LOGINHindi sinasadya o sinadya man ng Tadhana na mag-krus ang landas ng lasing na si Bethany at nagtatanggal stress lang na si Gavin ng gabi ng engagement party ng ex-boyfriend ng dalaga; naniniwala sila na may malaking purpose ang pagtatagpo nila. Pagkatapos kasi ng gabing iyon ay sunod-sunod na ang naging interaksyon ng dalawa hanggang sa may mamuong pag-ibig at tuluyang mahulog ang damdamin sa bawat isa. Ngunit subalit datapwat, kagaya lang din ng ibang relasyon at pareha; susubukin sila ng panahon, huhubugin ng mga problema at susukatin ang tatag ng music teacher na si Bethany Guzman at ng abugadong si Gavin Dankworth kung hanggang saan aabot ang binhi ng pagmamahalan nilang naipunla.
View MoreSA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.
“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “Hindi mo ako kayang tiisin kaya ka nga narito ngayon ‘di ba?” masuyong himas pa ng dalaga sa leeg ng lalake.
Muli niya itong siniil ng halik, ngunit agad na nangunot ang noo ni Bethany nang malasahan ang hindi pamilyar na lasa ng laway ng lalake. Bahagya niyang inilayo ang katawan nito, ngunit huli na ‘yun. Nagawa na ng estrangherong lalake na hapitin siya sa bewang upang pigilan sa tangka n’ya sanang pagkuha ng distansya dahil sa bigla na lang naalarma s’ya.
“Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Miss?”
Nakakakiliti para kay Bethany ang dating ng mahinang bulong na iyon ng lalake sa tainga. Tuluyang nahulasan at nilubayan ng espirito ng alak sa katawan si Bethany. Biglang naitulak na niya ang bulto ng lalake palayo sa kanya. Napamulagat ang mga mata niya na halos lumuwa nang makilala kung sino ang napagkamalang dating kasintahan niya.
Si Gavin Dankworth iyon.
Ang pinakamagaling at sikat na lawyer sa bansa na may iba’t-ibang negosyong nakapangalan sa kanya.
‘Oh my God! Anong katangahan mo ito, Bethany, ha?!’
Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya?
Maliban na lang siguro iyong mga nakatira sa bundok na hindi sakop ng kuryente at ng mga teknolohiya kung saan ay sikat ito. Hindi lang ‘yun, ang lalakeng ito rin ay ang future brother-in-law ng ex-boyfriend niyang si Albert. Sa kaalamang iyon ay napaatras na si Bethany, kamuntikan pa nga siyang matumba dahil biglang nagbuhol ang kanyang mga paa.
“Oops, mag-iingat ka Miss. Baka mapasama ang bagsak mo at mabingutan ka. Sayang ang ganda.”
Napangiti na ng pilit si Bethany na may pagngatal pa ng labi sa huling sinabi nito. Halatang palaban ang lalake sa anging hamon niya. Naisip niyang kung nagawa nga siyang lokohin ni Albert, bakit hindi niya pwedeng gawin din iyon lalo pa at wala naman na silang dalawa? Hindi niya kailangang magpa-demure at maging mabuting babae sa mata ng lahat. Bakit hindi niya pagbigyan ang sarili na gawin ang gusto niya kahit sa gabing iyon lang?
‘Ngayong gabi lang, Bethany.’
Sa halip na tumakbo palayo ay muling lumapit si Bethany sa lalake. Muling itinapon ang sarili para yakapin ng nabiglang lalake. Maganda siya, kaaya-aya rin ang hugis ng katawan niya pati amoy niya. Siguro naman ay hindi siya nito magagawang basta na lang tanggihan.
DAHIL SA URI ng propesyon ni Gavin Dankworth ay hindi niya basta maitaboy palayo ang babae. Handa siyang magkaroon ng panandaliang relasyon dito kahit sa gabing iyon lang. Nakita niya kasing malungkot ito at puno ng pananabik ang itinatapong mga tingin sa kanya.
“Uulitin ko ang tanong ko Miss, seryoso ka ba?” binasa pa ni Gavin ang labi habang nakatingin sa magandang mga mata ni Bethany.
Lumunok muna ng laway si Bethany. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang dagundong ng tibok ng puso niya sa loob ng dibdib. Pinadausdos niya ang hintuturo sa bridge ng ilong nito saka malapad na ngumiti.
“Oo naman—”
“Kung ganun, umalis tayo dito.” bulong ni Gavin na hinapit na muli sa beywang si Bethany upang mas ilapit pa ang katawan sa kanya.
Naranasan ng mahalikan ni Bethany, pero hanggang doon lang iyon. Hindi lumagpas doon ang kanyang limitasyon sa katawan. Nananatili pa ring malinis ang puri niya. Birhen pa siya dahil nangako siya sa sariling ibibigay lang niya ito oras na pakasalan siya ng magiging asawa.
“Huwag na, dito na lang tayo. Hindi ko pa nagawang subukan na makipag-make out sa lugar na ito.” pinalambing pa ni Bethany ang boses para mas maging tunog aggressive at expert iyon sa bagay na tinutukoy niya, “Wala naman ditong masyadong dumadaan eh…”
Hindi inaasahan iyong sagot ni Gavin. Mukha kasing inosente ang babaeng kaharap at para bang wala rin itong muwang sa kamunduhan na sinasabi ng katawan nito. Gayunpaman ay hindi na lang nagsalita si Gavin, tutal ngayon lang naman iyon bakit hindi na lang niya pagbigyan? Inilapit na niya ang mukha sa babae at walang pakundangang inangkin ang labi nitong sobrang lambot at matamis kahit nalalasahan pa niya dito ang alak na ininom kanina.
Kagaya lang din sila ng ibang mga lalake at babae na nagma-make out dala ng espirito ng alak. Malayang pinagbibigyan ang nag-uumalpas na init ng kanilang mga katawan kahit na panandalian lamang ang tagpong iyon sa kanilang pagitan.
“A-Albert…” tawag ni Bethany sa pangalan ng kanyang ex-boyfriend matapos na panandaliang tanggalin ni Gavin ang mapulang labi sa bibig.
Bakas ang pagkaasar na bumalatay sa mukha ng lalake ng mapagtanto na napagkamalan lang pala siya ng babae. Ang buong akala pa niya ay nahimasmasan na ito at namukhaan s’ya.
KULANG ANG SALITANG halos mabuwal si Gabe sa kinatatayuan sa kanyang narinig. Mabuti na lang at naging maagap si Atticus na nahapit ang beywang ng babae. Mabilis na tinanggal ni Gabe ang kamay ni Fourth sa beywang niya. Ilang hakbang na umatras. Para siyang sinampal ng kaliwa at kanan nang maalala na oo nga, nagpakapon nga pala si Atticus. Humalay sa apat na sulok ng sala ng lalaki ang boses niya nang malutong na itong humalakhak dala ng reaction na nakita niya sa mukha ni Gabe sa sinabi.“Hindi ko pa ibinabalik. Ni hindi mo ako tinanong kung pinabalik ko na ba iyon sa dati. Gabe, you can't get pregnant. Those four rounds last night were in vain. Walang kwenta. Walang halaga. Walang bilang.” These words were humiliating and embarrassing for Gabe. Ang ibig sabihin, sayang lang pala ang effort niya. Nasarapan pa naman siya at pilit na sa loob ni Atticus iputok ang lahat ng katas nitong inilabas niya.“Narinig mo ang sinabi ko, Attorney Dankworth? Walang silbi ang ginawa natin kagabi.
PADABOG NA INIHAGIS ng abogado ang briefcase na dala sa sofa sa sala bago pamartsa na tinungo ang pintuan upang lumiban sa kabilang villa. Ni hindi pa siya nakakapagpalit ng suot niyang damit. Kailangan niyang makuha ang anak na babae kay Atticus bago pa man nito masabi sa bata na siya ang tunay nilang ama. Hindi pwedeng malaman na iyon ng anak na sa lalaki mismo nanggaling. Kung may magsasabi man ay dapat siya. Hindi pwede ang ibang tao dahil pihado na magagalit sa kanya ang mga anak sa naging lihim.“Humanda ka, Fourth! Subukan mo lang talaga.” abot-abot ang kabang lakad niya patungo sa villa nito.Sinalubong siya ni Atticus sa ibaba. Malamang dahil ay inaasahan na nitong pupuntahan siya ni Gabe. Nasa kanya ang anak nilang babae kaya di na ito bago.“It took you so long to find Haya? How come, is your private life with Jake so sweet that you didn't even know that Haya fell and hurt herself? Maysakit din daw si Hunter. Sino ba talaga ang priority mo, Gabe?” singhal agad ni Atticus na
NAKAGAT NA NI Atticus ang kanyang pang-ibabang labi. Ilang beses na sumagi sa kanyang isipan na itama ang tawag nito sa kanya. Sabihin na siya ang totoong ama. Subalit nahahati ang isip niya. Baka mamaya ay biglang maguluhan si Haya dahil sa dalawa ang ama. “Bakit pula ang eyes mo, Tito? Ako ang nasaktan at hindi ikaw kaya dapat ako ang umiiyak, Tito Atticus.”Nais ni Haya na haplusin ang mata ni Atticus. Sobrang nabo-bother siya na patuloy namumula iyon ngayon. “Are you crying? Why? Is there something wrong?” Iniiling ni Atticus ang kanyang ulo. Pilit na nilakihan ang mga ngiti sa labi kahit di umabot sa mga mata.“I am not, Haya. Okay lang ang T-Tito…”Atticus gently picked her up again and walked upstairs. A few days ago, he had asked his secretary to buy a lot of children's clothes for the twins, including pajamas. Haya’s leg was injured, nabutas ang bahagi ng tuhod nito. Atticus changed her into a comfortable pair of pants and a top. They were soft and comfortable. Sunud-sunur
AGAD ‘DING NATANGGAP NI Atticus mga kailangan niyang information ng tanghali ng mismong araw na iyon. Tama ang hinala ni Atticus. Mayroong mali sa mga anak nila ni Gabe. Nanubig na ang kanyang mga mata habang makailang beses na binabasa ang laman ng hawak niyang documents. Haya’s blood had some kind of aplastic disorder, requiring a matching stem cell transplant. The best option for that is being umbilical cord blood. Wala pa man si Hunter ng sakit na ka kagaya ng sa kapatid kaya ito ang nakakapagbigay ngunit ayon sa kanyang records ay nagsisimula na rin na magkaroon ang dugo ng bata kung kaya naman ay hindi na siya makakatulong pa sa paggaling ni Haya dahil kailangan na rin niyang magpagamot. Marahil ay dahil kambal silang dalawa kung kaya ganun ang sitwasyon. Gabe had chosen him, after all, having another kid with the same father and mother offered the best hope for the twins.Twilight poured into the bedroom through the glass, casting a thin layer of golden light on the objects, br






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore