LOGINMula sa mahirap na pamilya si Natalie De Ocampo ngunit dahil sa kanyang pagtatyaga ay nagawa nyang makapagtapos ng pag aaral upang lumuwas ng maynila para mag apply sa kanyang pinapangarap na kompanya. Naging maganda ang resulta ng kanyang interview ay agad itong natanggap bilang secretary ng matandang chairman. Hanggang sa tumagal ay naging malapit ito sa chairman at lalong naging pabor ito sa kanya. Ngunit biglang may humadlang ng magkasakit ito at kinakailangang may pumalit sa kanya, Si Timothy McVeigh—ang tagapagmana ng McVeigh Company. Nalamang pinapaburan ng kanyang ama itong secretary kaya biglang naisip na baka kabit ito at gustong palitan Ang pwesto Ang kanyang ina kaya naisip na pahirap Hanggang sa magkainitan Ang dalawa. Sa di inaasahan, ang huling hiling ng chairman bago ito yumao ay maipakasal si Timothy at magkaroon ng apo. At ang kanyang mapapangasawa ay si Nathalie. Matatanggap ba ng dalawa ang isa't isa? O magpapatuloy parin ang pag iinitan dahil sa singsing na mapag Isa sa kanila?
View MoreNatalie POV
Lumaki ako sa hirap kaya kahit anong diskarte na lamang ang ginagawa ko upang maitaguyod pag aaral ko. Simpleng labandera lamang ang aking Ina at namamasada naman si itay at medyo kapos upang suportahan kaming tatlo. Abala ako sa pag aayos ng mga ginawa kong bulaklak tapos keychains upang ibenta sa Livestream. Inayos ko Ang aking background upang maging maayos tignan lahat. Magsisimula na sana Ako ng biglang nagpatugtog ng napakalakas si itay. "Mama Beth! Pakihaan po, magbebenta na ako" sigaw ko mula sa kwarto . Agad namang pinahinaan ni Ina ang tugtog kaya nakapagsimula na ako. Ngumiti na Ako agad namang inistart ang livestream. "Hello everyone! Welcome back to Natty's Crafty channel! We have here different crochet flowers na baka magustuhan ninyo. At Hindi lang yan! We have new here! Tadaa!!! We have keychains here. " Saad ko habang pinapakita lahat ng paninda ko. "May hollow blocks po ba kayo?" basa ko sa isang comment dahilan ng pagtaas ng kilay ko. "Meron te bakit gawin ko bang keychain?" pang aasar ko. Padami nang padami mga viewers ko kaya mas lalo kong ginanahan ang pag entertain ng mga nanonood. "Can I buy all your keychains?" mahinang pagbasa ko sa comment agad Akong napangiti. "Yes of course Mr. Rick! Just click the yellow basket po" Patuloy ako sa pagbebenta hanggang sa may nagsend ng gift sa akin. "OMG! LION AND GALAXY! MA!!" Agad namang tumakbo si mama papunta sa akin. Bigla itong natuwa sa Nakita nga kaya napatalon talon kami. "Makakapunta kana sa maynila anak" masayang Saad ni mama na lalong ikinatuwa ko. Nagpasalamat ako dahil sa sold out na paninda ko at extra income dahil sa mga gifts na nakuha ko. Dali Dali Kong tinawagan kaibigan Kong nasa maynila upang ipaalam sa kanya ngunit Hindi ko sya ma contact. Chineck ko na lamang mga orders upang ipadeliver ngunit agad pansin sa akin ang nag sold out ng mga keychains. "Wait. Address 'to ng isang famous company." Saad ko agad itong sinearch upang kumpirmahin. Tama nga! The McVeigh Company! "It's my chance! Deliver the order sabay pasa ng resume!" Kaya agad akong nagligpit ng mga gamit upang dadalhin papuntang maynila. Wala namang masama kung itatry ko diba ? Hindi ko rin naman malalaman kung matatanggap ako o Hindi. Habang abala ko sa pag aayos ay biglang nagring ang phone ko. Chineck ko ito at napansing tumatawag kaibigan ko. "Nat sorry Ngayon ko lang napansin na tumawag ka pala. Masyadong busy sa office eh." wika ng nasa kabilang linya. "Okay lang Nic. Tsaka nga pala luluwas ako bukas ng maynila. Baka naman tulungan moko maghanap ng mauupahan." "Anong Meron? May trabaho ka nang nahanap dito sa maynila? tanong nito na may halong saya. Napabuntong hininga ako. "Wala pa nga eh. Pero may ideliver kasi ako. Tsaka apply na rin trabaho." "Sure ka ba matatanggap ka agad? Hindi naman sa negative ako ha. Mahirap Buhay dito sa maynila pero don't worry. Mamaya pagkauwi ko tanungin ko landlady dito sa condo. May space kasi rito sa 2nd floor baka pede ka rito mangupahan" Saad nito na lalong ikinatuwa ko. "Thankyou bes. At Isa pa. Pedeng pahelp din sa company nyo? Dyan ko Kasi balak mag apply" naiilang na saad ko dahil baka tumanggi itong kaibigan ko. "Sure ka ba? Tamang Tama sana Kasi naghahanap ng secretary itong company Namin tapos head ng designing team. Baka makaya mong applyan iready mo lang resume mo." Napatalon ako bigla sa tuwa dahil sa narinig. "Don't worry beh hinding Hindi kita bibiguin. Magkakatrabaho rin kita. " Agad akong bumalik sa pag aayos ng mga dadalhin ko pagkatapos ng usapan Namin. Umabot Ako ng isang oras dahil sa kakatulala kakaisip ng mga pede kong gawin at pedeng ipaayos sa bahay namin kahit Hindi pa Ako natatanggap sa trabaho. Pansin din ni Ina na masyadong Akong naiexcite kaya bigla akong sinermunan na baka malasin ako kapag masyado kong pinapadali lahat. Inassure ko naman ito na magiging maayos ang sitwasyon ko sa maynila lalo na't magandang company ang papasukin ko at maganda rin record ko. Dahil din sa pagod ay agad akong nakatulog. Sa sobrang himbing ay di ko namalayang mag alas syete na nang Umaga. "Ma naman Bakit di moko ginising!" naiinis na saad ko agad nagmamadaling kumuha ng mga gamit ko. "Ay kanina kapa ginigising ha. May pa alarm pa tapos inaano ko na ang kaldero sa Mukha mo." sgot ko ni mama habang kinukuha lahat ng gamit ko at nilalagay sa tricycle ni papa. Napakamot na lamang ako agad ding kinuha ang ideliver ko. "Mag iingat ka ate Nat!" sigaw ng bunso kong Kapatid. Niyakap ko silang lahat agad naman akong sumakay sa tricycle ni papa. Dali dali kaming pumunta sa bus terminal at tamang tama ay papaalis palang ito. "Sumakay kana at baka maiwan kapa" Saad ni mama agad din nila Akong tinulungan sa mga gamit ko. Humalik at yumakap muna Ako sa kanila bago Ako sumakay. Dumungaw ako saglit at kumaway sa kanila. Pansin Kong naiiyak si mama pero pinigilan ko lang din sarili ko. "Wag kalimutan tumawag" sigaw ni papa habang kumakaway. "Opo. Mag iingat din po kayo" sigaw ko habang papalayo na ako sa kanila. Napahinga na lamang Ako ng malalim lalo na't kinakabahan ako dahil sa padalos dalos na desisyon Kong lumuwas ng maynila. Ilang oras ang nakalipas ay hindi ko na napansin kung saan na Ako Banda dahil sa nakatulog Ako sa byahe. Huminto saglit ang bus sa Isang gas station upang bumaba mga pasahero kung sino gusto kumain or magbanyo. Naisipan kong bumaba rin upang mag cr dahil sa kanina pa sumasakit puson ko. Habang nasa stall Ako ay dinig ko Ang usapan ng mga nakapila. "Nabalitaan mo yung anak ng mayamang pamilya? Yung may Ari ng sikat na pagawaan ng mga alahas. Uuwi na raw" Saad Nung Isang babae. "Talaga? Sabagay matanda na kasi nung chairman nila. Siguro sya susunod na uupo" sagot naman ng isa. "Asus? Yung Tim na yun? Sabi sabi babaero raw, mahilig mag bar tapos pangit pa ugali. Ay baka lumubog lang kompanya nila" sabat naman ng isa. Napakunot nalang Mukha ko dahil sa mga naririnig. Bakit naman papakialaman nila Yung Buhay ng iba? Mga chismosa talaga. Agad naman Akong lumabas sa stall at natahimik Silang tatlo. Tinignan ko lang mga ito agad Bumalik sa bus. Chineck ko muna phone ko kung may mga message agad naman nag pop up pagmumukha ng kaibigan ko. 'Nat, chat mo lang Ako or tawagan kapag nandito kana sa terminal okay?' Chat ni Nicka sa akin. Nireplyan ko lang ito ng okay agad pinatay ulit ang phone ko. Bigla akong ginutom kaya napabili na lamang ako ng dalawang boiled egg tsaka cup noodles habang Hindi pa umaalis Ang sinasakyan ko. Habang nilalagyan ko ng mainit na tubig ang cup noodles ay pansin ko Ang Isang bata na nakaupo malapit sa nagbebenta. Madumi Ang kanyang damit at halatang mahina na Ang katawan. Nakatingin ito sa akin na parang hihingi. Kaya naisipan Kong bumili nalang din ng dalawang tubig tsaka Isang biscuit. "Baka nagugutom ka" nakangiting Saad ko agad inabot ang isang tubig at biscuit. Tumingin ito sa akin agad inabot din ang binigay ko. "Salamat po." nakangiting pasalamat nito. "Ikaw lang po yung nagbigay sa akin. Yung iba po kasi pinapagalitan Ako" mangiyakngiyak na pagkasabi nito. Bigla Akong nalungkot dahil sa narinig ko. Sobrang hirap nga talaga ng buhay. Bago ko ito iwan ay inabutan ko ito ng barya. "Sana maraming blessings pa po na darating sa inyo" Saad nito agad Akong napangiti. Dali dali akong umalis upang sumakay ulit sa bus dahil papaalis na ito. Napadungaw nalang ako sa bintana, napansin kong kumakaway ito kaya kumaway din ako pabalik. Ilang oras na Ang nakalipas ay nakarating na ako sa gusto Kong puntahan. Pagkatingin ko sa orasan ay mag alas dos na nang hapon. Kinuha ko lahat ng gamit agad ko namang tinawagan kaibigan ko. Sumagot ito at sinabihan Ako na maghintay saglit dahil kukuha lang ito ng taxi. Mga ilang minuto rin Ang nakalipas ay nakarating din ito. "OMG Nat! Finally you're here!" sigaw nito agad naman Akong niyakap. Napatakip ito ng ilong. "Grabe ah amoy itlog ka" natatawang biro nito. "Malamang te itlog kinain ko. Antagal mo naman dumating" pagrereklamo ko agad ngumuso. "Ma traffic kasi. Sorry naman. Halika ka baka naiinitan kana rito. Para makarest kana rin sa condo. " nakangiting wika nito agad namang kinuha mga gamit ko. Habang papunta sa condo ay puro kwentuhan kami sa mga kaganapan namin sa buhay. "Bakit mo pala naisipan na pumunta rito sa maynila?" Puno ng pagtatakang tanong ni Nicka. "Diba sinabi ko na may delivery ako tapos apply trabaho? Kasi nga Yung nag order Dyan sa company mo" "Sa McVeigh?" tanong nito. Tumango ako agad namang nag isip ito bigla. "Sino naman yung nag order tapos ano Yung inorder?" "Teh binili lahat ng keychains ko. As in lahat. Tapos name nun is Mr. Rick lang kasi nakalagay. Walang surname ganun" Pagkasabi ko ng pangalan ay bigla itong nanlaki Ang mga mata. "Seryoso ka? Baka nagjojoke ka ha" Lalo akong na curious kung Bakit ganun Ang kanyang naging reaksyon. "Kala mo sakin joker ganun? Oo nga si Sir Rick." pagkumpirma ko nito. Agad ko ring inabot phone ko para ipakita Yung details ng nag order. Bigla nya akong pinaghahampas at napatawa ito. "Gaga ka. Si Sir Ricky McVeigh yan! Yung chairman ng company" Saad nito na ikinagulat ko. Isang chairman? Bibili ng keychains? "Baka kapangalan lang" pagdeny ko. "Baliw Hindi. Kaya pala panay sabi sa amin na kung mayroong delivery na keychains ay ibigay agad sa office. Ikaw pala yun" natutuwang Saad nito. Mas lalo pa akong nalito at nagtataka sa inaasta ng kaibigan ko. Sigurado ba sya? "Ay bahala ka. Basta bukas samahan kita. Sure ako para sa chairman yang inorder mo." wika nito agad namang bumaba sa taxi. "Andito na tayo" dagdag pa nito ng makarating kami sa magarang condo. Napatulala muna Ako saglit dahil sa Ganda nito agad naman Akong binatukan ni Nicka. "Baka malusaw ang building kakatingin mo" pabirong Saad nito agad pumasok. Binitbit namin lahat ng gamit papuntang room ko. Nung una ay parang naiilang ako at hindi sanay dahil wala akong sariling kwarto. Hindi rin ganito kalapad at lalo na't Hindi ganito kaganda. Inayos ko na lahat ng gamit ko agad namang kinausap ang landlady. Binigay nya sa akin Ang susi agad naman Akong nagpasalamat. Napaupo Ako sa kama habang nakatingin sa bintana. Napangiti ako na para bang magsisimula na ako ng sarili kong Buhay. Tumawag muna Ako saglit kina mama upang kamustahin sila. Nagusap usap saglit hanggang sa naisipan Kong magpahinga na para maaga akong makapaghanda para bukas. Makakaya ko rin ito. Tiwala lang.Natalie's POVInaayos namin ni Denver ang namamagitan sa aming dalawa simula nang umuwi si Marga ay tila lumayo na loob ng pamilya nito sa akin. Nagdalawang isip na ako kung tatanggapin ko pa ba ang pagpapakasal sa kanya na kung totuosin ay dapat Wala akong dapat ikabahala dahil Kapatid lang Ang turingan nilang dalawamAbala ako sa pag aayos ng mga orders ng bigla akong makatanggap ng text message sa isang unknown number. Hindi ko na lamang ito binasa dahil wala akong panahon ngayon na makipag usap pa.Hindi ko na namalayan na madilim na pala ang paligid kaya agad agad kong inayos ang mga papeles at naisipang umuwi na. Papalapit pa lamang ako sa kotse ay pansin Kona ang anino nang lalaking nakatayo sa dulo. Dali Dali Akong sumakay sa sasakyan ko nang mapansin kong papalapit ito sa kinaroroonan ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa na magmaneho papalayo.Patuloy parin sa pagtunog ang phone ko dahil sa ilang beses na pag message nang di ko kilalang number. Bigla akong nakaramdam ng tar
Natalie's POVIsang buwan na rin ang lumipas simula nang magkita ulit kami ni Timothy. I didn't expect myself to burst into their company just to confront Natasha. I also didn't expect how Timothy would act when he saw me. I know he's out of his mind wanting me back.Napahinga na lamang ako nang malalim habang nakahiga sa bathtub. I was here for half an hour and I could feel the numbness in my toes but I still choose to stay for another minute. Hindi ko alam bakit mas ginugusto kong ginaganito katawan ko. Maybe I'm making myself to become a cold-hearted person in order to not get affected on how will Timothy acts in front of me?Ano ba yan Nat! Timothy na naman?!!!I lightly slapped myself thinking I was just daydreaming about that guy. "He's not worth it okay? Pagpahirap lang ginawa nya sa'yo dati" trying to convince myself I reached for my glass of wine and notice a notification that pops up on my screen."Leandro?" my face is full of confusion as I read the name of the person who
Cindy POV I heard that there's a commotion in Timothy's company kaya agad akong pumunta. I didn't expect to see Natalie with Timothy wherein he's begging her. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa mga oras na iyon. "Tim?" nanghihina na wika ko. I can't handle the situation right now. I needed to escape this scene. I decided to run away while my tears began to fall. "Cindy wait!" sigaw ni Timothy sa akin. Hindi ko sya pinansin hanggang sa nagpatuloy ako sa pagtakbo. He even caught up with me and hugged me tightly. "L-let go." nanginginig na wika ko. Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sa akin while whispering how sorry he was. Napuno na ako. "S-sorry? Yun lang? Hell Tim. If Hindi ko kayo pa nakita ni Natalie hindi ko malalaman lahat. How dumb and naive I was not knowing she was the girl you've been searching for a year. Ang bobo ko para hindi ko malaman iyon" patuloy parin ako sa paghagulgol habang sinusuntok suntok Ang dibdib nito. I didn't mind if we were on the
Natalie's POV Pagkatapos nung nangyari sa magkapatid ko ay agad ding sunod sunod na yung death threats na natatanggap ko. Ni minsan ay may mailman na nagpadala, ni minsan naman ay sa pinto pinto nang flower shop nakalagay.Hindi ko na pinalampas ang lahat ay agad kong pinaimbestigahan si Natasha. Patuloy paring lumalago ang negosyo nila at mas lalong kapartner parin ng McVeigh Company ang Browns'. Bigla akong binuhusan ng yelo nang malamang bati na sila nang pamilya McVeigh kahit anong kabakastugan ang ginawa sa akin ni Natasha noon."Pakitang tao lang ba dati sina Ma'am Klara at Sir Simon sa akin?" tila sa Oras na iyon ay kinokokwestyon ko na pagkatao ko.Parang hindi sila nag alala sa mga pinanggagawa ni Natasha sa akin noon.Ilang buwan ang lumipas at tila mas lumala ang pananakot nito. Umabot sa puntong nag order ito nang napakaraming bouquet at sa oras mismo nang delivery ay icacancel nito.Sobrang nainis na ako kaya inalam ko kung nasaan sya ngayon upang harap harapang kausapin












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews