Share

Chapter Ten

"MALIGAYANG bati sa inyo, Carlos at Hezekiah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Carlos para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't-isa."

"Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Carlos sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kan'ya ng ngiti si Hezekiah; isang napakagandang ngiti, saka kumawit sa kaniyang braso ng may paglalambing.

"O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak.

"Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Carlos. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiah sa ina. Tumango naman ito

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status