Thank you for reading po, and sorry for the late uploads. Susubukan ko po magsulat ng limang chapters
Kumalma si Scarlet nang makauwi sa kanilang bahay galing sa police station. Naniniwala siya na hindi ibubunyag ni Ursula ang katotohanan. Sigurado siya na hindi siya idadamay. Kumakanta s'ya tumungo sa banyo para magbabad muna sa bathtub ngunit hindi n'ya nagawa 'yon nag bilang tumunog ang cellphone niya. Pinapatawag siya ng pulis sa presinto. May masama s'yang pangitain ngayon sa kanyang puso. Hindi naman siguro nito binunyag, 'di ba?Nataranta siya at naalala ang huling pag-uusap nila. Naging maingat siya noon, ginawa nila ang plano na hindi dinadaan sa text messages at dapat ay harap-harapan. Saka bawal i-record ang kanilang konbersasyon.At kung may sasabihin man ito na nadawit ang pangalan niya, pwedeng niyang ipagkaila at isisi lahat kay Ursula.Pinakalma niya muna ang sarili saka bumalik sa presinto.Nang makarating si Scarlet ay muling sumibol ang umaalab na galit ni Aella. Alam niyang tuta lamang nito si Ursula dahil ito mismo ang mastermind sa paninira sa anak niya. At mala
Makalipas ang kalahating oras ay dumating si Matthias sa nasabing presinto. Nalaman iyong ng chief of police at personal siyang binati. Magalang siyang giniya nito papasok."Ano pong problema at naparito kayo, Doc?" tanong nito na may respeto.Padikwatro siyang umupo sa sofa ng opisina nito, sumasabog ang aura ng pagiging superior habang pinapaliwanag niya ang totoong pakay sa kalmadong boses."Tinatanggi pa rin ni Ursula Jensen ang pagiging guilty kaya wala akong choice kundi ang personal na pumunta rito," aniya."So, ano po ang ibig niyong sabihin...?" tanong ulit nito, natatakot na balewalain s'ya."Gusto ko s'yang puntahan para makausap ng personal. Please make me the arrangements," pakli niya.Tumango ito. "Opo, ihahanda agad namin ang interrogation room."Ilang sandali, gaya ng sinabi ng pulis ay dinala na ng mga ito si Ursula sa sinabi nitong interrogation room. Tumayo s'ya at lumapit kay Aella. "Maghintay muna kayo sa labas ni Angelica," banayad n'yang turan.Tipid itong ngum
Nagmamadali si Scarlet na tumungo sa police station pagkatapos ng kanyang trabaho upang bisitahin si Ursula."Please tulungan mo ako, Scarlet," pagsusumamo ni Ursula. Nakaupo sila ngayon sa isa mga upuan ng visitors lounge. "Ayokong makulong! Ikaw ang may pakana na magpanggap akong psychologist para gamutin ang anak ni Mr. Larson... please h'wag mo akong hayaan makulong."Nilayo niya ang sarili, puno ng babala sa kanyang mga mata, "Alam kong nagpa-panic ka ngayon, but in this place, dapat alam mo na ang sasabihin mo. Iyong tungkol naman sa therapy, walang problema kung sinunod mo, sabihin mo ang totoo sa kanila pero h'wag mo akong idawit, otherwise, talaga kita matutulungan."Naging mapait ang mukha nito. Naiintindihan nito ang ibig niyang iparating. Bawal s'yang idamay sa pinsalang ginawa nito, kung hindi mawawalan ito ng pag-asang makalabas sa kulungan.Binaba nito ang ulo at bumulong, "Mr. Larson might hold me accountable. Please, puntahan mo s'ya at magpakaawa. 'Di ba, mahal na ma
Hindi natuloy ang dinner date nina Aella at Matthias dahil sa nangyaring insidente. Nakaupo s'ya sa sofa ng opisina ni Andrew at bumakat ang takot sa kanyang mukha.Napuna 'yon ni Matthias at sinubukan s'yang patanahin. "Don't worry. Alalahanin mo, kung hindi mo s'ya pinigilan noon malamang nagdurusa pa rin si Angelica. Bumubuti na ngayon ang kalagayan niya kaya wala ka ng dapat ipag-aalala pa."Kumalma ang sistema niya habang pinapakinggan ang malamig pero magical at banayad nitong boses. I like him being so friendly towards her.Tumango siya, at napuno ng pasasalamat. "Thank you so much, doc, kung hindi mo in-expose si Ursula malamang ay magpapatuloy ito sa manira ng buhay ng iba. Saka salamat din dahil gumagaling ang anak ko dahil sa inyo."Minuwestra nito ang kamay. "It was just a small favor. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ito. Saka illegal ang ginawa niya kaya posibleng mabubulok s'ya sa kulungan."She gritted her teeth. "She really derserves it!"Bahagya itong tumango, ha
Hindi sukat akalain ni Andrew na makakasali siya sa madramang eksena ng dating psychologist ni Angelica at matapang na pagdepensa ng kaibigan niya.This is the first time Matthias defended a woman.Naniwala s'ya sa kaibigan niya at walang pasabuling tumawag ng pulis. Hindi mapakali si Ursula sa sobrang takot dahil hindi n'ya pinangarap na mahahantong sa sa ganitong gulo. Totoong nagsinungaling siya. Subalit, paano nagkaroon ng koneksyon ang lalaking iyon sa Harvard. Mukha itong ordinaryong tao at marahil nagsisinungaling ito. Gini-guilt trip lang siya!After all, kung totoo ang sinasabi nito, katapusan na niya mismo. Hindi siya pwedeng manatili rito."Bitawan mo ko!" Malakas niyang tinulak si Aella. Muntik itong matumba pero sinalo ng lalaki. Akma siyang aalis pero dumating pa ang isang lalaki kasma ang dalawang security guard at hinarangan siya."Hindi pa dumadating ang mga pulis kaya bawal ka munang umalis," sabi ni Prescott.Winagayway niya ang kamay. "Umalis kayo sa dinadaanan k
"Nakalimutan mong matagal na kitang sinibak bilang doctor ng anak ko?!" humahangos na singhal ni Aella sa doctor "Nasaan ang kahihiyan mo para magpakita ka rito?" Pinaligiran ng itim na mga ulap ang mukha ni Aella at wala s'yang plano magtimpi. Kumislot si Ursala dahil hindi inaasahan na lumitaw siya. Saglit na lumukot ang mukha nito. "Bakit parang ang sama ng pakikitungo mo sa akin? Nandito lamang ako para tignan ang anak mo. Gusto kong—" Humagalpak siya ng tawa. "Sa tanang buhay ko ay wala pa akong nakikitang mas makapal sa mukha mo, Doktora. My daughter's improvement has nothing to do with you, so, 'wag kang assuming. Ang totoo, isa kang basura na tanging alam ay risitahan ng tranquillizer ang pasyente niya at ngayon nagmamayabang ka na ikaw ang nagpagaling sa kanya?" "You..." Pinandilatan niya ito ng mga mata. Kung wala lang ibang tao rito ay malamang inikot na niya ang braso ng empakta mapagkunwari. "Ah, w-wala ako roon, kasalanan ito ng school? I'm a professional psycholo