PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PINAPATAWAG niyo daw po ako, Sir." mahinang tanong ko kay Lucian pagkapasok ko sa loob ng kanyang opisina. Kaagad naman itong nag-angat ng tingin at direchong tumitig sa akin,. "Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" seryosong tanong niya sa akin. Wala sa sariling kaagad naman akong tumango "Pa-pasensya na po kayo kung nakatulog ako kanina. Hindi ko po sinasadya." mahina kong sambit. Hindi ako makatingin ng direcho sa kanya dahil nahihiya pa rin ako. Oras ng trabaho, nakatulog ako and imbes na pagalitan niya ako, ni hindi niya man lang ginawa bagkos, nagawa niya pang ipagamit sa akin ang kanyang secret room para maging kumportable ako. "Ayos lang. Walang problema. Napuyat ka kagabi at hindi ko din ini-expect na papasok ka ngayung araw." seryosong sambit niya. Hindi naman ako nakaimik. "Siya nga pala, kumain ka muna. Pasado alas dos na ng hapon at nalipasan ka na ng lunch time." muling bigkas niya gamit ang malumanay niyang boses sabay turo s
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Okay na po, Sir! Sa-sa labas na po ako." mahina kong sambit bago ako nagmamadaling lumabas ng kanyang secret room Ni hindi ko nga pinakingan pa kahit na tinatawag niya ang pangalan ko. Masyado nang nakakahiya at ayaw ko nang magtagal pa kahit na ilang minuto dito sa loob ng opisina niya Ano ba kasi ang nangyari? Gaano ba kahimbing ang tulog ko kanina na kahit ang pagtransfer ko ng kwarto ay hindi ko man lang namalayan. Masyado na akong nakakahiya at hindi ko na tuloy alam kung ano ang magiging reaction ng mga kasamahan ko sa akin. Pagkalabas ko ng opisina ni Lucian, nakayuko akong naglakad patungo sa aking table at tahimik na naupo. Nahihiya ako sa mga kasamahan ko. "Amber, kumusta? Success ba?" akmang i-o-on ko na sana ang computer nang bigla akong lapitan ni Susan. Gulat naman akong napatingala sa kanya. "Ang alin?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napasulyap pa ako sa mga kasamahan namin na noon at patingin-tingin din sa gawi naming dalaw
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KAHIT late na akong nakatulog, nagawa ko pa rin naman bumangon sa takdang oras ng gising ko. Wala akong balak na lumiban sa trabaho ko lalo na at malapit na ang sahod. First salary ko iyun at gusto kong makatangap ng buo at walang kaltas dahil lang sa absent ako. Pagkatapos ko kasing makausap si Lucian kagabi, hindi din naman ako nakatulog kaagad. Halos umaga na ako nakatulog kaya feeling ko nangangalumata ako sa puyat. Gayunpaman, kailangan kong tatagan ang kalooban ko. Kailangan kong pumasok ng opisina. Kagaya ng nakagawian, pagkatapos kong naligo, tsaka naman ako uminom ng kape at pagkatapos mag-ayos, kaagad na din akong lumabas ng condo unit. Nag-abang ng masasakyang taxi at direchong nagpahatid sa pinapasukang kumpanya. Padating ng opisina, kaagad akong dumirecho sa table ko. Hinanap ko din ang hindi matapos-tapos na report na pinapagawa ni Lucian sa akin kahapon at nang hindi ko makita iyun, dali-dali akong naglakad palapit kay Ms. Mayette
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Maayos naman akong naihatid ni Lucian sa condo kung saan ako nakatira. Tahimik siya buong biyahe which is very unusual. Hindi na siya ang dating siya at laking tuwa ko dahil tinupad niya ang sinabi niya na ihahatid niya ako sa condo unit kung saan ako nakatira. "Thank you, Sir." mahina kong sambit bago ko binuksan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya dahil nakapikit ang kanyang mga mata. Wala din akong nakuhang tugon mula sa kanya kaya nagmamdali na akong lumabas ng kanyang kotse. Bahala siya kung ayaw niyang magsalita. Walang mas mahalaga sa akin kundi ang naihatid niya ako ng safe at maayos dito sa condo kung saan ko nakatira. Hindi na ako nag-abala pang lumingon hangang sa makapasok ako sa loob ng condominium building. Pagkadating ko ng condo unit, direcho na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Gusto nang pumikit ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Masyadong late na para sa oras ng tulog ko. Sana lang t
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ko na kaya! Hindi ko kayang tapusin ang show kaya nagpasya akong umalis na. Mabilis akong tumayo pero nagulat din nang maramdaman ko na may biglang humawak sa akin. Kaagad na nanigas ang aking katawan sa sobrang nerbiyos at akmang magpupumiglas na sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Lucian mula sa likuran ko "Where are you going? HIndi ka ba nag-i-enjoy sa show? Ayaw mong manood?" narinig ko ang baritono niyang boses sa may tainga ko. Nakayapos siya sa akin habang hindi ko na mapigilan na maipikit ang aking mga mata. Lalo na nang marinig ko ang malakas na halinghing ng nagso-show sa intablado. Shit, talagang may microphone? Gaano ba ka-exclusive ang bar na ito at bakit sila nagpapalabas ng ganitong kabastusan. Siguro may sakit sa utak ang may ari nito "Hindi ko kaya! Gusto ko nang umuwi na." mahina kong sambit. Gusto kong takpan ang tainga at mga mata ko dahil ayaw kong marinig ang makita ang mga kaganapan sa buong paligid. Paano din n
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV MULA sa VIP room, dumirecho kaming tatlo patungo sa may stage na kasalukuyan na may nagpe-perform. Hindi ko tuloy malaman kung itutuloy ko pa ba ang pagsama sa kanila gayung parang alam ko na kung ano ang gagawin namin. Manonood kami ng isang maharot na palabas sa stage. ""Risa, sure ka ba dito? I mean...sorry pero hindi ako interesado." mahina kong sambit. Tumigil na nga ako sa paghakbang habang inililibot ko ang paningin ko sa buong paligid "Ano ka ba Amber, hindi pa tayo nag-uumpisa tapos aayaw ka na kaagad? Come on...halika na! Tiyak na matutuwa ka sa makikita mo.;" nakangiti nitong sambit. "Yes...totoo ang sinabi ni Risa, Amber. I think kilala mo ang magpe-perform ngayung gabi kaya tara na. Saglit lang naman tayo." nakangiting wika din ni Maureen. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumama sa kanila. Wala naman sigurong mawawala kung pagbibigyan ko sila eh. Ngayung gabi lang naman at isa pa may basbas naman ni Lucian ang gagawin namin. Hyas
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV'" Amber!" kaagad na din namang tawag sa akin ni Risa nang makita niya ako. Tipid naman akong ngumiti at hinayaan ko na lang siya na makalapit sa aking kinauupuan at hinawakan niya ako sa aking kamay."Risa, kumusta ka?" masaya kong bigkas. Hindi kami nagpapang-abot nitong si Risa kahit sa iisang kumapanya kami nagtatrabaho dahil hindi ko naman alam kung saang department siya. Isa pa, palaging ang mga ka office mate ko ang kasama ko sa tuwing kumakain kami lunch. Hindi ko din naman siya nakikita sa cafeteria."Ayos lang. ikaw, kumusta ka na? Naku, bati na ba kayo ni Sir Lucian?" nakangiti nitong tanong sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi sabay sulyap kay Lucian na noon ay nakikipag-usap na sa dalawang lalaking kasama nitong si Risa na dumating. "No...Boss ko siya at niyaya niya akong magdinner at hindi ko naman akalain na dito niya ako dadalhin." nakangiti kong sagot." Ganoon ba? Naku, Sana magbati na kayo. Dalawang taon din iyang si Sir Lucia
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ OPV "BAKIT DITO?" nagtataka kong tanong kay Lucian nang huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang night club. Kusa na akong sumama sa kanya kanina nang yayain niya akong magdinner pero hindi ko naman akalain na sa ganitong lugar niya ako dadalhin. Although, alam kong mamahaling night club ito pero natatakot pa rin akong pumasok sa loob. Baka kasi kung anu-ano ang makikita ng mga mata ko eh. Tsaka, kung dito pumunta itong si Lucian, ibig sabihin may balak siyang uminom ng alak "Why? Hindi mo gusto dito? Bakit?" seryosong tanong niya. "Ahmm, wala naman! Akala ko kasi kakain lang tayo eh.'" mahina kong sambit. "Believed me, Precious...mag-eenjoy ka dito." nakangiti niyang sambit. Mabilis na siyang bumaba ng sasakyan at hindi na ako nagprotesta pa nang bigla niya na lang din akong alalayan pababa. Noon pa man, sanay na sanay na akong hawakan niya kaya no big deal na sa akin ang mga ganitong bagay. Hindi niya na binitiwan ang kamay ko habang naglal
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "HINDI pa po Sir." mahina kong bigkas. Pinilit ko siyang huwag lingunin ulit dahil ayaw kong makita niya na kanina pa ako naiiyak dahil sa sama ng loob. Makikita niya. Aabsent talaga ako bukas. Bahala siya kung tangalin nya ako. Wala na akong pakialam pa. "We need to go home. You can continue your work tomorrow." narinig kong bigkas niya. Hindi ko siya pinansin bagkos lalo kong inilapit ang mukha ko sa monitor ng aking computer. Para naman ipakita sa kanya kung gaano ako ka-hardworking. "Precious, I said tama na iyan. Marami pang araw para matapos mo ang trabahong iyan.'" narinig kong muli niyang bigkas. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Marami pa palang araw pero bakit ayaw niya akong pauwiin kanina? Sabi niya tapusin ko daw eh. "Sir kayo na din po ang nagsabi kanina na kailangan ko pong tapusin ito bago ako uuwi. Kung wala na po kayong importante na sasabihin pwede po bang iwan niyo na ako?" seryosong bigkas. "Tsk! Sino ba an