Hagan Point of View
Hindi ako nagalaw ng ilang segundo nang marinig kong lahat mula kay Lord Artimus ang kanyang mga sinabi. Hindi mag sink-in sa aking sarili na si Morriban ay isang sa mga wicked ones. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa lahat. Kung gaano katawa-tawa ang sitwasyon ko ngayon.
Bagay na unti-unting ikinadilim ng paningin ko at walang buhay na tinunghayan si Lord Artimus. Hinihintay nito ang isasagot ko at napansin ko rin naman na ang ibang mga Diety ay ganoon rin ang hinihintay sa akin.
“Ulitin ko lang ah.” Hindi ko pinuputol ang mga tingin ko sa kanya, na gayon din naman siya sa akin. “Kinuha ninyo ako mula sa mundo ng mga mortal, para protektahan ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa rin nagkakamalay ang aking Lola hanggang ngayon?” Walang gana kong tanong sa kanilang lahat na panandaliang ikinatigil ni Lord Artimus at tumango rin naman hindi kalaunan.
“Yes
Morriban’s Point of ViewHindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin.Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa.What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuk
Hagan’s point of ViewHindi ko alam kung bakit ko sinasabi ang lahat ng ito ngayon. Ito na naman ako, I am like stocked again sa ibang dimensyon kung saan pinapanood ko na naman ang sarili kong sabihin ang lahat ng nilalaman ng dibdib ko. The genuine side of mine kapag tingin ko lalayo sa akin ang isang taong malapit sa akin o kaya naman ay papalayuin ito sa akin. This is me when someone don’t know me more and I liked is about to give up. Ginagamit ko ang oportunidad na iyon para magpakatotoo sa sarili ko.I don’t know either why I said everything I have said to Morriban. Hindi ko alam na sa bawat pagtatalo namin, sa bawat pamimintas at pangmamaliit niya sa akin ay nagawa pa sya ng espesyal na puwang sa buhay ko. Na dapat hindi, dapat hindi dahil isa siya sa mga lahi ng nakapagbigay ng karamdaman sa Lola ko. I should feel hatred towards him right now. But my heart just can’t. For she is Morriban.Ang Morriban n
Mischa’s Point of View“Ano ba kasing nangyari sa kanila? May nakakaalam ba? Bakit hanggang ngayon wala pa rin sila?” Tuloy-tuloy kong tanong sa kapatid kong si Asya na kasalukuyang sinusuklay ang kanyang maikling buhok.“Aba malay ba natin. Hindi ba’t si Morriban lang naman ang sumunod kay Hagan?” Wala sa interes na naman nitong sagot sa akin na hindi ko na ipinagtakha. Papaano nakakasalubong na naman kami ng Aeras na Diwata. Bagya na mabilis ikaingit ng kapatid ko. Kaya ito nagaayos ngayon dahil sa insecurities na umaapaaw sakanya.“Tss, Kung bakit ka ba naman kasi kumontra, Mischa!” Inis kong sambit sa sarili ko at muling tinanaw ang bintana ng aming tinutuluyan.Kanina pa ako nagaalala sa dalawa. Hindi ko alam kung anong gulo na naman ang pinasok ng dalawang ito na walang sawa at takot sa mga kaparusahan na pwede nilang makuha dahil sa mga ginagawa nilang mga bag
Mischa Point of View“Anong tingin niyong ginagawa ninyo huh? Hagan at Morri! Saan kayo nanggaling huh? Alam niyo bang alalang-alala na kami sa inyong dalawa? Ano bang nangyari huh?” Bungad kong sigaw sa kanila nang sabay ang mga itong humarap sa akin. Bagay na mabilis kong ikinalapit sa kanilang dalawa at nagmasid sa kinaroroonan ng putting kapa kanina.Napalagpas pa ako ng kaunti sa kanilang dalawa ngunit nang maramdaman ko ang paghabol ng kanilang tingin ay bumalik na ako sa pagakbay sa sa dalawang pasaway na ito.Tss, hayaan ko na nga. Siguro nga ay guni-guni ko lamang ang lahat ng nakita ko.“Ah eh.” Pero hindi ko na pinatapos si Hagan sa pagpapaliwanag niya dahil kinutusan ko na ito. At kahit wala namang kasalanan si Morriban at kaawa-awa pa ang nasapit sa kanya. Ay kinutongan ko na rin ito na ikinaasar naman nito kaagad.Sinasadya kong hindi na sila
Hagan Point of View Nagulat ako sa naging reaksyon ni Mischa sa mga sinabi ko. Dahil bukod sa nanlaki niyang mga mata ay biglaan rin ako nitong nahampas sa aking braso na akala ko ay ikatatanggal na ng braso ko sa balikat ko dahil sa sobrang lakas. "Bakit anong problema?" Ngiwi kong tanong sa kanya habang himas-himas ang braso kong halos mamanhid na. Pero isa pang kakaibang bagay ang inakto nito. Dahil nagsimula itong hawakan ang kanyang mga pisngi at tila tiririt na patalon talon pa. She is trying to make a sound but she chooses to keep silent. Iyon siguro ay para hindi kami makaistorbo sa mga kamyembro naming nagpapahinga na. Naroon na rin si Morriban at nagpapahinga. Bagay na agad ko namang pinahayaan sa kanial kahit napakarami pa nilang tanong sa kanya dahil sa pag talo niya sa mga pinuno pala ng Fotia. Pinigilan ko sila lalo na si Tyree at Tamara na parang wala siyang balak tantanan kakatatong kung paano niya nagawa ang lahat ng iyon gamit lang ang natural n
Maaga nagising ang grupo nila Hagan at Morriban upang mauna nang makapunta sa kanilang klase. Minabuti na rin ng mga itong hindi sabayan ang ibang cluster sa pagpasok lalo na't kahapon lang nangyari ang insidenteng kinasasangkutan ni Hagan, Morriban, Andreas, at Reese. Bagay na alam rin naman ng mga ito na hindi magandang para sa kanila."Nakarating na kaya sa konseho ang nangyari sa inyo kahapon?" Biglaang tanong ni Alek kay Hagan. Pansin dito ang pagaalala sa kanyang mukha na agad rin namang ginatungan ni Tyree."Malamang sa malamang. Pero hindi naman masamang ipagtangol ang kamyembro hindi ba?" Gatong nito habang hindi mapuknat kakatingin sa salaming hawak. Matapos ay nilinis nito ng kanyang dila ang ngipin nang may makita itong kaunting dumi.Dahil sa paguusap ng dalawa habang naglalakad ay agad hinabol ni Hagan ang dalawang nangunguna at hinawakan sa balikat."Huwag kayong magalala. Ano mang maging reaksyon nila o ng konseho. Hindi ako m
Third Person’s Point of ViewNananatiling walang kibo si Eli habang papalabas sila ng klase. Ni hindi na nito ininda pa ang pagpigil sa kanya ni Hagan at tinungo na lang ang hindi kalayuang lugar kung saan maari silang makapagusap ng pribado ng estudyante niyang si Morriban.Samantala ang dalagang si Morriban ay hindi rin alam ang mararamdaman. May ilang bahagi sa sarili nito ang nagmamatapang dahil alam nitong tama ang kanyang ginawa. Ngunit may parte pa rin sa kanyng puso ang pinupuno ng pangamba. Dahil ito ang kauna-unahang beses na kakausapin siya ng propesor nilang si Eli. She was anxious what will her professor or the council will be saying for what she have done. Dahil kahit naman hindi nito pinagsisisihan ang ginawa ay ayaw rin naman nito ang mapahinto sa pagaaral sa Akademia. Pero napatigil ito sa pagaalala nang sa wakas ay tumigil ang propesor. At saka lang nito napansin na dinala siya ng kaniyang guro sa isa sa naglalakihang p
"May hirarkiya ang estudyente sa loob ng Akademia. Ang mga nilalang na nagmamay-ari ng kapang puti at pula ang pinakamatataas. Samantalang ang mga itim naman ang pinakamabababa." Kulay ang depinisyon ng hirarkiya sa Akademia? "Ang Dasos ay kabilang sa mga nilalang na may itim na kapa. Ang ibig sabihin ng itim sa mga estudyante ng Akademia ay mga alipin, talunan, at walang ambag o magagawa sa Akademia." Napatigil ako sa sinabi nito. "Alipin?" kunot-noo kong bulalas. Tss Hanggang dito ba naman? "Oo, mga alipin. Saksi ako sa miserableng buhay ng mga nilalang ng Dasos sa loob ng Akademia. Ako lang talaga ang minalas-malas dahil nakabangga ko ang magkapatid na tinitingala ng lahat." Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Alek habang diretsong nakatingin sa kawalan. Kitang-kita ko ang trauma sa madilim nitong mata na ikinapuyos na naman ng galit sa loob ko. "Hanggang sa ayon, napauwi nila ako sa Dasos." Napatawa ito ng mahina. "Sa buong kasay