Share

Chapter 4. “We can change the future”

Chapter 4. “We can change the future”

“I got a vision that she will die tonight.”

Bakas sa mukha ni Gavril ang labis na pagkabigla at pagkalito dahil sa mga nalaman niya. Pareho kaming natahimik at magkatitigan, hinihintay ang susunod na sasabihin at gagawin ng bawat isa.

Umayos ako ng tayo at pinulot ang mga nahulog na notes ko sa sahig.

“We need to do something.” Napatingin ako kay Gavril dahil sa sinabi niya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig din sa akin. “We need to help her.” He suggested.

Hindi ko nagawang magsalita at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang aking mukha. Nanginginig ang labi ko maging ang mga kamay at tuhod ko. In an hour, may isa na namang mamamatay at wala akong magawa para tulungan o mapigilan ito.

I took a deep breath and closed my eyes. “I can’t.”

“What?” Gavril exclaimed in disappointment. “Bakit? We know that someone’s life is in danger and yet wala kang gagawin? Roux, you need to tell me what’s gonna happen so we can help Ms. Velarde!”

“Hindi ko kaya!” sigaw ko sa kanya. “Hindi ko pa nagawang pigilan. Dahil isa lang naman ang mangyayari. Kapag oras mo na, oras mo na.”

Natahimik siya sa sinabi ko. I can feel the tension between us. His eyes are full of disappointment staring at me. Kitang-kita ko pa ang pag-galaw ng panga niya habang dismiyadong nakatingin sa akin at naiiling-iling.

I am still the coward Roux…I am still the weakling one.

“I don’t know if I can believe what you say, but Roux all about life and death is not a joke.” Mariing niyang sabi saka naglakad na palabas ng pinto ng bahay namin.

“Where are you going?” tanong ko. Huminto siya.

“Kay Ms. Velarde.” Aniya ng hindi nakaharap sa akin at saka dali-daling lumabas ng bahay ko.

Naiwan akong mag-isa at hindi makapaniwala sa mga nangyari. Nasabi ko. Nasabi ko sa ibang tao ang tungkol sa nakikita ko. Paano kung ipagkalat ni Gavril ito sa school? Paano kung mas lalo akong husgahan ng mga tao sa paligid ko.

Napatingin naman ako sa mga notes na hawak ko. All in all, I have ten notes. At lahat ng ito ay nakabangga ko o hinawakan ako. At lahat sila ay nakita ko ang magiging pagkamatay nila.

“We know that someone’s life is in danger and yet wala kang gagawin?”

Naalala ko ang sinabi ni Gavril kanina. Actually, I tried to change to once. Minsan ko nang sinubukang pigilan ito noon, pero mas naging malala ang nangyari. And I will never forget that day.

Matapos mamatay noon ng mga magulang ko ay kinupkop ako noon ni Auntie Remi. Kapatid siya ni Mama at sa kanya ako noon pinaka-palagay kaya sa kanya ako noon sumama. Noong tumira ako kila Auntie Remi ay mailap na ako sa mga tao. Maging kay Auntie Remi at sa kanyang pamilya.

Pero isang araw ay pinuntahan ako ng pinsan kong si Rhea sa kwarto at niyaya niya ako noon na maglaro sa garden. Noong una sinabi ko sa kanya na ayaw ko pero bigla niya akong hinawakan sa kamay at pinilit at hinila na lumabas sa kwarto ko. Nang dahil sa paghawak niya sa akin ay nakita ko.

Aakyat si Rhea sa isang stool.

May inaabot siya sa cabinet sa kusina

At…

Matutumba ang stool at tatama ang ulo niya sa edge ng counter top table.

At lahat ng iyon ay mangyayari mamaya.

Kaya sumama ako noon kay Rhea sa garden at binantayan ko siya. Napansin ko pa noon na panay ang tingin ni Rhea sa kanyang relo noon. Tinanong ko siya kung bakita siya tingin nang tingin sa relo.

“Papainumin ko kasi si Papa ng gamot niya. Di ba nga umalis si Mama?” sagot niya sa akin.

Noong panahong iyon ay na-stroke ang si Tito, ang Papa ni Rhea. Kaya naman kailangan niyang uminom noon ng maintenance at gamot nito.

Dumating ang oras na kinatatakutan ko. Nag-paalam si Rhea noon na pupunta lamang siya sa kusina pero sabi ko ako na lang ang magpapainom kay Tito ng gamot. Pumayag naman siya at siya ang nagpatuloy sa ginagawa namin noon sa garden.

Nagtungo ako noon sa kusina. Pero hindi ko alam kung anong gamot ang ipapainom kay Tito. Bumalik ako sa garden para tanungin si Rhea. Pero pagbalik ko sa garden, halos umagos lahat ng luha ko dahil sa nakita ko.

Si Rhea nakahiga na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Nakita ko pang nakabukas noon ang gate. Sigaw ako noon nang sigaw hanggang sa marinig ni Tito. Nakasakay noon si Tito sa wheelchair at nang makita niya si Rhea ay bigla siyang inatake na naging dahilan din ng pagpanaw niya.

Sa isang maliit na detalye na pagbabago ko sa dapat mangyayari ay dalawang buhay agad ang nawala. Kaya natatakot ako. Natatakot na akong baguhin pa ang hinaharap. Simula nang mangyari ‘yon. Nahiya na ako kay Auntie Remi at nagdesisyon na manirahan na lang mag-isa dito sa parent’s house ko. At ang nangyari kay Rhea at Tito ay buong buhay  na dadalhin ng konssensya ko.

Napatingin ako sa orasan at natulala ako. Habang nakatingin ako sa orasan ay may biglang sumagi sa isip ko. Si Gavril! Sinabi ko sa kanya ang mangyayari kay Ms. Velarde and he is planning to help her.

“Hindi maaari. Maaaring baguhin ni Gavril ang mangyayari.” Kinakabahan kong sabi at saka dali-daling kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang profile ni Ms. Velarde para tingnan ang address niya.

Dali-dali akong lumabas ng bahay. Malapit nang magdilim. Sumakay ako agad ng tricycle at pumunta sa school. Pagpunta ko ng school ay tinanong ko ang guard kung nakauwi na ba si Ms. Velarde ang sabi niya ay wala naman ng tao sa loob. Pagkarinig ko noon ay mabilis akong naglakad paalis at pumara ulit ng tricycle.

Sa malapit na apartment lang nakatira si Ma’am sa school. Pagdating ko roon ay hinanap ko agad ang apartment ni Ma’am. Nang makita ko ang bahay ni Ma’am ay mabilis na dumaloy ang kaba at takot sa buong katawan ko. Ganito, ganitong-ganito ang bahay na nakita ko. Pero nagtaka ako dahil patay lahat ng ilaw sa bahay ni Ma’am at parang walang tao.

Naglakad na ako paalis nang mapahinto ako dahil nakasalubong ko si Ma’am at may kasama siyang lalaki na alalay-alalay niya. Base sa mukha at kilos ng lalaki ay mukhang naka-inom ito. Nakita ko rin ang suot nitong uniform ng pulis.

“Roux, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ms. Velarde. Napalinga-linga naman ako sa paligid. Bakit nga ba ako nandito? Ang akala ko ay maaabutan ko si Gavril dito?

“Sino ba ‘yan?” tanong ng lalaking naka-akbay ka Ma’am na lasing.

“Wala, wala estudedyante ko.” Sagot ni Ma’am sa lalaki at tiningnan ako. “Roux, sige na umuwi ka na. Bukas mo na lang ibigay sa akin ang admission mo.” Ani Ma’am at mapait na ngumiti.

Marahan lang akong tumango kay Ma’am at naglakad na paalis. Bago pa ako tuluyang umalis ay nilingon ko pa si Ma’am habang papasok sila ng lalaking lasing na nakaakbay sa kanya papasok ng apartment niya.

Tiningnan ko ang relo ko. Agad na bumuhos ang luha ko habang nakatingin sa relo ko dahil. Ilang minuto na lang ay mangyayari na ang nakita ko. Mariin akong napapikit at doon ay narinig ko ang isang malakas na kalabog mula sa bahay nila Ma’am.

“Tama na. Ayoko na!” rinig ko ang sumisigaw na si Ma’am mula sa kanilang bahay.

“Hindi! Di ba totoo? Niloloko mo ako?” ganti ng lalaki sa kanya.

“Hindi. Hindi totoo ‘yan, maniwala ka.” Umiiyak na sagot ni Ma’am at muli ay nagsisigaw si Ma’am na parang pinipilit siyang halayin ng lalaki.

Humahagulgol na ako sa pag-iyak saka ako tumakbo paalis nang may mabangga ako. Nang tingnan ko kung sino ay nagulat ako nang makita ko si Gavril na nabigla din nang makita ako.

“Roux.” Nag-aalalang sabi niya. Napalingon naman ako sa tatlong lalaking kasama niyang mga pulis. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya at hinawakan ako sa magkabilang braso.

“Bata saan—“ hindi na natanong ng pulis ang tanong niya nang marinig nila ang sigaw ni Ma’am. Mabilis na kumilos ang mga kasamang pulis ni Gavril at pinuntahan ang bahay ni Ma’am habang si Gavril naman ay pinapatahan ako.

“Ito ang tandaan mo, may mga bagay na kaya binigay sayo para magamit mo sa mabuting paraan at para makatulong sa mga tao. Kung natatakot ka sa mangyayari sa hinaharap, tandaan mo na kaya mo itong baguhin sa matalinong paraan.” Napatingin ako kay Gavril. Seryoso ang kanyang mukha at saka mapait na ngumiti sa akin.

Natulala ako sa kanyang mukha noon nang biglang makarinig kami ng malakas na putok ng baril. Niyakap lang ako ni Gavril at narinig namin ang malakas na sigaw ni Ma’am.

“Sabi ko sa’yo, we can change the future.” Rinig kong sabi ni Gavril.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status