Walang ibang hinangad si Akira kundi ang mabigyan nang magandang buhay ang kanyang pamilya. Bata pa lang siya, mulat na ang kanyang isipan sa buhay na meron sila. Nang mabigyan siya ng oppurtunidad na magtrabaho sa isang prestihiyosong kompanya, kaagad niya itong tinanggap dahil maliban sa isa ito sa pinakasikat na kompanya sa bansa, malaki rin ang pasahod dito at tiyak na maaahon niya sa hirap ang kanyang pamilya na matagal na niyang inaasam. Ngunit paano na lang kapag mas masahol pa sa hayop ang ugali ng kanyang boss? Makakaya pa kaya niyang magtiis at manatili sa nasabing kompanya kapalit ng maginhawang buhay ng kanyang pamilya?
View MoreCHAPTER SEVENAKI's POINT of VIEW"Cheers to the newly hired!" sigaw ni Yanna saka tinungga ang basong naglalaman ng alak.Kasali na din ang iba pa naming kasamahan, maliban lang sakin dahil hindi ako umiinom ng alak. Tanging juice lang ang panlaban ko ngayon.Nag-eexpect kasi ako na ibang welcome party ang tinutukoy nila. Nakagisnan ko kasi samin na kapag may party, kainan lang at walang inuman kagaya nito."Tara na sa dance floor." yaya ni Sheena pagkatapos niyang ilagay sa table namin ang pinag-inuman niya."Bet ko 'yan. Tara na!" gatong naman ni Sandy at sabay na silang umalis papunta sa mga taong nagsasayawan.Napanguso na lang ako nang sumunod si Yanna sa kanila pero bago siya umalis, may dinukot pa siyang asin at kinain ito."Ganyan talaga ang mga 'yan. Sanayin mo na lang ang sarili mo." singit ni Glenn at nang matapos siya
CHAPTER SIXAKI's POINT of VIEW"Sir, gusto niyo po bang isama ko sa schedule niyo bukas an—""Don't ask me. That's your job." putol niyaNagtatanong lang naman e. Ang hilig niyang magsungit. Pasalamat siya at mahaba ang pasensya ko dahil kung hindi, malamang sa malamang nakipagtarayan na ako sa kanya kahit na hindi ako marunong magtaray."Baka po kasi ayaw niyong—""Get out!"Hindi pa nga ako tapos e. Isinara ko na lang ang pinto at muling bumalik sa pwesto ko. Tinitigan ko na lang ulit ang pangalan ni Mister Alegera. Nang hindi ako mapakali, tumayo ako at binuksan ulit ang pinto ng opisina ni Boss."Pero sir, baka kasi—""Go back to your station. Don't enter my office not until I said so." seryoso niyang sagot.Laglag balikat naman akong bumalik sa station ko
CHAPTER FIVEAKI's POINT of VIEW"AKI!"Napaangat ako ng tingin at binalingan ang taong tumawag sakin. "May kailangan ka, Yanna?" tanong ko dito.She's Alyanna, from Sales Department. Siya 'yong kumakausap sakin dati no'ng first day ko pa lang dito."Come here, ipapakilala kita sa mga ka-team ko sa Sales Department." sagot niya at sinenyasan pa akong lumapit sa kanya.Napakunot ang noo ko pero hindi nagtagal, umalis din ako sa station ko at lumapit sa kanya. "Para saan?" taka kong tanong.Siyanga pala, dalawang araw nang hindi pumapasok si Boss dito. Ang sabi ni Sir Gino, nagka-allergy daw siya dahil sa binili kong breakfast dati. Nahihirapan pa itong huminga kaya mas piniling pagpahingain muna ito para hindi lumala ang kalagayan nito.Akala ko nga tatanggalin na ako dahil pumalpak na naman ako, pero ang sabi ni Sir Gin
CHAPTER FOURAKI's POINT of VIEW"Sir, sorry na po. Hindi ko po talaga alam na kayo ang boss dito." pagmamakaawa ko habang nakaluhod sa kanyang gilid.Nakaupo siya ngayon sa swivel chair at may kung anong pinagkakaabalahan sa laptop niya. Ako naman 'tong mukhang ewan na kanina pa nagso-sorry pero ayaw niya pa din akong patawarin.Gusto niya akong sesantehin pero ayokong mawalan ng trabaho. Gipit na gipit pa naman ako ngayon dahil sinisingil na ako ng may-ari ng inuupahan kong apartment. Ang magtrabaho dito ang naiisip kong solusyon para makaraos ako sa kagipitan."Hindi ko na po uulitin ang ginawa ko, huwag niyo lang akong sesantehin."Napa-please gesture pa ako para lang makita niya kung gaano ko pinagsisihan ang ginawa ko. Malay ko ba kasi na siya pala ang big boss dito? Hindi naman ako 'yong tipo na nagre-research muna ng company's background at profile back
CHAPTER THREEAKI's POINT of VIEWLumabas na lang din ako sa elevator para makapaghanap ng mapagtatanongan. Gustuhin ko mang pumunta sa information desk na nasa ground floor, kaso baka matagalan lang ako at ma-late sa unang araw ko dito."Excuse me," pagtawag ko sa babaeng papalapit sa gawi ko."Wait lang, seryoso ba 'tong nakikita ko?" nagtataka niyang tanong, kaya nahawaan din ako at medyo nagtaka sa sinabi niya. "Diyan ka lumabas?" tinuro-turo pa niya ang elevator na ginamit ko at kunot noo ko naman itong nilingon para tignan kung may sira ba ang elevator.Parang wala naman e, anong masama kung diyan ako sumakay?"May multo bang nakatrap diyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.Ganyan ang mga kadalasang napapanood ko sa movie. 'yong may multo sa loob ng elevator kaya hindi pinapagamit sa mga tao dahil baka multuhin sila sa loob.
CHAPTER TWOAKI's POINT of VIEW"Good morning po," bati ko sa mga security guard pagkapasok ko sa entrance ng InLine main building.Dumiretso ako sa loob at binati din ang mga staff na nasa information desk. "Good morning."Maganda ang mood ko ngayong araw kaya gusto kong ipalaganap sa buong InLine ang kagalakan kong makapagtrabaho dito. First day ko ngayon at sinadya ko talagang agahan ang pasok ko para kahit papano'y hindi nakakahiya sa boss ko."Sir!" napasigaw ako nang wala sa oras nang makita ko ang lalaking nag-hire sakin kahapon at mukhang naghihintay ito sa elevator.Nakita kong napalingon siya sakin. Mabilis ko namang tinungo ang kinaroroonan niya at nakangiti itong binati. "Good morning po.""Akira, right? Ang aga mo naman ata?" tanong niya at saktong bumukas ang elevator. Pumasok siya at gano'n din ako."Ayok
CHAPTER ONETHIRD PERSON's POINT of VIEW"D-mn it! Where is my secretary?" sigaw ni Aldrich saka hinawi lahat ng mga papeles dahilan para mahulog ang mga ito sa sahig.Padabog na tumayo ang binata at halos magkasalubong ang mga kilay na lumabas sa kanyang opisina. Saktong pagkabukas niya sa tinted glass door, sumalubong sa kanya ang dati niyang sekretarya na si Gino na ngayo'y isa nang Chief Human Resources Officer ng kanyang kompanya."Anong oras na? Bakit wala pa din hanggang ngayon ang sekretarya ko?" reklamo niya at napakamot na lamang ng ulo si Gino na para bang nag-aalinlangang sabihin kung nasaan ang sekretarya ng kanyang boss. "Call her now! Tell her na kapag hindi pa din siya dumating within—""Nagresign na po siya, boss." putol ni Gino.Mas lalong napakunot si Aldrich dahil sa kanyang narinig. "Seriously? Without my permission?" nakangising tanong nito.
Comments