Share

Kabanata 104: Begun

Third Person's Point of View

"TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.

Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napatulala sa nalaman ngunit nang matauha'y lumuluha itong napaatras at dali-daling tumakbo pabalik sa kanyang silid.

Hudyat iyon upang tuluyang putulin ng lalaking nagmamay-ari ng puting mga mata ang kanyang pananahimik. Alam ni Luther na wala na ang dalagang nakikinig sa kanila bagay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status