"Aella, nand'yan ka pa ba?" Muli siyang bumalik sa hwesyo nang tinaas ng kaibigan ang boses. Natutulala siya sa realisasyon sa kaganapan. Suminghot siya at pinunasan ang luha sa pisngi. "Okay ka lang ba? H'wag ka ng umiyak, please..." untag ni Sandra. Pagak ang boses sa kabilang linya. "O-Okay lang ako. Don't worry about me. Humihiwa kasi ako ng sibuyas kaya umiyak ako," rason niya. "Hmm, by the way, how's my baby Angel recently? Is she feeling better?" she asked, full of concern. Umiling siya sabay sabi ng, "nagkataon na napatawag ka kaya sadyain ko magtanong, tutal marami kang kilala, kung sakali man—may kilala ka bang mahuhusay na mga psychologist? Hindi umi-improve ang kalagayan ni Angelica. Ang totoo nababahala na ako." Sandali itong natahimik, nag-isip kung may kakilala nito. Mayamaya'y tumikhim at malumanay na nagsalita, "may kilala ako!" "Talaga? Pwede mo ba akong i-recommend sa kanya?" nasasabik niyang tanong. Pumiyok ang boses nito. "I'm afraid that's not possible.
Last Updated : 2025-06-14 Read more