Share

Chapter 7

Nagising si Clover dahil sa nakakabulabug na tunog galing sa baba. Sobrang inaantok pa siya kaya tinakpan niya ang kaniyang tenga gamit ng puting unan na ginagamit niya. Pero kahit anong gawin niya ay nakakalusot pa rin ang tunog na iyon.

Inis na napaupo siya sa kama, "Nagzu-zumba na naman siya panigurado."

Nakalimutan niyang araw pala ngayon ng Linggo. Ibig sabihin narito ang mama niya. Hindi talaga siya nakakatulog ng mabuti kapag day-off nito.

"Good morning, God!" bati niya habang nakatingin sa taas.

Bumaba siya at doon nakita ang ina sa sala na ginagaya ang mga taong sumasayaw sa screen ng TV.

"Gising kana pala, anak," masayang wika nito habang gumigiwang-giwang.

"Nagising lang naman ako dahil sa lakas niyang music niyo. Sana tinaasan niyo pa ang volume, nahiya pa kayo." Umirap siya at nagsimula ng maglakad papuntang kusina.

"Ikaw naman. Halika rito, sabayan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status