Share

Kabanata 36: Aura

Hagan’s Point of View

Ilang beses kong kinakusot ang aking mga mata nang isang babae ang biglaang lumitaw sa tabi ni Sir Eli. Napakaputla ng babaeng ito, pero alam kong hindi nalalayo ang edad nito sa aming propesor. Ang kaputlaan nito’y halos humawa na sa kulay ng kanyang labi na tila tuyong-tuyo. Ang buhok din nito ay sabog-sabog na para bang nasabugan ng kung ano. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay nananatiling kumikislap ang pagkasabik sa mga mata nito.

Napakawirdo nga’t maging ang pagangal sa kanya ni Sir Eli ay tila lumabas lamang sa tainga nito dahil sa kaabalahan ng babae sa pagtitig sa aming lahat. Nakasalubong ko pa ang mata nito at ikinanlaki ng mga mata nito ang presensya ko. Na para bang nakakita siya ng isang magandang bagay sa akin at nakakailang iyon.

Hindi ko alam kung kaya ko bang maniwala sa mga sinabi ni Sir Eli kanina tungkol sa aming lahi. Makakaya raw naming makausap ang likas na yaman maging

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status