Si Clover ay isang babae na hindi nalalayo ang estado ng buhay sa iba. Gaya ng mga kabataan ngayon ay nahilig din ito sa social media, partikular sa Facebook site. Kabilang din ito sa mga taong naging sikat sa social media dahil halos araw-araw ay humahakot ito ng daang-daang likes. Marami na rin ang sumubok na ligawan siya sa kanyang Facebook account, ngunit palagi niya itong nire-reject. Para sa kanya ang mga lalaking nakilala lang dito ay hindi pwedeng seryosohin, puro landi-landi lang.Pero tila parang nag-iba ang ihip ng hangin at timpla ng kape ng makilala niya si Percy na parang may extended brain orb sa ulo, in short, abnormal, at palaging nanggugulo.Habang tumatagal ang communication nilang dalawa, ang akalang landi lang ay tila ba nag-iba.Is it possible to fall in love in social media?Kung sakali man, may kasiguraduhan kayang magtatagal ang relasyong binuo nila?
View MoreIkadalawang linggo ng bakasyon, nakangiting bumangon si Clover sa kama niya at nag-inat. Handang-handa na siyang harapin ang panibagong araw na binigay sa kaniya ng Panginoon.
"Good morning, God!" masiglang bati niya habang nakatingin sa itaas. Nakasanayan niya ng batiin ang Panginoon tuwing imumulat niya ang kaniyang mga mata. Everytime she wakes up in the morning, hindi nawawala ang kaniyang ngiti sa labi. Dabil binigyan pa siya ng biyaya upang magising muli, at pagkakataong mag-enjoy sa buhay. Napatingin siya sa kaniyang kanan, makikita roon ang study table niya kung saan nakalagay ang kaniyang cellphone. Mabilis na kinuha niya ito at nag-open ng Facebook. Hindi niya na muna pinansin ang mga notifications at messages dahil magpo-post pa siya."Good morning, Sunshine! Don't forget to spread your lips. SMILE!" Nakangiti niyang ibinalik ang cellphone sa study table. Clover decided not to check her messages for the time being, because she knows that most of them are from guys who want to court her. She believes that courting through social media would never seem appropriate in God's eye. Isang malaking HINDI iyon para sa kaniya. Paano mo malalaman kung sincere talaga ang tao sa panliligaw sa 'yo kung pangalan at pictures niya lang ang nakikita mo? Ugh. Umiling-iling na inayos niya ang kaniyang kama, pagkatapos ay pumunta na siya sa sulok ng kaniyang kwarto kung saan makikita ang isa pang mesa na naglalaman ng gamit para sa katawan at mukha. Nang kukunin niya na sana ang suklay ng mapahinto siya nang makita ang isang magandang pigura na nakatingin sa kaniya. "Alam mo, mas lalo kang gumaganda," wika niya sa harap ng salamin habang hinahaplos ang kaniyang malulusog na pisnge. Kinuha niya ang itim na suklay at isinuklay iyon sa brown at medyo kulot na buhok niya na namana niya pa sa kaniyang ina.Nag-hilamos muna siya bago bumaba para kumain. Kanina niya pa naririnig na nagmamakaawa itong tiyan niya. Kailangan niya na itong pakainin. Nang makababa ay dumiretso agad siya sa kusina at doon niya nakita ang ina niya na ngayon ay nagtitimpla ng orange juice. Nakasuot ito ng leggings at isang nike na shirt. Malamang ay nag-jogging na naman ito. Nakagawian na ng ina ang mag-exercise kahit once a week lang. Kailangan daw ng katawan natin iyon, pero tuwing tumitingin siya sa salamin at pinagmamasdan ang hulma ng katawan niya ay naiisip niyang hindi niya na kailangan pang mag-exercise. Sa paningin ng kaniyang magagandang mata ay tama na ang katawan niya para tawaging 'sexy.'"Good morning, ma!" bati niya sabay beso. "Maupo ka na riyan, kakain na tayo," utos nito. Silang dalawa lang ng kaniyang ina ang naroon sa bahay. Ang ama niya ay nagta-trabaho bilang isang seaman, kaya once or twice a year lang ito kung umuuwi, depende rin sa kontrata. "Siyanga pala, may bagong lipat diyan sa katabing-bahay," imporma ng ina na ngayon ay naglalagay ng kanin sa plato. Itinaas niya ang kaniyang paa at ipinatong ito sa inuupuan. Hindi niya rin alam pero sobrang komportable siya sa ganoong posisyon."Talaga? Sino raw?" tanong niya."Hindi ko alam, makiki-chismis nga ako mamaya sa labas," saad nito. Napadako at naningkit ang mga mata nito sa paa niyang nakapatong sa upuan, "Kailan mo pa ba 'yan titigalan, Cece? Kababae mong tao, ganiyan ka umupo!" Nagulat siya sa boses nito kaya bigla niyang naibaba ang paa, "Ma, ang sarap kayang kumain kapag gano'n ang posisyon," kontra niya."Masarap kumain? Bakit iyang paa mo ba ang kumakain o iyang bunganga mo?" Idinuro siya nito. "Oo na!" inis niyang sagot. Ayaw niya ng kontrahin ang ina dahil nasa harap sila ng pagkain ngayon, masama iyon. Mahirap talaga kapag day off ng ina, minsan lang sila magsabay kumain, lahat nakikita pa.Nagta-trabaho ang kaniyang ina sa city hall kaya tuwing linggo lamang sila nagkakasama. Minsan na nga lang mag-day off, madalas niya pa itong makita sa labas na nakikipag-chismisan. Pero hindi niya na kinontra ang ina sa gano'ng bagay, naisip niyang kailangan din minsan nito maglibang.Nang matapos kumain ay umakyat na siyang muli sa kwarto. "It's social media time!" bungad niya pagkapasok ng silid.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinignan isa-isa ang mga nag-message. Nang makita ang mga ito ay hindi nga siya nagkamali, mga lalaki iyon na tiyak na nagbabalak manligaw sa kaniya. Christian Tupaz: Good morning, Clover. Clover Clynn Delgado: Good morning? Tapos ano? Tatanongin mo ako kung ilang taon na ako, kung saan ako nakatira, kung may boyfriend ba ako? Tapos kapag sinabi kong wala, liligawan mo ako dito sa chat? Ilang minuto palang ang nakalipas tatanongin mo ako kung tayo na ba? Anong klaseng panliligaw 'yon? It's a NO. Christian Tupaz: Gusto ko lang naman sana na maging magkaibigan tayo. Clover Clynn Delgado: Maging magkaibigan? Tapos after a week sasabihin mong gusto mo na maging magka-ibigan tayo? There's a difference between the two, pero diyan nagsisimula lahat ng sakit na nararanasan ng tao. Also, I have branches of friends. Hindi mo na kailangang dumagdag pa. Nasanay na siya na may mga taong ganiyan kaya inunahan niya na. Nag-copy paste nalang siya sa chinat niya sa Christian na 'yon para i-send pa sa ibang nagcha-chat sa kaniya. Tinignan niya ang post niya kanina at nakitang nasa 500+ reacts na ito at may 200+ na comments. Minsan nagugulat nalang siya kung bakit sobrang daming reactor niya sa facebook.Tinignan niya ang profile niya, "Sobrang ganda mo na ba talaga?" tanong niya habang nakikipagtitigan sa picture niya. Naagaw ang kaniyang atensiyon sa ingay na magmumula sa labas ng bahay kaya dali-dali siyang nagtungo sa bintana ng kwarto niya at sumilip. Sobrang lapit lang ng kabilang bahay sa kanila, mga ilang hakbang lang kaya hindi nakakapagtaka na noon ay may naririnig siyang mga ungol na nanggagaling sa kwartong nasa tapat lang din ng kaniyang kwarto. Ilang araw din iyon kaya hindi siya makatulog dahil sa curiosity kung ano bang nangyayari sa kwartong iyon. Napadako ang tingin niya sa kwarto ng kapit-bahay nila na pinanggagalingan ng mga ungol noon, nakita niya ang isang bulto ng lalaki na nakatalikod sa kaniya. Na-curious tuloy siya sa hitsura nito kaya gumamit siya ng spell niya. "Gamit ng kagandahan ko, inuutusan kitang humarap, ngayon na!" Winagay-way niya pa ang kamay niya sa ere na para bang may hawak na magic wand. Na-dismaya si Clover dahil kahit side-view man lang ay hindi nagtagumpay ang kapangyarihan ng kagandahan niya. Sinubukan niyang muli pero bigo pa rin siya, hanggang sa tuluyan nang umalis ang binata. "Hays nakakainis! Bakit hindi sa kaniya gumana samantala effective naman 'to sa ibang mga lalaki?" inis siyang tumalikod at umalis patungong higaan. Hindi man normal sa paningin ng iba pero nakasanayan na ni Clover gamitin ang spell niya kuno kapag nakakaramdam ng curiosity sa hitsura ng isang lalaki. Nakakapagtakang hindi tumalab ang powers niya sa lalaking 'yon. "Siguro kulang lang sa emosyon?" tanong niya sa sarili. Muli siyang naupo sa kama, hindi maalis sa isip ni Clover ang likod ng lalaki. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng inis sa dahil sa matinding kuryusidad na nararamdaman. Ngunit ang kinaiinisan pa ng dalaga ay ang katotohanang limitado ang powers ng kagandahan niya. At pinatunayan iyon ng lalaking kapit-bahay niya.Natapos ang tatlong buwan ng bakasyon, sa tatlong buwan na 'yon ay maraming nangyari sa buhay ni Clover. Malungkot man ay nangingibabaw sa kaniya ang saya, dahil sa pangyayaring iyon ay mas naging mas malakas silang lahat. Hindi lang siya ang nakakuha ng leksyon, pati na rin ang ina niya, si Tashia pati na rin si Christian. Simula noong mangyari iyon ay naging maayos na ang ugali niya siya sa social media, hindi lang sa lalaki pero pati na rin sa mga babae. Kung may nga natutunan man siya iyon ay dapat gamitin ng maayos ang social media, hindi dahil sikat ka ay mawawala na ang respeto mo sa kapwa mong gumagamit din nito. Hindi iyong tungkol sa kung gaano ka ka-sikat, pero kung paano mo tratuhin ang kapwa mo kahit sa social media lang 'yan. Maaaring hindi ka man niya makita, pero kapay iyan sinabihan mo ng masasakit na salita, walang pinagka-iba iyan kapag sinabihan mo sa personal. Masasaktan at masasaktan ang taong sinabihan mo. Lahat ng tao ay nas
Isang araw, nagising nalang si Clover na wala na ang sakit sa puso niya. Siguro dahil tinanggap niya na ang lahat-lahat, iniisip niyang lahat ng nangyari sa kaniya ay may rason. Hindi man naging madali sa kaniya ang pagtanggap na hindi totoo ang taong minahal niya, pero sa huli ay nakaya rin naman ng puso niya.Alas syete ng gabi, oras ng pag-uwi ng ina. Gusto niya itong kausapin, gusto niyang maayos na lahat ng sa gano'n ay hindi na sila nag-iiwasan.Kinakabahan siyang umupo sa sofa, hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Abala siya sa pagiisip ng mga bagay na p'wede niyang sabihin pagkarating nito ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kaniyang ina na may bitbit na isang bag.Dumiretsyo lang ang lakad nito, alam niyang nagpapanggap lang itong hindi siya nakita."Ma? P'wede ba tayong mag-usap?" tanong niya.
Pagkamulat niya ay bumungad agad sa kaniya ang isang puting kisame, takot siya sa hospital kaya agad niyang iginaya ang paningin sa paligid. Nakahinga siya ng malalim ng malamang mali ang iniisip niya.Bigla na namang sumikip ang dibdib niya ng makita si Tashia at ang inang nakatayo sa gilid ng kamang hinihigaan niya."Mabuti naman at gising kana, anak," dali-daling lumapit ang kaniyang ina papunta sa kama."I'm sorry, hindi ko alam na aabot ito sa ganito. Patawarin mo ako, anak," nakita niya itong umiiyak."Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako! Bakit pati ikaw? Bakit ma?!" Hinawakan niya ang kaniyang ulo dahil sa tingin niya ay kahit anong oras ay mabibiyak na ito sa sobrang sakit."Hayaan mo akong mag-paliwanag, anak." Umiiyak na sabi ng ina.
Araw ng Linggo, naglilinis silang mag-ina. Natapos na nila ang sala kaya tumungo si Clover sa kaniyang kwarto para doon naman mag-linis. Kinuha niya ang dalawang airpods niya at sinalpak sa kaniyang tenga at pinatugtog ang "Alone, pt II" by Ava Max & Alan Walker.Una niyang niligpit kaniyang kama, saka sinunod ang kaniyang maliit na bookshelf na naroon sa study table niya. May laman ito ng mga pocketbooks na na-kolekta niya. Pakanta-kanta siyang pinapagpagan ang mga libro gamit ang feather duster ng bigla siyang may napansin naisang maliit na square na hindi pamilyar sa kaniya, kunot-noo niya itong kinuha.No'ng tinignan niya itong mabuti ay nakita niya na may bilog ito sa gitna at pinapalibutan pa ng anim na bilog. Chineck niya ito ang gilid ay may nakita siyang lagayan ng TF card at USB."Ano kaya ang bagay na 'to?" kunot-noo siyang bumaba habang hinahawakan ang maliit na baga
Hindi nagtagal ang lagnat kay Clover. Dalawang araw lang ay lumayas na agad ito sa katawan niya. Paano ba naman, tudo alaga si Tashia habang may sakit siya na para bang responsibilidad siya nito.Naupo siya sa sofa at nag-bukas ng Facebook. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi i-check ang account ni Percy, pero dismayado siya ng makitang naka-deactivate pa rin ito.Busy siya sa pag-scroll ng newsfeed niya ng mag-chat si Tashia.Tashia Lovill: Pasensiya na, hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo.Clover Clynn Delgado: Nitong mga araw, bakit ang drama mo? Hindi ka naman ganiyan ah?Tashia Lovill: Hindi na ba ako p'weding mag-drama? Ikaw lang may karapatan?Clover Clynn Delgado: Wala naman akong sinabi.Tashia Lovill: Iyon naman pala e.Clover Clynn Delgado: Maraming salamat pala sa pag-aalaga sa 'kin.&n
Habang tumatagal, parang nasasanay na si Clover. Pero iyong sakit, hindi pa rin nagbabago. Nanatili pa rin ito sa puso niya. Masanay man siya, iyong pag-asa hindi pa rin nawawala sa kaniya. Kaya araw-araw niyang china-chat si Percy kahit alam niyang matutulog at magigising siyang walang reply galing dito.Clover Clynn Delgado: Baby, kamusta kana? 8 days ka ng hindi online. Anong balita sa 'yo?Clover Clynn Delgado: Sobrang miss na miss na kita. Huhu!Clover Clynn Delgado: Paramdam ka naman oh.Clover Clynn Dlgado: Pa'no na kita sasagutin niyan kung hindi ka nagpapa-ramdam?|seen 09:52|Clover Clynn Delgado: Totoo ba 'tong nakikita? Online ka?Clover Clynn Delgado: Online ka nga! Uwooo, baby! Sobrang na-miss kita.|Percy is typing|Percy Wilson: Nag-online ako para magpa-alam. I'm leaving this account, goodbye.
Ang dating good-morning chats na galing kay Percy ay wala na. Wala ng natatanggap si Clover, naging inactive na rin ito sa social media. Kung gaano kabilis nabuo 'yong feelings niya para rito ay ganoon rin kabilis nawala 'yong kung ano mang meron sa kanila.Kahit ganoon ay patuloy pa rin ang pag-chat niya rito, nagba-bakasakaling makakatanggap siya muli ng chat mula kay Percy. Pero tila ba habang lumilipas ang araw ay nagiging malabo na 'yon na siyang rason kung bakit lalo lang siyang nasasaktan.Clover Clynn Delgado: Hi baby! Kamusta kana?|Clover is typing...|Clover Clynn Delgado: Sobrang miss na kita.|Clover is typing...|Clover Clynn Delgado: Nasa banyo ka na naman nu? Hahaha!|Clover is typing...|
Alas nuwebe ng gabi ng muling mag-online si Percy. Gustong-gusto niya na itong tanungin. Kailangan niyang malinawan, dahil hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan kung bakit nagkaka-ganoon si Percy ay mas lalo lang siyang nasasaktan. Clover Clynn Delgado: Percy? Percy Wilson: Yes? Clover Clynn Delgado: May problema ba tayo? Percy Wilson: Huh? What do you mean? Clover Clynn Delgado: Bakit ganito ka? Percy Wilson: Hindi kita maintindihan. Clover Clynn Delgado: Hindi rin kita maintindihan. |Clover is typing...| Clover Clynn Delgado: Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ka. Hindi ko alam kung bakit nitong mga araw ang ikli ng replies mo. Sa totoo lang, kaya ko namang intindihin 'yon e! Pero 'yo
Tulala si Clover habang nakatingin sa bintana ng kaniyang kwarto. Gustong-gusto niya ng sagutin si Percy pero ayaw niyang isipin nito na easy-to-get siyang babae. "Aish! Sasagutin ko na ba o hindi?" tanong niya sa sarili. "Hindi ka sasagutin niyang bintana," salita ng tao sa likuran niya. Napabalikwas siya ng makita si Tashia na pasimpleng nakaupo sa kama niya. "Gusto mo bang mamatay ako sa takot?!" bulyaw niya. "Kung pwede lang sanang pumatay ng tao gamit ang pananakot, marami na akong napatay, isa ka na do'n," sabi nito habang nakatitig sa kaniyang kuku sa kamay na may kulay pula. "Ba't ba ang harsh mo?" Pumunta siya sa harap nito at nagpamewang."Hindi harsh ang tawag diyan," sagot nito. "Aish! Bakit ka ba nandito?" inis na umupo siya sa tabi nito."Umalis si mama, bored ako," wika nito.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments