Tristan Seth POV
MATINDING kahungkagan ang naramdaman ko ng umagang iyon dahil nagising akong wala na ang babae sa tabi ko. Ni walang bakas na roon ito nagpalipas ng gabi. Tinangka ko pa siyang hanapin sa loob ng banyo pero wala na talaga. Tanging ang long sleeve na isinuot ko rito kagabi ang naiwan nito sa banyo.Naiiling na lamang ako dahil naninibago ako sa nararamdaman ko. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang kalagayan nito kagabi.Nag-aalala ako dahil naiisip ko na paano kung maglasing na naman siya? Paano kung sa lalaking mapagsamantala siya mapunta?Tsk! Bakit ka ba nag-aalala, ha? Let her be dahil iyon naman ang gusto niya. Piping sikmat ng isang bahagi ng isip ko.Oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala eh hindi naman kami magkaano-ano?Nagdesisyon akong maligo na lamang para iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Pero habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower ay muling sumagi sa isip ang babaeng iyon. Ramdam ko ang pag-igkas ng pagkalalak*e ko nang maalala ang napakaganda niyang katawan.Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko dahil do'n. Tila hindi sapat ang malamig na tubig mula sa shower para patayin ang init na nararamdaman ko. Sa huli, wala akong nagawa kun'di ang ilabas ang init na nararamdaman ko sa pamamagitan ng kamay ko.Nanginginig ang mga tuhod na tinapos ko ang pagliligo at saka nagmamadaling nagbihis. Balak kong pumunta muna sa bahay namin ng pamangkin ko. Doon ko kasi sila pinatira ng asawa niya para palagi ko pa rin siyang ma-monitor. Hindi lingid sa kaalaman ko na napilitan lang magpakasal ang lalaking iyon sa pamangkin ko at hindi ako papayag na gawin niyang miserable ang buhay ng pamangkin ko.Over my dead body.Lulan ng kotse ko na binagtas ko ang daan pauwi sa bahay namin. Ang bahay na iyon ay bahay pa ng mga yumao kong magulang. Kahit malungkot sa bahay na iyon ay hindi ko kayang umalis doon dahil naroon ang masasayang memories namin ni Kuya na ama ni Mia Grace. Maging ang naiwang memories ng mga magulang namin.Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa bahay. Pero nasa main door pa lang ako nang makarinig ako nang malakas na kalabog at sigawan mula sa loob."Hindi ka puwedeng umalis, Jason!" Boses iyon ng pamangkin ko kaya naman napatakbo ako papasok sa loob."Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo! Who do you think you are para kontrolin ang buhay ko, ha?!"Napatiim-bagang ako nang marinig ang boses na iyon ni Jason. Ang asawa ng pamangkin ko."I'm your wife!""You're just my wife, Mia! Kahit anong gawin mo hindi kita magagawang mahalin! Napilit mo man akong pakasalan ka pero hinding-hindi mo ako mapipilit na mahalin ka! Mamamatay akong si Cassandra lang ang mahal ko at hindi ang kung sino, at lalong hindi ikaw!"Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko nang marinig ko ang malakas na hagulhol ng pamangkin ko."Kahit lumuha ka pa ng dugo hindi kita mamahalin. Hindi mo makukuha ang puso ko, Mia. Tandaan mo iyan! Bitawan mo 'ko, Mia, aalis ako!""No! Hindi ka aalis! Walang aalis, Jason! Hinding-hindi ako papayag na puntahan mo ang babaeng iyon, dito ka lang!""Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw ni Jason sa pamangkin ko.Para akong sinaniban ng demonyo nang marinig kong lalong lumakas ang iyak ng pamangkin ko.Wala akong sinayang na sandali. Malalaki ang hakbang na tinakbo ko ang hagdaan kung saan nagmumula ang sigawan ng dalawa. Marahas kong pinihit ang seradura at gigil na gigil na nilapitan si Jason."Tito!" Sigaw ni Mia Grace nang haklitin ko ang kuwelyo ng dapat ng lalaki. "Tito, huwag!"Isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa mukha nito. Pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay tumingin siya sa akin na puno ng kalamigan."Kahit patayin mo ako, wala kang magagawa!" Sigaw ni Jason sa akin. "Kung nasasaktan man ang pamangkin mo, kasalanan mo iyan! Alam mong hindi ko siya mahal pero ipinilit ninyong pakasalan ko siya!""Don't test my patience, Jason! Kaya kitang tanggalan ng hininga kapag niloko mo ang pamangkin ko!" Gigil na gigil na sabi ko at muling hinila ang kuwelyo nito. "Binuntis mo ang pamangkin ko tapos ang kapal ng mukha mo para sabihing ang Cassandra na iyon ang mahal mo?! Fvck you!" Muli kong binigyan ng suntok ang mukha nito. "Fvck you!" gigil na gigil na ako ng mga sandaling iyon.Muli ko siyang inundayan ng malakas na suntok sa mukha nito.Napaatras ito mula sa akin pero lumapit ulit ako sa kaniya. Tangka ko siyang bibigyan ulit ng sapak nang awatin ako ni Mia Grace."Tito, enough!" Luhaang sabi nito. Bawat hikbi nito ay tila punyal na tumatarak sa dibdib ko. "Huwag mong saktan si Jason, please?" pakiusap pa nito."Huwag saktan?! Harapan ka niyang iniinsulto tapos hayaan ko?! Napapitlag ito sa pagsigaw ko. "Kung okay lang sa iyo na sabihin na hindi ka niya mamahalin puwes sa akin, hindi! Hindi kita inaalagaan at minahal para saktan lang ng gagong iyan, Mia Grace! Damn it!""Enough na Tito, please? Mag-uusap na lang po kami ni Jason. Galit lang siya kaya niya nasabi iyo--""Hindi ako bingi! Narinig ko ang mga sinabi niya sa'yo, kaya huwag na huwag mong ipagtatanggol sa akin ang lalaking iyan! Huwag na huwag, Mia Grace!" Sa sobrang gigil ko ay muli kong nilapitan si Jason na nagpupunas ng dugo sa gilid ng mga labi nito.Dinuro ko ang noo nito. "Kung iniisip mong lokohin ang pamangkin ko para makipagbalikan sa ex-girlfriend mo, don't you dare!" Pagbabanta ko."Bakit, anong gagawin mo? Papatayin mo ako?" paghahamon naman nito sa akin. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin dahilan para lalo akong manggigil."I'm not scared! Hindi ako takot mamatay dahil ang pagpapakasal sa pamangkin mo ay para na rin akong senintensiyahan habang-buhay." Mahina ngunit mariin niyang sabi sa akin."Sana naisip mo iyan bago mo pinakialaman ang pamangkin ko! Alam mong may girlfriend kang tao pero pumatol ka pa rin sa pamangkin ko! Tapos ngayon, ipapamukha mo sa pamangkin ko na hindi mo siya mahal?!" Sigaw ko. "You son of the b*tch!""Tito, huwag! Please, tama na!" Pakiusap ni Mia Grace sa akin nang tangkain kong muling sapakin ang asawa nito. Umiiyak na yumakap siya sa aking braso ko at kapagkuwa'y tumingin sa akin. "Mahal na mahal ko siya, Tito. Huwag mo siyang saktan, please?"Tiim-bagang ko siyang tiningnan. Pinaghalong inis at awa ang nararamdaman ko para sa pamangkin ko. Inis dahil baliw na baliw ito sa lalaking hindi naman ito mahal. Awa, dahil hindi deserve ni Mia Grace ang ganitong klaseng pagtrato. Hindi ko siya inaalagaan at pinag-aral para lang saktan ng kung sino. Nangako ako sa kapatid ko na poprotektahan ko ang kaniyang anak at hindi ko puwedeng baliin iyon."Jason, saan ka pupunta?!" Ang boses na iyon ni Mia Grace ang tila nagpagising sa akin. "Jason?!""Jason, come back here!" Dumagundong sa buong kabahayan ang boses ko. "Stay here, Mia Grace," sabi ko.Umiling naman ito habang umiiyak pa rin. "Tito, baka hindi na siya bumalik. Baka puntahan niya ang ex-girlfriend niya! Hindi ako papayag na puntahan niya ang babaeng iyon!" Hysterical na sabi nito. "Hindi, hindi, hindi!""Mia Grace! Calm down, okay? Susundan ko siya at ibabalik ko siya rito. Hindi ako papayag na lokohin ka ng lalaking iyon!" Pinal na sabi ko."T-Tito.." hikbing anas nito.Awang-awa akong ikinulong ito sa mga bisig ko. Mahigpit ko siyang niyakap."I love him, Tito..""Sshh, I know. Stop crying, okay? Ako ang bahala, ibabalik ko siya rito. I promise you that, baby," sabi ko. Hinaplos ko ang buhok nito at kapagkuwa'y inalalayang dalhin sa kama. Inihiga ko siya roon at umupo naman ako sa tabi nito. Masuyo kong hinaplos ang buhok nito."Tito...""Everything will be okay, baby. Tito will do everything for you, hmm? Now, sleep and rest. Paggising mo narito na si Jason, ibabalik ko siya rito." Puno ng pangako na sabi ko, at gagawin ko iyon.Kahit kaladlakarin ko siya pabalik dito sa bahay ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para sa pamangkin ko._________MATAPOS makatulog ni Mia Grace ay iniwan ko na ito. Nagpaalam lang ako kay Merchelley, ang personal yaya ng pamangkin ko at kasambahay dito sa mansion. Siya ang kasa-kasama ng pamangkin ko rito sa bahay kapag wala ako. Lalo na sa tuwing abala ako sa trabaho ko at nawawalan ako ng oras sa pamangkin ko.At hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa pagiging abala ko ay hindi ko namalayang napapahamak na pala si Mia Grace at nabuntis pa nang wala sa plano."Sir Tristan, huwag po kayong mag-alala ako po ang bahala kay Ma'am Mia," ani Merchelley."Thank you. I'll be back. Bantayan mo lang siya, okay?" Bilin ko pa rito."Yes po, Sir," anito at sumaludo pa sa akin.Tinanguan ko lamang naman siya at saka nagmamadali ng umalis ng mansion. Kaagad na akong lumulan sa kotse ko at nagsimulang maghanap sa gagong asawa ng pamangkin ko.Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin, pero namalayan ko na lamang na nasa isang hotel ako. Doon ako dinala ng mga paa ko dahil na-detect ko kung nasaan si Jason.Nagngingitngit ang kalooban na bumaba ako ng kotse ko at saka pumasok sa hotel na iyon. Kabisado ko ang hotel na iyon at hindi ako nahirapang makapasok nang ipakita ko ang vip card na hawak ko para makapasok sa loob.Ngiting-tagumpay na naglakad ako papunta sa elevator. Kuyom ang mga kamao na lumulan ako sa elevator at tumigil sa floor na sadya ko."Damn you, Jason! I will kill you once na malaman kong niloloko mo ang pamangkin ko. Lintik lang ang walang ganti." Nagpupuyos ang kalooban ko.Mabibigat ang bawat hakbang na tinahak ko ang pasilyo papunta sa hotel room na sadya ko. Ilang metro pa ang layo ko sa kuwartong sadya ko nang matigilan ako. Nakita ko kasi si Jason na nasa labas ng kuwartong iyon na waring naghihintay na pagbuksan ng nasa loob niyon.Lalapit na sana ako para komprontahin si Jason nang mapatda ako. Kaagad din akong nagkubli para tingnang mabuti kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko. Ilang beses kong kinusot ang mga mata ko pero tama ang nakikita ko. Kilala ko ang babaeng nasa harapan ni Jason ngayon.Si Jason at ang babaeng kasama ko sa unit ko? Piping usal ko."Anong ginagawa niya rito? At bakit magkasama sila ni Jason--" kusa akong natigilan nang maisip ang posibleng dahilan.Ang babaeng nakita ko sa eroplano at ang babaeng iniligtas ko bar at ang babaeng dinala ko sa unit ko, ang babaeng mahal ni Jason? Siya ang ex-girlfriend ni Jason? Si Jason ang dahilan kung bakit palagi siyang umiiyak? Sunod-sunod ang pagdating ng realisasyon sa utak ko ng mga sandaling iyon."What the fvck?" Hindi makapaniwalang saad ko habang tiim-bagang na nakasilip para tingnan ang dalawa.Literal na umusok ang ilong ko nang makita kong nagyakap ang dalawa."Damn you, Jason! Hindi mo 'to puwedeng gawin sa pamangkin ko! Magkakamatayan muna tayo bago mo harapang gaguhin ang pamangkin ko. No way!"Ilang sandali ko pa silang pinanuod. Nang makita kong pumasok sa loob ng hotel room ang dalawa ay mas lalo akong nanggalaiti sa galit at pagkamuhi."Hindi ninyo puwedeng gawin ito sa pamangkin ko! Never. Ever."Umalis ako sa lugar na iyon na tila lumilipad ang isip. Kailangan kong gumawa ng paraan. Mahal ko ang pamangkin ko at hindi ako uupo lang sa isang tabi para panuoring pinagtataksilan nila ang pamangkin ko.TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul