Married a Secret Billionaire

Married a Secret Billionaire

By:  Breaking WaveCompleted
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.5
59 ratings. 59 reviews
1219Chapters
1.2Mviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nagpakasal si Cordelia Jenner sa isang sanggano kapalit ng kapatid niya at namuhay siya ng mahirap habangbihay… O 'di nga ba? Sa isang iglap, ang asawa niya ay naging isang lihim na bilyonaryo na may taglay na kapangyarihan at impluwensya… Imposible 'yun! Tumakbo si Cordelia pabalik sa kanilang munting bahay at papunta sa mga bisig ng kanyang asawa. "Sinasabi nila na ikaw daw si Mr. Hamerton. Totoo ba 'yun?" Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. "Kamukha ko lang yung lalaking 'yun." Sumimangot si Cordelia. "Nakakainis yung lalaking 'yun. Pinipilit niya na ako ang asawa niya. Bugbugin mo siya!" Kinabukasan, ang Mr. Hamerton na 'yun ay ngumiti at nagpakita sa publiko—bugbog at sugatan. "Mr. Hamerton, anong nangyari?" Ngumisi ang lalaki. "Nagkatotoo ang hiling ng asawa ko. Kailangan kong pangatawanan 'to."

View More

Chapter 1

Kabanata 1

”Gabi na. Matulog ka na.”

Biglang ginising ng malalim at malamig na boses ng isang lalaki si Cordelia Jenner mula sa kanyang pag-iisip. Noong tumingin siya sa taas at nagtagpo ang kanilang mga mata, may nakita siyang emosyon sa mga mata ng lalaki na hindi niya matukoy.

Kabado siyang humawak sa laylayan ng kanyang damit at hindi niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

Mula nang pumasok siya sa kwarto, nakaupo na siya sa gilid ng kama. Sa sobrang tagal niyang nanatili sa posisyon na ito ay namanhid ang kanyang likod mula sa pagiging tensyonado at pag-upo ng tuwid. Ni hindi pa nga niya hinuhubad ang kanyang damit pangkasal.

Natauhan lamang siya noong makatapos maligo ang lalaki at lumabas ng banyo. Matutulog siya ngayong gabi kasama ang lalaking ito bilang mga bagong kasal. Subalit, hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ang lalaki. Higit pa dito, ikinasal siya bilang kapalit ng kanyang ate.

Siya ang anak sa labas ng isang mayamang pamilya, kaya pinakasalan niya ang mahirap na lalaking ito kapalit ng kanyang ate—para lang tuparin ang kasunduan na ginawa ng huling henerasyon ng dalawang pamilya at makatanggap ng malaking halaga ng pera.

Alam ni Cordelia na makakapagpagamot lamang ang kanyang ina at makakapagpatuloy lamang sa pag-aaral ang nakababata niyang kapatid gamit ang halaga ng perang iyon. Ito lang ang paraan upang makaraos ang kanyang pamilya.

Huminga siya ng malalim at unti-unti siyang naglakad papunta sa banyo ng parang isang takot na kuneho.

“Ma… Maliligo din ako.”

Dumilim ang mga mata ng lalaki.

Nagmadaling pumasok sa banyo si Cordelia. Noong ilolock na niya ang pinto, natuklasan niya na wala man lang kahit anong lock ang sira-sirang pinto ng banyo. Natulala siya dahil dito. Kahit na gaano pa kahirap ang naging buhay niya noon, hindi siya naging ganito kahirap.

Namula ang gilid ng kanyang mga mata habang nakatayo siya sa loob ng banyo, nag-alinlangan siya at hindi siya naghubad ng damit.

Tila nabasa ng lalaking nasa labas ng pinto ang nasa isip niya, dahil bigla siyang sinabihan ng lalaki na, “Maninigarilyo lang ako sa labas. Hindi mo kailangang magmadali.”

Kinabahan si Cordelia. Dinikit niya ang kanyang tainga sa pinto, narinig niya na palayo ang mga yabag ng lalaki at lumangitngit ang pinto bago nanahimik ang paligid.

Mukhang luma na ang matingkad na dekorasyon sa natutuklap na mga pader ng bahay. Sinalanta ng isang bagyo ang siyudad isang araw bago ang kasal nila, kaya nagkalat sa kalsada ang mga sirang billboard at mga putol na puno. Ikinasal si Cordelia sa gitna ng isang delubyo.

Walang magandang sasakyan na sumundo sa kanya. Napakalayo ng nilakad niya bago siya nakasakay sa isang walang kalatuy-latoy na van at inabot siya ng napakahabang oras para lang makarating sa nayon. Nadumihan ng maputik na kalsada ang kanyang sapatos at damit pangkasal.

Madalas sabihin ng matatanda na ang mga taong kinakasal sa ganitong klaseng panahon ay hindi magiging masaya, ngunit matagal nang sinukuan ni Cordelia ang sarili niyang kasiyahan.

Lumabas siya sa banyo habang pinapatuyo ang kanyang buhok. Hindi pa nakakabalik ang kanyang asawa. Mukhang natagalan siya sa paninigarilyo.

Pinagmasdan ni Cordelia ang bahay, kung saan tumutulo ang tubig ulan sa ilang pwesto sa loob ng bahay. Hindi maganda ang kondisyon ng lugar, ngunit magiging maayos ito kapag nalinisan ito. Ngumiti siya at nagsimula siyang maglinis sa loob ng bahay bago bumalik ang lalaki.

Noong nakaluhod siya habang tinatanggalan niya ng sapin ang kama, dumating ang lalaki. Napalingon si Cordelia at ang tanging bagay na suot niya, ang tuwalya niya, ay nalaglag. Nagulat siya, tinakpan niya ng mga braso niya ang kanyang katawan, ngunit nakita ng lalaki ang lahat-lahat sa kanya.

Nagmamadaling hinila ni Cordelia ang mga sapin upang takpan ang kanyang sarili, at naging kasing pula siya ng kamatis.

Napalunok ang lalaki, at lalong dumilim ang kanyang mga mata at mas naging mahirap itong basahin. Lumapit siya sa kanya, ang kanyang malalim, at walang emosyon na boses ay malamig at kaakit-akit.

"Gabi na. Matulog na tayo."

Binigyang diin niya ang salitang "tayo" sa pagkakataong ito.

Halos tumalon ang puso ni Cordelia mula sa kanyang lalamunan. Habang nakapikit ang kanyang mga mata, bigla siyang nakaramdam ng malakas na pwersa na pumulupot sa kanyang baywang at nahulog siya sa mga bisig ng lalaki bago siya ihiniga sa kama…
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Ratings

10
92%(54)
9
2%(1)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
3%(2)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
3%(2)
9.5 / 10.0
59 ratings · 59 reviews
Write a review

reviewsMore

Debbie
Debbie
Please release a English version of the story
2025-07-21 08:11:17
0
0
Josie mae Lozada
Josie mae Lozada
supper Ganda Maka Bili Kaya Ako nito sa Bookstore??
2025-03-17 12:29:53
2
0
Bakka Joan
Bakka Joan
I hope the author can think about us who understand English only coz it seems the book is good
2024-07-22 02:01:26
7
1
Arlyn Catamco
Arlyn Catamco
iisang author lang po ba yong tagalog version at english niti?
2024-07-21 08:05:24
0
1
BemBem Dipul
BemBem Dipul
update plz.
2024-06-14 11:38:07
0
0
1219 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status