Share

Chapter 33

Chapter Thirty-three

"HAYUN nga, Manang Bola. Naudlot ang pantasya ko dahil ginising ako ng estudyante ni Papa." Nakaupo si Maris sa harap ng hapag habang nakikikain siya ng nilutong alimasag ng kapitbahay. "Sayang! Malapit na, eh. Konting-konti na lang didikit na," aniyang idinidikit sa labi ang pansipit ng kinakain.

"Matulog ka na lang ulit para mapaniginipan mo si Walter." Napahagikhik si Manang at umupo sa tabi niya.

Natigilan siya sa pagnguya. "May mali Manang, eh. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, hindi na si Walt ang bumabalik sa panaginip ko..." Napapikit siya at talagang imahe ng kanyang tutor ang kanyang nakikita.

"Huwag mong sabihin na may iba ka nang nagugustuhan? Naku, bata ka pa talaga. Madali pang magbago ang isip mo pati na ang nararamdaman mo." Sinalinan ng kanin ni Manang Bola ang plato niya. Sinasamantala niya ang kabaitan nito ngayon dahil katapusan na naman ng buwan. Agad din niyang kinamay ang bagong sinaing at saka din
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status