Share

Chapter 5

Chapter 5

I maybe don't like staying here in our Hacienda because I am into city but I really value my family. Even though, Dad's very strict to the point that he's controlling my life. Even though I can't understand Mom most of the time and Kuya's also strict like I'm gonna do something bad most of the time.

I do value them. They are my family. So whoever they hate I should also hate. Whoever their rival is also my rival.

"Mom," I gently called Mommy when I saw her the moment I went out of my room.

Nagtagal ang tingin niya sa mukha ko kaya bahagyang nangunot ang noo ko. I am her younger version. Well, not totally because I'm more fair and I have a different sets of eyes which I got from my grandparents, I think. Iba ang mga mata ko sa mata ni Kuya at ni Daddy. I am unique.

"Saan ka pupunta ngayon?" tanong niya na ikinailing ko.

"Stay inside my room, I guess," I said and she nodded like she wants me to stay that way rather than trolling around the province.

Hindi na lang ako nagsalita pa at tamad na lang na bumaba. Pagkarating namin ni Mommy ng living room ay nakita ko si Daddy na papasok. Nakasuot na siya ng isang polo, denim pants at boots dahil mukhang kagagaling lang niya sa labas. Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Kuya na nakasuot ng isang itim na t-shirt, denim na pants at naka-boots rin siya tulad ni Daddy.

"You should've woke up early. Nakasama ka sana sa amin bumisita sa nga pananim," sabi ni Kuya na siyang ikinangiwi ko.

"What if you'll invite me for party? I'll wake up so early, trust me," sabi ko sabay ngisi kaya sinamaan lang niya ako ng tingin.

Nang lingunin ko sina Mommy at daddy ay magkasunod na sila na pumunta sa dining area kaya sumunod na rin kami ni Daddy. Dad seems serious, well he's always so serious causing him to look strict.

"Samantha, I want you to pick up something near the market later," Dad said so I looked at him.

"What?" I asked.

Naipadala na ang kotse ko galing sa Manila. Pero mababa ang kotse ko at hindi iyon komportableng gamitin dito sa probinsya dahil medyo lubak-lubak at hindi pantay ang daan. But it's fine. I miss driving my car.

"Some materials that our animals needs. Drive the pick up or anything," he said so I nodded.

"Umuwi ka kaagad," biglang sabi ni Kuya kaya nalaglag ang panga ko.

"Gosh, come on, Kuya. Saan naman ako pupunta dito?" sarkastiko at hindi makapaniwalang tanong ko. Bago pa kami mag-away ay kaagad na kaming sinuway ni Mommy na ikinasimangot ko.

"Para kayong mga bata," sabi ni Mommy na ikinairap ko. Kuya saw how I rolled my eyes. Pinaningkitan niya ako ng mga mata na hindi ko na pinansin.

Tumuloy kami sa pagkain ng agahan. And just like the usual, Dad and Kuya talked about the farm. Sumasali si Mommy habang ako ay tahimik na lang. Pamilyar ang mga pinagsasabi nila at kahit paano ay may naiintindihan naman ako pero hindi ko magawang sumali. I just don't really like it.

After eating Dad and Kuya went out to work again. Mukhang may pinagkaka-abalahan sila sa mismong farm kaya parehong hindi mapirmi dito. I don't really get it. What's nice in stepping their expensive boots in a muddy place? At ang init-init.

"Samantha, pagkatapos ng pinag-uutos ng Daddy mo sayo ay umuwi ka kaagad," paalala sa akin ni Mommy kaya napahinga ako ng malalim.

"Don't worry, Mom. Hindi ako magliliwaliw," sabi ko.

Wala naman akong alam na pasyalan dito sa probinsya. I think Kira's busy. So I have no choice but to stay here in our huge Hacienda. 

"Dad should have just ordered one of our workers not me," I said so Mom sighed.

"Just follow your, Dad. At mas mabuti na rin iyon para kahit paano ay makatulong ka. You should start helping, Samantha. Hindi habang buhay nakahilata ka lang sa kwarto mo," she said so I sighed, too.

"You know that I don't want this, Mom. I want to work in a corporate world. I want to build my own business. I want to build my name in the city," I said.

"Samantha, just follow your Dad," sabi niya saka ako iniwan kaya nakasimangot akong pabagsak na umupo sa living room.

Of course, I will follow. I have no choice.

Bandang ala-una ay pumunta ako sa isang shop kung saan may pinapakuha si Daddy. Akala ko magiging mabilis lang pero pagdating ko doon ay wala pa daw ang mga kailangan ni Daddy. Paparating pa lang ang mga stocks. I have no other choice but to wait.

"Pasenysa na talaga, Ma'am Acosta, na-delay kasi ang biyahe ng trucking," nahihiyang sabi ng may-ari.

"Wala pong problema. Hihintayin ko na lang," sabi ko bago umupo sa waiting area ng shop nila.

"Darating na rin 'yon maya-maya," sabi pa nito kaya napangiti ako at tumango.

Akala ko ay ilang minuto lang ay darating na ang hinihintay ko pero nakalipas ang isang oras ay wala pa rin. Nangalay na ako sa kakaupo pero hindi pa rin dumarating kaya pili kong maglakad ng paulit-ulit sa maliit nilang recieving area.

Kapag hindi pa iyon dumating ay uuwi na ako. Babalikan ko na lang bukas.

"Malapit na po ang trucking, Ma'am," sabi ng may-ari nang makita niya na parang naiinip na ako.

"Thank you," sabi ko habang nakatutok sa cellphone ko.

"Sir Jace! Handa na po ang kay Vice-Gov!" biglang sabi ng may-ari kaya unti-unti kong binaba ang cellphone ko para tingnan ang lalaking kakarating lang.

Bahagyang nangunot ang noo ko nang makita si Jace Gallardo na kaagad inasikaso. Pinaupo at tinutukan pa ng electric fan. Well, tinutukan rin ako ng electric fan pero halatang mas inaasikaso siya.

"Hindi, okay lang, unahin mo muna ang mga nauna. Maghihintay ako," the humble guy said. And after he said those words he finally saw me. Mabilis akong napaiwas ng tingin at muling bumalik sa pagkakaupo.

Umupo siya sa upuan na sa harap ko. I tried to act like I don't care. I don't really care, though. Gusto kong ngumisi nang makita sa gilid ng mga mata ko na tila wala rin siyang pakialam.

Really, huh?

Ilang sandali pa ay tinawag siya ng may-ari.

"Sir Jace, ipa-pack na lang po ang sa inyo," sabi ng may-ari. At hindi ko na napigilang sumabat.

"What about mine? Matagal pa ba?" sabi ko. Hindi ko sinasadya ang pagkamasungit sa boses ko dahilan para makita ko ang taranta sa mata ng may-ari nitong shop.

Hindi pa ito nakakasagot sa akin nang may huminto na isang trucking sa labas ng shop. 

"Nandito na po, Ma'am Acosta," sabi nito saka dali-daling lumabas kaya dahan-dahan akong tumayo saka humalukipkip habang nakatanaw sa labas.

"Acosta, do not use your name to belittle others," someone said behind me.

Dahan-dahan ko siyang nilingon.

"You shouldn't be talking to me, Gallardo," I said.

I literally don't see the guy I had a one night stand with. Parang iba siya. My surename made this, huh?

Ilang sandali pa ay pumasok ay dalawang box at inisa-isa iyon. 

"Mabilis na lang, Ma'am," sabi ng isang nagtatrabaho doon.

I nodded. Nalingunan ko na maayos na ang kay Jace at nilalagay na ang ilang box sa pick up na dala niya. Dalawang box lang naman ang kukunin ko kaya kasya sa kotseng dala ko. Hindi tulad sa kanya na halos sampung box iyon.

Napatingin ako sa oras sa phone ko at doon ko lang napagtanto na ilang oras rin pala akong naghintay. Alas singko na ng hapon at medyo makulimlim ang kalangitan kaya madilim. 

I was expecting Jace to go but he didn't. May kinausap pa siya na kung sino. And the Vice Governor's son knows how to interact.

Hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin at nabuhayan ako ng loob nang matapos ang pag-pack sa pinapakuha ni Daddy. Napahinga ako ng malalim saka pinapasok iyon sa trunk ng kotse ko bago nagpaalam.

I drove away from that shop and the rain started to fall.

Habang papauwi ay naisipan kong huminto sa isang milktea shop para bumili ng milktea. Medyo matagal rin iyon kaya bandang alas sais na ay nasa daan pa rin ako. The rain poured really hard and my phone is out of battery now and I don't have a charger.

Mas binagalan ko ang pagmamaneho dahil sa madulas na daan. Sa bagal ng pagmamaneho ko ay hindi ko alam kung bakit biglang huminto ang kotse. Napasinghap ako ng malakas habang paulit-ulit na pinapaandar ang makina pero hindi na ito umaandar. Napalingon ako sa likuran at mabuti na lang ay kaunti lang ang mga sasakyan na dumadaan kaya medyo hindi delikado.

Pero ang mas lalong nagpataranta sa akin ay ang biglaang pag-usok ng harapan ng kotse. Dali-dali kong hinubad ang suot kong seatbelt! Sana pina-check ko muna 'to sa mekaniko nang makarating dito! Higit isang buwan ko na rin itong hindi napapa-check sa Manila!

Hindi ako nagdalawang-isip na lumabas kahit pa sobrang lakas ng ulan! Binuksan ko kaagad ang harapan ng kotse at mas lalo lang lumakas ang usok kahit pa umuulan!

"D*mn," inis na sambit ko.

At kahit walang alam sa pag-aayos ay sinubukan kong kalikutin ang kotse dahil desperada na akong umuwi. I'm all wet but I don't care! Hindi ako makatawag sa Hacienda dahil lowbat na talaga ang cellphone ko!

Hindi ko alam ang pinanggagawa ko pero pinagpatuloy ko pa rin.

Pero mas lalo lang yatang lumala.

I am all wet! So wet! 

Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan at ilang sandali pa ay may pick up na huminto sa tabi ng sira kong kotse. Hindi ko iyon pinansin pero nang matanaw kung sino ang bumaba mula doon ay nangunot ang noo ko.

"Anong nangyari? And what are you doing?" Jace Gallardo asked before looking at me from head to toe.

"Nasiraan ako," sabi ko habang patuloy na kinakalikot ang mga parte ng kotse na hindi ko naman alam.

"Mas lalo mong sinisira," sabi niya saka siya tumabi sa akin kaya muli ko siyang nilingon.

Basang-basa na rin siya. Ang hapit niyang brown na t-shirt ay mas lalong naging hapit sa katawan niya dahil nabasa na ito. Wala sa sariling napatulala ako sandali sa kanya dahil hindi ko inaasahan na tutulungan niya ako.

"Are you being a good Samaritan? Hindi kita iboboto kung tatakbo ka sa susunod na eleksyon," sabi ko kaya bahagya niya akong nilingon.

Kita ko ang pagtingin niya sa dibdib ko sandali pero kaagad ring bumalik ang mga mata niya sa mukha ko.

"Pumasok ka sa loob," ambit niya pero humalukipkip lang ako.

"I don't need your help," I said but he continue fixing my car.

Ilang sandali pa ay sinara niya ang trunk at binuksan niya ang pinto ng driver's seat. Sinubukan niyang paandarin at nakakamanghang umandar iyon kaya muli niya akong binalingan.

Hindi pa rin ako makagalaw sa gulat. My car is all good now. And he helped me.

Our families are rivals, right?

"Maayos na, umuwi ka na," sabi niya habang hawak pa rin ang nakabukas na pinto ng driver's seat ng kotse ko.

"Why are you doing this?" I asked. Kapwa kaming walang pakialam sa ulan.

"Just go home. You don't want people passing by see your underwear, right?" malamig ngunit tila inis na sambit niya kaya napatingin ako sa dibdib ko. At hindi ko alam kung bakit ako nainis nang makita na bakat na bakat na ang itim kong bra.

"As if you didn't see what's inside. And I don't care," I murmured and I know that even in the middle of this heavy rain he heard it.

Naningkit ang mga mata niya pero wala siyang sinabi kaya lumapit na lang ako sa driver's seat at pumasok sa loob. Tinanaw niya pa rin ako kahit nakaupo na ako sa loob at dahil hawak niya ang pintuan ay hindi ko iyon masara.

"I'll pay you," I said.

"Drive slowly," he said before closing the door.

Mabilis siyang bumalik sa pick up niya at tinanaw ko siya papasok. Buong akala ko ay mauuna siyang umalis pero bumusina siya na tila pinapauna na ako kaya nauna ako at sumunod naman siya.

Nagkahiwalay lang kami nang lumiko ako papasok sa Hacienda namin. At nang makarating sa mansyon ay doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.

What's with him?

Did he just help me?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status