"A-ano?" gulat na gulat kong tanong habang nakatitig kay Canary. "Fifty thousand?"
"W-why?" tanong ni Canary na halos pumiyok na dahil marahil sa kalasingan. "Do you have any other thing to offer?"
"No touch," ulit ni Troy at umupo siya sa sofa. Umalis ang lalakeng kaninang naroon. "We will just have a good time."
Umiling ako. "Aalis na kami." Tiningnan ko ang buong paligid atsaka ulit nagsalita. "Is this a hide out for your sins? I'll assure you they will know about this."
Napaupo si Canary sa sahig habang hawak ang ulo niya. Pero agad din siyang nakatayo. Sumandal siya sa pintuan.
Malutong ang halakhak ni Troy. "Isusumbong mo kami? Sa admin ng Arturo?" Napahampas siya sa inuupuan niya. "Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo?"
Troy is the son of one of the owners of Arturo University. Gobernador din iyon sa Mindanao. Iyon ang sabi ni Pia.
Nginitian ko siya. Hindi puwedeng pakitaan ko siya na natatakot kami. Kailangan naming makalabas dito. Hindi ko pa alam paano dahil sigurado akong lasing na si Canary. Gusto ko siyang sabunutan.
"Dennis, palabasin mo na si Canary. Baka matuluyan 'yan walang magsasagot ng assignment ko," utos ni Troy. "Ikaw," aniya at itinuro ako. "Maiiwan ka."
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako. Natatakot ako. Sinigurado sa amin ni Pia na adik lang si Troy pero hindi nito kayang mang-rape. She discovered that her ex-boyfriend has Peyronie's disease, in which his erect penis is bent rather than straight. It causes him erectile dysfunction. Iyon daw malamang ang dahilan kaya ito nagda-drugs, to feel superior among his colleagues.
But what I feared the most is there are five guys here that could totally ruin us. Masikip ang daan palabas. Parehas pa kaming nahihilo ni Canary. Kinapa ko ang cellphone ko pero sa kamalas-malasan, nasa bag ko nga pala ito at naiwan sa kotse ni Via. Pero kahit dala ko iyon ay wala ring silbi.
Kailangan kong makaisip ng paraan. Walang ibang tutulong sa aming dalawa.
"Troy, let us go or else I will tell them your secret," diretso kong sabi. Nanginginig ako pero pinilit kong tigasan ang boses ko. We can't die here.
Troy didn't even flinch. Tumawa pa siya nang tumawa. Lumapit na sa kanya ang apat na lalakeng kasama niya. Nasa harapan na namin silang lahat.
"Secret? This hideout? How can you even tell others?" insulto nito sa kanya.
"N-no," sagot ko. "Pia told us everything."
Automatic na tumigil sa pagtawa si Troy. I hit the bull's eye. Nanahimik ang buong paligid. Nagkakatinginan ang mga kasama niya. Maybe they don't know.
"Let us go or else I'll say it straight to your face." Panay ang dasal ko sa isip ko. Hindi pa ako handang mamatay.
Hindi ko makausap si Canary dahil naka-focus ako sa grupo nina Troy. Nakatayo pa rin siya habang nakasandal sa pintuan. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya pati sa mga lalakeng nasa harapan namin.
Napasinghap kaming lahat nang biglang bumukas ang pintuan. Napadapa si Canary sa sahig dahil sa puwersa. Rinig na rinig ko ang pagsigaw niya dahil sa sakit.
"Canary!" galit na sigaw ni Lake habang sinisipat ang buong paligid. "Nasaan si Canary?!"
Mabilis akong napalingon sa kanya. Siya malamang ang nagpuwersang mabuksan ang pintuan. Kasunod niya ang ilang pulis. Naamoy ko ang vanilla perfume ni Via bago pa siya makapasok.
Magtatakbuhan sana ang grupo ni Troy pero mabilis silang nahuli ng mga kasama ni Lake. Hindi ko na marinig kung anong mga salita ang lumabas sa bibig ni Via habang hinahampas ng mamahaling handbag niya ang lalakeng kasagutan niya kanina.
Mabilis kong dinaluhan si Canary na nakadapa pa rin hanggang ngayon. Hindi agad siya nakita ni Lake, na kasalukuyang naghahanap pa rin kung nasaan si Canary.
"Lake!" tawag ko sa kanya habang tinutulungan makabangon si Canary. "Help me!"
Conscious pa rin naman si Canary pero napuruhan yata ang kanang braso niya dahil ito ang naipangsangga niya sa sarili nang bigla siyang tumalsik sa sahig dahil sa malakas na pagsipa ni Lake sa pintuan.
Parang ipo-ipong nagtatakbo ang pinsan ni Via palapit sa amin. Alalang alala ang mukha niya.
"Shit," he murmured. "I promise they'll get what they deserve," galit na galit na pahayag niya habang maingat na itinatayo si Canary.
"Y-you know, what?" Canary said while standing up. Napapangiwi siya sa sakit at marahil sa hilo na dala ng alak. "Fuck you."
"What?" naguguluhan na tanong ni Lake. "Alice, anong pinainom nila sa inyo? Are you okay?" baling niya sa akin.
Bukod sa hilo ay ayos naman ako. Gumaan ang pakiramdam ko nang dumating sila. Malayo na kami sa kamatayan. "Ikaw ang may dahilan bakit siya napadapa. She was leaning at the door when you kicked it."
"What?!" bulalas ni Lake. Namimilog ang mga mata niya sa gulat. "Fuck me!"
"Oh my God! Are you okay?" nagpa-panic na tanong ni Via nang makalapit na siya sa amin. "Let's get out. This place is hell!"
Parang isang kilo lang ang bigat ni Canary nang buhatin siya ni Lake palabas ng hideout.
---
"I know that place. Marami nang may alam sa kalokohan ng grupo na 'yon. They just can't complain because of that asshole's family," galit na paliwanag ni Lake.
Nasa labas kami ng clinic nina Via. Pinainom lang ako ng gamot pagkatapos kong ma-check. Gusto nilang mahiga rin ako para makapagpahinga pero hindi rin ako komportable. Hindi pa alam ni Mommy kung ano ang nangyari sa akin.
I don't have plans to tell her but I feel guilty. Mamaya na lang siguro pag-uwi ko.
"Paano kung balikan nila tayo?" usisa ko kay Lake. Hindi biro ang pamilya na binangga namin.
"They will be easily get freed. Napakadali gawan ng kuwento ng pamilya nila kung bakit nandoon si Troy. Pity to his friends, they can't be saved unless their connection works," Lake answered. "I will make sure you are all safe. Lalo na ang prinsesa ko."
Napaingos si Via. "So what is your plan?"
"Well. . . ihahatid at susunduin ko si Canary sa university. Magiging personal driver niya ako. Free. Walang bayad. Papakainin ko pa siya when she gets hungry," nakangising pahayag ni Lake.
Tinuktukan siya ni Via ng dala nitong pang-check ng temperature. "Siraulo ka. Do you think kakausapin ka pa ni Canary after what you did? I can't even imagine what she's gonna tell you paglabas na paglabas niya ng clinic. I heard nagka-sprain ang right arm niya."
"She's right handed," pahayag ko at napailing ako. Paano na ang business niya sa mga estudyanteng mayaman?
Nagkatinginan kami ni Via at sabay kaming napabuntonghininga. Siguro naisip na rin niya ang mangyayari.
Leif arrived looking so worried. Si Lake agad ang nilapitan niya. "How's Canary?"
Bahagya kaming nagulat dahil sa tanong na iyon. Are they that close? Even Lake looks confused. Like it is so sudden for Leif to have that kind of reaction.
"They are checking up on her," sagot ni Via. "How did you know? And why do you sound so. . . never mind."
"I heard from a friend. Is she okay?" muling tanong ni Leif. Nakatingin lang kami sa kanya. "I mean. . . may maaga kaming duty bukas sa computer lab. Kaya pala hindi siya sumasagot."
Sumasagot? Sa phone? May number siya ni Canary? Naguusap pa rin sila after ng duty?
"You have her number?" Lake finally said my thought. Nakatitig siya kay Leif. Hindi niya inaalis dito ang paningin. Naghihintay ng seryosong sagot.
Governor Gabriel Lopez, governor of Cebu, is charged guilty with the crime of plunder under Republic Act 7080.Former President Alexander Soldevilla is on fire following the case of Mr. Lopez, as one of the men behind the collapse of the Lung Hospital in Batangas two decades ago.Dr. Marina Lopez' hospital, FilCare Medical Center, is under investigation for numerous unexplained death of unfortunate patients.Arturo University suddenly removes scholarship programs.Governor Gabriel Lopez's only child dies at eighteen, found hanging from the ceiling of rented apartment."I can't believe this is happening!" Lila exclaimed. Hindi siya mapakali
"Mommy," halos pabulong kong tawag. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan, hindi ko na hinintay pa si Leif.Binuksan ko ang pintuan. They were sitting on the couch. Magkatabi si Canary at ang Daddy ni Leif, while Mom is on the opposite side. Napalingon sila sa akin nang magsalita ako, maliban kay Canary.Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. I could sense the tension inside the house. I feel like my chest is going to explode anytime soon. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ni ayaw kong makita ang mukha ni Canary."What are you doing here?" Mr. Soldevilla asked. Kasunod ko na si Leif. I looked at him. He doesn't look apologetic but rathet he looks so mad and confused."How about you? What are you doing here?" baliktanong ni Leif. Naka
Tahimik ang loob ng sasakyan habang nilalakbay namin ang daan papunta sa bahay namin. Walang makapagsalita sa amin ni Leif. He is probably thinking the facts I told him. We decided to meet my Mom because I know she's the only person who really knows the truth, aside from Leif's Dad.Leif telling me that he likes me, hit the rock bottom of my emotion. I've been feeling the same. Dahil ba iyon sa lukso ng dugo? Ngayon ko lang din na-realize na mas nakakabaliw ang katotohanang iyon. I've been admiring him since day one, and I'm sure it is not something brotherly."Does your Dad already know about Canary?" basag ko sa katahimikan. Dahil kung alam na iyon ng dating presidente, siguradong may kalinawan na ngayon ang lahat."I know he's been meeting someone secretly five years after my Mom di
Hindi ako mapakali habang hinihintay si Leif sa loob ng coffee shop. Ngayon na lang ulit kami magkikita, mula nang magkasagutan kami ni Canary sa lobby.Tuliro ang isip ko. Lalo akong hindi nakatulog. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong kausapin. Hindi na ako makapag-isip nang matino. Sa totoo lang ay nawawalan na rin ako ng gana kumain.Wala akong mapagsabihan ng mga tumatakbo sa isip ko. Wala akong mapili na puwedeng pagkatiwalaan. Hindi ko masabi kay Lila na ako ang nasa picture. Ilang beses kong pina-confirm sa kanya kung totoo ba ang sinasabi niya.If that is the case, then Leif is my brother? Pero kung totoo ang sinabi niya na si Canary ang nasa picture, sila ang magkapatid? Iyon ba ang dahilan kung bakit bigla silang naging close?
"Daphne's father is a plunderer and her mother's a murderer," pahayag sa akin ng roommate kong si Lila habang nagbabasa ng maga news and comments sa social media.Lalong sumakit ang ulo ko. Hindi na ulit tumawag sa akin si Via mula nang i-cancel ko ang mga tawag niya. Hindi rin siya sumasagot sa text o sa chat. I hurt her and Canary hurt her. Sigurado akong galit na galit siya ngayon.Kalat na sa buong university ang balita sa tatay na iyon ni Via. Marami na ang nadadawit sa issue. Nauungkat na rin ang mga kasamaan ng mga nasa posisyon ngayon at dating administrasyon.But what shocked me most is the news about her Mom. Sila pala ang may-ari ng ospital kung saan naka-admit noon ang mama ni Canary. Kaya pala mabilis kaming nakakahagilap ng impormasyon. And that hospital is on fire becaus
Pagkatapos kong puntahan ang Psychology professor namin last sem ay tinext ko si Via kung nakita niya ba ang hinahanap ko. She called me and told me she's absent today because something happened.Nag-ikot ako sa mga parte ng university na madalas niyang tamabayan.Naabutan ko si Canary sa student lobby na abala sa pagsusulat. Nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang takong ng sapatos ko pero agad din siyang tumungo at ipinagpatuloy ang ginagawa niya."Naiwan mo sa cafeteria," pahayag ko at inilapit sa mukha niya ang notebook na naiwan niya sa cafeteria.Hindi naman siya nagulat. Tiningnan niya ako at inabot ang notebook. Ilalagay na sana niya iyon sa bag niya nang tila natigilan siya habang pinagmamasdan ito.