Share

Chapter Forty-Six

"ANAK, Hezekiah?!"

Masayang sinalubong si Kiah nang yakap ng kanyang Nanay Rebecca nang bumaba siya ng tricycle. Gumanti rin naman siya ng yakap rito ng may luha sa kanyang mga mata. Talagang nangulila siya sa kanyang pamilya at ngayong kasama na niya ang mga ito, labis na kaligayahan ang nadarama niya.

"Nay, na-miss ko po kayo," lumuluhang usal ni Hezekiah sa may edad na ina habang yakap ito nang mahigpit.

"Kami man, anak. Nangungulila kami sa'yo ng mga kapatid mo," turan naman ng matanda na noon ay lumuluha na rin. Ni hindi pa nga sila nakakapasok sa kanilang kabahayan, ngunit iyon na sila at kapwa umiiyak.

Nagbitiw nang yakap ng dalawa saka nagpunas ng kanya-kanyang luha. "'Lika, anak. Pumasok na tayo sa loob," nakangiting ani Nanay Rebecca at saka kinuha ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status