"OH! There you are, Doc!"
Napatingin agad si Faye sa binati ni Celine at awtomatikong napa-arko ang kanyang kilay ng makita si Conrad. Anong ginagawa ng doctor sa ganitong lugar? Sa ganitong oras? She tried to stop her mind thinking about Conrad. Imposible naman kasing sinundan siya nito doon. Napaka-imposible at mukhang sa lugar na iyon naman lahat ang tungo ng lahat ng tao sa Kennedy Town. Celine's business is not just a bar, it's also a restaurant that serves delicious cuisines just like what she's eating right now.
"I'm looking for a patient," wika nito ng makalapit sa kanila.
"Nandoon siya at kumakain ng bawal." Faye heard Conrad tsked then walk towards the corner where Celine pointed out the one he's looking. "Madami talagang makulit na pasyente si Doc. The whole Kennedy Town is lucky to have him here."
Umalis muna si Celine para may i-entertain ang ibang mga customers. Muli niyang tinapunan ng tingin ang gawi ni Conrad na ngayon ay may kausap ng matanda.
Not because he's nice you'll drop all your guards down, Faye. Learn from the past. Paalala niya sa sarili saka inikot-ikot ang suot na singsing.
Hindi pa pala niya natatapon iyon na dapat ay matagal na niyang ginawa. That ring reminds her of Kristoff and his fake promises. Malalim siyang napabuntong-hininga bago tinuloy ang pagkain. Nang matapos, nag-iwan siya ng pambayad at kaunting tip na rin dahil sa maayos na service ng mga ito sa kanya. She leave that place and start walking towards her home.
Pagka-uwi, naligo siya, nagbihis saka nagpakulo ng paborito niyang tsaa. Hinanda niya ang first aid kit at sa front porch niya naisipang linisin ang kanyang mga sugat. Hindi pa niya nagpapagtuunan ng pansin ang pagsasa-ayos ng bahay na iyon. Puno pa ng agiw at nalulula siya sa dami ng i-re-repair. Faye needs help with regards the repair, but she can't trust anyone to do it.
Matapos magpakulo, lumabas na siya sa front porch ngunit namali siya ng tapat kaya nabuslo ang paa niya sa nasirang flooring. Ang bahay na yata na iyon ang magiging cause of death niya. Dumadami na ang galos niya dahil sa mga self made accident gaya kahapon. Dahan dahan siyang lumakad palabas uli at iniwasan na ang mahuhunang flooring ng bahay niya. Sino kaya ang pwede niyang pagkatiwalaan na gumawa noon? Meron pa kayang karapat-dapat sa tiwalang ibibigay niya?
"I knew you will do that," wika ng tinig na gumulat sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Conrad.
"Well, blondie, I'm here to take care of your wounds." Faye just rolled her eyes. Hindi naman kasi siya humingi ng tulong sa kahit sino. Saan bang parte ng sinabi niyang hindi niya kailangan ng pamilya ang malabo dito? "I always do this don't worry. It's part of my profession to bring hospital to the people."
"I appreaciate your kindness, but, I really don't need help. I hope I clear myself to you now."
"Really? What is that? Na-aksidente ka na naman?" Sunod sunod nitong tanong sa kanya.
"Mas ma-appreciate ko lalo kung aalis ka na at wala ng mga tanong tanong pa,"
"Feisty." Inirapan niya ito saka tinuloy na ang gagawing paglilinis sa sugat niya. Nadagdagan na naman iyon at salamat sa marupok na sahig ng bahay niya. "Si Mang Delfin, kaya niyang gawing modern house ito. Just give it a try and you'll see. He didn't let anyone down as far as I can remember."
Naagaw ng pager nitong tunog ng tunog ang atensyon niya.
"I need to run. Make sure na hindi ma-infect ang sugat mo!"
Huling bilin bago umalis sakay ng sasakyan nito. Naiiling siyang tinuloy na lamang ang ginawa at dinagdag yung bilin ni Conrad. Oo wala na saysay ang buhay niya pero ayaw namang naisin na mamatay dahil infections. Faye wants to fulfill a promise to herself that she's gonna be happy. How will she gonna do that? Saan siya dapat na magsimula?
Muling naagaw ng tumunog niyang cellphone ang atensyon. It is a call from her cousin who helped her escape. Napaisip siya kung sasagutin ba niya dahil baka ma-trace siya ng lahat kapag nalaman na may contact siya dito. Naka-ilang ring pa bago niya tuluyang sinagot ang tawag nito.
[Sophia, this is a burner phone so when I smash this no one will find out that we have contacted each other.] Bungad na sabi sa kanya ni Mariel.
"How's the situation there?" tanong niya dito.
[You're sudden disapperance creates discomfort, but it's okay now. Brady is already in jail while Kristoff left the country. Don't stress out, okay? We're fine here and already working on the declaration of your death.]
Iyon ang bilin niya bago sila na naghiwalay. Papalabasin na namatay na siya para wala ng magtataka pa sa biglang existence ni Faye Mckenzie. Matutuloy na ang balak niyang pagsisimula ulit at doon sa Kennedy Town niya balak gawin iyon.
"Sorry kung nadamay ka pa at thank you sa mga tulong mo,"
[Mag-pinsan tayo kaya syempre tutulungan kita. Anyways, I also called because I know you'll gonna blame yourself for all of what happen. In order to restart again, Sophia, you must learn to forgive yourself. God is in control and you must trust the process. This might be pur last conversation. Take a good care of yourself and free it from the ghost who keep on haunting you.]
Tumango-tango siya at pinalis ang luhang naglandas sa mga mata. Tama ang pinsan niya at iyon na nga ang gagawin niya ngayon...
*****
"SOPHIA, bumalik ka dito!"
Pabalikwas na bumangon si Faye matapos makarinig ng ingay sa labas ng kanyang kwarto. Siguradong siyang ni-lock niya ang pintuan at bintana kaya imposibleng may pumasok doon. Dahan-dahan siyang bumangon saka kinuha ang tubong tinago niya sa ilalim ng kanyang kama. Nag-aalangan siyang lumabas dahil hindi niya sigurado kung ano makikita doon. Halo-halo na ang tumatakbo sa kanyang isipan at 'di na din mapakali pa.
Nag-uumpisa ng manginig ang kanyang kamay at buong katawan dahil sa takot. Faye is panicking and she don't know what to do. Sinubukan niyang mag-breath in, breath out ngunit walang epekto iyon. Dahan dahan siyang naupo sa sahig habang nakasandal sa pintuan. Maghigpit ang pagkakahawak sa tubo at walang humpay sa pag-agos ang mga luha.
"Gusto ko ng lumaya." Mahina niyang sambit sa gitna ng pag-tangis.
Huminto ang ingay sa labas at tanging ang pag-iyak saka ang mabilis na tibok ng puso niya ang nadidinig. She stayed there until the morning comes. Sa pagsibol ng umaga siya napapanatag habang sa gabi napupuno ng takot ang kanyang dibdib. Faye knows that she needs help, but where on Earth she'll gonna find someone to trust? Hinawi niya ang buhok saka tumayo at tumungo na sa banyo.
Pagkatapos magbihis at mag-ayos ng sarili, mabilis siyang umalis at tumungo sa general merchandise store ni Mang Delfin. Nadaanan niya sina Aling Fely, Aling Graciella at Aling Corazon sa parke na nag-aayos. Nginitian lang niya ang mga ito nang tawagin siya at kawayan. Tuloy-tuloy siyang lumakad hanggang sa makarating sa tindahan.
"Uhm, I need your help fixing my house." aniya sa matandang may-ari ng tindahan.
"Okay. Kailan mo gustong simulan ang pag-aayos?" Hindi 'man lang siya nito tinanong kung bakit bigla nagbago ang kanyang isip. Isa lang din naman kasi ang dahilan noon at ayaw lang niyang madagdagan ang anxiety niya gabi-gabi. "Walang problema sa materyales at bayad. Ako na ang bahala sa lahat."
"S-sigurado kayo?" tanong niya.
"Oo. Pamilya ang turing namin sa lahat dito. Mag-praktis ka ng makisalamuha sa kanila. Maliit lang ang Kennedy Town at proteksyon mo ang bawat isa dito,"
Tumatak sa isipan ni Faye ang huling sinabi na iyon ni Mang Delfin. Ligtas siya sa lugar na ito at proteksyon niya ang bawat isa sa mga kalapit bahay niya. Kailangan lamang niyang makisalamuha sa mga ito bilang unang hakbang sa pagbangon niya mula sa nakaraan. Hanggang sa pag-uwi ay dala-dala niya ang mga katagang nadinig. Tila sirang plaka na nga na paulit-ulit lamang sa kanyang isipan.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay at malayong malayo iyon sa itsura na nakita sa internet. Gusto niyang ibalik iyon sa dati at ngunit mas modern na version. Faye wants to live in a cozy home where she feels safe and comforted. Sinabi ni Mang Delfin na sa bandang hapon na ito dadaan para i-estima ang gagamiting materyales doon. Pansamantala siya nitong pinatira sa isa sa mga cabin na pag-aari nito.
Sa likod ng bahay niya may fish pond na tumawag sa kanya. Inikot-ikot niya ang suot na singsing bago tuluyang inalis iyon sa kanyang daliri. She wants to break free from the past and that thing still binds her to it. Tumatangis niyang binato iyon sa fish pond. Hindi na siya si Sophia ngayon, patay na ito at kikilalanin na siya bilang si Faye.
"This is the start of something new, Faye. I'll stop from living in the past now." aniya sa sarili.
Pumasok siya sa bahay at kinuha ang mga gamit na nadala niya na may kinalalaman kay Kristoff. Sa isang drum sa labas, sinalin niya lahat iyon saka sinilaban. Faye will continue to hate him for all of her life. She silently wished that Brady will rot in jail. Dapat kasama doon si Kristoff pero naka-alis ito ng bansa ngunit kampante siyang hinding hindi nito mahahanap ang kinaroroonan niya.
This is a painful goodbye from the past...
SA harap ng iba't-ibang brand ng diapers natagpuan ni Faye ang sarili kasama si Faith. Faye uses a baby carrier that’s why Faith, whom she is carrying right now is minding her own business, smiling at everyone whom she doesn’t even know. Halos kinse minutos na siyang nakatayo doon pero wala pa din siyang napipili. She already predicted that choosing a diaper brand will be hard for her. Hindi naman nakinig sa kanya si Conrad kaya eto siya, sinisipat na ang bawat brand. Kababalik lang niya mula sa bakasyon kasama si Conrad noong isang araw. Agad nilang kinuha si Faith at inuwi na sa bahay niya at itong araw na ‘to ang pangatlong araw na kasama niya ang bata.Hindi pa din siya makapaniwala na ganap na siyang Mommy ulit. Ang gusto na lang niya gawin ay titigan si Faith buong maghapon ng hindi kumukurap. May takot na baka kapag kumurap siya ay mawala ito ka
"BABY…" Umingit lang si Faye at hindi idilat ang mga mata kaya naman mahinang tumawa si Conrad. Tumihaya ang dalaga pero hindi pa din idinilat ang mga mata. "I'm still sleepy. Leave me alone." wika sa kanya. "You can sleep more after this. I promise not to disturb you again. Importanteng balita ito, baby." Pumihit naman ito paharap sa kanya saka dahan-dahan idinilat ang mga mata. "Good morning!" he greeted, smiling from ear to ear. "That's the important news?" Pumikit ito saka pinalis ang mukha niya. "I hate you, Conrad Michael Del Mundo." "I love you, and I'm not yet done. Hindi ko pa nasabi ang isa pang importanteng ba
TILA bumagsak ang langit at lupa ng sabay sa mga balikat ni Faye ng makita si Kristoff na naglalakad palapit sa kanilang pwesto. Hindi alam ni Faye ang gagawin at nag-uumpisa na manginig ang mga kamay niya dahil sa takot. Takot na ngayon lang niya ulit naramdaman. All this time she felt safe and comforted in Conrad’s arms. But now all she feels is trouble. A great storm is coming to ruin everything she started as a new person. “Hey, babe,” bati ni Bella kay Kristoff ng tumayo ito sa tabi ng dalaga. “This is Conrad, my fellow doctor, a senior doctor actually, and his girlfriend, Faye.” Pakilala sa kanila ni Bella dito. “Hi, I’m Kristoff… wait I think I know these two.” wika ni Kristoff. Nabundol
"IN THIS world, bones will still break, hearts will still break but in the end, light will overcome darkness…"Agad na pinahiran ni Faye ang luha na naglandas sa kanyang pisngi matapos marinig ang katagang iyon. Conrad was sleeping beside her and both of were inside a plane heading to Manila. Hindi siya inaantok kaya naman mas pinili niyang manood na lamang gamit ang laptop ng binata. It was a downloaded episode of a TV series she been watching since they start consulting a psychologist. Another way of overcoming darkness is through listening and reading scriptures."Hey," wika ni Conrad ng magising. Isinara niya iyong laptop saka inayos ang sarili. "you okay? Why are you crying? Is it a bad dream?"Umiling siya sak
KABADONG umatras si Faye agad ng astang papasok na siya sa clinic ng kaibigan ni Conrad. Ngayon ang scheduled consultation niya at hindi na nga siya nagpasama pa kay Conrad para hindi na ito maabala pa. Marami din ginagawa ang kasintahan niya at hindi pwedeng ma-aantala ang ilan doon dahil lang sa kailangan niya ito. Hangga’t maaari lahat ay ginagawa niya na mag-isa gaya ng kanyang na-umpisahan noon bago pa ‘man patuluyin si Conrad sa buhay niya. Ayaw niya maging defendant sa binata dahil sa takot na maulit ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan na.Should I go or not? Ano na naman ang idadahilan ko?Umiling siya. Kailangan niya ituloy na ito at para din naman sa kanya ang benefit ng therapy na gagawin. Huminga siya ng malalim saka nagsimula ulit lumakad papasok ngunit muli din si
HINDI maintindihan ni Faye kung bakit siya dinala ni Conrad sa isang medical mission na pinangunahan nito. Nasa may plaza lamang iyon ng Kennedy Town at lahat, kasama na ang mga taga-karatig lugar na mabibigyan ng medikal na atensyon. Maraming na-anyayahan si Conrad na tumulong sa kanya na tugunan ang pangangailangan ng bawat naroroon."Why did you bring me here?" Tanong niya ng masolo na ito. Nagpapalit ito sa kasamang doktor mula sa ospital na pinag-tatrabaho-an."This is my way of welcoming you to my world." Itinuturo nito ang nagaganap na medical mission hindi kalayuan sa kanila. "Noon naisip ko bakit ko tinanggap ang posisyon dito bilang hospital director. The job I have is never easy, Faye."