Share

KABANATA 4

Nagpatuloy sa pagsasalita si Rafael... "Hindi na ko nagsusugal, hindi ko na sinasayang ang pera ko at panahon sa walang ka kwenta kwentang mga bagay, hindi na rin ako naghahanap ng marami at iba't ibang mga babae kasi si Angela lang ang kaisa isang babae na minahal ko ng totoo, ng ganito, siya lang ang nagpapaligaya sa akin pero kahit ganoon nirespeto ko si Angela bilang isang babae, marami pa kaming pangarap at magkasama kaming dalawa na dapat tumupad nito pero paano namin matutupad iyon kung iniwan na niya ako?”sabi  ni Rafael.

Habang naroroon siya sa dagat isang babaeng nakaputi ang tila natanaw niya mula sa kalayuan, nakangiti ito sa kanya na tila niyayaya siya nito na sumama sa itinuturo nitong liwanag, medyo hawig ni Angela ang babaeng nakaputi, titig na titig si Rafael kahit tila nanlalabo na ang paningin niya.

“ Angela, ikaw ba iyan? Hintayin mo ako sasama ko sa iyo… teka lang lalapit na ako, wait for me ok?.” sabi ni Rafael na unti unting lumalapit sa babaeng nakaputi.

Nagpatuloy sa paglalakad si Rafael para marating niya ang kinaroroonan ng  babaeng nakaputi pero nang papalapit na siya, bigla na lang naglaho ang babaeng nakaputi, nagtataka si Rafael bakit nawala agad ito ganitong abot kamay na niya ito, hinanap niya ng hinanap ang babaeng iyon sa malawak na dagat pero naglaho itong parang bula.

“ Bakit hindi kita makita? Angela, nasaan kana? Gusto ko sumama sa iyo, sige na lumabas ka naman para sabay tayong pupunta sa liwanag na itinuturo mo.”sabi ni Rafael.

Malalim na ang gabi hanggang sa inabutan na ng sikat ng araw si Rafael hanggang isang tawag sa kanyang telepono mula kay Mang Rudy ang kanyang natanggap at narinig, 

“ Rafael, nasaan ka na? Pumunta ka na rito sa bahay, naiuwi na namin si Angela.”

Pinakinggan lang ito ni Rafael, hinawakan lang niya ang kanyang telepono at itinapat niya sa kanyang tainga, hindi man lang siya kumibo, hindi man lang siya nagsalita, dahil ang kanyang isipan ay malayo at tila naglalakbay, malayo ang kanyang tanaw, hanggang hindi niya namalayan na nabitawan ng kanyang kanang kamay ang hawak niyang telepono, nagpatuloy siya sa paglalakad at nakita siya ng isa sa mga nakakakilala sa kanya na si Mang Edgar na kapitbahay nila Angela dahil ng mga oras na iyon ay maaga itong nangisda sa dagat.

“ Rafael, anong ginagawa mo rito? nabalitaan ko sa Misis ko na may masamang nangyari kay Angela, nakikiramay ako.” sabi ng malungkot na mukha ni Mang Edgar.

Napansin ni Mang Edgar na tila balisa si Rafael naisip niyang marahil ay nadala lamang ng matinding pangungulila si Rafael kaya nasa dagat ito kaya kinausap niyang muli ito.

“ Rafael, umuwi ka na, baka iniintay kana ni Angela, balita ko naroon na raw ang mga labi nito sa kanilang bahay, magiging masaya siya kung naroon ka sa tabi niya hindi rito sa dagat na sinasayang mo ang oras mo sa pag- iisip at pag- iisa.” sabi ni Mang Edgar.

“ Si Angela, kailangan ko siya makita dito sa dagat, hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nahahanap si Angela.” sabi ni Rafael na hinahanap parin si Angela.

“ Naku, Rafael uuwi na nga muna ako para samahan na kitang umuwi kasi wala ka sa sarili mo, baka kung ano pa mangyari sa iyo dito.” Panghihikayat ni Mang Edgar Kay Rafael para umuwi.

Sa kabilang banda, hindi na magkamayaw ang mga taong gustong makita ang mga labi ni Angela sa tahanan nila Mang Rudy at Aling Lilet, kuwentuhan sila ng kuwentuhan tungkol kay Angela.

“ Napakabait at napakasipag ng batang iyan, sayang talaga at pumanaw agad siya.” sabi ni Aling Susan na  kapit-bahay nila na ka-edad ni Aling Lilet.

“ May sakit ba si Angela? Parang hindi naman namin nakikita na nanghina at napagod si Angela, napakamasayahin niya at sobrang sipag sa trabaho, Lilet, ano bang ikinamatay ni Angela?.” tanong naman ni Aling Rosa na kapit-bahay rin nila na ka- edad rin ni Aling Lilet.

“ Leukemia Cancer stage 4 ang sanhi ng pagkamatay ni Angela, matagal na niyang iniinda ang pananakit ng kanyang katawan, panlalambot ng mga buto, palagi siyang pagod at nanghihina pagkagaling niya sa trabaho, noon rin naranasan niyang manginig, may lagnat na pala siya noon, pinainom naman namin siya ng gamot sa lagnat matapos nagkulong na siya sa kwarto at natulog na, madalas siyang nahihilo, lagi niyang sinasabi na kaya raw niya at huwag siyang isipin, ang laki ng pagkakamali namin sana hindi na humantong pa sa ganito, Sabi ng Doctor, bumaba na raw ang timbang ni Angela na hindi sinasadya, lumaki na raw ang atay nito, may maliliit at mapupulang pantal daw sa balat si Angela na nakita ng Doctor, na hindi naman namin napapansin noon.” Umiiyak na si Aling Lilet habang nagpapaliwanag.

“ Huminahon ka Lilet, alam namin na masaya na si Angela kung nasaan man siya ngayon.” sabi ni Aling Susan.

“ Oo nga Lilet, masaya na siya kasi hindi na siya mapapagod roon, napakaraming nagawang tulong ni Angela sa lugar na ito kahit abala pa siya sa ibang mga ginagawa niya.”sabi naman ni Aling Rosa.

Likas na matulungin si Angela, kapag may mga kapitbahay siya na nakikita niya na walang pambili ng bigas ay binibigyan niya ito ng koonting tulong sapamamagitan ng pag-aabot niya ng koonting halaga, nagpapatawa rin siya at nagpapasaya sa mga batang tiga roon, lalo na kapag may mga nagdaraos ng kaarawan, gamit ang kanyang Costume bilang isang payaso ay libre niyang ginagawa ang pagpapatawa at nagiging masaya naman ang mga bata roon, Hindi kailanman napagod si Angela, hindi siya napapagod na maipakita ang kanyang pagiging masayahin kahit sa kabila man na may nararamdaman na siyang sakit, para sa pamilya na kanyang pinaglilingkuran gagawin niya ang lahat, napakabait niyang anak, mapagmahal sa mga kapatid niya at mapagkakatiwalaan bilang isang kaibigan, kaya napakasuwerte ni Rafael sa kanya kaya natural lang na magbago si Rafael dahil hindi lang basta simpleng ginto ang nakuha niya kundi isang makinang at mamahaling ginto ang katulad ni Angela, isang babaeng hindi naghangad ng anuman sa kanyang buhay kundi lahat ay kabutihan para sa kanyang pamilya at mga taong nakapaligid sa kanya, ganyan siya kung magmahal  at ganyan siya kung mag- alaga, bagay na dapat ikarangal talaga ni Rafael.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status