Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)

Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2)

By:  realisla  Completed
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
28Chapters
757views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Katherine Azuretha Garcia is not your typical high school student. Naniniwala siya na kung sino pa ang mga taong minamahal mo, siya rin ang sasakit sa iyo nang sobra. She proves that by what her parents and ex-boyfriend did to her. They betrayed her. They broke the trust she gave in. Naniniwala siya na lahat ng lalaki ay manloloko. She's right. Her ex-boyfriend was a playboy indeed. Pinagpustahan siya. Ginawang flavor of the month. Niloko siya nang harap-harapan. After what she witnessed, magtitiwala pa ba siya sa mga lalaki? No. But not until this half-Japanese, half-Filipino arrogant rushed into her life. Ginulo nito ang paniniwala at maging ang buhay niya. Siya na ba iyong lalaking makakatanggap ng sikretong matagal niya ng itinatago? Pero... paano kung coincidence lang pala ang lahat na pagkakatagpo nila? Na hindi siya iyong taong nakalaan para sa kanya? Because there are so many reasons why they can't be together. -

View More
Why Can’t It Be (Book 1 and Book 2) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
28 Chapters

BEGINNING

LAST DAY for this school year. Halos marami ang masaya at nagdiriwang nang magsipaglabasan ng room ang mga kaklase ko kanina. Tapos na kasi ang exams at ang kalbaryo namin sa pagiging Grade 9 student at simula bukas ay bakasyon na. May kaniya-kaniyang plano na rin ang lahat kaya’t excited na sila para sa summer ng taon na ito—maliban sa akin. Mula sa kinauupuan kong bleacher sa school ground ay pinapanood ko ang paglapit ng isang babae kay Justine. Joan Dela Cruz. Maganda. Sexy. At sikat sa buong school. Higit doon ay model din siya ng isang sikat na clothing brand sa isla. Kaya’y ang ganda niyang magdala ng damit. Kahit sa simpleng button-down white blouse at below-the-knee dark navy blue skirts na school uniform ng SAVS ay takaw-pansin siya. Kung gaano katipid ang pagsayaw ng dahon sa mga puno sa paligid nang umihip ang mabining hangin ay ganoon din kahinhin ang mga kilos niya. Justine glanced at her direction. Umukit ang mapait na ngisi sa aking labi. Alam kong interesado siya—n
Read more

CHAPTER 1

MALAKAS AT MABILIS ang pagkalabog ng puso ko. Nangangatog din ang mga tuhod kong humarap sa tatlong judges. Siguro ay dahil na rin sa sobrang mataas ang takong ng sandals ko. O hindi naman kaya’y dahil sa matinding kabang nararamdaman ko ngayon. Lalo na’t dalawa sa kanila ay mga kilalang batikan na beauty-queen ng probinsiya at ang isa naman ay ang gay organizer ng pageant. Pilit ang ngiting umukit sa labi ko. Tumindig din ako nang diretso. “T-this is Katherine Azuretha Garcia… Fourteen years old… Mula sa bayan ng S-San Andres…” Pangarap ko na ang pagsali sa mga ganitong contest bata pa lang ako. But because of my situation… lagi akong pinanghihinaan ng loob, nawawalan ng lakas at kumpiyansa sa sarili. Because I know… I know that I wasn’t belong in this kind of competition. Kung alam lang kasi nila—ng mga kaibigan ko. Hindi na sana nila ako pipilitin na sumali pa. Matalim na titig ang ipinukol sa akin ng tatlo. I swallowed the lump on my throat and smiled. “T-thank you,” sabi ko,
Read more

CHAPTER 2

UNANG ARAW ng pasukan, mag-isa akong naglalakad sa hallway. Nauna na kasi si Yiel dahil may gagawin pa raw siya sa library. At ngayon, pinapalabas ko sa kabilang tainga ang mga bulung-bulungan ng mga estudyanteng nagkalat sa aking daraanan. “I told you… Maghihiwalay din sila!” “Kaya nga!” “Cassandra is better than her!” “Korak!” Saglit akong napapikit at napakagat sa pang-ibabang labi. Hindi man nila banggitin ang pangalan ko, alam kong ako iyong pinag-uusapan nila. After that incident, I’d heard that Justine dated Cassandra during our summer vacation. Kalat iyon sa buong online group page ng school. Iyon din ang dahilan kung bakit nag-deactivate ako ng accounts nitong bakasyon. Samu’t saring pangba-bash kasi ang nababasa ko sa timeline at messages ng social media accounts ko. Hindi ko na iyon sinabi kina Yiel at Joan. Kasi alam kong magiging OA na naman ang dalawang iyon. Baka isa-isahin pa nila iyong mga nagpo-post, nagko-comment at nagme-message sa akin at bigyan ng death thr
Read more

CHAPTER 3

NANLAKI ANG mga mata ko’t dahan-dahan na yumuko. Iyong matangkad na lalaking pumasok sa classroom kasi, siya rin iyong nasa rooftop! Pakshet. “Konnichiwa!” bati niya sa maligalig na paraan. “I am Renzo Yluj Delos Santos, from Japan Academy. You can call me ‘Yluj’, my classmates. I hope you all be good to me. Arigatou!” Iyong boses niya, ang yabang! ‘Tapos itong mga kaklase kong mga babae, kung makatili at hagikhikan, akala mo naman artista itong ungas na ito! Tsk! Deserve niya talaga iyong sapak ko kahapon! “Miss Garcia?” ‘Tapos ano raw iyon? Konchenta? Arigoto? Iyong lugaw? Saan lupalop ba galing ang isang ‘to? Tsk! Sinasakop na yata tayo ng mga alien. Grrr. “Miss Garcia?” Oo, guwapo siya. Singkit ang mga mata. Maputi. Ang lakas ng dating ng messy hair niya. Pero sa white polo shirt at black slacks na hapit sa katawan niya, nagmukha siyang seksing butiki sa mga mata ko sa sobrang payat niya! Tahimik akong natawa’t marahan na napatangu-tango nang maisip iyon. “Yes, m
Read more

CHAPTER 4

LUMAKAS ang pagkalabog ng puso ko. At salubong ang mga kilay akong nag-angat ng tingin sa lalaking nakatitig sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang lahat. Kapal ng mukhang nagawa pang ngisian niya ako’t magpa-cute! Tsk!“B-Bakit daw, Marie?” sabay tayo ko’t tingin sa kaniya saka balik ulit kay Yluj.Marie shrugged her shoulder and sighed as she moved her eyeglasses a bit. “Hindi ko alam, eh. Basta pumunta na raw kayo ni Delos Santos ngayon sa faculty.”“Hai! Arigatou Gozaimasu, Marie.” Bahagyang yumuko si Yluj sa kaniya bago ako binalingan at hinigit ang palapulsuhan ko palabas ng classroom. “Let’s go, Imouto!”“Eh, ikaw kasi! Bakit mo ba kasi binugbog si Justine, ha?” tanong ko nang nasa hallway na kami.Nanlaki ang singkit na mga matang itinuro ni Yluj ang kaniyang sarili, nagmamaang-maangan. “Ako? Why me, Imouto?”Sigurado ako na dahil nga sa ginawa ni Yluj kay Justine kaya ngayon, pinapatawag kami sa Facul---ty? Hala. Bakit nga ba sa faculty? Dapat sa Guidance office kami
Read more

CHAPTER 5

"STOP IT, Marky.” Napadilat ako nang makilala ang boses na iyon. Pero agad din na napakurap dahil sa sobrang lapit na ng kamay ni Mark sa mukha ko. As in inch na lang talaga, dadapo na ang palad niya sa pisngi ko. Nabitin lang dahil sa pagpigil ng babae. Naningkit ang galit na mga mata ni Mark na bumaling sa kaniya, hindi makapaniwala. “Sigurado ka, Cassy? Sa pagkakaalam ko, malaki ang atraso nitong babaeng ‘to sa ‘yo, ‘di ba?” You heard him right. Si Cassandra iyong pumigil sa kaniya. Siyempre, nasa likuran niya iyong mga alipores niyang nagtataka rin sa ginawa ng reyna nila. Bakit nga ba ginawa iyon ni Cassandra? Eh, ang laki ng galit kaya niya sa akin, lalo na nang umalis si Justine at nag-transfer sa ibang bansa. Wala rin naman kasi akong balita kay Justine hanggang ngayon. Ang tanging alam ko lang ay buong pamilya nila ang nag-migrate sa Canada. Hindi ko na rin naitanong kina Kuya Cusp at Kuya Kiel, mga kapatid ni Justine, ang dahilan ng paglipat nila. Pero sigurado ako na
Read more

CHAPTER 6

ISANG LINGGO rin akong nanatili sa ospital. Mabuti na lang at bumuti agad iyong pakiramdam ko dahil kung hindi, ikakamatay ko na talaga ang sobrang pagkabagot. Isang beses lang dumalaw sina Joan at Yiel, siyempre ay school days. Busy rin sa pag-aaral, ‘no! Yiel is a consistent honor student. Samantalang si Joan, magba-valedictorian yata dahil sa sobrang talino. Well, hindi ko nga naman sila masisisi. Ano bang alam ko sa aral-aral na iyan? Kuntento na ako sa stock knowledge na mayroon ako. At least, kahit papaano ay hindi rin ako bumababa sa pagiging Top Ten. Consistent yata iyon simula nang matapos ako sa pagiging home-schooled. Hindi rin ako iniwan ni Mama at hinayaan mag-isa sa ospital. But I didn’t need her. Mas okay nga na nasa bahay na lang siya habang nasa trabaho si Papa. At si Kuya naman ay nasa school. Wala kayang mag-aasikaso sa mga iyon. Knowing Kuya Chris and Papa, parehong walang talento sa pagluluto. Well, kahit ako rin naman. Okay lang akong mag-isa. Sanay naman na
Read more

Chapter 7

HINDI KO alam kung anong ginagawa ko sa lugar na ito. I know I don’t deserve to be here. Pero kasi, pag-attendance is a must ay dapat naroon ka. Dahil kung hindi, absent ka sa lahat ng subject sa buong araw na iyon kahit pumasok ka pa.“Are you okay, Imouto?” Umikot ang mga mata kong napasulyap kay Yluj. Ayun na naman iyong alien niyang endearment. Ilang beses ko na bang sinabi na itigil na niya ang pagtawag sa akin ng ganoon? Tss!Nasa isang gilid kami ng stage, malayo sa iba pang kasali sa pageant. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na kung anong magiging resulta. And to be honest, ako lang iyong hindi karapat-dapat na mapasali roon.Kumbaga, unang tingin pa lang sa mga kalahok ay ako iyong kulilat. Nasa huli at walang kakayahang humabol sa ibang candidates. Iyon ako.“Kinakabahan ka ba, Imouto?” This time, napapikit na talaga ako nang mariin at huminga nang malalim. Ayoko sanang magpadala ulit sa galit para sa lalaking ito at baka makagawa na naman ako ng eksena, kaso ang daldal niy
Read more

Chapter 8

“OO NAMAN. Maupo ka,” sabi ko. Naupo si Julene sa tabi ni Yluj at napansin ko agad ang biglang pagtamlay ng aking katabi. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanilang dalawa, pero pakiramdam ko ay magkakilala sila at itong seksing palakang ito ay in denial lang. Biglang um-awkward ang mesa namin. Mabuti na lang ay tumayo si Yiel at natatawang naglahad ng kamay sa kay Julene kaya naagaw niya ang buong pansin naming lahat. “Hi! I’m Yiel. Ikaw? Anong pangalan mo?” Tiningnan lang ni Julene ang kamay ni Yiel, na parang tulad ng ginawa kahapon ni Yluj sa kaniya. Nagtagal iyon kaya tumikhim ako at ipinakilala na lang siya. “By the way, siya si Julene. Julene Reyes ng Grade Seven, Amethyst.” Ngumiti ako sabay sulyap sa bagong kakilala na may pilit na ngisi sa labi. “Representative siya ng lower year sa darating na pageant.” “Ah,” si Joan sabay tango at simsim sa orange juice niya. “Grade seven siya? Bakit parang kaedad niyo lang, Kath?” Nahihiyang humalakhak si Julene. “Eh kasi, Ate, r
Read more

Chapter 9

UMUWI AKO nang mag-isa na bagsak ang mga balikat. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa mga nakita at narinig ko Yluj at Julene. Alam ko na may special nga sa turingan nilang dalawa… noon. Pero ngayon, ramdam ko iyong sakit na dinadala ni Yluj sa pagsigaw niya kay Julene. But Julene seems didn’t care at all. “Baby, kakauwi mo pa lang?” Naabutan ko si Mama sa salas, nanonood ng drama. Hindi ko siya sinagot, diretso lamang ang lakad paakyat ng hagdan. Wala talaga ako sa mood para makipag-usap. Ang gusto ko lang ay ang magpahinga na. Itulog kung anuman ang nararamdaman ko. Baka dahil sa sobrang pagbibigay ko ng meaning sa mga ginawa ni Yluj, akala ko ay apektado na rin ako sa kung anong nararamdaman niya. Na hindi naman dapat dahil isa siyang seksing butiki—scratch that! What I mean is pesting butiki pala! Dapat mainis ako sa kaniya kasi nang dahil sa kaniya, napahiya na naman ako. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sana ako sa letcheng rehearsal na iyan. Hindi sana ako kasali sa pa
Read more
DMCA.com Protection Status