Share

KABANATA 3

Author: CelDSIndemne
last update Last Updated: 2022-02-25 21:11:26

“Nay, may sakit po ba si Angela? Kayapala nakita kong may mga pasa siya sa binti at hita, ayokong may mangyaring masama sa kanya, Nay Lilet, ayokong mawala si Angela, ayoko…” sabi ng hindi mapakali na si Rafael habang kausap si Aling Lilet.

“ Huminahon ka anak, Rafael, hindi mawawala si Angela, magtiwala ka sa Diyos.” sabi naman ni Aling Lilet.

“ Paano kung iwanan rin niya ako gaya ni Mommy at Daddy, Paano na ko Nay Lilet, Paano na yun mga pangarap naming dalawa.” Hindi mapakaling si Rafael.

“ Rafael, anak maupo ka muna sa isang tabi, magpahinga ka muna kami muna mag-aasikaso kay Angela, sa anak namin.” Sabi ni Mang Rudy na tinapik sa balikat si Rafael.

Naupo naman si Rafael ngunit ang isipan niya ay puno ng kaba at ng pag- aalala, wala siya sa kanyang sarili, iniisip niya ng husto si Angela.

Samantala habang nagpapahinga si Rafael sa isang tabi ay bigla na lamang siyang nakatulog.

Nang mga oras na iyon ay abalang abala na sina Mang Rudy at Aling Lilet sa pagbili ng mga gamot na inihatol ng Doctor kay Angela, habang ang ibang mga kapatid ni Angela ay umuwi na muna sa kanilang bahay at naiwan doon ay si Perla na isang taon lamang ang agwat ng edad ni Angela rito, binantayan niya ang kanyang Ate Angela.

Maya maya ay nagising na si Rafael, nakita niya si Perla na nagbabantay kay Angela. 

“ Bakit hindi nyo man lang pinagamot si Angela? Bakit kailangan pang humantong sa ganito?.” Bungad na tanong ni Rafael kay Perla.

“ Kuya Rafael, hindi naman nagsasabi si Ate Angela na may nararamdaman siyang sakit, ang alam lang namin minsan matagal siya sa kuwarto, nagkukulong siya doon kapag sumusumpong yun nararamdaman niyang sakit, sinasara niya ang pinto, parang itinatago niya yun sakit niya, tinatanong namin siya kung ayos lang ba siya, sabi naman niya, huwag daw siyang intindihin, itutulog lang daw niya ito at magiging ok na siya.” Paliwanag ni Perla.

“ Pero, mali parin kayo sana man lang napilit nyo siya na magpagamot, Paano na ngayon? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa kanya, hindi ko kakayanin, alam mo naman na mahal na mahal ko si Angela.” nag-aalalang si Rafael.

“ Kung mahal mo siya Kuya, mas mahal namin siya kasi kami yun kasa-kasama niya sa loob ng mahabang panahon at maraming taon, mas hindi namin kaya kung mawawala siya sa amin, hindi rin namin kaya Kuya Rafael.” sabi ng lumuluhang si Perla.

Nang mga sandaling iyon, tumahimik ang paligid ng magkausap sina Perla at Rafael, tanging mga luha ang umaagos sa kanilang mga mata habang pinagmamasdan ang nakahigang si Angela na wala parin malay ng mga sandaling iyon.

Umuwi saglit si Rafael at iniwan muna si Perla sa Hospital na iyon, kukuha lamang siya ng mga ilang damit pamalit matapos ay babalik na muli siya sa Hospital para bantayan si Angela.

Sa bahay pag-uwi niya ay sinalubong agad siya ng lungkot at bumungad sa kanya ang mga larawang naglalakihan, nakadisplay ang mga ito malapit sa pintuan, larawan ito ng kanyang Mommy Carmela at Daddy Ceazar, larawan na kung saan bagong kasal ang mga Ito, Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga alaala noong ang mga ito'y nabubuhay pa.

Masakit naman talaga para kay Rafael ang pagkawala ng kanyang mga Magulang at mas sasakit pa kung pati si Angela ay kukunin rin sa kanya, Bakit kailangang mawala ang mga taong nagmamahal sa kanya? Bakit kailangang iwan siya ng mga ito sa mga sitwasyon nagiging masaya na siya at ayos na siya, Hindi pa ba sapat na nagagawa na niyang magbago para sa sarili niya at para sa mga taong mahal niya.

Maaari bang magrequest sa langit na huwag naman sana… huwag naman sanang mawala ang taong nagpapaligaya sa kanya, pero hindi maaari dahil nakatakda na ang dapat mangyari.

Pagbalik ni Rafael sa Hospital, mula sa di kalayuan ng naglalakad pa lang siya papasok sa kuwarto ay narinig na niya ang malakas na sigaw at iyak ni Aling Lilet, nagmadali si Rafael sa paglakad, patakbo siyang pumasok ng kuwarto kung saan naroon ang mag- anak ni Angela, nakita niya ang paghihinagpis ng mga ito.

“ Si Angela kuya hindi na gumagalaw.” bungad na wika ni Perla kay Rafael na nakahawak ang kamay nito sa kamay ng kanyang Ate Angela.

Lumapit si Rafael sa nakahigang si Angela, hinawakan niya ng unti unti ang kamay nito, tumitig siya sa kanyang kasintahan, hinawakan niya ang dalawang pisngi nito at nagsalita siya.

" Gumising ka Angela, narito ako hindi kita iiwanan, Mahal na mahal kita, ikaw ang buhay ko." umiiyak si Rafael na niyakap si Angela pero ito ay wala ng buhay,

Nagsimula ng sumigaw si Rafael,  naging emosyonal siya, lakad dito, lakad doon maya maya ay hinawakan niyang muli si Angela.

" Gumising ka Angela, bakit naman ganoon? umuwi lang ako sa bahay para kumuha ng damit para bantayan kita at ayokong umalis sa tabi mo, bakit naman hindi mo na ko nahintay, We are getting married and we still have many dreams in life, I love you so much Angela." madamdamin na sabi ni Rafael.

Katabi ni Rafael ang pamilya ni Angela at lahat sila’y nagdaramdam sa biglaang pagkamatay ni Angela, Tinapik ni Aling Lilet sa balikat si Rafael at kinausap niya ito.

" Rafael, wala na tayong magagawa, tanggapin na natin na wala na siya, nawala na ang anak ko, pagpahingahin na natin siya...huhuhu..." umiiyak na si Aling Lilet.

Tulala sa isang tabi si Rafael matapos ang tagpong iyon, hindi siya mapakali, nagsimula ng ayusin ng pamilya ni Angela ang mga labi nito.

Ang araw na iyon ang pangalawang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Rafael, hindi niya matanggap na wala na si Angela.

Nagpunta si Rafael sa tabing dagat at doo'y nagsisigaw siya, isinigaw niya ang lahat ng sama ng loob niya, lahat ng bato na makita ng kanyang mga mata at mahawakan ng kanyang mga kamay ay ibinabato niya sa dagat, ang puso niya na dati ng puno ng galit ay lalong nagsiklab sinisi niya ang DIYOS.

“ Bakit? Bakit ganyan ka? hindi mo ba talaga gusto na maging masaya ko? nagbago na ko, hindi na ko umiinom ng alak, hindi na ko naninigarilyo kasi yun ang gusto ni Angela na gawin ko, ang tigilan ko na lahat ng bisyo ko, yan ang gusto ni Angela na dapat kong gawin." Paulit ulit na sabi ni Rafael.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • EVERY MINUTE ENDS   KABANATA 29

    " Bakit hindi kayo naniniwala? Kitang kita koang mga luha sa mga mata ni Ate Angela." Sabi ni Perla sa mga taong naroroon.Ang mga tsismosang kapitbahay nila Perla ay nagtawanan at nag-usap usap." Paano naman luluha ang Isang Patay? Ito'y Wala na ngang buhay." Sabi ng isang babaeng kapitbahay, " Totoo po nakita ko po na lumuha si Ate Angela, maniwala naman po kayo sa akin. " Sabi ni Perla." Hindi kami naniniwala Kasi wala naman talagang Patay na lumuluha " Sabi ng isa pang kapitbahay.Muling pinagmasdan ni Perla ang Ate Angela niya, lumuluha talaga ito kaya tinawag muli niya ang mga taong naroon para sabihing totoo ang kanyang sinasabi.Nang makita ng multong si Angela na tila pinagtatawanan ng mga kapitbahay si PerlaNaging malikot ang emahinasyon niya pinaglaruan niya ang mga tsismosang kapitbahay, bigla na lang namatay ang mga Ilaw at sobrang lamig ng kanilang mga pakiramdam, nagtataasan ang kanilang mga balahibo at pakiramdam nila may nakamasid sa kanila at Tama nga Sila dah

  • EVERY MINUTE ENDS   KABANATA 28

    Marami silang magagandang alaala ni Angela , ang pamamasyal nila ni Angela sa dagat ang pinakamasaya nilang karanasan at kahit kailan hindi na malilimutan ni Rafael ang mga eksenang minsa'y inangkin niya ng buong buo ang pagkababae ni Angela bago pa man nangyari ang pagkamatay nito.Pinagsaluhan nila minsan ang malulutong na mga halik, ang bawat hagod ng mga katawang hubad na sabik na sabik sa isa't isa, pag-ibig na ipinangako nila Hanggang sa dulo ng walang hanggan o kamatayan man.Pero sino ba ang nakalimot sa mga pangakong iyon? Sino ba ang nang-iwan at iniwan? " Ikaw! Ikaw Rafael! Ikaw ang nang-iwan sa akin dahil bumuo ka ng bagong pamilya, Hindi mo ko sinamahan sa Kabilang buhay, makasarili ka, hinayaan mo ako na magdusa at lumuhang mag-iss, mas pinili mo Sila kaysa sa akin, Sinungaling ka!." Malungkot na mukha ni Angela habang nakatanaw sa kawalan.Hanggang muli na naman niyang ipinikit ang kanyang mga mata at sa muli niyang pagmulat nakita parin niya ang nakahimlay na babae n

  • EVERY MINUTE ENDS   KABANATA 27

    " Rafael, Wala na si Angela, tanggapin mo na na iniwan na niya tayo, Hindi na natin siya makakasama." Sabi ni Aling Lilet." Hindi Yan totoo! Inay !inay! Buhay pa ako, narito ako sa tabi mo." Sabi ng kaluluwang si Angela.Sinubukan ni Angela na yakapin si Aling Lilet pero bigo siya dahil tumagoas ang mga kamay niya." Bakit? Bakit? Ano ba itong nangyayari? Gusto kong yakapin si Inay pero hindi ko magawa, bakit bumabalik ako sa nakaraan? Bakit hindi ko maintindihan ang lahat ng ito? Bakit? Bakit?." Sabi ng kaluluwang si Angela." Wala na tayong magagawa Rafael , Tama si Lilet Wala na si Angela , Wala na Ang anak namin ni Lilet , Wala na siya." Umiiyak na si Mang Rudy." Hindi yan totoo Itay! Narito ako Hindi ko kayo iniwan Hanggang Ngayon narito ako nakabantay sa inyo." Sabi muli ng kaluluwang si Angela.Saglit na ipinikit ni Angela ang kanyang mga mata at sa pagmulat niya nakita niyang nakasuot ng damit na kulay itim ang pamilya niya, umiiyak ang mga ito habang maraming tao ang n

  • EVERY MINUTE ENDS   KABANATA 26

    Hindi siya masama, Hindi rin niya ninanais na manakit, gusto lang niya na may maniwala at tumulong sa kanya pero bakit ang mga batang hindi naman siya lubos na kilala ay ayaw maniwala at makinig sa kanya , paano niya ipapaliwanag na pagod na siya at ayaw na niya ng ganoong kalagayan, pagod na siyang makiusap sa mga tao na pansini siya dahil alam niya isa lamang siyang kaluluwang ligaw.Umalis siya sa lugar kung saan niya tinipon ang mga bata, hinayaan niyang makalaya ang mga ito, ang mga bata ay nakabalik ng maayos sa mga Magulang nila na parang walang nangyari, naging masaya si Angela habang pinagmamasdan niya ang mga batang iyon pero hindi naman siya nakikita ng mga Ito" Nagawa ko, nagawa Kong pakawalan ang mga bata , naging masaya ang puso ko at kayang kaya ko pala na maging masaya sa pamamagitan ng pagpapalaya, Hindi ko pala kailangan magalit." Sabi ni Angela.Sinimulan ni Angela na magmasid masid sa paligid, malapit sa Hospital ay natanaw niya ang iba't ibang klase ng pasyent

  • EVERY MINUTE ENDS   KABANATA 25

    Kinabukasan, nagdesisyon ang mag-asawa na pumunta sa sementeryo para dalawin ang kanilang anak na si Angela, isinama nila sila Perla, Janet at iba pa nilang mga anak, habang naroon sila, binalikan nilang muli ang mga ala- ala ni Angela, nabanggit rin nila Perla at Janet na nagpakita sa kanila si Angela hindi lang sa panaginip maging sa totoong buhay, naghawak hawak ng kamay ang pamilya ni Angela at mataimtim na nanalangin pero matapos ang mga sandaling iyon naging usap usapan at balibalita sa lugar nila ang pagpaparamdam ni Angela sa mga kapitbahay nito, madalas raw nilang nakikita ang puting babae na nakatayo malapit sa isang puno tuwing sila ay inaabot ng pag-uwi sa kalaliman ng gabi at naniniwala sila na si Angela yun.Hindi na napaisip si Perla dahil batid niyang si Angela nga iyon dahil humihingi ito ng tulong na makalaya sa di magandang lugar na kinasadlakan nito.Maging ang mga bata ay nilalapitan nito at mga ilang araw lang ay nawala na ang mga batang pinagkakakitaan nito.“

  • EVERY MINUTE ENDS   KABANATA 24

    Mahal na mahal ni Angela ang kanyang pamilya, dito siya talaga hunuhugot ng lakas para lumaban sa buhay, pinakamahalaga para sa kanya ang kanyang mga Magulang na sila Mang Rudy at Aling Lilet.Sila Mang Rudy at Aling Lilet hanggang sa kanilang pagtanda ay bakas parin ang kasipagan sa pagtatrabaho, kahit marami ng nagbago sa buhay nila at medyo nakakaluwag luwag na sila, ayaw parin nilang Tumigil sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo, ang pagtitinda nila ng mga gulayan at karne sa palengke ngayon ay may mas malaki na silang puwesto at marami na rin ang kanilang mga itinitinda, katulong nila ang iba pa nilang mga anak.Sa kabila ng kanilang kaabalahan ay madalas na sumasagi sa kanilang isipan si Angela…“ Naaalala ko ang anak natin Rudy, si Angela, suguro kung nabubuhay pa siya kasakasama natin siya sa malagi at maayos na nating negosyo, ang gulayan at karnehan, sayang nga lamang at maaga siyang nawala sa atin.” Sabi ni Aling Lilet sa kanyang asawang si Mang Rudy habang nakatanaw sa nag

  • EVERY MINUTE ENDS   KaBANATA 23

    EME 23Matapos ang mga pangyayaring iyon ay umuwi na si Perla.Ilan minuto palang ang nakakalipas ng magparamdam at magpakita din si Angela sa kapatid niyang si Janet, Si Janet na mas bata ng isang taon kay Perla.Habang nagpapahinga si Janet sa kanyang kama, bigla na lang siyang gininaw, Hindi pa man niya nabubuksan ang Aircon ay may kakaiba talagang hangin na pumasok at bumabalot sa buo niyang kuwarto, kaya isinara niya ang nakabukas na bintana na malapit sa kanyang kama, kung titingnan ay maalinsangan naman sa labas ng mga oras na iyon.Binalot ni Janet ng kumot ang buo niyang katawan pero parang may kakaibang elemento na hindi maipaliwanag ang naramdaman ni Janet, Hindi siya mapakali kaya nagtakip na lang siya ng kumot, sa pagtatakip niya ng kumot ay bigla niyang naalala ang ginawa ng kanyang Ate Angela na pananakot sa kanya noong ito’y nabubuhay pa, ito’y nagtaklob ng kumot at nagpanggap ito bilang isang multo saka siya lolokohin para takutin.Habang naaalala niya ang pagbibiro

  • EVERY MINUTE ENDS   KABANATA 22

    Nagdesisyon ang mag-asawa na bumalik na nga sa ibang bansa at dito ay magsisimula sila muli ng bagong buhay at pag-asa Kasama ng kanilang mga anak. Sa kabilang banda hindii parin malimutan ni Perla ang kanyang ate Angela kahit siya ay nasa trabaho naiisip parin niya ito." Bakit kaya hindi ako mapakali? Madalas ko parin naiisip si Ate Angela, Ngayon ko lang nararamdaman ang sakripisyong ginawa ni ate sa amin, ang ginawa niyang pagtatrabaho para sa amin ng mga kapatid ko at nila Nanay at Tatay ." Sabi ni Perla sa kanyang sarili.Habang balisa si Perla at malalim ang kaniyang iniisip ay biglang lumakas ang hangin at ang bakanteng upuan na sa kanyang harapan ay biglang gumalaw at ang mga bintana ay nagbukas sarado pati ang pinto, takot na takot si Perla at kaya pinakiramdaman niya ang mga pangyayari." Ate Angela ikaw bayan? wag mo akong takutin! kung gusto mo kong takutin magpakita ka, miss na miss na kita ,Narito ka ba?."Tanong ni Perla na kinakabahan parin.Maya maya pa'y may narinig

  • EVERY MINUTE ENDS   KABANATA 21

    " Wala Kang kasing sama Angela, nanahimik ka na, Hindi ka nararapat sa mundo namin, sa mundo ng mga buhay, ng mga totoong tao, dahil sa ginagawa mo patay ka na pero angg kaluluwa mo ay sinusunog na sa impiyerno, lubayan mo na kami, umalis ka na sa buhay namin, lubayan mo na kami ni Rafael." Nagagalit ng si Rosalia." Paulit ulit kong sinasabi sa iyo na hindi ko kayo lulubayan, guguluhin ko ang buhay nyo Hanggang sa tuluyan ko kayong mapasuko sa mga kamay ko, Hindi naman kayo ang kailangan ko, si Rafael lang ang kailangan ko, pero dahil ioinagpalit kayo sa akin ni Rafael, mas pinili niya kayo kaya dapat kayong magdusa, Hindi nyo ba alam kung gaano kahirap at kasakit yun para sa akin, mananahimik lang ako kapag nakuha ko na ang gusto ko, kapag nakasama ko na si Rafael sa kabilang buhay doon lang ako magiging masaya at mananahimik." Umiiyak na si Angela habang nagpapaliwanag." Bakit ayaw mong bigyan ng katahimikan ang buhay mo para maging masaya ka na Angela, Hindi ka magiging m

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status