Home / All / Exchanged Heart / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: Cora Vargas
last update Last Updated: 2021-03-08 23:57:38

"MAY ginawa pa sila! paano kung malaman ng mga fans nila ang kanilang ginawa? Goodbye career na sila. Big news 'yon, at siguradong dudumugin sila ng mga reporter at mga fans nila." Sabi naman ni Monica.

Natigilan naman si Hannah. Parang sumuot sa utak niya ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Kakayanin ba niyang mag trabaho kasama ang lalaking sobrang minahal niya na pinagtaksilan lang siya?

Makakasama pa niya si Maricar na naging dahilan ng break up nila ni Froilan. Sabagay, kahit naman siguro hindi ito pumasok sa eksena ng relasyon nila ni Froilan, sa hiwalayan pa din ang hantong nilang dalawa. Mas masakit nga lang ang nangyari, dahil nakita ng dalawang mga mata niya ang panloloko ng nobyo sa kanya.

Napabuntong hininga siya.

"Huwag kang mag quit sa upcoming movie ninyo nina Froilan, hayaan mo na makonsensiya silang dalawa habang nakakasama ka nila sa shooting." Si Setti ulit.

Ibinuka niya ang bibig pero hindi siya nakapag salita nang biglang mag salita ulit si Setti.

"Naandito na pala si Kuya Santi!" 

Tumigil nga sa harapan nila ang kotse ng kuya ni Setti. 

"Si Hannah nalang ang ihatid ninyo sa condo niya, sasabay na lang ako kay Veronica pauwi." Ang wika ni Monica.

"Kaya mo pa ba mag maneho Veronica?" tanong ni Settie sa kaibigan. Nakatulala na lang ito, na para bang nakakita ng multo habang nakatitig sa mukha ni Santino na kabababa lang ng kotse. "Hoy!"

"Ha? ah eh? Ano ulit iyong tanong mo?" Balik tanong ni Veronica kay Setti.

"Kung kaya mo pa ba mag maneho pauwi?" Muling tanong dito ni Setti.

"Oo naman," mabilis na sagot ni Veronica. "Saakin na lang sumabay si Monica, doon na siya sa bahay namin mag sleep over."

"O sige, basta mag iingat kayong dalawa. Umuwi na din kayo, huwag na kayo bumalik sa loob ng club." Bilin pa ni Setti sa dalawang kaibigan.

Tumango naman ang dalawa bilang sagot. Nag beso-beso pa silang mag kakaibigan bago pumasok ng kotse na dala ni Santino sina Setti at Hannah.

"Bye!" Panabay na paalam nila ni Settie sa dalawang kaibigan.

Agad na tinungo na din nang mag kaibigan ang dalang kotse ni Veronica. Saglit pa ay makikita na ang magkasunod na kotse na sinasakyan nina Hannah at ng kotse na minamaneho ni Veronica.

HINDI na mabilang ni Hannah kung ilang beses siyang napabuntong-hininga. Nag kalat ang mga gusot na tissue paper sa lapag na ginamit niyang pam punas ng kanyang mga luha at sipon. Kanina pa siya nakatitig sa screen ng kanyang laptop. Lahat ng social media account ni Froilan ay pinalitan na nito ng status na single with capital letters. Wala na din ang mga larawan nila na kung saan ay masaya silang magkasama. 

Siya ang nakipag-break sa nobyo, pero siya naman ang talo. Walang araw na hindi niya ito naaalala o iniisip. Araw-gabi na pumapatak ang kanyang mga luha dahil dama pa din niya ang sakit na idinulot ng panloloko sa kanya ng nobyo.

Napakagat labi si Hannah, nang ilang minuto lang ang nagdaan ay nag palit ng profile picture si Froilan sa isa nitong social media account. Si Froilan may kasamang babae sa profile picture nito, pero nakatalikod ang babae dahil nakayakap ito sa ex- boyfriend niya.

Maricar... Sambit niya.

Kahit hindi makita ang mukha ng babae, sigurado siyang si Maricar iyon. Tuluyan na nga siyang kinalimutan ni Froilan, pinag palit siya nito sa isang babae na bago lang naman nitong nakasama. 

Mabilis na nag punas ng kanyang mga luha si Hannah nang makarinig ng mahihinang katok sa labas ng pinto ng kanyang kuwarto.

"Anak!" Ang kanyang ina. "Bumaba kana, nakahanda na ang hapunan."

"Hindi pa ako nagugutom mom." Sagot niya. Pero ang totoo, kanina pa nag aalburuto ang sikmura niya. Puro tubig lang siya mula umaga hanggang hapon.

"Bumaba ka, hihintayin kita sa kusina."

"Hindi pa nga po ako nagugutom mom," hindi na sumagot ang kanyang ina. Napabuga siya ng hangin. "Okay,"

Tumayo siya ng kama at tinungo ang pinto. Wala na doon ang kanyang ina ng buksan niya ang pinto. Mabibigat ang mga hakbang na tinunton niya ang hagdan at bumaba.

Naabutan niya ang kanyang ina na nakaupo na sa silya nito at hinihintay siya.

"Pinaluto ko ang paborito mo na ulam, ginataang manok na may pinya." Nakangiti sabi ni Amor.

Humugot ng isang silya si Hannah at naupo. 

"Ilang linggo ka ng matamlay anak." Ani Amor. Sinalinan nito ng kanin ang plato ng anak.

"Si Froi po kasi-"

"Iyong ex-boyfriend mo na naman. Aba anak, madaming lalaki sa mundo. Kung hindi man kayo ang itinadhana ng dios, ibig lang sabihin may inilaan siyang lalaki para sayo." Paliwanag ni Amor na sinimulan na ang pagkain.

"Pero si Froilan lang ang lalaking mahal ko mom." Sagot ni Hannah. Nag simula na din itong sumubo pero halatang tinatamad.

"Paano naman ako anak?"

Natigilan si Hannah. Napasulyap siya sa kanyang ina.

"Hindi lang sa lalaking iyon umiikot ang mundo mo anak, nandito pa naman ako. Mahal kita anak, akala mo ba hindi ako nasasaktan sa nakikita ko sayo? Mas dobleng sakit ang nadarama ko sa panlolokong ginawa sayo ng lalaking iyon, dahil ako ang nanay mo." Mahabang paliwanag ng kanyang ina. 

Hindi agad nakaimik si Hannah, bigla siyang nakaramdam ng hiya sa kanyang ina.

Single mom ang ina niya, mula ng ipinagbuntis siya nito ay iniwan na ito ng kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi pa din niya nakikita o nakilala man lang. Saksi siya sa naging hirap ng kanyang ina mapakain lang siya nito ng tatlong beses sa isang araw, ultimo isusubo na lang nito ay ibibigay pa sa kanya.

Dumoble pa ang sipag ng kanyang ina mapag aral lang siya at mapagtapos ng kolehiyo. Isang mananahe sa isang garment factory ang kanyang ina noon, ang walong oras ay ginawa nitong twelve hours. Sa sobrang awa niya sa kanyang ina ay palihim siyang nag hanap ng trabaho at awa ng dios ay nakaka-ekstra siya bilang isang modelo ng mga beauty products. Gaya ng sabi ng iba, walang lihim na hindi nabubunyag. Nalaman iyon ng kanyang ina kaya sobra itong nagalit sa kanya. Ang gusto nito ay pag aaral ang atupagin niya at hindi ang pag momodelo, pero kalaunan ay natanggap na din nito dahil pinag buti naman niya ang kanyang pag aaral at nakapag tapos siya ng kolehiyo bago pa man siya sumabak sa pag aartista.

"Ano, tititigan mo nalang ba ang plato mo anak?" Puna ni Amor sa anak. Inabot nito ang baso na may laman na malamig na orange juice. Sumimsim muna ito ng orange juice bago muling nag salita. "Kung nasasaktan ka pa din sa break-up ninyo ni Froilan, iwasan mo na isipin siya. Kung puwede nga lang huwag mo ng makita ang mga bagay na nag uugnay sa inyong dalawa, gawin mo. Iwasan mo makinig ng balita sa radyo o manood sa telebisyon, iwasan mo na din muna ang social media dahil hindi iyan makakatulong sayo na makalimutan siya."

Nakalabi ang labi na napasulyap si Hannah sa kanyang ina, na ngayon ay ganado nang pinag patuloy ang pagkain.

"Hayaan niyo po mom, gagawin ko po ang sinabi ninyo." Aniya. "Kumain na lang po tayo."

Nakita ni Hannah ang pag silay ng isang ngiti sa labi ng kanyang ina. Wish niya lang na sana nga ay makalimutan na niya si Froilan. Kung puwede nga lang dukutin ang puso niya at burahin ang pangalan ni Froilan na nakaukit sa kaibuturan ng kanyang puso ay gagawin niya, pero siyempre hindi nga puwede baka ikamatay niya pa. Ibubuhos na lamang niya sa masarap na pagkain, na nasa harapan niya ngayon ang sakit na nararamdaman pa din niya mag pa hanggang ngayon.

MUNTIK nang mabitawan ni Setti ang hawak na tasa na may laman na green tea.

"Grrr... Ang kapal ng mukha!" Inis na dinampot ni Setti ang remote control at iniamba iyon sa tapat ng screen ng tv.

"Opps! mahal ang bili ko diyan sa tv." Pigil sa kapatid ng bagong dating na si Santino.

Natigilan naman si Setti ng marinig ang boses ng kuya niya. Humarap siya dito sabay lapit.

"Good evening kuya!" Bati ni Settie sa kapatid. As usual ginabi na naman ito ng uwi galing trabaho. Isa kasi itong professional archetic. Tumingkayad si Setti upang gawaran ng halik sa pisngi ang kapatid.

"Mukhang hindi naman good ang evening mo ah," natatawang biro ni Santino sa kapatid na nakasimangot. Gumanti ito ng halik sa pisngi ng kapatid bago ipinatong sa ibabaw ng center table ang dala nitong attache case. Naupo ito single na sofa at idinaiti ang likod nitong nanakit sa mag hapon na pag guguhit ng ededesinyo sa bagong project na housing loan na itatayong bagong subdivision sa cavite. "May problema ka ba?"

Padabog na naupo si Settie sa sofa na katapat ng kanyang kuya. Sasagutin sana ni Setti ang tanong ng kapatid ng marinig niya ang isinagot ni Froilan Dantes sa tanong ng isang fan nito.

"Wala na po kami matagal na. May ibang babae na ngayon ang nag papatibok sa aking puso." Sagot ni Froilan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Exchanged Heart   EPILOGO

    NAGING engrande ang kasal ng maganda Enchanted Girl at ng milyonaryong si Duwayne Fuentez na naging kapareha nito sa commercial ng Destiny Perfume. Maraming dumalo sa kasalang iyon, mga kilalang artista, ramp model, commercial model at mga empleyado ng Echanted Beauty Essensial, Inc.Naroon din sa selebrasyon ang buong angkan ng pamilya Fuentez. At maging pamilya ni Hannah Lindsey at mga kaibigan niya.Invited din si Maricar Asuncio na kanina pa umiiyak sa tabi ng kanyang talent manager. Sobrang nagsisisi ang actress dahil sa nagawa niyang panloloko kay Duwayne Fuentez na hinamak niya noon dahil sa kakarampot lang na kinikita nito, iyon pala isa itong milyonaryo. Pera na naging bato pa!SA halip na mag round the world ang mga bagong kasal, pinili ng mga bagong kasal na mag bakasyon sa probinsiya ng Samar. Kung saan nagsimulang mabuo ang pag-iibigan nilang mag-asawa.Nakalubog ang kalahati nilang katawan sa malamig na tubig ng Serpent Water, pinakikinggan nila

  • Exchanged Heart   Chapter 44

    BUMENTA ng napakalakas ang Destiny perfume sa market. Nagkaroon ng malaking victory party sa magarang mansyon ng mga Fuentez. Masaya ang lahat sa tagumpay ng bagong produkto.Naluluha naman si Senyora Candeda habang pinagmamasdan ang Mansyon na pinamana niya sa kanyang namayapang nag-iisang anak, ang ina ni Duwayne."Umiiyak kana naman, Senyora," puna ni Aling Tere habang akay ito sa isang braso."Naalala ko lang ang anak ko, Tere.""Huwag kana malungkot, Senyora, kung nasaan man ngayon ang ina ni Duwayne, sigurado akong masayang-masaya siya sa natamong tagumpay ng anak niya." Pagpapalubag loob ni Aling Tere. "Senyora, ang ganda ng Mansyon na pag-aari ng iyong apo, parang palasyo. Tapos ang dami pang bisita, parang mas madami pa sa mga naninirahan sa probinsya."Napangiti naman si Senyora Candeda sa pagiging inosente ni Aling Tere. Ngayon lang kasi ito nakarating sa Maynila.Masayang-masaya si Duwayne at siya mismo ang nag aasikaso sa kanilang bag

  • Exchanged Heart   Chapter 43

    DAHIL kukulangin na sila sa oras at para hindi maaksaya ang budget, pumayag na din si Duwayne. Pinalitan niya ang male commercial model. Nag palit siya ng kasuotan at nilagyan siya ng make-up.Ayaw man aminin ni Duwayne pero kinakabahan siya, hindi dahil sa gagawing pilot commercial kundi dahil sa muli nilang paghaharap ni Hannah ang babaeng iniibig niya.Ilang sandali, ready na ang shooting."Miss Lindsey, lumabas na po kayo sa tent, pinapatawag kana ng direktor at magsisimula na ang shooting." Narinig ni Hannah mula sa isang crew na nasa labas ng tent.Napabuga ng hangin si Hannah. Kailangan niyang mag pokus sa shooting na gagawin niya. Lumabas siya ng tent, nakita niyang handa na ang mga crew."Walang babaguhin sa eksena. This time, gawin mo ang best mo Hannah," sabi sa kanyan ni Steffie ng lapitan niya ito.Tumango siya.Nagsimulang maglakad si Hannah patungong ilog, ramdam niya ang malamig na tubig ng lumubog ang kalahati ng katawan niy

  • Exchanged Heart   Chapter 42

    THE shooting deadline arrived. The crews were also amazed at the beautiful view of that farm where the river and the waterfalls are located.Napangiti si Hannah. Muling sumariwa sa kanyang alaala ang araw na nakasama niya si Duwayne na namimingwit sa ilog. Ang waterfalls na peping saksi sa nakakatuksong tagpo sa pagitan nilang dalawa ng binata.Napasulyap siya sa male commercial model na makakapareha niya. Guwapo ito at attractive. Nahuli pa nga niya ito na pasimple siyang pinagmamasdan.Nakasuot ng simpleng baby pink na bestida si Hannah na hanggang sakong niya ang haba. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok na kinulot ng make-up artist na kasama nila.Maliwanag ang instruction. Maglalakad si Hannah patungo sa ilog na nasa tapat ng waterfalls. Hanggang bewang lang ang lalim ng tubig. Mula sa ilalim ng waterfalls ay sasahudin ng mga kamay ni Hannah ang tubig na bumabagsak mula sa tuktok nito.Mula sa isang malaking puno ay lalabas naman ang male com

  • Exchanged Heart   Chapter 41

    "I'll do my best, Miss Carion," tugon ni Hannah."Tama. Kailangang gawin mo alang-alang sa career mo. Dahil sa ngayon, alam kong kailangan mo ng bagong trabaho."She nodded. "When will the shooting start?""Next week,""Hindi ko nabasa sa kontrata ang lugar kung saan gaganapin ang shooting,""Oh, i'm sorry about that. Ang shooting ay gaganapin sa probinsiya ng Samar. Mayroon isang magandang tanawin doon na nababagay sa commercial shoot. Ang water falls at sa serpent water,"Napahumindig siya."Sa samar?""Yes, is there a problem?"Naalala niya si Duwayne. Wala siyang balita sa binata mula nang bumalik siya sa Manila. Sa tinatawag niyang paraiso gaganapin ang commercial shooting, nakaramdam siya ng tuwa sa isipin na may posibilidad na magkita silang muli ni Duwayne. Ngunit naroon din ang agam-agam sa nalilito niyang puso. Alam niya na umiibig na siya kay Duwayne, ngunit saan siya dadalhin ng pag-ibig niya sa binata kung alam naman

  • Exchanged Heart   Chapter 40

    NAPAHINGA ng malalim si Hannah. Kinakabahan siya nang pumasok sa lobby ng Fantasy Tower kung saan naroon ang tanggapan ng Enchanted Beauty Essentials.Pinagmasdan niya ang silver gold na nasa may pintuan ng gusali.Humanga si Hannah ng makita ang magarang lobby ng gusali. Halatang mayaman ang may-ari ng kumpanya, may fountain sa gitna at elagante ang apperance nito, ang disenyo ng binabagsakan ng tubig ay kawangis ng Serpent Water na pinakita sa kanya ni Duwayne sa kuweba, sa probinsiya ng Samar.Malungkot na napangiti si Hannah ng maalala ang binata. Nasasabik na siyang muli itong makita at makausap.Tumingin siya sa suot niyang relong pambisig, maaga siya ng limang minuto sa takdang appointment time kaya may panahon pa siyang mag freshen up. Mabilis niyang tinungo ang lady's room at pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, nag pahid lang siya ng lipstick sa labi at lumabas na.Hindi naman siya nahirapan na makita ang elavator sa palapag kung saan naroo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status