CHAPTER 37CASSIE POVARAW-ARAW ay paganda nang paganda ang pagsasama naming mag-asawa. Naging saksi ang bahay, kubo, batis, farm ni Tristan sa pagmamahalan naming dalawa. Sobrang enjoy na enjoy ko na ang nagaganap sa buhay ko sa piling ng asawa ko. Lalo akong naging masaya dahil hindi na bumalik si Emmanuel sa bahay namin matapos naming magkasagutan ng araw na iyon. At hindi na rin ako nagsabi kay Tristan tungkol doon dahil alam ko naman na kahit paano ay may puwang sa buhay nito si Emmanuel. Magkababata sila at kailangan kong irespeto ang bagay na iyon. Everything goes well. Nagliligpit ako ng mga baunan ni Tristan ng mga sandaling iyon nang may yumakap mula sa likuran ko. "Babe, aalis na ako," anito habang hinalik-halikan ang likod ng ulo ko. "Tristan!" Naiiskandalong bulalas ko nang maharot nitong ikiskis ang namumukol na harapan sa puwetan ko. Pumihit ako paharap dito. "Ang harot mo!" "Bakit ba, eh asawa naman kita." "Kahit na ba. Mamaya makita ka ni Lalaine, eh." "Hindi
CHAPTER 38CASSIE POVHABANG TUMATAKBO papalayo mula sa mga taong nanakit sa akin ay walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit dahil ang tanga-tanga ko. Nagmahal ako sa maikling panahon sa lalaking walang ibang plano kung hindi ang pasakitan ako para sa pamangkin niya. Sa sobrang galit na nadarama ko ng mga sandaling iyon ay sumigaw ako nang sumigaw na animo'y isang baliw. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit sa dibdib ko dahil pakiramdam ko anu mang oras ay sasabog na ako. "Tangina kayong lahat!" sigaw ko at napalugmok sa damuhan. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko at doon ipinagpatuloy ang aking pag-iyak. Habang nasa ganoong posisyon ay biglang bumalik sa isip ko ang mga pagkakataon na may mga sinasabi si Tristan sa akin na hindi ko alam kung saan siya nanggagaling.Tulad na lamang nang sapilitan niya akong dalhin dito sa farm nang araw na puntahan ako ni Jason sa bahay namin. Galit na galit siya noon. "Hindi ako papayag na manira ka ng may p
Chapter 39 CASSIE POVBUONG MAGHAPON akong hindi lumabas ng kuwarto ko, maski ang kumain ay hindi ko ginawa. Nagmukmok lang ako sa kuwarto ko pero hindi na ako umiyak. Naubos na yata ang mga luha ko sa maghapon at magdamag na pag-iyak. Laking pasalamat ko na hinayaan ako ng pamilya ko. Wala ni isa man sa kanila ang nagtangkang kumatok dahil kilala nila ako. Kapag gusto kong mapag-isa ay hindi nila ako mapipilit na makipag-usap sa kanilang lahat. Kinagabihan ay hindi na nakatiis si Mama at kumatok na ito. Wala pa sana akong balak na makipag-usap sa kanya pero binuksan na nito ang kuwarto ko gamit ang duplicate key na nasa kanya. Naramdaman ko siyang pumasok at umupo sa paanan ng kama ko dahil lumundo iyon, ngunit nanatili akong nakadapa sa kama. "Anak, kumain ka muna." "Hindi pa ho ako gutom." Walang imik na lumapit ito sa akin. "Alam kong masama ang loob mo, na labis kang nasasaktan ngayon. Alam na namin ang totoo, ipinagtapat ni Tristan sa amin ang lahat. Sinabi niya kung ano
CHAPTER 40CATELYN POVTAWANG-TAWA kami ni Shiela habang naririnig ang mga balasubas na lumalabas sa bibig ng kapatid kong lango sa alak. Sinadya namin siyang yayaing magwalwal at sinadya rin naming hayaan siyang magpakalasing mag-isa dahil sa lalaking ngayon ay hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin sa asawa nito. At naririnig ang mga sinasabi ng kapatid ko. Lalo kaming natawa ni Shiela nang sabihin ni Cassie na hindi na nito mahal si Tristan. Nalukot ang mukha ng bayaw ko. Gusto ko nang takpan ang bibig nito pero naisip kong huwag na lang. Kahit tinulungan namin si Tristan sa plano nito ay deserve pa rin naman niyang mamura dahil tunay namang gago siya. Kung tutuusin, kulang na kulang pa ang sapak na ginawa ni Papa sa kanya. Pero mukhang ginayuma nito si Papa dahil kaagad na lumambot matapos makapagpaliwanag.Mabait naman din talaga si Tristan kaya hindi kataka-taka na pasado siya kay Papa. Kapag lumuluwas kasi ng Maynila si Tristan ay hindi puwedeng hindi siya tutuloy sa
CASSIE POV"IIWAN mo talaga siya, Cassie?" Napatigil ako sa tangkang paglabas nang marinig ang boses ni Lalaine mula sa aking likuran. Hinarap ko ito. "Yes." "Hindi mo man lang siya bibigyan ng second chance?" malungkot na tanong nito at naglakad palapit sa akin. "Mahal ka niya, Cassie." Pagak akong tumawa. "Mahal? Ano bang alam niya tungkol sa pagmamahal, Lalaine? Si Mia lang ang mahal niya. Si Mia ang buhay niya.""Mahal ka rin niya pero hindi mo 'yon makita ngayon kasi nabubulagan ka sa galit mo dahil nagsinungaling siya sa 'yo. Saksi kaming mga tauhan niya kung gaano ka niya kamahal. Kahit tanungin mo pa sila isa-isa." Napaismid ako. "Natural, sasabihin ninyong oo kasi boss niyo siya. Kasi malaki ang utang na loob ninyo sa kanya.""Totoong malaki ang utang na loob namin kay Boss pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit nasabi ko na mahal ka niya. Cassie, nakita ko kung paano nagbago ang buhay ni Boss simula nang dumating ka rito. Nagkaroon ng kislap ang mga mata niya. Sa tagal k
CASSIE POV "ANONG GINAGAWA MO RITO?" tanong ni Ate Catelyn nang basta ko na lamang buksan ang pinto ng kuwarto nito at walang paalam na pumasok. Padabog akong umupo sa kama nito pero hinampas niya ako ng unan sa ulo. "Bakit ba?" asik ko. "Tss. Anong ginagawa mo rito? May kuwarto kang sa 'yo, 'di ba?" "Nando'n si Tristan." "Oh, eh bakit nandito ka? Masama bang matulog sa kuwarto mo ang asawa mo?" Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ate Catelyn, pero pinandilatan lang niya ako ng mga mata. "Puwede ba, Cassie, umayos ka nga. Matuto ka ngang ibaba 'yang pride mo, hindi naman nakakagandang babae 'yan." "Sino ba kasing may sabi sa inyo na papasukin siya sa kuwarto ko–,aray!" Napangiwi ako nang hilahin nito ang buhok ko. "Ano ba, Ate?" "At anong gusto mo? Dito namin siya papasukin sa kuwarto ko? Gaga ka, malamang sa kuwarto mo kasi ikaw ang asawa." Lalo akong napangiwi nang mas higpitan nito ang hawak sa buhok ko at batukan ako bago tuluyang binitawan ang buhok ko.Sinamaan ko siy
CASSIE POV"SALAMAT," wika ni Tristan habang magkaagapay kaming naglalakad pabalik sa kinaroroonan ng aking mga magulang. Nagpaubaya ako nang hawakan nito ang kamay ko at pinagsiklop iyon. "Sobrang laking bagay sa akin na nandito ka ngayon, at maging ang mga magulang mo. Kaya thank you dahil nandito ka, kasama ko."Hindi ako nagkomento, kaya nagpatuloy ito habang hawak pa rin ang kamay ko at marahang pinisil."Alam kong galit ka pa rin sa akin." Mahahamigan ng lungkot ang tinig nito. Tumigil ito at pinihit ako paharap sa kaniya. "I'm sorry… I'm so sorry, Cassie. Sana mapatawad mo na ako." Nagsusumamo ang tinig nito. "Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa ating dalawa, Tristan. Sa ngayon, si Mia muna ang unahin natin."Malungkot itong tumango. "Yeah." "Tara na, baka gising na ang pamangkin mo," yaya ko at nagpatiuna ng maglakad. Sumunod naman ito kaagad at muling hinuli ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Hindi nito binitawan ang kamay ko kahit nang makarating kami sa kinaroroonan
Chapter 44CASSIE POVPAGKAGALING namin sa chapel at matapos magkausap nang masinsinan ay bumalik na kami sa labas ng ICU. Eksakto namang kalalabas lang ng isang doktor mula sa loob ng kuwartong kinaroroonan ni Mia. Kaagad nitong hinarap ang asawa ko. "Good afternoon, I'm Dr. Rocillo," pagpapakilala nito. "Are you related to her?""Yes, Doc. She's my niece." Ramdam ko ang pagka-tense nito dahil humigpit ang hawak nito sa kamay ko. "K-Kumusta po ang pamangkin ko, Doc?" "She's awake and looking for her husband Jason. She wishes to see him." Dumiin ang hawak ni Tristan sa kamay ko, nasasaktan ako pero tiniis ko 'yon. Alam kong hindi ito aware sa bagay na 'yon. Bahagya ko siyang tiningala at nakita ko nang maggalawan ang mga ugat nito sa panga. Tumaas ang libreng kamay ko at hinaplos ang braso nito. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa dahil nandito ako para sa kaniya.Napatingin ito sa akin. "Babe…" Nginitian ko ito. "Relax…" Tumango ito at bahagyang lumuwag ang hawak