ako ngayon.” Nakaramdam ng lungkot si Alona dahil mula sa malamig na tinig ng ama ay ramdam niya na wala itong gana na makipag-usap sa kanya.Simula ng maliit pa lang siya ay malamig na ang relasyon nila bilang mag-ama.Hinawi niya ang kanyang sarili at pilit na itinago ang nararamdamang emosyon. Isa kasi sa kanilang tuntunin ay bawal ang magpakita ng kahinaan.“Nais ko lang imungkahi na bigyan ninyo ng isang misyon si Lexie upang masubukan ang kan’yang kakayahan at katapatan sa ating hukbo.Dahil nakikita ko na masyadong mahina at malambot ang puso nito para sa kalaban.” Seryosong sabi ni Alona habang diretsong nakatingin sa ama.Biglang nag-taas ng tingin si Commander Dulah at tumitig sa mukha ng anak. “Alam mo na si Lexie ang nakatakda na maging asawa ni Quinlan at isa sa napagkasunduan namin ng kapatid mo ay ang hindi pagbibigay ng
Lexie’s POV “Honey, are you okay?” Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng muli kong marinig ang tanong na ito mula kay Quinlan.“Look honey, ilang beses mo na bang tinanong sa akin ‘yan? relax, okay? And take a breath.” sabi ko sa kanya bago sinundan ng isang mahinang tawa. Narinig ko ang nang-aasar na tawa ni Susi mula sa kabilang linya. Natatawa na lang kami sa inaasal ngayon ni Quinlan, ako ang may misyon ngunit ito ang mas kinakabahan kaysa sa akin.Samantalang ako ay matinding excitement ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.I am so happy to have him kasi for me he's the perfect boyfriend. Napaka-sweet at mapagmahal na kasintahan si Quinlan.Isa rin sa nagustuhan ko sa kan’ya ay ang pagiging overprotective nito sa akin, ni katiting na galos ay ayaw akong magalusan nito. Mas matanda siya sa akin ng anim na taon kaya matured na siyang mag-isip.Hindi katulad ko na walang pakialam sa paligid kaya ang mga kasamahan ko ay masyadong napi-preasure sa a
Lexie’s POV “Don’t just stand there! Get after her!” I heard from Mr. Hilton in an angry tone, while holding his injured forehead because it was hit there earlier when I hit him on his face using my gun.Halos bumangga na ako sa mga taong nagkakagulo dahil sa pagmamadali ko na makalayo sa kanilang lahat.Tulad ko ay nag-uunahan din ang mga ito na makahanap ng mapagtataguan upang hindi matamaan ng bala.Nang mga sandaling ito ay pakiramdam ko wala na akong kakampi at lahat na lang ng tao sa aking paligid ay nais akong patayin.Hinihingal na ako ngunit patuloy pa rin akong tumatakbo na kung minsan ay kumukubli sa mga pader na aking nadadaanan, upang makaiwas sa mga bala mula sa mga kasamahan ko. Natigilan ako ng isang lalaki ang nakatayo sa aking harapan at nakatutok ang baril nito sa akin, pakiramdam ko ay huminto sa pag-ikot ang mundo ko at kailangan ko ng harapin ang aking kamatayan.Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na bumaon sa katawan ko ang bala ng baril
Lexie’s POV “Q-Quinlan? May problema ba? Si Momma? Nakausap mo ba s’ya? Ipinaliwanag mo ba na wala akong kasalanan? sigurado ako na nag-aalala na iyon sa akin.” Magkasunod na tanong ko sa kan’ya na may bahid ng pag-aalala, ngunit kapansin-pansin ang pagiging seryoso at tahimik nito.Kinabahan akong bigla at kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling ito.Natigilan akong bigla ng napagtanto ko ang mga posibleng mangyari. “H-hindi! Si Momma! kailangan ako ni Momma.” Mabilis kong tinakbo ang hagdan upang puntahan ang aking Ina.Ngunit hindi pa ako naka-kalapit sa hagdan ay naramdaman ko na pumulupot ang braso ni Quinlan sa aking baywang saka niyakap ako nito ng mahigpit.“Tama na Lexie, wala na tayong magagawa.” Malungkot na pahayag ni Quinlan.“Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ang Momma ko, wala siyang kasalanan! Ako ang may kasalanan ng lahat dapat ako ang parusahan nila!” Galit kong sigaw na pilit kumawala sa mahigpit na yakap ng aking nobyo. “Ano ba! Bitawan mo ako
“Gov, bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon at itatama ko ang lahat, pangako hindi na ako uulit!” Nagmamakaawang pakiusap ng isang lalaki na nasa edad forty five, ngunit ang taong kaharap niya ay hindi mo kakikitaan ng awa o ng anumang expression.Lumapit ang isa sa kan’yang tauhan at sinalinan ng alak ang wine glass nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa.“Ang lakas ng loob mo na nakawan ako? Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga taong katulad mo?” Seryosong tanong nito bago dinampot ang isang mamahaling stick ng sigarilyo, mabilis na lumapit ang kanyang tauhan at kaagad na sinindihan ito. Humithit ito bago ibinuga ang usok mula sa kanyang bibig.“Kunin n’yo ang lahat ng kanyang ari-arian at ito na rin ang huling pagkakataon na makikita ko ang mukha mo dito sa Montenegro.” Galit niyang utos sa kanyang mga tauhan. Namutla ang mukha ng lalaki at hindi makapaniwala na tumingin ito sa kanya.Kilala ng lahat ang Governor ng Montenegro bilang malupit at walang puso lalo na pagdating