Share

HTBS 09:

Penulis: MissBangs001
last update Terakhir Diperbarui: 2020-10-01 16:17:46

Lilac

"Anong nangyari sayo Lilac? nakatulala ka na naman, kanina pa kita napapansin may problema ba?"

Tiningnan ko si Persephone at ngumiti dito. Nasa mansyon kami ngayon ng mga De Silva, kanina ko pa iniisip ang ginawa ni Szellous sa opisina ko.

"May iniisip lang ako, salamat nga pala sa pag-invite sa amin dito. Namiss ng anak ko yung mga kalaro niya eh."

Tumawa si Persephone at tiningnan ang mga batang nagtatakbuhan. Nanlalaki ang mata ko nang makita na pumasok si Hades, Ezekiel at Craige. Nilingon ko si Persephone, nanlalaki rin ang mata nito na nakatingin sa tatlo. Mabilis itong lumapit kay Hades, napasunod na rin kami sa kanya.

"Anong ginagawa niyo dito? may iba ba kayong kasama?" agaran kong tanong habang tinatago sa likuran ko si Lucas. Delikado na at baka makita nila ito, tumaas ang kilay ni Hades na tumingin sa akin.

"Lilac? sino kasama mo pumunta--ahh si Trayne pala. May anak na raw kayo?"

Mabilis akong umiling dito, sasagot pa lamang ako nang may umakbay sa akin. Nakita ko doon si Trayne, naningkit ang mata nito. Ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga.

"Mauuna na kami ni Lucas sa baba, magpaalam ka na muna sa kanila. Ako na bahalang magpaliwanag sa bata kung bakit uuwi na tayo."

Napahinga ako ng maluwag sa suhestiyon nito, tumango ako kaya mabilis siyang naglakad papunta sa mga naglalarong bata.

"Ano kasi may pupuntahan pa kaming importante. Balik nalang kami ulit, salamat ulit Persephone, Girls."

Lumapit naman silang lahat, naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko. Yumakap ko kaagad sila at nang makita ko na lumabas na si Trayne, ay sumunod naman kaagad ako dito.

Naabutan ko itong may katawagan kay dumeretso na ako sa nakasimangot na si Lucas. Nabitin na naman ito sa paglalaro sa mga kaibigan niya.

"Sad ang baby ko?"

Nakabusangot ang bibig na tumango ito sa akin, kinurot ang puso ko sa itsura nito.

"Mommy bakit di niyo po ako ipakilala sa father nila Ate Gaia at Kuya Nike?"

Mahina ko itong kinurot sa pisngi paano ko naman maipapaliwanag dito na kahit kailan ay di siya pwedeng makita nito.

"Sa susunod makikilala mo na sila, pangako ni Mommy yan. Kaya huwag ka ng malungkot please?"

Tumango ito at niyakap ako, napalingon ako kay Trayne na pekeng umubo. Nagkamot ito sa noo, kaya agad na naglandas ang aking ngiti. Siguro may kaso na naman itong dapat ayusin.

"May importanteng kliyente na dumating sa firm. Pasensya na talaga Persephone, ipapahatid ko nalang kayo sa driver."

Di na ako nagreklamo sa sinabi nito, lalo na at gabi na. Mabilis itong yumakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi, bago nagpaalam rin kay Lucas.

"Tawagan niyo ako kapag nakauwi na kayo."--Bilin nito at pinasakay na kami

--

"Manong Boboy salamat po talaga sa paghatid."

Ngumiti naman ito kaagad sa akin at tumango bago umalis. Nagulat ako nang makita si Jonalyn sa may harap ng gate.

"Mommy may tao po sa labas."

Hindi niya napigilan si Lucas na lumapit dito. Nakangiti pa ito habang kinukulbit si Jonalyn.

"A-anak mo?" tanong nito nang makalapit na ako sa kanya, ngumiti ako bago binuhat si Lucas. Alam ko, na nakikita niya ang pagkakahawig nito kay Seve.

"Nagkaanak kayo ni Seve?"

May pangamba akong narinig sa boses nito, kinagat pa nito ang sariling daliri. Tumango na lamang ako sa tanong nito, mas lalo itong naging balisa at pabalik-balik ang tingin kay Lucas.

"Anong ginagawa mo dito Jonalyn?" kuha ko sa atensyon nito, nagtaas ito ng kilay na tumingin sa akin. May balak ata tong maging kontrabida habang buhay. Sarap kurutin sa singit ng babaeng to.

"Gusto ko lang sabihin sayo na itigil mo na yung kaso. Babayaran kita, sabihin mo lang kung magkano."

Malakas siyang tumawa at binaba si Lucas, ayaw niyang madamay ang anak. Lumuhod siya para magkapantay sila ng anak.

"Lucas mauna ka ng pumasok ah? Kakausapin ko lang dito ang bisita natin."

Tumango naman kaagad ito, bago nagmano kay Jonalyn. Di na maipinta ang mukha nito sa sobrang inis.

"Ganyan ka ba humingi ng tawad, I mean magmakaawa?" tanong ko nang makapasok na si Lucas. Nakanganga ito, hindi ata makapaniwala sa kanyang sinasabi.

"Tanga ka ba? Bakit naman ako magmamakaawa sayo kung kaya naman kitang bayaran."

Pinaningkitan niya ito ng mata, anong gagawin niya sa pera nito? akala ba ng babaeng to siya pa rin yung Lilac Jose dati? yung babaeng, natatakot kumalaban sa mga mayayaman.

"Una sa lahat Miss Bartolome, kasalanan mo iyon kaya dapat ka talagang humingi ng tawad. Pangalawa dapat seryoso ka kapag nagsisisi at pangatlo, may pera ako at di mo na ako kailangan pangbilhin. Sa sitwasyon natin ngayon, mas kaya ko pang isampal sayo ang pera ko. Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay lumayas ka na sa pamamahay ko," alamig ang boses ko habang sinasabi iyon.

Hindi dapat pinapatawad ang mga taong matataas ang tingin sa sarili. Nanlaki ang mata ko nang bigla itong lumuhod sa aking harapan at hinawakan ang binti ko.

"Nagmamakaawa ako sayo Lilac, buntis ako at ayaw kong makulong. Kahit huwag nalang sa akin, sa anak ko nalang."

Tumingala ako para patigilin ang emosyon na nararamdaman. Magsasalita pa sana ako nang may narinig akong boses sa aking likuran.

"F*ck! Bakit ka nakaluhod diyan Jonalyn!"

Itinayo nito si Jonalyn na umiiyak na ngayon, muntikan na akong maawa dito. Ginawa lang ba nito ang aksyon na yun dahil nasa likuran ko si Szellous? tumawa ako at umiling.

"Ang drama mo, muntikan pa akong maawa sayo."

"Lily, ano ba yan? Hindi mo ba pwedeng patawarin yung tao. Lumuhod na nga sa harapan mo, nakilala kita bilang isang mabait at maunawain na ta—"

"Ang pinapatawad ay yung taong karapat-dapat. Szellous hindi mo naman talaga ako kilala, dahil kung kilala mo talaga ako tiyak na di mo ako magagawang lokohin. Dahil alam mo na masasaktan ako, kaya please lang tigilan niyo ako. Umalis kayo sa pamamahay ko, nakaka-istorbo lang kayo."

Tinulak ko silang dalawa at papasok na sana ng gate, nang biglang hinawakan ni Szellous ang kamay ko at lumuhod ito sa aking harapan.

"Ako na ang humihingi ng tawad para sa ginawa nila, please Lily."

"Woah di ko alam na ganyan ka pala magmahal Szellous. Ganito nalang ititigil ko ang kaso basta bumalik ka sa akin, kaya mo yun?"

Pinigil ko ang aking tawa ng magkuyom ng kamao si Jonalyn. Napahawak ako sa aking labi nang di makapagsalita si Seve.

"Ay di ka niya Love, umalis na kayo wala kayong mapapala sa akin. Si Trayne ang kausapin niyo dahil siya ang may gusto na--"

"Puro ka nalang Trayne. Trayne! Wala ka na bang ibang sasabihin kundi Trayne?"

Napaatras ako sa malakas na pag-sigaw ni Seve. Nagagalit ba ito? nagsasabi lang naman siya ng totoo, si Trayne at Cross naman talaga ang may gusto na kasuhan sila.

"Tsk, umalis na kayo."

Hinawakan ni Jonalyn sa may braso si Seve para akayin ito. Sumunod naman ang huli kahit nakatingin pa rin sa akin. Binalewala ko na sila at pumasok na sa loob, masasaktan lamang ako kapag patuloy ko silang nakikita.

--

Napatingin ako sa bagong post ni Szellous. May babaeng nakatalikod sa larawan doon at 'Still You' ang caption na inilagay roon. Hindi naman ako ang babaeng yun, mapait akong ngumit habang nagsta-stalk sa iba niyang post.

Napatigil lang ako nang tumabi sa akin si Lucas. Dala-dala nito ang Spongebob na unan.

"Sleep na po tayo mommy."

Tumango ako at inilagay ang cellphone sa mesa. Niyakap ko kaagad ito para makatulog na.

--

Seve

@SeveZs: Still You

@MEzekiel: Ano yan? nagdra-drama ka na naman, mas maganda sigurong nag-artista ka kaysa nagsinger.

@LilLucas: Hi po! nakatulog po si Mommy kaya ako ang may hawak ng phone niya. Sino ka po? magkamukha po kasi tayo. Tapos ikaw tinitingnan po ni mommy account niyo po.

Napatigil si Szellous sa pagta-type nang reply sa kaibigan, nang may lumabas sa notification niya. Kilalang-kilala niya ang account na iyon, kay Lilac iyon. Palagi niyang inaabangan ang update sa dalaga, binabantayan niya rin ang mga lalaking nagco-comment doon at kakausapin sa personal.

@SeveZs: Szellous Veron, wow magkamukha ba talaga send ka nga ng picture.

Hindi niya kilala kung sino iyon ngunit ang puso niya ay puno ng kaba. Paanong hawak nito ang cellphone ni Lilac at kamukha niya daw ito. Anak niya ba iyon, bakit di man lang pinakilala sa kanya? karapatan rin naman niyang makilala ang anak.

@LilLucas: Visit niyo po account ni Mommy, magla-live po ako.

Napatigil si Lucas nang sinimulan niyang panoorin ang bata. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon, maski ang mga fans ni Lilac na nagco-comment ay di rin makapaniwala sa mga nangyayari.

@Samuel: Kamukha mo nga si Idol Szellous.

@Liss011: Anak niyo po? @SeveZs

Di na niya tinuloy ang pagbabasa ng mga comment. Nanginginig ang kamay niyang binaba ang cellphone sa kamang kinahihigaan niya. May anak ako pero di ko man lang alam, lumaki ito na hindi man lang siya nakikilala. Agad siyang nagtungo sa walk-in closet at mabilis na nagbihis, pupuntahan niya ang mag-ina kahit makipag-agawan pa siya sa Trayne na iyon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (8)
goodnovel comment avatar
Missy F
ay sus, kapal mo Seve..dun kna lng sa saya ng ina mo
goodnovel comment avatar
Filipina Avenida Curtiss
Unluck po sa tatay kung CEO
goodnovel comment avatar
liliandantiscatal
maganda ang story sana ma unlock na pls.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Hiding The Billionaire's Son   Special Chapter:

    •Lilac•Napatingin ako sa binatang nasa entablado ngayon at kumakanta. Ang nakangiti nitong mukha ay nagbibigay ng saya sa aking dibdib."Ang laki na ng anak natin, Lily. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nakakasama natin siya habang inaabot ang kanyang pangarap," bulong sa akin ni Seve.Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. Parang dati lang kami iyong kumakanta sa entablado, hindi ko aakalain na may susunod pa rin pala sa yapak naming dalawa."Mommy, bagay po kay Kuya Lucas ang pag-aartista. Ang gwapo niya po! Bagay sila ni Ate Heidi." Kinurot ko ang pisngi ng bunso namin dahil sa sinabi nito.Limang taon na si Dreame at palagi itong nakasubaybay sa mga kapatid. Napatingin ako sa entablado nang biglang maghiyawan ang mga taong naroroon.

  • Hiding The Billionaire's Son   HTBS 46:

    •Lilac•Ilang araw muna kaming namalagi sa hospital at nang masigurado na namin na wala nang panganib sa mga anak namin ay kaagad namin silang iniuwi sa bahay."Ang saya nilang tignan," bulong ni Seve habang nakayakap sa aking likuran.Naglalaro sa aming bakuran sina Lucas at Kirsten, kasama nito sila cofe at ang kambal ni Persephone. Ibinilin ito sa amin ng huli dahil may pupuntuhan daw silang dalawa ni Hades."Kailan natin pupuntahan ang mommy mo, hon?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko noon sa hospital sinabi niyang pupuntahan namin ito para makausap ko."Kaya mo na ba siyang harapin, Lily? Sa tingin mo mapapatawad mo pa ba si mommy sa nagawa niya sayo?"Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa biglaang tanong na iyon ni Seve. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo ni Kirsten at ng mommy nito nang gabing iyon. Kung kasalanan ba ni

  • Hiding The Billionaire's Son   HTBS 45:

    •Lilac•Napatili si Persephone nang malaglag ang baso na hawak ko habang kumukuha ng tubig sa maliit na ref."Are you okay, Lilac?" Tumango lamang ako sa kanya at yumuko na para kunin ang mga nabasag ngunit pinigilan ako nito at pinaupo sa sofa."Ako na rito. Diyan ka nalang, huwag ka munang mag-iisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa iyo," mahinahong saad nito.Tumango ako at nilapitan si Lucas na mahimbing pa rin na natutulog. Kung hindi lang sa mga apparatos na nakakabit dito aakalain ng iba na natutulog lang ito."Nakita mo na ba ang mamay mo diyan, anak? Sabihin mo sa kanya na huwag ka niyang kunin sa akin, please?" napatigil ako sa pakikipag-usap dito nang gumaralgal ang boses ko. Tumingala ako sa may ceiling at hinayaan na pumatak ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.

  • Hiding The Billionaire's Son   HTBS 44:

    •Szellous•Kasama ko sila Hades, Daryl at Zeke ngayon. Nandito kami sa lumang bodega na sinasabi ni Daryl. Hindi ko alam kung nandito ba talaga si mama, nagbabasakali lang ako na makita ang anak ko."Pare, sa likod kaming dalawa ni Zeke, kayo naman ni Hades sa may front door dadaan," wika ni Daryl. Tumango ako at inayos ang dala kong brief case.Wala akong balak na makipag-away kay mommy. Ibibigay ko ang gusto niya huwag niya lang saktan ang anak ko.Tumakbo ako patungo sa may pintuan nasa likuran ko lamang si Hades, dala nito ang lisensyado niyang baril."Sa may ikalawang palapag ka, Seve. Ako ang mag-iikot dito sa may ibaba." Tumango ako sa sinabi niya at tumakbo na patungo sa may hagdanan.Sira na ang ibang apakan ng hagdan dahil luma na at matagal nang hindi nagagamit. Malalim akong huminga nang makita ang i

  • Hiding The Billionaire's Son   HTBS 43:

    •Lilac•"Lilac, are you okay?" Naririnig ko naman ang mga sinasabi nila pero wala akong gana na sagutin iyon. Nanatili lamang akong nakatulala sa may kawalan.Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na mabuhay kapag may nawala isa man sa mga anak ko. Mas nanaisin ko pa na ako yung nasasaktan kaysa makita silang nakikipaglaban sa kay kamatayan."Stop crying, Lilac. Nandito lang kami." Lumingon ako kay Persephone at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at umiyak na lamang sa harapan niya."Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka lang sa itaas," usal ni Aleister habang hinahaplos ang buhok.Tumango ako sa kanila at pinahid ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumunta sa may maliit na chapel ng hospital.Nang makapasok

  • Hiding The Billionaire's Son   HTBS 42:

    •Third Person•Masayang mukha ng mga tao ang makikita sa malaking bulwagan ng mga Dela Vega. Ngayon ang ikaapat na anibersaryo ng mag-asawang Szellous at Lilac."More anniversaries to come, Lovers!" nakangiting saad ni Annaliza."Ang hina mo naman, Seve. Bilisan niyo ang paggawa para dumami ang kalaro ni Lucas." Nagtawanan ang lahat sa biro ni Jiro.Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang mga bisita. Masyado silang nadadala sa kasiyahan at pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala.Sa ikatlong palapag naman ng mansyon ay naroroon ang dalawang bata na naglalaro ng bahay-bahayan.Malakas ang halakhakan ng mga ito ngunit natigil din nang may biglang pumasok sa kwarto na iyon. Takot ang nadama ng dalawa sapagkat sa bintana nanggaling ang taong pumasok."Si-sino ka po?" kinakabahang t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status