SPENCER
"S-salamat at dumating ka." wika ko sa lalaking nagligtas sa aking buhay.
"Hmm..." turan nito, tumango sabay ngiti. "'Wag mo nang uuliting lumangoy ng walang kasama ha." dagdag pa niya.
Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi. Naninibago ako sa tono ng boses niya ngayon, napaka lambing nito na nakapagpabilis ng tibok ng aking puso. Hindi ako sanay pero gustong-gusto kong marinig ito palagi.
"Tara hatid na kita sa unit mo!" wika nito sa akin ngunit nang patayo na ito ay tumanggi ako.
Sa totoo lang ayoko pang bumalik sa loob kasi ayokong maputol ang sandali naming dalawa.
"Ayoko pa sana
SPENCER"Nandito na tayo! So, good night na?! Pasok ka na!" sabi ko kay Aaron.Alas onse na ng gabi kaya nagdesisyon na kaming umakyat dito sa taas. Halos dalawang oras din kaming sa poo. At ngayon nandito na kami sa harap ng kanya kanya naming unit at nagpapaalam sa isa't-isa."Ikaw na muna! Mauna ka nang pumasok!" sabi nito sa akin."Ikaw na lang sabi." pagpipilit ko sa kanya.Tinignan ako nito at siguro'y nakukulitan na siya sa akin. Bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Napaatras ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Ewan ko ba kahit naghalikan na kami, kinakabahan pa rin ako kapag sobrang lapit niya sa akin."Aya
SPENCERMalakas ang musika sa loob ng kotse ni Raffy. Para kaming baliw na nagkakantahan at sinasabayan ang mga shuffled song ng mga iba't ibang artist. Ang sinasabayan naman ngayon namin ay ang kanta ni Anne Marie na pinamagatang Friends.Habang patuloy kami sa pagsabay sa kanta ay napansin kong natahimik ang katabi kong si Aldrin. Apat kami ngayon sa loob ng kotse ni Raffy. Ako, si Raffy at Larah, at ang kababata kong si Aldrin. Gusto kasi siyang makilala ng dalawa kong kaibigan, kaya ayon, dinala ko siya sa university para sa magdecorate ng booth namin para bukas sa National Music Festival na gagawin mismo sa University namin. At kahit hindi ako ang naging vocalist, excited pa rin ako kasi makikita kong magpeperform si Aaron.Madali namang nagkapalagayan ng loob ang tatlo kong kaibigan at para ngang click na
Sobrang abala ang lahat ng myembro ng Music Club sa pagdedesinyo sa kanilang booth na gagamitin bukas sa idadaos na National Music Festival. Aligaga subalit masaya ang lahat sa kanilang ginagawa. Si Spencer at Aaron ay natapos nang gawin ang standy, at nang matapos din silang mag-usap ay bumalik na sila sa kinaroroonan ng grupo sa loob ng gymnasium. Sa gymnasium kasi ng University isasagawa ang nasabing event. Sinalubong kaagad ni Joyce si Aaron at Spencer upang makisuyo na magpabili sa dalawa ng bagong Mic at Electril guitar dahil sa 'di inaasaha'y nasira ang kasalukuyang ginagamit nila at kinakailangan nang palitan para sa gagawing kompetisyon bukas. Ngunit napuna kaagad ni Joyce ang kadungisan ng dalawa dahil sa mga pintura na nasa mukha at damit ng mga ito. Kaya pinagbihis niya
SPENCER "Can you cheer me up?" Napangiti ako dahil sa sinabi ni Aaron, akala ko'y anong importanteng sasabihin niya at pumunta pa talaga siya sa kinauupuan ko. "Hmm... Sempre naman, malakas ka sa'kin eh!" tugon ko sa kanya. Pagkatapos ay kumindat pa ito sa akin bago tuluyang umalis. Buti na lang at wala pang ibang tao. Kasalukuyan akong nakaupo at naghihintay para makita ang pag-eensayo ng banda nila Aaron na King of Hearts para sa battle of the band na gagawin bilang main event competition ng National Music Festival 2021. Kakarating lang namin ni Aaron galing sa pamimili ng Mic at Electric guitar. Medyo natagalan lang kami at madilim nang nakarating d
SPENCER"Mot, hindi ka pa ba maghahanda? Sasama ka naman sa akin sa victory party 'diba?" pagtatanong ko sa kasama kong kanina pa malayo ang tingin.Tila may iniisip ata ang kababata ko, subalit kung tatanongin ko nama'y hindi niya rin sinasabi."Mot, siguro dapat wala na'kong sayanging oras." sambit nito na ipinagtaka ko.Tinignan ko ito sa repleksyon ng salamin na nasa harapan ko, nakaupo ito sa aking kama at nakatulala. Nilingon ko siya ng may pagtataka sa mukha at nagtanong. "Anong ibig mong sabihin Mot? Pansin ko rin kanina ka pa tulala d'yan."Tumingin ito sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay puno ng sigla ang kanyang mga mata. Ngumiti ito at nagsalita. "Mot, siguro dapat ko nang sundan si Edward sa America." sambit nito.
SPENCER 'Di ko lubos mawari ngunit parang pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin ni Aaron ngayon. Hindi ko lang maalala kung kailan ako kadaan sa highway na 'to at saan ako pumunta no'n. Patuloy kong pinagmamasdan ang daan at inaalala kung kailan ako nakadaan dito, ngunit bigo akong maalala. Gabi na kasi kaya siguro hindi ko masigurado ang lokasyon namin. Sinawalang bahala ko na lamang ang iniisip ko at tinignan ang nagmamanehong si Aaron. "Oy, Aaron! Malayo pa ba tayo?" tanong ko rito. "Hindi, malapit na. Pero ganito na lang! Pumikit ka muna." biglang pakiusap nito sa akin. "Ha? Bakit naman?" pagtataka ko. "Bast
"May sakit ka sa puso?" patuloy nitong usisa.Tumango ako sa kanya at patuloy na nagsalita. "Hm! Congenital Heart Disease. Since then, dala-dala ko 'yun. Naoperahan ako for heart transplant at ngayon okay nako! 'Di ba? Parang hindi ako dumaan sa sakit." masigla kong saad sa kanya."Wow! I... I didn't know. You're so brave!" Kitang-kita ko ang pagkamangha ni Aaron habang sinasabi niya ang mga kataga.Napangiti lang ako sa kanya at ibinaling ang tingin sa kabuoang tanawin ng pinanggalingan naming syudad."Ang ganda ng tanawin 'diba? Na realized ko rito na talaga ngang kung titignan tayo mula sa langit, parang langgam lang tayong lahat. Kahit ano at sino ka pa, sa mata ng d'yos pantay-pantay lang ang lahat. Walang nasa taas, walang nasa baba!" mahina kong wika habang inaalala ang
SPENCER Nagising ako sa liwanag ng sinag ng araw na tumatama sa salaming bintana ng condo. Kahit may nakatakip na makapal na kortina ay sobrang nakakasilaw pa rin ito tanda na mataas na ang araw. "Ow... Shit!" tanging nabigkas ko nang mapagtanto ang araw na ito. Final exam lang naman namin para sa pagtatapos ng first semester. Kaagad akong bumangon sa kama. Hindi ko na alam kung anong una kong gagawin—kung tatakbo ba sa banyo para maligo o sa kusina para kumain. Tinignan ko ang alarm clock sa gilid ng kama, alas 8 na ng umaga at sabi ni professor Magtibay na eksaktong alas 8 kami dapat pumsok. Nanlamig ako bigla nang makitang huli na ako sa final exam. Kinuha ko ang alarm clock at inalog ito sa inis ko sa sarili. "Bakit hindi ka tumunog! Naalala kong nai-set kita kagabi eh." maiyak-iyak kong wika, hindi ko rin mapigila