“Ano pa ba ang mga kailangan pang i-organize sa programa natin?” Tanong noon ni Salome habang ako'y abala sa paglilista ng mahahalagang napag-uusapan. Gagawan ko pa ito ng minutes of the meeting na ipapasa sa kanya at sa aming gurong tagapayo na si Bb. Ansel.
“Handa na ba ang mechanics?”
“Yes po”, nakangiting saad noon ni Lenina
“Okay, good to hear that,” nakahinga nang maluwag noon ni Salome. “How about the registration forms via G****e form? Meron na ba?”
“Yup!” Sagot ko noon bago ako uminom ng tubig.
Maglulunsad kami ng isang art contest para sa mga mag-aaral, mula sa iba't ibang kolehiyo, kalakip ang temang “A Brighter Future”.
“ A BRIGHTER FUTURE”
Ano para sa 'yo ang MAALIWALAS NA KINABUKASAN?
Katulad din ba ang iyong naiisip sa mga pananaw naming umaalab ang prinsipyong marangal? Prinsipyong iginuguhit pa lamang sa mga alapaap ay gumagalaw na ang aming mga paa tungo sa mabuhangin at mausok na kapalaran. Kapalarang maging palaban sa mga buktot na sistema ngunit hindi mawawala ang pagmamahal sa sarili, magulang at pamayanan.
Katulad din ba sa iba na naghahanagad ng maaliwalas kapalaran sa pamamagitan ng gintong kayamanan? Ngunit ang dangal ay natatapakan sa paulit-ulit na pag-uutos ng mga nasa itaas at makapangyarihang nilalang.
Katulad din ba kay Gng. Sebastian na handang lisanin ang liwanag ng kamera upang ituon ang mga oras sa pagtulong sa mga maralita? Ang kanyang mga anak ay nangangarap maging katulad ng kanyang pagpapakatao, pilit aalisin ang “tuldok” sa harap ng sistema at papalitan ng “kuwit” upang tumuloy ang agos ng batis ng maaliwalas na tadhana.
Napatingin ako kay Hugo na nananahimik sa isang tabi, hawak ang kanyang isa sa mga aklat ng kursong pinag-aaralan. Ramdam ko ang pagod ng kanyang isipan, malayo Ang kanyang iniisip at nakatingin sa malayo. Katabi niya noon si Salome na abala sa pagsasalita sa aming pagpupulong.
Nagsisimula nang maglista ang aming taga ingat-yaman ng mga gagastusin sa nasabing programa. Binukod niya ang estimated amount ng perang nakalaan sa mga kalahok na mananalo: tatlong libo, isang libo at limang daang piso. Ito sana ang magiging premyo, kalakip ang ipinangako naming art materials, T-square na tatak Steadler at iba’t ibang sukat ng sketch pad. Umaasa noon ang mga bumoto sa aming mga pangako. Pangakong programa na magbubukas ng bagong oportunidad na maipakita ang kanilang talento sa sining, sa kabila ng magkakaibang kursong pinag-aaralan.
Maaaring ang iba sa kanila'y biglaan ang pagpili ng kursong pinag-aaralan at ang sining ang una nilang minahal. Maaaring ang iba nama'y nagdadalawang-isip sa kursong pinagpipilian dahil dalawa o isang kurso lamang ang kwalipikado sa kanilang marka noong nagkaroon ng college entrance exam. Ang mga kurso'y tila ayon sa “basta maikumpleto sa requirement ang tatlong pipiliing kurso” sa pagpi-fill up ng registration form.
“Mavie”, tawag noon sa akin ni Salome habang abala pa rin ako sa aking bagong listahan.
“Yes?”
“Maibibigay mo ba kaya 'yong liham na SINULAT natin noong nakaraang linggo gamit ang G****e mail?” Ramdam ko ang pag-aalala o pag-aalinlangan sa kanyang wangis.
“A sige, susubukan ko. Sana mabasa niya”, magiging pangatlong ulit ito kapag nagkataon.
Ito ay dahil hindi sinusuportahan ni Bb. Ansel ang aming gagawing programa.
“Ayoko niyan!”
Nadismaya kami sa sinaad niya noon. Pilit namin siyang kumbinsihin na suportahan ang nasabing patimpalak.
Hindi siya sa patimpalak tumututol noon.
Kundi sa tema.
“Anong masasabi ng namamahala ng paaralan kapag maririnig nila ang temang naiisip ninyo?”
Halatang sa una pa lamang ng aming pagtatagpo'y may pait na siyang taglay sa kanyang pag-uugali. Ibig niyang ang sa kanya'y madalas dapat masusunod, kami ang tagasunod sa utos ng kung ano ang gagawin.
Hindi namin tipo ang ganoong sistema. Batid naming akma sa ganitong pagkakataon ang naiisip naming tema. Masyado siyang mapagmataas sa mga katulad naming mag-aaral.
Hindi namin nais ang kanyang katauhan at pinaninindigan sa pagiging propesyunal. Ang tabas ng kanyang dila'y nakasusugat, hindi sa aming mga balat, kundi sa mga mag-aaral na umaasa ng panibagong gawaing matutunan sa bagong taong-panuruan.
Pareho kami ng naiisip noon at ngayon ni Salome. Maging sina Guevarra, Lenina at Ranilo ay ramdam nila ang kapaitan ni Bb. Ansel.
“Hindi na bago 'yan!” Natatawang sabat ni Ranilo dahil batid niya ang pangungusap ng aming mga mata.
Dugtong pa niya, “Gusto ninyo ba ako na lamang ang magpadala ng letter of request at project proposal? Parang gusto kong isumbong siya sa lolo ko dahil sa pagiging serpentina niya”.
“Pssst!” Tinapik ko siya sa balikat.
Binulong ko siya, “Baka magkagulo dahil lamang sa ginagawa ng ARC”.
“OK, pasesnya na. Nakakainis na kasi 'yong tabas ng dila niya. Parang hindi siya nag-aral sa paaralan natin dati,” nadidismaya na si Ranilo noon dahil sa paulit-ulit nga naman ng paglilista at pagkukwenta ng mga gastusin.
Pinipilit naming pagkasyahin o pag-isipan ng pinakamatipid at alternatibong pagtustos ng ibibigay na pera galing sa itaas. Mahirap mag-isip muli ng mga gagawin. Ramdam ko ang pagod ni Ranilo sa gawaing iyon.
“Sino ba kasi ang tinutukoy ninyo?” Biglang pagtatanong ni Hugo. Nagkikinig pala siya sa aming usapan. Akala ko'y nagninilay mula sa mahabang pagbabalik-aral.
“Si Bb. Althea Ansel, ang serpentina ng taon”, sagot ni Guevarra habang tinitingnan ang kanyang kasuotang hinahabol kanina ng kalabaw ni Mang Tonio.
“Si Tiya ba?” Nag-iba ang dereksyon ng mata ni Hugo.
“Tiya mo pala siya? Wala ka namang kinukwento sa amin a!” Nagtataka ako sa kanya noon. May tiyahin pala siyang gurong nagtuturo sa aming kolehiyo. Ngunit bakit mapait ang kanyang awra?
“Paano ko ba ikukwento sa 'yo e hindi ka naman nagtatanong sa 'kin. Lagi ka kaya kay Yamilet, kaya wala kang time para tanungin ako”.
“Hala siya, madrama ka pare”, natatawa ako sa kanyang tinuran. Nakakunot kanyang noo na hindi ko mawari ang dahilan. Baka stress na siya sa kanyang binabasa.
“So,” pagsisimulang tanong ni Guevarra. “kumusta naman siya bilang tita?”
“Pareho lang, mapait din ang timpla ng kanyang dating kapag dumadalaw silang mag-anak dito. Tila hindi siya kuntento sa kanyang estado”.
“Paanong hindi kuntento?” Pagtataka ni Salome. Tumigil ang aming usaping samahan dahil sa pagbubukas ng kwento ni Hugo sa amin. Itinigil din niya ang pagbabasa ng political theories.
“Aba’y hindi ko alam! HAHAHA!” Natatawang paliwanag niya.
“Masyadong kontrabida ng org 'yon e. Kahit sina Tasya at Sabel ng Student Council napapaitan sa kanyang awra. Grabe ang tabas ng dila niya sa pagbibigay ng suhestiyon na hindi naman cost-effective ang mga alam niyang programa,” pagsasalaysay ni Lenina sa amin nang naalala niya ang kwento ng kanyang mga nakatrabaho noon sa isang clean and green project.
“Kay Mama lamang siya nagkikinig”, pagsisimula ni Hugo.
“Bakit naman?” Tanong ni Ranilo.
“Aba’y hindi ko alam! HAHAHA!” Natatawang paliwanag niya. “Basta sa lahat ng kamag-anak niya, kay Mama lamang siya malapit ang kalooban niya”.
Tila si Gng. Sebastian lamang ang makakasagot ng kapaitan niyang nadarama.
"DAAN MUNA AKO sa inyo ha," sambit ni Yamilet na paika-ikang naglakad sa putikan ng kapatagan.Mabuti na lamang tahimik ang kalabaw ni Mang Tonyo noong oras na iyon. Napansin kong pula ang kulay ng kanyang malaking wallet. Makintab ito at kumikinang pa kapag natatamaan ng sikat ng araw. Madali iyon matatanaw ng kalabaw kahit ilang metro na ang layo."Bakit naman madam? Hindi ba may kukunin ka pang gamit?" Tanong ko sa kanya.Kinakabahan ako kapag dumadaan ang sinumang tao o kakilala sa bahay nang wala sa tamang panahon at oras. Ito ay dahil may mga oras na magulo o maraming huhugasing kubyertos, plato't baunan sa kusina ng aming kubo.Sanay kaming pinaghahandaan ang pagdating ng mga inaasahang bisita. May oras kaming ilalaan sa paglilinis sa likod, gilid at loob ng bahay."Ay! Oo nga pala ano? Siguro, sa susunod na lang ng pag-uwi ko rito," sambit ni Yamilet na tila'y nagma
"NA ALIN? DAHIL ba sa pagpunta ninyo sa kapitolyo?" Pagtatakang tanong sa akin ni Yamilet habang kumakain sa isang karinderya.Bumalik muli si Yamilet sa aming baryo galing sa Maynila dahil kukunin naman niya ang kanyang kotse upang gamitin sa pagbabyaheng pag-uwi at pagpasok sa pinapasukang trabaho. Nasa internship na programa pa rin siya at pinayagan siya ng kompanya na kunin ang kotse.Nakasalubong ko siya sa isang daang nasa gitna ng palayan noong isang umaga habang pauwi na ako sa aming kubo."Madam?" Pagtatangkang tawag ko sa kanya.Akala ko hindi pa siya makakabalik agad sa aming baryo sapagkat may kasalukuyan siyang sumasabak sa isang internship program sa Maynila. Maaaring mabawasan iyon sa kanyang oras sa trabaho.Tinitigan niya ako nang mabuti. Tila kinikilatis niya muna kung sino ang nakapansin sa kanya sapagkat nasisilaw siya sa aking wangis. Mataas na noon ang araw sa kanluran at handa na itong magtago sa likod ng mga bundok anu
MASALIMUOT NA PAGTATAGPO ang nararamdaman ko sa tuwing pinag-uusapan ng ibang guro at mag-aaral tungkol sa simpleng "isyung" pinapainit sa kolehiyo. Hindi naman masama ang imbitasyon ng lokal na pamahalaan na maging bahagi kami ng salo-salo at parangal dahil sa mga nagawa naming proyekto sa ARC. At, hindi lang naman kaming mga kinatawan ng Sinag State College ang dumalo sa pagtitipong iyon.Walong samahan ng mag-aaral ang dumalo sa salo-salo at parangal. Nariyan ang "Two Rays Photography Circle" ng Abang D. Sakay Memorial State College sa bayan ng Pila kung saan nakatanggap kami ng imbitasyong maging bahagi ng kanilang proyekto. Nariyan din ang "Dreamers' Society" ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw, ang "Project EARTH" ng Tapayan Institute of Arts and Technology sa bayan ng Tapayan, ang "Angat, Isko" at "Young Entrepreneur's Society" ng Doña Clara Maddang Memorial College sa bayan ng Trinidad, at ang "ALAB ng Sinag" ng Pamantasan ng Sinag sa
AT DAHIL SA "isyung" nagaganap sa buong kolehiyo, hindi muna kami pinapunta sa tanggapan ng ARC ni Bb. Ansel sa loob ng dalawang araw. Pumapasok muna kami sa aming mga klase, tinapos ang mga aralin at iba pang hindi pa natatapos na proyekto. Pabalik-balik na rin ako sa tindahan ng school supply ni Aling Tesang sa paulit-ulit na pag-imprenta ng mga pananaliksik, technical writing output at maiikling proyektong nangangailangan ng engineering problems, katulad ng mga pinag-aaralan naming major subjects."Maria Victoria Reyes, kailangan mong bumawi sa mga quizzes at activities sa subject ko dahil na-zero na kita sa isang important activity, kasagsagang nakikipagkasiyahan kayo sa kapitolyo", iba nga ang timpla ni Gng. Paitan, matandang propesor sa Hydraulics.Katulad ng pakikitungo niya ngayon sa apilyido niya."Hindi naman po kami nakipagkasiyahan doon Ma'am", mahinahong sagot ko sa kanya."Puro nga kayo
"GITNA NA TAYO", paanyaya ni Salome sa amin dahil nahihirapan na kaming maglakad kasabay ang mga kawani ng kaitolyong umuuwi na.Masikip ang daan kahit sobrang luwag ng espasyo ng front door ng kapitolyo. Alas singko na ng hapon nang matapos ang salo-salo at parangal ng lokal na pamahalaan sa amin."Ingat!" Kaway sa amin ng magkakambal na Gerome at Angela Jimenez bago umalis ang kanilang asul na van.Kumaway kaming lahat sa kanila."Chat chat na lang mamayang pag-uwi ha", kumindat kay Ranilo ang isang babaeng mag-aaral bago sumakay sa nirerentahang dyip ng kanilang paaralan.Siya si Janine Mendoza, ang bise presidente ng Dreamers' Society ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw. Katabi siya ni Ranilo sa upuan kanina na sa kalauna'y nagkasundo sa napag-uusapang online game."Sige, invite mo 'ko sa laro mamaya ha", nakangiting kumaway si Ranilo sa kanya bago ipinagpatuloy ang paglalakad."Grabe p're pinagpalit mo na talaga ako", pagbi
SA ONLINE NA pahina ng ARC, makikita ang magagandang feedback at comment mula sa mga mag-aaral. Nahihilo na kami sa pagbabasa roon ngunit kailangang maging masipag sa pagtugon sa kanila."Pahinga muna tayo", paanyaya ni Salome sa aming lahat.Pinagpahinga muna namin ang aming mga mata sa kakatingin sa screen. Nakakalabo raw ng paningin ang matagal na "pagbabad" sa screen monitor o sa phone screen.Nasa tanggapan kami ngayong tanghali dahil hinihintay namin ang pagdating ni Bb. Ansel. Ngayon ay ang araw ng pagpunta namin sa kapitolyo kung saan inanyayahan kaming magtanghalian ng lokal na pamahalaan. Marahil, magmemeryenda na lamang kami roon dahil malayo ang aming kinaroroonan, dalawang oras na byahe sakay ng traysikel."Sino magiging kasama ko?" Tanong ni Ranilo tungkol sa sasakyan naming traysikel mamaya."Ayaw mo na ba sa akin p're?" Tanong ni Guevarra sa kanya."Hindi naman sa ganoon. Dalawa tayo sa side car kasi lab pa rin kita p'r