Home / Mystery/Thriller / Dysfunctional / Chapter 5. “Bounded by fate”

Share

Chapter 5. “Bounded by fate”

Author: BadReminisce
last update Last Updated: 2021-03-01 14:58:22

Chapter 5. “Bounded by fate”

Three days had passed after what happened to Ms. Velarde. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Gavril simula noong araw na ‘yon. Actually, tatlong araw ko na rin siyang hinahanap. I am still confused why I can’t see anything about his death when he touched so many times.

About Ms. Velarde’s case. Nalaman ko na asawa pala ni Ma’am ang pulis na ‘yon. Newlywed ang dalawa but their marriage is already on the rocks. Masyado raw kasing seloso ang lalaki at palaging pinaghihinalaan si Ma’am. And that emotions of rage and jealousy turned him into an obsessive partner. Ilang beses niya na ring sinaktan si Ma’am based sa report ni Ma’am. Nakakulong ngayon ang lalaki at pinadaplisan lang ng pulis sa binti noong binaril nila ito para hindi na manlaban. After that, nag-leave muna si Ms. Velarde ng one week at umuwi sa parents niya para magpahinga muna.

Maagang natapos klase namin dahil pinag-practice na lang kami ng teacher namin para sa P.E. na presentation. At kapag ganito, hindi nila ako sinasali o hindi ako sumasali. Kinakausap ko na lang ang teacher namin na bigyan ako ng other task. Gumawa na rin si Auntie Remi ng paraan para sa ganito. Nagpagawa siya ng fake medical certificate ko na may heart condition ako para hindi na ako pilitin pa sa mga ganitong activity. Kaya naman habang nagpapractice ang mga kaklase ko ay narito ako sa lilim ng puno at pinapanuod sila.

Habang pinapanuod ko sila, iniisip ko pa rin ang mga nangyari nitong nakaraan. Lalo na ang mga sinabi niya.

“Ito ang tandaan mo, may mga bagay na kaya binigay sayo para magamit mo sa mabuting paraan at para makatulong sa mga tao. Kung natatakot ka sa mangyayari sa hinaharap, tandaan mo na kaya mo itong baguhin sa matalinong paraan.”

“Sabi ko sa’yo, we can change the future.”

Kinuha ko ang notebook ko kung saan nakadikit ang mga notes na may information ng mga taong nakabangga ko. Nakalista dito ang pangalan nila, edad, petsa, oras at kung paano.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa sampung notes nang biglang mapalingon ako dahil sa mga nagsigawan.

“Ang galing mo Gavril!”

“Hala ang taas na!”

“Whooaa!”

Tiningnan ko kung saan nanggagaling ang sigawan ng mga lalaki at doon ay nakita ko si Gavril na nagpapalipad na naman ng saranggola dito sa field. Abot tainga ang ngiti sa kanyang labi habang maayos na pinapalipad ang saranggola. Pansin ko rin ang maraming babaeng nakatingin sa kanya. Muli kong tiningnan si Gavril. He is really happy and everyone adores him. With his looks, talagang magugustuhan siya ng kahit sinong babae.

Muli kong tiningnan ang mga notes ko. Tama ba si Gavril? Is this the time that I have to conquer my fear? Is this the time that I need to accept and face my fate having this kind of power?

“Oh, bakit mo tinitingnan ‘yang mga ‘yan?” napalingon ako sa tabi nang may magsalita. Bakit nandito na siya sa tabi ko?

“May iniisip lang ako.” Sagot ko. Napangiti naman siya at tumingin sa saranggolang nasa himpapawid. Habang nakatingala siya at tiningnan ko siya. Napakamaaliwalas ng mukha niya. Nakabukas na naman ang puting polo niya at kita ang puting t-shirt na panloob. Kinuha niya ang puting towel at pinunasan ang pawis niya sa noo.

“Ang init no? O ang hot ko lang?” natatawa niyang sabi saka tumingin sa akin. Umiiling na iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

“Bakit nga pala ilang araw kitang hindi nakikita dito sa school?” tanong ko sa kanya. Natahimik naman siya at biglang naging seryoso ang mukha niya.

“Ah, na-grounded ako after that night.” Sagot niya sa tanong ko at tumawa. “Hindi ako pinapasok ni Mommy.” Natatawa niyang sabi.

Natahimik kaming dalawa habang pareho naming pinagmamasdan ang saranggola.

“Mahilig kang magpalipad ng saranggola?” biglang tanong ko. Narinig ko siyang tumawa kaya tiningnan ko siya ng nagtataka.

“Hindi naman, pero kasi alam mo ba na mas maganda magpalipad ng saranggola kapag magsa-summer na.” sagot niya. Tumango-tango ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya. “Ikaw? Totoo bang nakikita mo ang magiging pagkamatay ng tao once na mahakawan mo sila?”

Natahimik ako at marahan na tumango sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at muli tinuon sa saranggola sa ere.

“10 years old ako noong nalaman ko ang tungkol dito, pagtapos ng isang nakakatakot na pangyayari sa buhay at nang mamatay ang mga magulang ko.” Sagot ko saka ako napatingin sa notebook ko.

“Sorry nga pala kung medyo naging magaspang ang ugali ko sayo noong nakaraang araw. Napagdiskitahan ka pa ng mga tropa ko.” Aniya. Ang tinutukoy niya ba ay ang tungkol sa pustahan nila?

“Wala ‘yon. Hindi ba iniligtas mo rin ako. Edi kung di dahil doon sa bet niyo hindi mo ako maliligtas.” Sabi ko sa kanya at mahinang tumawa. Natawa rin siya.

“Friends na tayo ah?” tanong niya na kinabigla ko. Ramdam ko ang pakirot ng dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya at ang paggilid ng luha ko. “Oh bakit ka naiiyak?” taranta niyang sabi.

I sniff forcing myself not to cry. “Alam mo bang wala pa akong kaibigan simula noong bata ako.”

Natahimik siya sa sinabi ko at naging seryoso ang kanyang mukha.

“Maybe Roux, that is why we are bounded by fate for you to finally have a friend.” Nakangiti niyang sabi saka inilahad sa akin ang kamay niya. Is he offering me a handshake?

May takot kong tiningnan ang kamay niyang nasa harap ko. Hahawakan ko ba siya?

I looked at him and I saw his sincerity on his face waiting for my response. “Yes, we’re friends.” Sabi ko saka buong tapang na tinanggap ang hand shake niya.

And with that touch, I still didn’t see any vision about his death.

“Oo nga pala, pwede ko bang makita ang mga notes mo?” tanong niya na pinagtaka ko.

“Bakit? Para saan?” balik kong tanong sa kanya.

Natahimik naman siya at tila nag-iisip. “Maybe we can help them and inform them about what’s gonna happen in the future.” Sagot niya.

“Pero Gavril, baka mas maging magulo lang ang lahat.” Nag-aalalang sabi ko sa kanya. Bigla namang may kinuha siya sa bulsa niya. Pagtingin ko sa kamay niya, may hawak na siyang ballpen.

“Kita mo ‘to?” tanong niya sa akin. Tumango-tango ako. “Tusok ko ‘to sa mata mo.” Natatawa niyang sabi. Napairap ako sa kanya sa inis. “Joke lang, masyado ka kasing seryoso.” Natatawa niyang sabi.

“Gavril, we are talking about the life and death of people here, and you’re the one who told me that if it is about life and death, it is not a joke.” Inis kong sabi sa kanya. Naging seryoso naman siya sa sinabi ko at napabuntong-hininga.

“I’m sorry, I was just trying to feel at ease the situation.” Aniya. “Pero tingnan mo ang ballpen na ito.”

Tiningnan ko ang ballpen na hawak niya. “This pen symbolizes life and death. Itong pen na ito ay parang tao. Tapos ‘yong ink sa loob niya ang buhay niya. Habang ginagamit mo ang ballpen nababawasan ang ink sa loob pero habang nababawasan ang ink sa loob, marami kang nagagawa at nasusulat sa papel. And that is life because we only live once, and the purpose of this ballpen to write. That is the purpose of the pen in life. Tulad mo, mayroon kang kakayahan. At iyong kakahayan na iyon ay may purpose. And that is to help people. Dahil habang dumadaan ang araw Roux, umiiksi ang ating buhay.”

Natulala ako sa ballpen na hawak niya habang nagsasalita siya. Napatingin din ako sa mukha niya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha.

“Wag kang mag-alala, dahil kasama mo naman ang isa pang ballpen, at ako ‘yon. Dalawa tayong magsusulat ng purpose natin sa buhay.” Aniya.

“Ano ba ang balak mo sa mga notes na ‘to?” tanong ko ulit sa kanya.

“Pag-aaralan muna natin. Sabi ko nga di ba? Kailangan maging matalino.” Nakangiti niyang sabi ulit.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya at saka kinuha ang notebook ko at iniabot sa kanya.

“Oh, sayo na ‘to. Para maalala mo na may is ka pang ballpen na kasama.” Aniya saka iniabot sa akin ang hawak niyang ballpen kanina at saka kinuha ang notebook ko.

Pinanuod ko lang siya habang nakatingin sa mga notebook ko. Napansin ko ang biglang pagbabago ng hitsura niya. Napakunot ang noo niya at napasalubong ang kilay.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

Hinarap niya ako at seryoso ang kanyang mukha.

“Five of the deaths will happen within two months from now.” Sagot niya na kinabigla ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dysfunctional   Epilogue

    EpilogueGavril’s Point of ViewFifteen Years had passed.The ambiance inside the courtroom was filled with tension as everyone inside is waiting for prosecutors and the defendant’s side to speak. Everyone is cautious and careful. The judge locked his eyes on anyone who is speaking. This is not actually a tough case, because I can actually prove this old man’s innocence. This is a case of murder but the real culprit of this crime framed up someone, pointing and setting up someone’s innocence.I sat very straight and calmly as I can while I am hearing the lawyer of the defendant’s statement. He stating the scenario capturing the main suspect of the crime. He also asked the suspect about his statement of what happened that night. I looked at the old man seated in the jury box seat as he was asking about the case. Kita ko ang labis na kaba at takot sa mata ng matanda. His voice

  • Dysfunctional   Chapter 50. “To infinity and beyond”

    Chapter 50. “To infinity and beyond”One..."Hey! Look there she is again!"Why do people are so judgemental?Two..."So, she really looks creepy, huh?"Why do people say hurtful things?Three..."I remember when we were in grade school? She kept on crying and we didn't know why?"If I could just ignore it, but I can't.Four..."Really? Do you know that she lives in a haunted house in our village?"If I could just find a cure or something to stop it.Five..."Hey! She's coming near...baka marinig ka niya."If I could just cover my ears just not to hear all of your heartless words.Six..."Oh my God!""Hey! You freak! How dare you!"If I could have a choice not to have this.Seven..."Oh! You slap her!" So, that I can live

  • Dysfunctional   Chapter 49. “Dark clouds, pouring rain”

    Chapter 49. “Dark clouds, pouring rain”March 15, 2019Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang malinaw kong nakikita at naririnig ang matinis na tunog ng isang aparato sa loob ng emergency room. The doctor was applying CPR but in the end, the woman I bumped earlier died. "I'm sorry...I'm sorry..." I whispered as I wiping off my tears. Another death happened. Isa na namang pagkamatay na nakita ko. "Excuse me?" napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. "Are you okay?"A deep voice of a man asked me. Nalito ako at nagtaka dahil nasa restroom ako dito sa school pero bakit may lalaki sa loob ng restroom ng mga babae?"I'm fine...just leave me." sagot ko habang inaayos ang sarili ko. I heard him chuckled. "You know what, you really scared me. I thought you're a ghost. Muntik nang hindi lumabas i

  • Dysfunctional   Chapter 48. “Thank you, my first love”

    Chapter 48. “Thank you, my first love”“Gavril stop. Stop all of this. Why do keep on insisting on what you are believing for? Kung ano ang iniisip mo sa tingin mo ay tama!” “Bakit hindi ba, Roux? Alam mo, hindi na rin kita maintindihan minsan. Hindi ko alam kung iniiwasan mo ba ako dahil sa note o sa nakita mo tungkol sa akin or may mas malalim pang dahilan. You run off my house when you knew that it’s my father’s portrait. Tell me, Roux!”“Hindi mo na kailangang malaman, Gavril. Dahil aalis na ako rito.”“Mahal na mahal kita, Roux pero parang pagod na ako…”The memories of what happened yesterday keep on lingering in my mind. Paulit-ulit na umi-echo sa tainga ko ang sinabi ni Gavril. Ramdam ko ang sobrang emosyon nang sabihin niya iyon. I don’t understand myself but I felt so guilty right now. Gavril

  • Dysfunctional   Chapter 47. “The Family Feud”

    Chapter 47. “The Family Feud”Buong araw kong pinag-iisipan kahapon ang lahat tungkol sa nalaman ko. What happened in the past is still clear in my mind. That tragic scene of my life, the day when my parents died in front of my own very eyes. And now that I found who is responsible for that tragedy. It was him, hindi ako maaaring magkamali. Pero sa likod ng galit na nararamdaman ko nang malaman kong Daddy ni Gavril ang taong nagpakidnapped sa akin noon, mayroon akong lungkot na nararamdaman. Bakit sa dami ng tao, magulang pa ng lalaking mahal ko ang gumawa noon?That day, I leave Gavril in confusion. Tumakbo lang ako palabas ng bahay nila without saying a word. Sobra akong nabigla at natakot nang malaman ko ‘yon. Kaya naman kahapon pa rin ako tinatawagan ni Gavril and he even went here pero hindi ko s

  • Dysfunctional   Chapter 46. “Mirror of our soul ”

    Chapter 46. “Mirror of our soul ”Eight years ago, I cannot see how beautiful the world was. I was blind and all I can see was darkness. Kapag magbi-birthday ako, palagi kong wish ay ang may mahanap nang magdo-donate ng mata para sa akin. Gusto kong makakita, gusto kong makita sila Mommy at Daddy. Gusto kong makita ang mundo, ang magagandang paligid. And when my 9th birthday coming, I told my Dad my birthday wish again, to be able to see. And that wish was commanded by my Dad.“Really, Dad? Makakakita na ako?” I was so excited that time when Dad said the news to me. He finally found eyes for me.“Yes, Princess…the operation we will do the operation tomorrow, so have to prepare and be strong.” My Dad said. I nodded so quickly in response to him.“Yes, Daddy…” sagot ko. I felt his hand slowly patted my head.&ldqu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status