MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART

MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART

last update最後更新 : 2026-06-03
作者:  Missing Valentina剛剛更新
語言: Filipino
goodnovel18goodnovel
評分不足
5章節
1閱讀量
閱讀
加入書架

分享:  

檢舉
作品概覽
目錄
掃碼在 APP 閱讀

故事簡介

First-Person POV

Fast-Paced Plot

Contemporary

Billionaire

Heir/Heirness

CEO

Love after Marriage

Arranged Marriage

Pregnant

Dahil sa panloloko ng matalik na kaibigan, humantong si Mallory sa isang bar para magpakalunod sana sa alak. Ngunit sa pagpunta niya roon, saka niya nasaksihan ang panloloko naman ng boyfriend niyang si Marcus-kahalikan si Ara Manzo, ang babaeng sinsabi nitong kaibigan lang. Dahil sa sakit, pumayag na siya sa matagal nang settled na arranged marriage kay Ellis Orlov, a cold, woman hater. May mamuo kayang pag-iibigan sa dalawang pusong wala nang tiwala sa salitang 'pagmamahal'?

查看更多

第 1 章

Chapter 1

"MA'AM Mallory, may malaki tayong problema. Tumakas po si ma'am Laura, dala ng kaibigan ninyo ang five million na para sana kontrata ni Mr. Baguio." nagpa-panic na balita sa akin Lira. Rinig ko pa sa kabilang linya ang iba ko pang mga tauhan na nagpa-panic at nagtatanungan.

Habang ako, heto, nanginginig sa takot at galit. Takot na malaman ni papa ang ginawa ng kaibigan ko. At takot, baka ipakulong niya ito. Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa aking bibig, naibubuka ko pero walang tunog. Siguro dahil sa nanginginig ang buo kong katawan pati kalamnan. Hindi ko lubos maisip na kaya akong traidorin ng pinaka-matalik kong kaibigan.

"Ma'am, ano na ang gagawin natin? Tinrace namin ang location ni ma'am Laura at kaninang 11:30am nasa airport siya. Ngayon, hindi na namin alam kung saan na siya, hindi namin ma-trace ang location niya."

Lumunok ako ng laway at pinilit ang sarili na kumalma, hanggang sa naibuka ko ang aking bibig at nagsalita. "A-as of now, gumalaw kayo nang tahimik. Huwag ipagsabi ang ginawa ni Laura. Pero kailangan pa rin natin siyang hanapin." wika ko habang ang isa kong kamay nagda-dial ng numero ni Laura. "Malaking halaga ang tinangay niya, pera ng kumpanya 'yon. Magagalit ang mga board members kapag malaman nila ito."

"Pero, ma'am Mallory, malalaman at malalaman pa rin ng iyong ama ito. At malaking halaga ang involve. Saan natin hahagilapin ang limang milyon?"

"Kung maaari, itikom ang bibig. Lahat nang nakaalam sa isyu na ito ay papirmahin mo ng "non-disclosure agreement. Hindi puwede na makalabas ito at umabot pa sa tainga ng ibang kliyente. Malaking kapabayaan ko ito, Lira. At malaki ang posibilidad na tanggalin nila ako sa puwesto. Mag-i-isip muna ako nang puwedeng solusyon sa problema na ito, Lira."

"Pero, ngayong araw na iyon, Ma'am. Papunta na si Mr. Baguio dito sa office. Naka-set na ang pirmahan ninyo ngayong 3pm, nakalimutan niyo po ba?" nag-aalala na wika sa akin ni Lira sa kabilang linya.

Napabuga ako ng hangin dahil sa stress na dinulot ni Laura. Kanina pa akong paulit-ulit na tumatawag sa number nito pero not available. Kung sa airport ang huling kita sa kaniya, malamang nasa ibang bansa na ito. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sakit at hirap sa paghinga. Pakiramdam ko, aatakehin ako sa puso dahil sa ginawa niya. Hindi ko akalain na darating sa akin ang ganitong problema.

Ang kaibigan ko, na halos ako na ang tumayong magulang, mula High School hanggang ngayon ay nagawa akong traidorin. Dahil sa pera.

"As of Mr. Baguio, maglalabas ako ng sarili kong pera pang-cover sa nawala sa kumpanya. Sa atin lang ito, 'wag mo na ipaalam pa sa iba." wika ko.

"Pero, Ma'am, mas maganda kung alam din ng iyong ama, para kung magkagulo may kakampi kayo." subestiyon nito.

"Hayaan mo na muna, unahin na muna natin ang problema sa pera. Mag-wi-withdraw ako ng pera sa magkaibang bangko, samahan mo ako." wika ko kay Lira at nagtangkang ibaba an ang tawag ngunit may pahabol pa ito.

"Pero. Ma'am, personal na pera mo iyon. Baka mas lalong magalit ang papa mo. Mas maganda po kung i-report na lang natin sa mga Pulis ang ginawa ni ma'am Laura. Kahit kaibigan niyo po siya, kaibigan ba ang turing sa'yo? Ninakawan ka po niya, Ma'am. Alam niya ang magiging resulta sa ginawa niya sa inyo, pero ginawa niya pa rin. Wala po siyang puso, walang utang na loob sa'yo. Pinakain mo na po siya sa palad mo, kinagat ka pa." mahabang wika ni Lira sa akin. Mas lalo tuloy akong nasaktan, napatanong kung bakit ginawa sa akin iyon ni Laura.

Napahugot ako ng hangin bago nagsalita. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng imaginary hika dahil sa nangyari. Nauubusan ng hangin ang baga ko sa limang milyon na tinangay ni Laura. "Okay then, do it. Ako na ang bahala sa ngayon, mababawi ko din ang pera ko kapag nagka-pirmahan na."

"Okay po, Ma'am. Regarding po sa pag-withdraw ng pera, hihintayin ko po ba kayo dito sa office, o magkita na lang po tayo sa bangko?"

"Magkita na lang tayo sa bangko, Lira. Bye." malungkot kong wika sabay putol ng tawag.

Nanlalata na napaupo ako sa sofa, hindi makapaniwala. Hanggang ngayon on process pa rin sa utak ako ginawa ng kaibigan ko. Hindi ko lubos maisip na magawa niya ito sa akin. Bakit? Twelve years of friendship, pero heto, tinapon lahat iyon ni Laura ng dahil sa pera.

PAGKATAPOS namin magpirmahan ni Mr. Baguio kanina, agad akong tumungo sa Police station para personal na ipa-blotter ang ginawa ni Laura. Habang kinakausap ako ng mga Pulis kanina, hindi ko maiwasan na hindi maalala ang lahat na pinagsamahan namin. Hindi ko tuloy mapigil ang sarili sa pag-iyak. Mabuti na lang at mabait ang mga Pulis na nakausap ko at naiintindihan nila kung bakit ako umiiyak.

Sabi ko sa kanila, hindi ako umiiyak dahil sa tinangay niyang limang milyon, kundi sa labing-dalawang taon naming pagka-kaibigan. Samahan na akala ko aabot hanggang dulo, ngunit dito lang pala magtatapos. Hanggang dito lang pala, dahil sa pera. Puwede naman siyang manghiram sa akin, e. Bakit kailangan pa niyang magnakaw? Bakit kailangan niyang gumawa ng masama at sirain ang pangalan niya?

"Maraming salamat po, Ma'am Tingson. Tatawagan po namin kayo kapag may development na po sa sinampa ninyong kaso laban kay Ms. Laura Samones." wika ng Pulis sa akin.

"Maraming salamat po, Ma'am, Sir. Iwan ko po ang contact number ng Sekretarya kong si Lira. Siya na po ang mag-aasikaso ng lahat." wika ko sabay turo kay Lira na nasa tabi ko lang.

"Okay po, ma'am Tingson." nakangiting wika nito saka tumingin kay Lira. "Miss Lira, we will contact you soon."

"Thank you very much po!" magkasabay na pasalamat namin ni Lira at umalis na.

"Ma'am, alas singko dose na, uuwi na ba tayo, o babalik pa sa office?" baling ni Lira sa akin.

"Ayokong bumalik sa office, pero ikaw may tatapusing report. Gumawa kayo ng incident report at i-blocklist si Laura Samones. Lahat ng access niya tanggalin at lahat ng passwords sa office papalitan. Pa-inform mo sa GC ang lahat ng empleyado." bilin ko kay Lira saka iniwan na ito. May dala naman itong sariling sasakyan kaya hindi ko na kailangan ihatid pa siya sa opisina.

"Bye, ma'am Mallory!"

Lumingon ako kay Lira saka nginitian ito. "Bye. Mag-ingat ka at umuwi ka kaagad pagkatapos ng work mo." wika ko pa at saka sumakay na sa kotse ko.

Pinaandar ko ang kotse ko at minaneho papuntang "La Baile", ang La Baile ay ang pinakamahal na bar dito sa Maynila. Kadalasan na pumupunta doon ay mga elite. Bago ka makapasok sa bar na iyon, dapat member ka.

Binilisan ko pa ang pagpatakbo ng kotse, pakiramramdam ko kasi ang bagal-bagal ko. Pakiramdam ko, hindi ako umuusad. Pakiramdam ko, na stock ako sa iisang lugar.  Ganito siguro ako ngayon dahil sa ginawa ni Laura.

Ilang minuto pa at dumating na ako sa La Baile. Mabilis akong bumaba at binigay sa isang Valet Attendant ang susi ng kotse para i-park ito nang maayos.

"Good afternoon, Ma'am."  magalang na bati nito sa kaniya.

"Good afternoon. VIP room, second floor, Mallory Tingson." wika ko sa Attendant sabay lakad papasok ng bar.

Lumapit ako sa counter para mag-order, ngunit napatigil ako dahil sa dalawang taong naghahalikan sa kaliwa ko. Napatingin ako sa dalawa at nagulat ako ng makita ko kung sino ang mga ito.

Biglang nanigas ang aking katawan habang ang puso ko ay parang tinutusok-tusok nang dose-dosenang karayom. Kitang-kita kong paano laplapin ni Marcus ang babae. Halos abot na ang ilong nito, siguro hanggang ngala-ngala na ang dila ng dalawa.

Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin ako sa dalawang taong walang pakialam sa paligid nila. Kaya siguro walang time na sa akin si Marcus dahil kay Ara na ito umiikot. Ang babaeng kaibigan niya lang kuno, pero halos nguyain na nito ang buong mukha.

Umiiyak na kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at vinideo ang ginagawa ng dalawa. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko no'ng pinasok ni Marcus ang kamay nito sa loob ng damit ni Ara. Hindu niya kasi magawa sa akin ang ginagaw niya kay Ara, kaya siguro mas kumapit siya sa babae. Mga lalaki nga naman talaga, mahilig sa mga low class, cheap at mabilis makuha.

Isang video at dalawang picture ang kinuha ko para naman kung sakaling sabihin nila na edited o AI ang hawak may isa pa akong ebidensiya.

Pinahid ko ang mga luha ko at saka tumingin sa lalaki na kanina pa pala nakatingin sa akin.

"Boyfriend mo po, Ma'am?" tanong nito.

"Ex-boyfrined." sagot ko saka kinuha ang hawak nitong baso na may lamang tubig. "This is mine now." wika ko saka naglapag ng isang libong piso. Medyo nagulat pa ang lalaki pero sa huli ngumiti na lang ito at nagpasalamat.

Hawak ko ang baso na maraming yelo, lumapit ako sa dalwang ahas at agad na binuhos sa kanila ang laman ng baso.

Mabilis na naghiwalay ang dalawa habang nagmumura. Galit na galit ang mga ito ngunit ng makita ako, mukha naman silang nakakita ng multo. Hindi lang silang dalawa ang nagulat kundi lahat ng tao na nandito sa bar na ito.

"Surprise!" wika ko sabay bato ng baso sa mukha ni Marcus. "Mukhang masarap ang mukbangan niyong dalawa, a. Walang pakialam sa paligid." dugtong ko pa.

Dahil sa gulat halos nakanganga na lang si Marcus na nakatingin sa akin. Hindi yata ito makapaniwala na nasa harapan niya ako at kitang-kita ang panloloko niya sa akin. Pasalamat sila maaga pa, hindi pa gano'n kadami ang tao. Pero tama na iyon para mapahiya ang dalawa. Tama na iyon para maging pulutan sila sa alta.

"Lorie?!" bulalas ni Marcus saka mabilis na tumayo at tinulak si Ara. "Let me explain, Babe."

"I'm not your babe, ex-boyfriend." wika ko saka iniwan ang dalawa. Hindi ko alam kung anong kamalasan ang mayro'n ako ngayong araw. Una si Laura, ngayon naman si Marcus.

"Babe!" habol nito sa akin ngunit agad naman siyang pinigilan ni Ara. At ang gago, nagpatangay din. Ibig sabihin lang no'n, hindi na talaga ako ang pinipili niya. Hindi na ako ang nasa puso niya.

"Why?" tanong ko habang naglalakad palabas ng bar. "Ano ang kasalanan ko sa kanila? Ano'ng mali sa akin? Bakit ganito? Bakit nila ako niloko?" umiiyak kong tanong sa aking sarili.

"Bakit?"

展開
下一章
下載

最新章節

更多章節

致讀者

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

暫無評論。
5 章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status