Share

Chapter 6

Chapter 6

Basang-basa akong pumasok sa loob at gulat na gulat sila nang makita ako lalo na si Mommy.

"Samantha! Bakit hindi ka tumawag!" kaagad na sambit niya.

"Nasiraan ako," sabi ko sabay tingin kay Daddy na papababa pa lang sa hagdanan. Nasa likuran niya si Kuya na kunot noong nakatingin sa akin.

"What happened?" my brother asked so I sighed.

"Maligo ka, basang-basa ka. Hurry up before you get sick," utos ni Mommy sa akin kaya dali-dali akong umakyat patungo sa kwarto ko. Nagulan pa ako nang pagpasok ko sa kwarto ay siya ring pagpasok ni Kuya.

"What happened? Where's your phone? Bakit hindi ka nagpasundo?" sunod-sunod na tanong niya.

"Lowbat, and I don't have a charger. I fixed my car so I am here right now," I said before going inside my bathroom. Pagkatapos kong maligo ay magbihis ay naabutan ko siya na komportableng nakaupo sa kama ko kaya napahalukipkip ako at napataas ng kilay.

My brother is my childhood bestfriend. Naaalala ko noon na spoiled na spoiled ako sa kanya. Pero ngayon ay sobrang strikto na niya.

"Sa susunod magdala ka ng driver. And don't use your car. Ipapa-ayos ko bukas," sabi niya kaya pabagsak akong umupo sa tabi niya.

Tumayo siya kaya mabilis ko siyang sinundan ng tingin.

"Bumaba ka muna para dinner," sabi niya bago siya tuluyang umalis kaya napatango ako. After five minutes I went downstairs to eat my dinner. At ramdam na ramdam ko ang pagod sa katawan ko sa mga nangyari ngayong araw kaya matapos kumain at bumalik ako sa kwarto ko at kaagad akong nakatulog.

I woke up so early the next morning. At pagbukas ko ng mga mata ko ay biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kahapon. 

Jace Gallardo can leave me but he didn't. Sumuong siya sa ulan para ayusin ang kotse ko. That's too much.

Is he doing that for what? 

Kung tunay na magkalaban ang pamilya namin ay bakit tinulungan niya ako? O nagpapabango ba siya ng pangalan niya?

I sighed.

Mabilis akong naligo bago bumaba. At saktong naabutan ko si Daddy na nagkakape sa living room habang nagbabasa ng magazine.

"Dad," I greeted. Bahagya niya akong sinilip at tumango na walang kahit anong sinasabi.

Umupo ako sa harap niya. Hindi ko alam kung itatanong ko ang mga bumabagabag sa isipan ko o hindi. I waited for five minutes. At mukhang nagtaka siya kung bakit hindinako umalis doon kahit wala naman akong ginagawa kaya binaba niya ang magazine na hawak.

I think that's the perfect timing to open up what's inside my head.

"Dad, can you tell me the reason of the rivalry between our family and Gallardo family?" tanong ko dahilan para unti-unting malukot ang noo niya.

"Do not mention that family name inside my house, Samantha," matigas na sambit niya kaya napakunot ng husto ang noo ko.

"Dad, I have the rights to know. I can not just avoid and hate them without knowing the reason?" sunod-sunod na sabi ko. Nakita ko ang galit sa mukha ni Daddy kaya agaran akong tumayo.

"Samantha, you better shut up. Just do what I want you to do," matigas na sambit niya.

"That is so—"

"What? Why? Do you want to be friends with that family?" sarkastikong tanong niya at likod ng mga salitang iyon ay parang may gusto pa siyang sabihin.

Napaawang ang mga labi ko dahil doon.

"You are being nonsense, Dad—"

"If I told you to stay away from that family you'll follow me! Do not test me, Samantha! Punong-puno na ako!" sigaw niya kaya napaatras ako.

"Dad," biglang sabat ni Kuya na kakarating lang kaya napailing si Daddy at napahilot sa sintindo niya. Napalunok naman ako sabay tingin kay Kuya na nakatingin na sa akin ngayon.

"Get out of my sight, Samantha. Wala ka nang ginawang tama," sambit ni Daddy kaya tumakbo ako palabas ng mansyon dala ang dibdib kong mabigat dahil sa mga narinig kay Daddy.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden. May inis at galit sa loob ko kasi hindi ko sila maintindihan. Bakit ba kasi hindi nila sabihin sa akin! It's just simple! Dahil sa yaman? Yes! 

"Samantha," matigas na pagtawag ni Kuya na sinundan naman pala ako.

Inis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.

"What? Papagalitan mo rin ako?" inis na tanong ko.

"Sumama ka sa akin. Sa sentro na tayo kumain," sabi niya kaya bahagyang tumaas ang kilay ko pero kalaunan ay sumunod rin ako sa kanya hanggang makarating kami sa kotse niya.

"Kuya, Dad is being unreasoble! I mean all of you!" I started when we entered his car.

"Samantha, I told you that the Gallardo's aren't good people. Ano pa bang gusto mong malaman?" inis na sagot niya sa akin kaya napairap ako.

"They aren't good people so we hate them? Ang babaw, Kuya!" 

"Just shut up," inis na sabi niya rin.

"Alam ko na! Just like the typical reason of rivalry between two wealthy families. Yaman!" sigaw ko pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa sentro.

Mukhang wala siyang balak kumain kaya inis ko siyang nilingon at tinuro ko ang isang medyo malaki-laking restaurant sa sentro ng probinsya namin.

"Gutom na ako," sabi ko kaya mabilis naman siyang huminto.

Pagkahinto ng kotse ay kaagad rin akong bumaba at nauna pa akong pumasok sa loob. My slippers and my short shorts denim plus sleeveless is currently here right now. Thanks God I have the confidence.

Pagkapasok sa loob ay kaagad akong naghanap ng bakanteng lamesa. Pero hindi lamesa ang nahanap ko kundi isang pares ng mga mata na pamilyar sa akin. Jace Gallardo and I exchange stares when my brother came.

Jace is with a guy older than him. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang tinuro ni Kuya ang bakanteng lamesa. I went there as I sighed really hard.

"Ano bang gagawin mo dito?" I asked my brother when he's busy reading the menu.

Wala sa sariling napatingin ulit ako kay Jace. Nagtagpo ang mga mata namin na tila kanina niya pa ako tinititigan. Nangunot ang noo ko doon saka muli akong napatingin sa kapatid ko na nakatingin na rin sa akin ngayon.

I raised my brow at him.

"What?" I murmured so he continue reading the menu.

Hindi ko alam kung bakit ulit ako napatingin sa lamesa nila Jace. He's still staring at me. At mukhang nakuryuso ang kasama niya kaya bumaling rin ito sa akin bago umiling. Ngayon napansin ko na mukhang trabahador nila ang kasama niya.

"Samantha, order your foods," madiin na sambit ni Kuya kaya bigla akong nataranta at napatingin sa menu na nilalahad niya.

Nang makapili ako ng order ko ay muli ko siyang binalingan. And to my surprise I saw that he's watching me intently. Para bang may nakita siyang kakaiba kaya binabantayan niya ako.

"Ano?" tanong ko pero lumingon siya sa kung saan. Tiningnan ko rin ang tiningnan niya at nakita ko si Jace na kinakausap na ngayon ang kasama niya.

Why am I suddenly nervous?

Ilang saglit pa ay dumating ang mga pagkain namin kaya nabaling ang atensyon ni Kuya doon.

After awhile I stood up to check my face in the powder room. Ngayon ko lang naalala na baka mukha akong hindi kaaya-aya ngayon. My brother immediately let me so I asked the staff about thier powder room.

Nang makapasok nga ako sa loob ng banyo ay doon ako napasinghap nang makita ang maputla kong mga labi. Ilang beses ko iyong kinagat habang inaayos ko ang magulo kong buhok. I have really no choice since I've got nothing so I need to settle in my pale face right now.

Nang makalabas ako sa powder room ay mabilis akong naglakad pabalik kay Kuya. Pero hindi kaagad ako nakabalik dahil maraming tao sa bandang counter dahilan para mapatigil ako. And I suddenly inhaled an addicting scent causing me to look behind me. Bahagya akong napasinghap nang maramdaman ko ang paghawak ng lalaking may nakakaadik ba bango sa baywang ko.

"Bitawan mo ako," madiin na sambit ko sabay tingin kay Kuya na abala sa cellphone niya.

"So you are your brother's little girl, huh?" he whispered.

Nakaka-distract ang kamay niya sa baywang ko kaya bahagya akong nakaramdam ng taranta.

"Why? You want me to be your little girl instead, Gallardo?" tanong ko at tuluyan ko na siyang hinarap.

Mas lalong nagsiksikan kaya mas lalo akong napalapit sa kanya.

Tumaas ng bahagya ang isang kilay niya at ramdam ko ang pagdiin ng kamay niya sa baywang ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangisi. It's like I trapped the lion and I won.

"Pag-iisipan ko," sabi niya kaya naningkit ang mga mata ko.

"The audacity," I said before rolling my eyes.

Mula sa sa baywang ko ay lumipat ang kamay niya sa palapulsuhan ko. At bago niya pa ako mahila ay may humawak na rin sa kabilang palapulsuhan ko. Nang tingnan ko kung sino iyon ay nakita ko si Kuya kaya mabilis kong binawi ang kamay ko kay Jace.

"What are you doing?" sobrang diin na sambit ni Kuya habang matalim ang tingin kay Jace.

I suddenly panicked so I held my brother's arm before looking at Jace. Parang nagkasagupaan ang lion at ang tigre ngayon at hindi ko alam kung paano ako papagitna.

"Samantha Beatriz, let's go," madiin at galit na sambit ni Kuya bago ako hinila palabas doon at nagpadala naman ako.

"Kuya—"

"What's that? Anong ginagawa mo?" galit na tanong niya nang makapasok kami sa loob ng kotse niya.

"Kuya! We were just talking!"

"You can talk to anyone but not with that Gallardo!" sigaw niya kaya napasiksik ako sa pinto ng kotse.

Namumula na ang mga mata niya sa galit at nakaramdam ako ng bahagyang takot at taranta.

"Kuya! Wala akong ginagawang masama!"

"Hihintayin ko pa bang may gawin kang masama? Ang lagkit ng tingin niya sayo! What? He wants to f*ck you?! I'll kill him first!" sigaw niya at sa pagkakataong iyon ay natahimik na lang ako.

Dahil sa pagtahimik ko ay bigla siyang huminga ng malalim na parang pinapakalma niya ang sarili niya. 

"Huwag kang lalapit sa kanya. Understood, Samantha?" I nodded without looking at him.

At dahil doon ay nagmaneho na siya palayo sa restaurant.

After awhile we stopped in front of the office of the Governor.

"May kukunin ako sa loob. Sumama ka," matigas na sabi niya. At hindi na nga ako nagsalita pa at sumama na lang sa kanya sa loob.

Pumunta kami sa ikatlong palapag at naiwan ako sa waiting area habang siya ay pumasok sa loob ng opisina ng Gobernador. Tamad akong nakaupo sa couch at ilang sandali pa ay may naramdaman akong presensya. I thought it's my brother but it's not.

"Sir Jace, kukunin ko na lang po. Sasabihin ko rin kay Vice-Governor na nandito ka na. May meeting po kasi," the woman said but Jace Gallardo looked at me like he's so shock seeing me here.

Seriously?

"Seriously?" I asked before glancing at the woman. Pabalik-balik ang tingin nito sa amin na para bang namukhaan niya rin ako na galing sa pamilyang kalaban ng mga Gallardo.

That's how famous our families are in this province.

"Where's your brother?" tanong niya.

"Why? You should avoid me," I said before standing up.

"Tss," sabi niya saka niya inisang hakbang ang pagitan naming dalawa nang umalis ang babae at dalawa na lang kaming natira.

Magkaharap ng opisina ng Vice Governor at Governor at parehong sarado iyon. My brother in inside the Governor's office and his father is inside the Vice Governor's office.

Kaagad ko siyang tinulak lalo na nang maalala ang sinabi ni Kuya kanina. 

"Bakit magkalaban ang mga pamilya natin?" tanong ko at napatingin ako sa kamay niyang biglang napunta sa baywang ko.

"Because we are richer than your family," he said at saktong naitulak ko siya nang lumabas si Kuya mula sa opisina ng Governor.

"Let's go," sabi niya sabay tingin kay Jace na mabilis na pumasok sa kabilang opisina.

"Kuya—"

"Do what I told you," he said with his gritted teeth.

Napalunok na lang ako saka napailing. At hindi ko basta-bastang gawing kalmado ang puso ko na tila nagwawala sa hindi ko malamang dahilan?

Their family is richer than us? Iyon lang ang rason? It's all pride.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status