Share

CHAPTER 3

Penulis: BM_BLACK301
last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-01 09:33:20

AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito sana'y hanggang sa dulo ay nandiyan kayo. Love you all guys! 😘

-------------

Gutom na gutom ako pagtapos ng klase dahil sa kakahanap sa unang subject ko at room. Nakakahiya pa ang nangyari kanina dahil nagkamali ako ng pinuntahan. Napabuntong hininga ako habang kinakain ang sundwich na ginagawa ni mama para sana almusal ko pero binaon ko na lang dahil gusto kong pumasok ng maaga.

Naubos ko na ang pagkain ko at uminom na ako ng tubig na binili ko lang dito dahil sa nakalimutan ko magdala. Kinuha ko ang libro ko sa mga pagluluto dahil paborito ko talaga ito basahin para dagdag kaalaman sa pagluluto. Pangarap ko kasi maging magaling na chef kahit na hindi sa buong mundo.

Napangiti ako sa naisip ko kaya HRM ang kurso ko at major ko 'ay foodtech. Tahimik na nagbabasa ako ng mapansin ko sa gilid ng mata ko ang paparating na grupo. Lihim na tiningnan ko sila, dalawang babae na magaganda talaga. Yung isa ay nakakapit doon sa lalaki, natigil ang mata ko doon sa lalaki na seryoso ang mukha nito, sided ang buhok nito at ang cool ng dating niya. Higit sa lahat 'ay napakagawapo niya.

May dalawa pa silang kasama na lalaki na mga gwapo rin at mukhang may lahi 'yung isa. Pero yung lalaki na nasa gitna ang umagaw talaga sa atensyon ko. Palapit na sila banda sa akin at naupo nga sila dito malapit sa akin, medyo inangat ko ng konti ang libro na hawak ko para itago ang mukha ko, dahil sa itsura pa lang nila mukhang mayayaman sila kaya nakakailang silang tingnan.

Tahimik na nakikiramdam ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin at ayoko namang hanapin kung sino 'yon.

"A transferee."

Dahan-dahan na binaba ko ang libro na hawak ko dahil sa boses na narinig ko. Isang lalaki na nakaupo sa tapat ko, gwapo siya at maputi medyo singkit ang mata. May dalawa itong katabi na lalaki rin na parehong may itsura, nagtataka man ako dahil nandito sila dahil hindi ko naman sila kilala. Napatingin ako sa gilid ko at nagsalubong ang mata namin no'ng lalaki na nakita ko kanina kasama ang mga kaibigan nito.

Binaba ko libro nilapag ko sa lamesa at tinignan ang seryosong mukha ng lalaki, napansin ko na nakatingin siya sa id ko at mayamaya'y lang 'ay hinawakan nito kaya tinabig ko ang kamay niya dahil sa gulat ko. Salubong ang kilay na tiningnan niya ako ng masama.

"So, HRM. Major foodtech, masarap ka bang magluto?" Nakakalokong wika nitong lalaki at mahinang natawa ang dalawang kasama nito.

Hindi ako sumasagot inangat ko ulit ang libro ko at binalewala sila, binaba niya gamit ang isang daliri niya ang libro ko. Muli 'ay inangat ko ito at nanatiling tahimik pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa dahil binuhos niya ang tubig ko dito sa ibabaw ng libro ko.

"Don't ignore me."

"Bakit binuhusan mo ng tubig ang libro ko? Hindi mo ba alam kung anong hirap ang ginawa ko para mabili ang libro na 'yan!?" Galit na wika ko dahil wala naman akong ginagawa pero ito ang ginawa niya.

Napatayo itong lalaki at namulsa sa harap ko, napansin ko na napapatingin ang mga studyante dito banda sa amin at may kaniya-kaniya silang mga hawak na cellphone.

"Wala akong pakialam kung anong ginawa mo para sa walang kuwentang libro na 'yan."

Napaangat ang balikat ko dahil sa sinabi niya dahil napakasiraulo niya lang talaga. Akmang babatuhin ko siya ng bote ng mineral dahil sa inis ko pero natigilan ako dahil may humawak sa kamay ko at nagulat ako kung sino ito.

"Don't do it."

Napatitig lang ako sa magandang mata niya na seryoso sa pagkakasabi, kinuha nito ang libro ko na halos punit na dahil sobrang basa.

"Palitan mo 'to."

Tulala ako at hindi makapaniwala sa ginawa nitong lalaki doon sa mayabang na lalaki. Malakas na dinikit nito sa dibdib ng singkit na lalaki ang libro ko na basang-basa, nakita ko sa mukha ng mayabang na lalaki ang galit dahil sa ginawa nitong isa.

"Feeling hero, Gabriel? Huwag mo nga ako patawanin. Huwag mo rin ako utusan na palitan ko 'yan." Mayabang na sagot nito.

Nahulog na sahig ang libro ko at napatingin na lang ako doon, sinipa naman ng mayabang ang libro ko kaya mas lalo itong nasira. Tumalikod na ang singkit na lalaki at mayabang na umalis.

Napakayabang buwesit! Sinira pa yung libro ko ilang buwan ko kaya yon pinagipunan.

"Next time huwag kang gagawa na ng isang bagay na pagsisihan mo."

Napatingin ako dito sa lalaki at naalala ko ang tinawag sa kanya nang mayabang na lalaki na 'yon. Gabriel.

"S-Salamat." Tanging na wika ko at tumingin siya sa akin at napansin ko na may humawak sa kamay niya 'yung babae na maganda.

"Gab, bakit nakialam ka pa? Hindi ka naman nakikialam sa mga ginagawa ni, Jacob. I'm sure pag-iinitan ka niya."

Narinig ko na wika ng babae na nakahawak sa braso niya, napansin ko na tinignan ako mula ulo hanggang paa nito babae. Kasunod 'ay inakay na nitong lalaki ang babae. Naiwan akong nakatayo dito habang nakasunod ang tingin ko sa papalayong grupo. Dinampot ko ang libro ko kahit ganito na ang itsura, binuklat ko ang mga basang page at hinayaan ko lang na bukas ito. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nangyari.

------------

"Gab, sandali nga hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit nakialam ka pa kanina doon?"

Nakapikit ang mata ko habang nakasandal dito sa sopa kung saan 'ay nandito kami sa pribadong silid na pinagawa ko para kung gusto ko magpahinga. Kasama dito ang dalawang kaibigan ko at si Trixie.

"Dude, malamang babalikan ka ni Jacob. You know him."

Napadilat ako dahil sa sinabi ni Arthur at katabi nito si Akihiro na busy sa hawak na phone.

"Wala akong pakialam sa kanya." Walang ganang sagot ko at umayos ako ng upo.

"Bakit kasi nakialam ka pa hinayaan mo na lang sana kung ano ang gawin ng Jacob na 'yon sa babae."

Napatingin naman ako kay Trixie na galit ang itsura nito.

"Mukhang may naamoy akong selos dito." Natatawang wika ni Arthur at tinapik si Akihiro. "Dude, labas muna tayo mukhang seryosohan ang usapan  dito." Nakangiting sinulyapan ni Arthur si Trixie.

"Mali kayo ng iinisip." Nakasimangot na sagot ni, Trixie.

Lumabas na ang dalawa at naiwan kami dito.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo ipagluto kita?"

Tulala lang akong nakatingin sa pader at parang tagos-tagusan ang pagkakatingin ko sa pader.

"Gabriel!"

Napalingon ako bigla kay Trixie dahil sa malakas na boses nito.

"What?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Nakakainis ka na kanina pa ganyan, dahil ba ito sa babae na 'yon?"

"What? Ano bang sinasabi mo? Nagseselos ka ba?" Seryosong tanong ko at napatayo siya bigla at sinabayan ng labas. "Problema no'n?" Mahinang sambit ko at napailing ako.

Muli akong napasandal at naalala ang babae kanina, pangalawang beses ko na siyang nakita ngayon.

What the fuck Gabriel! Bakit mo iiniisip ang babae na 'yon may girlfriend ka na.

Napatayo ako bigla at hahanapin ko si Trixie kailangan ko humingi ng tawad sa kanya. Mabilis na lumabas ako at nagmamadali ang bawat hakbang ko, kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ito pero nabitawan ko ito dahil sa may nabagga ako at sa sobrang lakas ng impact namin ay naumpog sa pader 'yung nabunggo ko.

Gulat ako ng makita yung babae kanina at hawak nito ang gilid ng noo na may dugo.

"I-Im sorry, i'm sorry." Natatarantang sabi ko at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.

"O-Ok lang, sugat lang naman 'to." Sagot lang nito na nakangiwi at naglakad na.

Hindi ko alam kung bakit pero kusang gumalaw ang kamay ko at hinatak siya.

"No, kailangan natin 'yang gamutin." Wika ko at hinatak ko siya at dinala doon sa place ko.

"S-Sandali, huwag na ok lang ako. Saan mo ba ako dadalhin?"

Hindi ako sumagot nagpatuloy lang kami naglakad, hanggang sa makarating na kami sa may pinto at tinapat ko lang ang card ko at kusa na itong bumukas.

"A-Anong gagawin natin dito at kanino ba 'to?"

"This is mine, don't worry." Sagot ko at pinaupo ko siya, kinuha ko ang first aid kit ko para gamutin ang sugat niya.

"Hindi mo na sana ito ginagawa ayos lang naman ako."

Natigilan ako habang nagsasalita siya at nakatitig lang ako sa mukha niya lalo na sa mga mata niya at sa labi niya na natural lang na walang bahid na lipstick.

"Kailangan gamutin ito baka ma-infection." Sagot ko at inalis ko na ang pagkakatitig sa mukha niya.

"Sa-Salamat, ang ganda naman dito at talagang masasabi ko na mayaman ka dahil may ganito ka sa loob ng school na ito."

Muli akong napatingin sa kanya at lalo na nakangiti siya, lumabas ang maliit pero pantay-pantay na ngipin nito na maputi.

"It's my fault kaya kailangan ko itong gawin, i'm sorry nagmamadali kasi ako hinahabol ko ang girlfriend ko." Natigilan ako dahil sa sinabi ko.

"Girlfriend mo pala siya, bagay kayo ang ganda niya at ang gwapo mo." Nakangiting sabi nito.

Hindi ako kumikibo at medyo nalanghap ko ang mabangong hininga nito ng mapalapit pa ako ng husto dahil nililinisan ko ang sugat niya.

Shit!

Mura ko sa isipan ko dahil sa mga nasa isipan ko, tinuloy ko na ang ginagawa ko hanggang sa matapos ko na ito. Habang nakaupo dito sa lamesa sa harap niya 'ay napansin ko ang libro sa shoulder bag niya 'yung kanina na hawak niya sa cafeteria.

"Bakit dala mo pa ito? Tinapon mo na sana." Wika ko at kinuha ko ang libro pinatong ko sa lamesa.

"Huwag!"

Wika niya at inaabot niya ang libro pero tinatago ko ito sa likod ko at kasabay ng pagbukas ng pinto, halos magdikit na ang katawan namin nitong babae at yon ang naabutan ni Trixie pagbukas ng pinto.

"So, dinala mo pa talaga ang babae na 'yan dito!"

Napatayo ako bigla dahil sa galit na pagkakasabi nito at sabay talikod, napatayo ako.

"Babalik ako." Wika ko dito at mabilis na lumabas na ako ng pinto para sundan si, Trixie. Nakita ko naman siya na naglalakad. Mabilis na hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko na siya.

"Trixie, wait." Sabi ko at hinawakan siya sa kamay at hinarap sa akin, nakita ko na namumula ang mata niya.

"You hurting me, Gab." Naiiyak na sabi nito.

Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

"I'm sorry." Tanging nasambit ko.

"Ngayon ka lang nagdala ng ibang tao doon at babae pa, ako lang babae na dinala mo doon Gab. Because i'm your girlfriend." Pigil ang luhang wika nito. "This is your phone." Malakas na hampas nito sa dibdib ko.

Bumagsak ang cellphone ko sa semento at sinundan ko ng tanaw ang papalayong si Trixie. Napayuko at hindi ko alam kung ano ba itong nagawa ko. Alam ko ang ibig sabihin niya dahil sabi ko noon hindi ako magdadala ng ibang babae doon kung hindi siya lang.

Ano bang itong ginagaw mo Gabriel Alarcon? Bakit sinasaktan mo ang babae na mahal mo?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β Chapter 21

    Ayoko mang isipin pero nalulungkot ako na hindi ko nakita si Jenny, tahimik na nakaupo habang tahimik rin si mama sa tabi ko. Naalala ko naman bigla ang number ni Jenny, agad na kinuntak ko ang number niya. Napalingon si mama sa akin."Naiwan ni Jenny ang cellphone niya."Nanghihinang binaba ko ang phone ko at napatingin ako sa labas ng bintana. Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa kamay ko."Alam kong tulad mo 'ay nag-aalala rin ako kay Jenny, para ko na rin siyang anak. Pitong taon pa lang si Jenny ng mapunta siya sa akin."Nakatingin ako kay mama at tahimik na nakikinig sa kanya."Si Jenny ang naging dahilan kung bakit kahit paano napawi ang pangungulila ko sa'yo anak. Kaya hindi rin ako mapalagay na hindi ko alam kung nasaan na siya."Inakbayan ko si mama at nilapit ng husto sa akin, damang-dama ko ang pagmamahal niya kay Jenny."Kanino ba tayo maaaring magtanong para mahanap natin siya?"

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β Chapter 20

    AN: Pasensya na po at natagalan ang pag-update. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga sumusuporta sa akin. Love you all guys! ❀---------Masaya ako habang pabalik na ng mansiyon sakay ng kotse ni papa. Pinilit ko na ilabas na ako ngayon mismo sa hospital dahil naiinip na ako at gusto ko ng makita si mama ngayon pati na si, Jenny."Sigurado ka ba Gabriel maayos na ang pakiramdam mo?"Napalingon ako kay papa at nakangiting tumango."Huwag na sana ulit 'yon gagawin." Seryoso na wika ni papa."Oo pa, pasensiya na." Sagot ko at muling natahimik na kami ni papa habang tinatahak niya ang daan papunta kung saan nakatira si mama at Jenny.Paghinto pa lang ng kotse ay agad na bumaba na ako at halos takbuhin ko ang daanan upang makarating agad sa bahay nila. Naabutan ko na bukas ang pinto kaya pumasok na agad ako,

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 19

    AN: Pasensya na po at natagalan may mga inaasikaso po ako for personal reason. Sana'y maunawaan niyo ako, ngunit salamat sa mga naghihintay pa rin. -----------"Madam, nakausap ko na po ang taong pinahahanap niyo at tinapalan ko na siya ng pera para gawin ang pinagagawa ko. Tinanggap naman agad ng babae."Napangiti ako dahil sa sinabi ng inutusan ko at talaga namang hindi na ako makapaghintay."Bueno, ito ang bayad mo. Siguraduhin mo na walang bulilyaso 'yan kung hindi malilintikan ka sa akin." Nakataas ang kilay na wika ko sa kanya."Oo naman madam, sige ho salamat at tawagan niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo." Sabi nito at tuluyan ng lumabas.Ngayon mapaghihiwalay ko na kayo Gabriel at Jenny. Isusunod ko ang Carmela na 'yan dahil alam kong sa mga oras na ito alam na ni Gabriel na ang tunay na mama niya 'ay si Car

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 18

    AN: Isang malamig na panahon sa ating lahat. Sa inyo rin ba malamig? Pati tubig? Yung tipong kailangan mo mag-init ng tubig? πŸ˜‚ Good day guys! Miss you all! 😘-------------Paikot-ikot ako dito sa labas ng emergency room at hindi ko alam kung tatayo ba ako o uupo dahil sa sobrang pag-aalala sa anak.GabrielNapapikit ako ng mariin at sinubukan na huminahon. Matapos umalis nila Gabriel kasama ang mga kaibigan niya sa mansyon hindi ko inaasahan ang biglang pagtawag ni Gerson ang inaanak ko sa nangyari sa anak ko. Tahimik na nakayuko ako habang ang cellphone ng tumunog ito. Pangalan ni mama ang nasa screen, sinagot ko ito ngunit hindi ako nagsalita."Greg, nasaan na ang apo. Ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin madali ka.""This is what you want ma? Ang mangyari ito sa kaisa-isa mo na apo? Alam ko may pagkululang rin ako s

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 17

    AN: Pasensya na po na busy si author. Merry christmas pala and happy new year na rin po sa inyong lahat. Keep safe everytime. πŸ‘ŒπŸ˜˜-----------"Sa tingin mo ba iyang ginagawa mo ay pagbibigyan kita sa gusto mo? Never, Gabriel. Kung gusto mo mamatay sa gutom then die, huwag mo ako takutin.""Ayos lang sa inyo na mamatay ako sa ganitong paraan?" May pagdaramdam na sagot ko sa kanya at bahagyang natigilan siya.Tatlong araw na akong hindi kumakain at kahit gutom na gutom na ako hindi ko kinain ang mga pagkain na dinadala sa akin. Dahil hindi ko maunawaan kung bakit ginagawa ito sa akin ng sarili kong lola na halos naging ina sa akin sa maraming taon."You know what? I don't understand you. I love Jenny, what is the reason that you hate her? Wala siyang ginagawang masama." Sagot ko pa at tumayo siya mula sa pagkakaupo dito sa higaan ko.

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 16

    AN: Here's my another update enjoy reading guys kahit naiinis kayo sa eksena na ito.-----------Tulala ako at hindi makagalaw tinanggal niya na rin ang maskara niya at umingay lalo dito. Hindi ako nagkamali na siya si, Trixie."This hairbond, is fake!"Nanlaki ang mata ko ng hablutin niya ang suot ko na hairband kaya lumaylay ang ilang hibla ng buhok ko. Pigil ang luha ko dahil ayokong umiyak sa harapan nilang lahat."Oh my gosh! Is it really you, Jenny. Napakaambisyosa mo talaga, inagaw mo na nga sa kanya si Gabriel pati ba naman ang gown ni, Trixie? My god!"Napailing ako sa sinabi ng kaibigan ni Trixie sa akin, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko alam kung paano. At hindi ko na napigilan pa ang mga sumunod na ginawa ni Trixie, pinaghahablot niya ang mga design sa suot ko."This!? Huh! All of th

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 15

    AN: So, pasensya na mahabang paghihintay po. 😘 sanay nakakapaghintay pa rin kayo at salamat po sa inyong lahat. ----------"Oh, anak. Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo diyan?"Napalingon ako kay mama na umupo sa tabi ko, nakaupo kasi ako dito sa may kusina at nakapangalumbaba habang hawak ang inbetasyon para sa magaganap na masquerade party."Ano ba 'yang hawak mo at para kang problemado diyan?" Nakangiting sabi pa ni mama dahil hindi ako nagsasalita."Ma, kailangan ba talaga pumunta ako sa ganito?" Malungkot na tanong ko kay mama at pinakita sa kanya ang imbetasyon."Ano ba ito? Aa... Party pala ito sa school niyo, bakit hindi ka pumunta? Magandang maranasan mo ang ganyan dahil kasama sa ating buhay." Nakangiting sabi ni mama."Pero ma kasi, basta parang kasi hindi ako bagay sa mga ganon at para bang hi

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 14

    AN: Salamat po pala sa mga nag-aabang sa story na ito at sa mga comments niyo. Love you all guys! 😘------------Habang nakahiga hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko dahil para sa akin ito ang pinakamasayang birthday na nangyari. Nakangiti lang ako habang yakap ang maliit na unan at nakatingin sa kisame."Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga pasok mo bukas, sandali bakit parang ang saya mo ata?" Mapanuksong sabi ni mama Carmela na hinawi ng kaunti ang kurtina na nagsisilbing takip dito sa pinto ko sa kuwarto.Napabangon ako at hiyang-hiya dahil sa nakita ni mama na nakangiti ako na parang timang."Hindi lang po ako makatulog agad, kasi..." Bitin ko sa sasabihin ko dahil hindi ko rin alam kung dahil saan at hindi pa ako makatulog."Si, Gabriel ba?"Namilog ang mata ko at paiwas na yumuko ako dahil naginit ang m

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 13

    AN: Pasensya na po sa matagal na paghihintay, dahil na rin sa tao na 'yon nakapag-update ako. Salamat po alam mo kung sino ka. 😘 Ginawa ko na po dalawa update ko. -----------Tahimik na nakaupo ako dito sa loob ng kusina habang nakasilip si Jocelyn sa labas doon sa mga bisita ni Jenny."Napakagwapo na bata noh? Ang tangkad pa, bagay na bagay sila ni Jenny."Natigilan naman si Jocelyn ng makita ako na tahimik lang dahil malalim talaga ang iniisip ko ngayon. Simula marinig ko ang pangalan na Gabriel may kung ano akong naramdaman, lalo na ng masilayan ko ang mukha nito. Pakiramdam ko muli kong nakita ang kabataan ni Gregory kay Gabriel."Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko, pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sinasabi ng puso't isipan ko siya 'yon." Mangiyak-ngiyak na sabi ko na pinagtaka ni, Jocelyn."Anong sinasabi mo?"

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status