Louise POV Kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto ni Calyx, ako na nasa harap ng salamin at nagsusuklay ng buhok habang siya ay nagtitipa sa kan'yang laptop. Kanina pa sobrang lalim ng aking isip, si Ate Kate na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam kahit text man lang at ang aming ina na ang mahalaga lamang ay ang pera. Paano ko nga ba masosolusyunan ang problemang kinakaharap ko. Sana ay hindi ko na lamang sinunod si Ate noon pero hindi ko makikilala ang lalaking mahal ko ngayon. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil sa aking naisip. Paano kung malaman ni Calyx ang totoo? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Magagalit ba siya sa akin? Kakamuhian niya ba ako? Malamang kakamuhian niya ako. Masakit man isipin pero kailangan kong tanggapin. "Misis..." Napalingon ako kay Calyx, hindi ko napansin na nasa likuran na pala siya. "Y-Yes?" tanong ko sa kan'ya. "May problema ba? Tell me, kanina pa sobrang lalim ng iniisip mo nahahalata ko," wika niya sa akin at kinuha ang sukla
Calyx was disappointed because his wife was not a virgin anymore. He was expecting it because she had an affair behind his back, but he could not avoid the feeling. Kinalimutan niya na lang iyon sa kan'yang isipan at tinanggap ang babae. Alam niya kasi na nagbago na si Kate. As if nasa ibang katauhan na ito at kung papipiliin siya, mas mahal at pipiliin niya si Louise ngayon. Yes, Louise na ang tawag niya sa kaniyang asawa dahil tama naman ito, nagbago na siya. New name, new life. Natawa siya ng mahina nang maalala ang babae. Hindi niya alam kung bakit mas nababaliw siya sa babae ngayon. Kung tutuusin, this is not the plan, ang plano niya ay pasakitan ang babae ngunit hindi naman ito ang nangyari. Mas minahal pa niya ang asawa niya ngayon. Corny man kung iisipin pero baliw na baliw siya sa babaeng pinaghahandaan niya ng almusal ngayon. 'Yes, he was preparing a breakfast for her at ngayon niya lang ito ginawa sa tanang buhay niya. ' Bumalik siya sa realidad nang may nag-door bell
Louise POV Gusto kong maghigante ngunit ayaw ng puso ko. Hindi ko kayang saktan si Calyx na ang ginawa lamang sa akin ay puro kabutihan. Nang marinig ko ang usapan nilang magkakaibigan ay hindi ko na malaman kung ano ang papaniwalaan ko. Labis akong nasaktan at sobrang nadurog ang aking puso dahil sa aking narinig ngunit wala akong karapatan na maramdaman iyon dahil nagpapanggap lamang ako. Kinuyom ko ang aking kamao at kinuha ang cellphone na tinatago ko. Dinial ko ang number ng aking kapatid ngunit out of line na naman ito. "Nasaan ka na ba, Ate?" tanong ko sa aking sarili. Wala ngayon si Calyx sa mansion. Matapos niya akong paghainan ng almusal agad siyang nag-asikaso ng sarili papuntang kompaniya. Mamayang hapon pa iyon babalik. Ang totoo niyan hindi ko alam ang aking nararamdaman. Sobrang ma-ilap ako kanina sa kan'ya, hindi ko pa rin kasi maatim na lokohan lang pala ang ginagawa niya't sasaktan pa rin niya ako, este ang ate ko. Gustong-gusto ko nang umalis dito dahil sobran
Louise POV Agad akong nakauwi sa mansion at dumiretso sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone na nasa aking bulsa at tinawagan ang aking kambal. Hindi ko alam na sobra-sobra na ang sakripisyo ng aking kapatid simula noong mga bata pa kami. Akala ko siya ang paborito at mahal ng aming mga magulang ngunit masahol pa pala ang ginagawa nila kay Ate kaysa sa akin. Paano nila nagawa iyon sa kapatid ko? Kumuyom ang aking kamao at kinagat ang aking labi para mapigilan ang paghikbi. Subalit hindi ko agad iyon napigilan kaya napahagulhol ako. Nasasaktan ako sobra. Hindi ko alam na may pinagdadaanan din pa lang masamang karanasan noon ang kapatid ko. All this time, selos na selos ako dahil sa magandang pakikitungo nila sa kambal ko kaysa sa akin pero may kapalit pala iyon. Galit at pagkamuhi ang aking naramdaman sa aking magulang o masasabi pa bang magulang sila? Panay lamang ang ring ng kaniyang cellphone hanggang sa nag-end ito. Hindi pa rin ako nagpatinag at tinawagan pa rin siya ngunit ilang
Calyx POV I don't know where I should go, hinayaan kong mawala ang isang taong pinakamamahal ko. Mas minahal ko pa kaysa noon. Hindi ko na nga alam kung siya pa ba iyong babaeng nakilala ko noon dahil malaki na ang pagbabago niya. Simula sa pisikal na kaunyaan, pananamit at pag-uugali. She was so different, as if like she was possessed by someone else and I love how she is right now. Kate... No, Louise. I love her to the fullest. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang mawala siya ngayon. Siya ang dahilan kung bakit tumayo ako muli. Siya ang aking inspirasyon at kung mawala man siya baka mawala rin ako. Sounds corny and crazy but that's the truth. I can't live without her. Alam ko sa sarili ko na babalik siya. I will give her space pero after that kung hindi man siya babalik ay ako ang pupunta sa kan'ya.Kaagad akong pumasok sa loob at may tinawagan. "Please, follow my wife. Alamin mo kung saan siya pupunta," utos ko kay Butler Winston. Huminga ako ng malalim at umupo sa swivel
Louise POV I was in love with Calyx and couldn't bear seeing his parents and him hurting kaya naman ay hindi na ako umalis pa. Naniniwala rin ako na hindi ako niloloko ni Calyx dahil halata naman na puro ang pinapakita ng lalaki sa kan'ya. Napapangiti na lang ako dahil sa nangyari noong nag-dinner kami ng pamilya ni Calyx. Agad na tinawagan pala ni Mrs. Villareal si Calyx kaya mabilis itong pumunta sa bahay ng mga magulang niya. Hindi ko in-expect iyon, hiyang-hiya ako dahil nag-abala pa itong bigyan ako ng isang bouquet of flowers for peace offering. He confessed everything, na mahal na mahal niya ako at hindi niya kayang mawala ako sa kan'ya. I also said I love him dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko walang halong pagda-drama.Gusto ko na ngang sabihin sa kan'ya ang tunay na ako ngunit inuunahan ako ng kaba. I wanted to be faithful to him because he didn't deserve everything I and my sister planned against him. Hindi niya deserve lokohin at saktan. He's too innocent and
Hello readers, I hope you're doing well. Sana po ay nagustuhan niyo ang story-ing ito. Hindi ko na po ito papahabain pa dahil alam kong malaki na siguro ang nagastos niyo sa pagbili pa lang ng coins. Asahan niyong matatapos ito ng happy at makatarungan ang ending. Maraming maraming salamat sa pagsuporta. Lalong lalo na kay Jomay Kabiling na sobrang sipag magbasa at maglagay ng comment kada chapter. Sana po ay hindi niyo ako iwan, sana ay makita ko ulit ang comment mo hanggang sa dulo ng chapter nito. Love you readers! Hindi ko alam kung gaano ako nagpapasalamat dahil kayo ang naging inspirasyon ko at sa inyo lang talaga ako humuhugot ng lakas at will to write more. Huwag niyo po sanang kalimutan na maglagay ng review at magbigay ng gems sa story-ing ito. Maraming-maraming salamat at hanggang sa muli. Mahal ko kayong lahat. -Pammy-
Calyx POV I decided to went to Cebu with my wife because I had a resort there. I wanted to have a vacation with my wife and introduced the beautiful city of Cebu. I am beyond happy dahil hindi niya ako iniwan. Nang matanggap ko ang tawag sa akin ng aking ina ay agad akong pumunta sa mansion. Nagbiro pa nga ang mommy na kapag narinig ko lang ang pangalan ng asawa ko ay mabilis pa sa alas kwatro akong nabisita roon sa kanila. Matagal na rin kasi akong hindi nakakabisita sa kanila dahil aside sa sobrang busy sa trabaho ay may asawa pa akong dapat asikasuhin. Nang makarating kami sa resort ay bumungad sa amin ang nakahilerang mga empleyado para salabungin ang pagbabalik ko. Isang taon na rin siguro ang nakalipas nang huli kong bisita rito. Rito ako minsang tumatambay kapag gusto kong mag-relax. "Magandang umaga, Sir Calyx. Masaya kami at bumisita kayo rito, mahigit isang taon na rin ang huli mong bisita sa resort," nakangiting bati ni Joseph, supervisor dito sa resort. "Kaya nga eh