LOGINAtty. Roxanne Gomez thought she had it all — a thriving career and a peaceful life ahead. Pero isang gabi, gumuho ang lahat. Pag-uwi niya mula sa panalo niyang kaso, natuklasan niyang may ibang minamahal ang asawa niya — isang matandang lalaki na matagal nang kaibigan ng pamilya nila. Doon niya nalaman ang matinding katotohanang ginamit lang siya ni Julian bilang panakip sa tunay niyang pagkatao. Sa gitna ng sakit at pagkadurog, pinili ni Roxanne na magpakalayo at magpakalunod sa alak. Ngunit pagmulat ng mata niya kinabukasan, natagpuan siya sa piling ng isang lalaking hindi niya inakala na magiging bahagi ng kanyang buhay — si Mateo Ramirez, ang tiyuhin ng asawa niya. Isang gabing puno ng luha at kalasingan ang nagbunga ng isang kasalanang hindi niya matatakasan. Parang gumuho ang mundo ni Roxanne nang malamang siya ay buntis. At ang ama ng dinadala niya ay ang mismong tiyuhin ng asawa niyang minsang sumira sa kanya. Habang sinusubukan niyang takasan ang nakaraan, unti-unti namang tumitibok ang puso niya para kay Mateo — ang lalaking hindi niya dapat minahal, ngunit hindi rin niya kayang talikuran. Ipaglalaban ba ni Roxanne ang bawal na pag-ibig, o susunod sa katahimikan at reputasyon ng lahat? Paano kung ang tanging kasalanan niya… ay ang magmahal ng maling tao sa tamang panahon?
View MoreRoxanne's POV
Pagkatapos ng matagumpay na kaso na pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan, pakiramdam ko ay nakalutang ako sa tuwa. I was finally able to win against one of the toughest corporate cases handled by our firm. Pagkatapos ng hearing, niyaya ako ng mga kasamahan kong abogado na mag-celebrate. Pero tumanggi ako. Gusto ko lang umuwi agad. Gusto kong makita si Julian. Gusto kong maramdaman muli na may dahilan pa akong ngumiti pagkatapos ng lahat ng pagod. “Sigurado ka bang hindi ka sasama, Rox?” tanong ni Atty. Claire habang nag-aayos ng gamit. “Next time na lang. I really want to go home early. Gusto kong ibalita kay Julian,” sagot ko, habang ngiti pa ako nang ngiti sa tuwa. “Ikaw ang bahala. Basta text mo lang kami kapag nagbago ang isip mo. Sasamahan ka namin mag-celebrate,” bilin ni Claire bago ako naunang lumabas. Pagdating ko sa bahay, halos madurog ang dibdib ko sa saya habang nakatingin sa mga bulaklak na binili ko, pati ang maliit na cake. Sinadya kong maglakad nang tahimik papunta sa kuwarto, plano kong sorpresahin ang asawa ko. Paglapit ko sa pinto ng kuwarto namin, nakabukas ito ng bahagya. Akala ko ay nanonood lang siya ng TV, pero nang buksan ko nang mas malaki, bigla akong natigilan. “J-Julian…” Nakita ko mismo sa harap ko ang asawa kong si Julian na nakikipagtalik sa isang matandang lalaki—si Mr. Benedicto Santos, kaibigan ng pamilya nila. Hindi ako agad nakakilos. Nanatili lang akong nakatayo, nanginginig, hawak pa rin ang cake na kanina ko lang pinangarap na pagsaluhan namin. “Roxanne!” sigaw ni Julian nang mapansin ako. Agad niyang tinabig ang lalaki at nagmamadaling nagtakip ng kumot. “What the hell are you doing here?” Hindi ako makasagot. Nanghina ang mga tuhod ko, kaya napaupo ako sa sahig. “A-Ano ‘to, Julian? Anong ibig sabihin nito?” Lumapit siya sa akin, halatang galit. “Wala kang karapatang basta-basta pumasok dito nang walang paalam!” Napalunok ako, halos hindi makapaniwala sa naririnig ko. “Walang paalam? Asawa mo ako! Kuwarto natin ‘to!” “Don’t raise your voice!” sigaw niya. “Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo, Roxanne!” Tumayo ako, nanginginig sa galit. “So this is the reason kung bakit hindi mo ako mahawakan? Kung bakit sa loob ng limang taon, halos hindi mo ako tinitingnan?” Itinuro ko ang kama. “Ito ba ang gusto mo? Ito pala ang dahilan kung bakit ako nagmumukhang hangal!” Humakbang siya palapit, puno ng inis ang mukha. “You wouldn’t understand, Roxanne! You never did! Hindi mo alam kung gaano kahirap itago ‘to!” “Bakit kailangan mong gamitin ako?” halos pasigaw kong tanong. “Ginawa mo akong laruan para lang maitago mo ang totoo mong pagkatao?” “Tigilan mo nga ‘yang pagdadrama mo! Hindi ko ginusto ang kasal na ‘to! It was our parents’ idea! At sa totoo lang, kung hindi nila ako pinilit, never kita pakakasalan!” Tumigil ang mundo ko. “Julian…” “You’re a cold woman, Roxanne. You always pretend to be perfect—successful lawyer, ideal wife, but to be honest? You’re boring. Kahit kailan, hindi mo ako napaligaya!” Namilog ang mga mata ko, namuo ang luha. “Ganoon na lang? Lahat ng taon, lahat ng sakripisyo ko, basura lang para sa ‘yo?” Tumawa siya ng mapait. “Don’t act like a victim! You knew this marriage was built on convenience. Pareho nating alam kung bakit tayo nagpakasal—para sa negosyo, para sa imahe. You’re not innocent, Roxanne!” “Hindi ko alam na ganito ka!” sagot ko, umiiyak na. “Naniwala ako na kahit paano, may pagmamahal pa rin sa pagitan natin! Na darating ang araw na matutunan mo rin akong mahalin at tanggapin!” Naglakad siya palayo, kinuha ang mga damit niya at mabilis na nagbihis. “Love? You don’t even know what that word means. Hindi ako kailanman nagmahal sa ‘yo. At kung umaasa kang mababago ‘to, wake up! I’ve been like this all my life! Hindi kita kayang mahalin, Roxanne!” “Julian, please…” Tinangka kong lapitan siya, pero tinabig niya lang ako. “Don’t touch me,” malamig niyang sabi. “You disgust me, Roxanne. Wala kang alam sa tunay na kaligayahan ko bilang asawa mo.” “Kaligayahan?” Napasigaw ako. “Ito ba ang kaligayahan mo—ang pagtatraydor? Ang pagsira sa dangal ko bilang asawa mo?” “Stop pretending you’re the victim here! You’re just like everyone else. Wala kang karapatang humusga sa akin dahil hindi mo alam ang pinagdadaanan ko.” Humigpit ang pagkakahawak ko sa cake na hawak ko pa rin. Sa sobrang galit, ibinato ko iyon sa sahig. “I gave you everything! Sinubukan kong maging mabuting asawa! Naghintay ako! Pero anong ginawa mo? Niloko mo ako sa bahay natin mismo! You're disgusting, Julian! Mas pipiliin mo pa talagang magloko sa akin kesa sabihin kung ano ang mali sa relasyon natin!” Malamig niya akong tinitigan. “Tapos na ‘to, Roxanne. Wala nang dapat pag-usapan. You can go back to your perfect lawyer life. Leave me out of it.” “Julian…” “Please, just go.” Nakatitig ako sa kaniya, pilit iniintindi kung paano naging ganito ang lalaking dati kong pinagkatiwalaan ng buong puso. Sa sobrang sakit, tumalikod ako, at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Naririnig ko pa ang sigaw ng matandang lalaking kasama niya kanina. Hindi ko na pinansin. Sa sasakyan, hindi ko na napigilang humikbi nang malakas. Hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi ko alam kung anong mali ko. Lahat ng alaala namin, lahat ng sakripisyong ginawa ko, biglang nagmistulang wala lang. *** Pagdating ko sa isang bar malapit sa opisina, umorder ako ng alak. “Isa pa,” sabi ko sa bartender, halos walang emosyon. Paulit-ulit lang akong uminom hanggang sa hindi ko na alam kung ilang baso na. Habang pinakikinggan ko ang maingay na tugtog, bumalik-balik sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Julian. “You disgust me.” Pinikit ko ang mga mata ko, at doon na ako tuluyang naiyak. “Miss, okay ka lang?” tanong ng bartender. Tumango ako, pero halatang lasing na ako. “Hindi ko alam kung may mali ba sa akin… o sobra lang akong tanga.” Hindi ko na alam kung anong oras na nang lumabas ako ng bar. Malakas na ang ulan. Halos hindi ko na makita ang daan. Sa gitna ng paglalakad ko, naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko. “Miss, sandali lang, baka matumba ka.” “Bitawan mo ako!” sigaw ko, pero nang tumingin ako, nakita ang lalaki ang nakayuko, nakapayong, nakasuot ng itim na coat. “Roxanne?” mahina niyang sabi, parang nagulat din siya. “What the hell are you doing out here?” Sobrang labo ng paningin ko. Hindi ko halos maaninag ang itsura ng lalaki. “Julian?” halos bulong ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Mahal na mahal kita. Ako na lang, please. Kakalimutan ko ang nangyari sa bahay.” Hindi siya sumagot. Tumingkayad ako upang halikan ang labi niya. Hindi ko alam kung paano niya ako nakita. Pero ang huli kong naalala ay ang boses niya habang sinasabing, “You’re freezing. Come with me. I’ll take you home.” *** Pagkagising ko kinaumagahan, nasa loob na ako ng isang malaking kuwarto. Doon ko lang napagtantong wala ako sa bahay ko. Nang bumaba ako, namilog ang mga mata ko nang nakita si Mateo, ang tiyuhin ni Julian. Nakaupo siya sa sofa, tahimik na nagbabasa ng dokumento. Nang mapansin niyang gising ako, agad siyang lumapit. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Napakagat-labi ako nang mapagtantong si Mateo ang hinalikan ko! “You were completely drunk last night. Good thing I found you before something worse happened.” “Bakit mo ako dinala rito?” tanong ko, pilit tinago ang kabang nararamdaman. “You couldn’t even stand on your own. I couldn’t just leave you there.” Napakamot siya sa leeg niya. Mas lalo akong kinabahan nang napansin ang kiss mark sa leeg niya. “You're sore from last night. Binilhan kita ng gamot. You can drink it,” sabi ni Mateo, Napasinghap ako, nanlamig ang buong katawan ko nang tuluyang pumasok sa isip ko ang ibig sabihin niya. My jaw dropped as realization hit me—may nangyari sa amin kagabi.Roxanne's POV Pagkatapos ng ilang araw na walang tulog dahil sa sunod-sunod na hearings, niyaya ako ng mga kasamahan kong babae sa law firm na mag-unwind. “Roxanne, come on, kahit isang gabi lang. You deserve to relax,” pilit ni Atty. Bianca habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Pass muna ako,” sagot ko, pinilit kong ngumiti habang tinatago ang pagod sa mukha ko. “May inaasikaso pa kasi ako.”“Rox, ilang linggo ka nang hindi sumasama. Don’t tell me trabaho na naman?” singit ni Atty. Jane. “Ang boring mo na, promise.”Napabuntong-hininga ako. “Fine. Sasama ako, pero juice lang iinumin ko. No alcohol.”“Okay! Pero huwag kang mag-drama doon ha. I swear, kailangan mong i-loosen up.”***Pagdating namin sa bar, agad akong nabingi sa lakas ng tugtog at amoy ng alak. Hindi ako komportable, lalo na ngayon. Ramdam ko ang bigat ng tiyan ko kahit hindi pa halata. Napaupo ako sa isang sulok habang pinapanood silang sumasayaw at nagtatawanan.“Roxanne! This one’s for you!” sigaw ni
Roxanne's POVKatatapos ko lang ayusin ang mga dokumento ng bagong kaso ko nang mapansin kong tumatawag si Mateo sa cellphone ko. Para bang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa takot, o sa kakaibang saya na ayaw kong aminin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.“Okay, Roxanne, calm down,” bulong ko habang nakatingin sa screen.Ilang segundo pa bago ko tuluyang sinagot ang tawag. “Hi,” mahinang bati ko.“Rox,” agad niyang tugon. “Pwede ba kitang makita ngayong gabi?”“Mateo, hindi puwede rito sa labas,” sagot ko agad. “Baka may makakita sa atin. Baka may makapag-picture. You know what people are like.”“Hindi ko rin gusto na may makakita,” sabi niya. “I just… need to make sure you’re okay. Hindi kita nakita kahapon, and you didn’t answer my messages.”Napahinga ako nang malalim. “I’m fine. Busy lang sa work. Sige, pero sa condo na lang. Huwag kang magmadali, may kailangan pa akong tapusin.”“Okay. I’ll be there in an hour,” sagot niya, tapos pinuto
Roxanne's POV“Paninindigan kita kahit anong mangyari,” sabi ni Mateo. “File an annulment.”Napahawak ako sa ulo ko. “Mas lalung magiging komplikado kung magpa-file ako ng annulment laban kay Julian para lang mapakasalan mo ako. Hindi ito basta-bastang desisyon na pwedeng gawin sa isang iglap. Alam kong hindi lang reputasyon ko ang nakataya rito—pati buong pangalan ng pamilya Ramirez, pati karera kong pinaghirapan, pati dangal ng mga magulang ko.”Hinawakan niya ang kamay ko. “Fine. Please keep the baby. Aalagaan ko kayo.” Napabuntong-hininga ako nang umalis si Mateo, bumalik sa pamilya namin.Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong kaya kong harapin ang lahat, alam kong hindi gano’n kadali. Sa mundong ginagalawan ko, sapat na ang isang maling hakbang para sirain ang lahat ng pinaghirapan mo.Mula nang aminin ko sa kaniya na buntis ako, araw-araw, pilit siyang nagpupunta sa condo ko nagdadala ng pagkain, gamot, at kung anu-ano pa.Kahit pinagsarhan ko siya ng pinto. Pero hind
Roxanne's POVLumipas ang mga araw at linggo, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Mateo.Lumipat na ako sa maliit kong condo sa Mandaluyong, malayo sa bahay na minsan naming pinagsaluhan ni Julian. Simula nang malaman kong hayagan na siyang nakatira sa piling ng kalaguyo niya, hindi ko na kinaya ang manatili ro’n. Sawa na ako sa sakit, sa mga bulong ng kasinungalingan, at sa mga titig ng mga taong nakakaalam ng totoo.Ginugol ko ang buong oras ko sa trabaho. Halos araw-araw, nasa korte ako o kaya’y nakatutok sa mga legal documents. Gusto kong ilibing ang sarili ko sa mga kaso kasi mas madali pa ‘yon kaysa harapin ang katotohanang wala na kaming pag-asa ni Julian.Habang nagpe-prepare ako papasok, bigla akong nahilo. Tinanggal ko ang heels ko at umupo sa gilid ng kama. Pinikit ko ang mga mata ko pero lalo lang akong tinamaan ng hilo.“Hindi puwedeng buntis ako,” mahina kong sabi sa sarili. “Imposible.”Sinubukan kong balewalain, pero nang ilang araw pa
Roxanne's POVPagkatapos ng matagumpay na kaso na pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan, pakiramdam ko ay nakalutang ako sa tuwa. I was finally able to win against one of the toughest corporate cases handled by our firm. Pagkatapos ng hearing, niyaya ako ng mga kasamahan kong abogado na mag-celebrate. Pero tumanggi ako. Gusto ko lang umuwi agad. Gusto kong makita si Julian. Gusto kong maramdaman muli na may dahilan pa akong ngumiti pagkatapos ng lahat ng pagod.“Sigurado ka bang hindi ka sasama, Rox?” tanong ni Atty. Claire habang nag-aayos ng gamit.“Next time na lang. I really want to go home early. Gusto kong ibalita kay Julian,” sagot ko, habang ngiti pa ako nang ngiti sa tuwa.“Ikaw ang bahala. Basta text mo lang kami kapag nagbago ang isip mo. Sasamahan ka namin mag-celebrate,” bilin ni Claire bago ako naunang lumabas.Pagdating ko sa bahay, halos madurog ang dibdib ko sa saya habang nakatingin sa mga bulaklak na binili ko, pati ang maliit na cake. Sinadya kong maglakad nang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments