"HOW dare you, Froilan!" Gigil na naibato ni Hannah ang hawak niyang cellphone. Tumama iyon sa pinto ng kuwarto niya.
Hindi pa nga siya nakaka-move on sa ginawa nitong panloloko sa kanya, ito na naman at inilagay siya nito sa isang sitwasyon na puro kasinungalingan.
Sobrang napakasakit na hindi man lang niya naisip na magagawa sa kanya iyon ng lalaking minahal niya. Kung siya nga ay nanatiling tikom ang bibig sa panloloko nito sa kanya upang huwag madungisan ang pagkatao nito lalo na sa showbiz, dahil kahit sinaktan siya nito inalala pa din niya ang career nito. Tapos ngayon, ito ang magiging kapalit sa pananahimik niya?
Hindi siya makakapayag!
AGAD na ine-off ni Amor ang tv ng makita ang anak na pababa ng hagdan. Ayaw niyang makita ng anak ang mga nasa celebrity news.
"Good morning ma," bati ni Hannah sa ina. Humalik muna siya sa pisngi ng ina bago muling nag salita. "Bakit ine-off mo ang pinapanood mo ma?"
"Ha? ah eh," agad na nag-isip si Amor n
"DO i look okay?" Nanginginig ang boses na balik-tanong niya kay Danica.Pinilit niyang huwag maiyak sa harapan nito kahit na nga parang sumisikip na ang kanyang dibdib dahil sa sama ng loob.Sama ng loob sa lalaking minahal niya dahil dito, kaya nasaktan siya ng mga taong nagmamahal sa love team nila. At sigurado siyang laman na naman siya ng balita at trending siya sa lahat ng social media dahil sa nangyaring pananakit sa kanya ng mga fans nila. Nag mukha siyang katawa-tawa!Bigla siyang nakaramdam nang pagkahabag o pagkaawa sa kanyang sarili."Binalaan na kita Miss Hannah, ayan tuloy nasaktan ka pa.""Bakit ganun, Danica? Ako na nga ang niloko, ako pa din ang nagmukhang masama sa mga tao." Nakagat niya ang ibabang bahagi ng kanyang labi dahil gusto niyang pigilan ang luhang kanina pa gustong umalpas sa kanyang mga mata. "Nagmukha tuloy akong tinortang itlog sa kamatis. Nakakadiri ang itlog ang baho, sirang itlog pa talaga ang ibinato saakin."
"IKAW na mismo ang nag sabi na galit sa'yo ang mga tao. Kapag sinabi mo ba sa kanila na nahuli mo kami ng boyfriend mo na mag ka sex, paniniwalaan ka nila?" Naniningkit ang mga mata na dugtong ni Maricar sa sinabi nito."Why not?" Taas kilay niyang balik tanong kay Maricar.Humarap si Maricar kay Froilan. "Alam mo love, hindi lang pala tanga itong ex-girlfriend mo, boba pa!"Hindi niya nagustuhan ang panlalait sa kanya ni Maricar pero pinigil niya ang sarili na patulan ito."Tignan natin," nakangising sabi niya. "Walang lihim na hindi nabubulgar, hindi porket hindi ako nag salita tungkol sa eksenang nakita ko, ibig sabihin mananatiling lihim iyon. Baka nakakalimutan mo, saksi din ang boyfriend mo sa panloloko mo sa kanya.""Shut up!" Mataray na bulyaw ni Maricar. Ang talim ng tingin nito sa kanya."Umalis kana Hannah at baka may makakita pa sa'yo dito." Hinawakan ulit siya sa isang braso ni Froilan na para bang gusto na siyang pagtulakan nit
INIIPIT ni Hannah sa gilid ng kanan na taenga ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha.Ikakaila pa ba niya ang kanyang sarili. Maaring napanood na ng lalaki ang ilang movies na nagawa niya. Pinag cross niya ang mga bisig at tinitigan ang mukha ng lalaki."Y-you look familiar to me." Pagkasabi niyon ay bahagya siyang lumapit sa lalaki. Kung hindi siya nag kakamali, ito ang boyfriend ni Maricar. Ang lalaking pangahas na hinalikan siya sa labi.Hindi naman umimik si Duwayne. Iniiwas niya ang paningin sa kaharap."Yes, ikaw nga iyon!" Muling bulalas ni Hannah. "Ikaw iyong boyfriend ni Maricar!""At ikaw naman ang girlfriend ng lalaking mang-aagaw." Ganti sa kanya ng lalaki. Hindi niya alam kung brusko lang talaga ang tono ng boses nito o may bahid ng galit ang pagkakasabi nito.Napamaang si Hannah ng talikuran siya ng lalaki. Kanina lang ay naging super hero ang dating nito sa kanya. Tapos ngayon, parang wala na yata itong balak na
"MY GOD, anong mangyayari sa career nating dalawa?" Hindi pa din mapakali si Maricar."Can you please sit down, nahihilo ako sa palakad-lakad mo." Sita ni Froilan sa nobya. "Blanko pa ang isip ko kung bakit may mga press sa labas ng unit."Naupo naman si Maricar sa sofa sa tabi ni Froilan."Tawagan mo kaya si Miss Becca, sabihin mo sa kanya ang sitwasyon natin dito.""Tama!" Sang-ayon ni Froilan. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa nang suot nitong pantalon. Hindi naman nagtagal at sinagot ni Miss Becca ang tawag ni Froilan."Napaka unprofessional mo Froilan," ito agad ang bungad kay Froilan ni Miss Becca. "Gagawa ka ng isang maling desisyon ng hindi mo naman kayang lusutan.""Miss Becca, hindi ko nga alam kung bakit maraming press dito sa tapat ng unit ko. Iilan lamang kayo ang nasabihan ko kung saan ako nakatira ngayon."Narinig ni Froilan ang pag buga ng hangi
DISMAYADO si Duwayne ng tuluyan nang mawala sa kanyang paningin ang kanyang kotse na minamaneho ni Mang Roberto. Ang mga kilay nito ay tila nag isang guhit na lang ng sulyapan nito si Hannah na nakapikit ang mga mata na panay ang dasal na sana marinig ni Mang Roberto ang sigaw nila."Itigil mo na :yan,"Napadilat ng isang mata si Hannah "Eh?""Wala na si Mang Roberto.""Paano 'yan? Ang bag ko naiwanan ko sa kotse mo,""Maibabalik din sa'yo ang bag mo kapag nakabalik ka na ng manila.""Ayoko pa nga bumalik ng manila." Sagot ni Hannah. Yumuko ito para muling isuot ang hinubad na sandals. "Baka naman ngayon, puwede mo na akong isama. Babayaran na lang kita kapag nakauwi na ako ng manila.""Ano pa nga ba?" yamot na sagot ni Duwayne. Nag patiuna na itong humakbang pabalik ng barko.Siya naman ay lihim na natuwa sa pag payag ng binata. Malalaki ang hakbang na sumunod siya dito. Ngunit, hindi niya inaasahan na biglang haharap sa k
"MISS, De. Hindi naman natin kailangan mag sisihan pa. Nandito na, nangyari na. Hindi ba dapat mag tulungan nalang tayo?" Mahinahon na turan ni Rebecca. "Alam naman natin pareho na may kasalanan din silang dalawa, tapos hindi pa nag ingat kaya ayan, sila ngayon ang laman ng usapan ng mga tao.""Kailangan makausap n'yo na sa mas madaling panahon si Hannah Lindsey. Kausapin n'yo siya hinggil sa live video niya, na ngayon ay trending na sa buong pilipinas. Palabasin natin na edited ang video, pero kailangan makiayon din saatin si Hannah." Si Lady Z."Kilala ko si Hannah, hindi iyon papayag." Tugon ni Rebecca."Gawin n'yo ang lahat ng paraan na alam n'yo, mapapayag lang siya na aminin sa publiko na edited ang video." Si Lady Z ulit. "Kapag hindi n'yo siya napapayag, wala tayong choice kundi ibalik si Hannah sa cast ng summer love at maging kapareha muli ni Froilan bilang bidang babae. At si Maricar naman ang papalit sa role ni Hannah bilang isang kontrabida."
NASA daan na nakatutok ang paningin ng binata at mukhang bumalik ang pagiging seryoso ng mukha nito. Napangiwi siya, hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng pagka dismaya ng hindi mangyari ang halik na inaasahan niya.Pasimpleng inamoy ni Hannah ang kanyang hininga. Kaya siguro hindi siya nagawang halikan ng binata dahil amoy kape ang hininga niya. Narinig niya ang pag tikhim ni Duwayne kaya bigla siyang napabitaw ng yakap dito."Sorry, n-nagulat kasi ako-"Hindi naman umimik si Duwayne. Nag patuloy lang ito sa pag papatakbo ng kabayo.Samantalang si Hannah, binubusog niya ang kanyang paningin sa paligid ng daan na tinatahak nila. Madaming puno ng niyog sa paligid, may malalaking puno din na hindi naman niya kilala. Maiingay ang mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. May mga damong ligaw at ibat-ibang uri ng bulaklak na may mga paru-parong nakadapo.Sa paraiso yata sila papunta ni D
ISANG bulaklakin na printed duster ang isinuot ni Hannah. Humarap siya sa salamin at sinuklay ang hanggang balikat niyang buhok, hugis puso ang maliit niyang mukha na minana daw niya sa kanyang ama.Natural na mapula ang kanyang maliit na labi na minana naman niya sa kanyang ina. Napangiti siya sa harap ng salamin, tingin niya sa kanyang sarili ay bumata siya ng tatlong taon sa edad niyang twenty five dahil siguro wala siyang make-up sa mukha.Mabilis naman niyang tinapos ang pag susuklay ng buhok ng magawi ang paningin niya sa alarm clock na nakapatong sa tokador, limang minuto na lang at mag aalas siyete na ng gabi."MAGANDANG gabi po," bati ni Hannah kay Senyora Candeda ng makapasok na siya sa kusina, tila siya nalang ang hinihintay ng mag lola. "Sorry po, napasarap po ang tulog ko.""Okay lang iyon iha, hindi talaga kita pina-istorbo sa pagpapahinga. Itong apo ko lang ang makulit, panay tanong kung gising kana." Nakangiting sabi sa kanya ng Sen