Nag-aagaw na ang dilim at liwanag, hudyat na malapit nang magtakip-silim. Ang buong pamilya Dela Cruz ay naghahanda na sa pag-alis patungo sa mansyon ng mga Mendoza. Tinignan ni tatay Alberto ang kanyang relo upang tignan ang oras, ala-sais na ng hapon. Bumaba na ito sa garahe upang ihanda ang kanyang sasakyan na gagamitin nilang pamilya sa pagpunta sa mansyon.
Sa silid ng magkapatid ay naglalagay na ng make-up si Eilana habang si Spencer ay nasa kama pa rin at tila malalim ang iniisip. Kanina pa ito sinabihan ng nakakatandang kapatid na mag-ayos na dahil ilang minuto na lang at aalis na sila.Napapansin ni Eilana ang pagkabalisa ng kapatid kaya tinanong niya ito kung anong problema."Bunso, may sakit ka ba? Mukhang matamlay ka ata? Ano bang problema?" nag-aalalang pagtatanong nito.Biglang bumalik si Spencer sa reyalidad at kaagad na sumagot. "Ha? A-te? W-wala, wala! Okay lang ako." nauutal at natatarantang sagot nito.TinAARON "Bro, Can you please calm down." Kevin said to me. "How could I calm myself? Dalawang araw ko na siyang hindi nakakausap. I'm worried Kevin, hindi gano'n si Spencer!" I worriedly said. I can't help myself for continuously shaking my legs while sitting on my condo's couch. Here with me is my Bestfriend Kevin. Sobra na akong nagaalala kay Spencer because I can't contact him for almost two days. I know that he was with his family and he will stay there for one week, but, I already missed him and now that we didn't able to talk to each other—it made me felt agitated. "Wait, let me try to contact him." ani Kevin. Tinawagan na nga ni Kevin si Spencer at sandali pa'y nag-ring ito. My eyes suddenly just glitter and my heartbeat accelerates while waiting him to pick-up the phone. "Buns, sagutin mo naman." sambit ko habang patuloy na umaasa. "Sasagot 'yan! Baka may ginagawa lang kani—" "The n
SPENCER Kahit sa harapan ng salamin kitang-kita ko ang kalungkutan sa 'king mga mata. Ewan ko ba kahit anong panglolokong gawin ko sa sarili ko ngayon, nahihirapan talaga akong itago ang tunay kong nararamdaman. Dati expert na ako rito eh, no'ng may sakit ako kahit sobra akong nalulungkot lagi ko namang naloloko ang sarili ko, dahil ayaw ko rin ipakita kina nanay, tatay, at ate na malungkot ako't nasasaktan. Ganito ba talaga ang epekto ng pag-ibig? Ang hirap itago, ang hirap kalimutan na lang! Habang tinititigan kong maigi ang sarili ko sa salamin ng banyo ay biglang kumatok si ate Eilana. "Bunso, malapit ka na bang matapos? Kung hindi pa, sa banyo sa kusina na lang ako maliligo." wika nito sa labas. Agad akong napabalik sa reyalidad at kaagad na sumagot sa kapatid ko. "Hindi ate,
Sinamahan ni Kevin si Aaron sa condo unit nito upang uminom ng alak. Tinignan ni Kevin ang kaniyang relo at nakita niyang alas 10 na ng gabi. Kanina pa silang 6PM nag-iinom pagkauwi na pagkauwi galing sa konprontasyon ni Aaron at Spencer. Dahil kanina pa ang dalawa ay may tama na rin ang mga ito sa alak. Ngunit si Kevin ay hindi makatanggi sa kaibigan dahil nasaksihan niya mismo kung papaano ito hiwalayan ni Spencer at kung paano ito labis na nasaktan. Sa totoo lang hindi makapaniwala si Kevin na hihiwalayan ng ganon ganon na lang ni Spencer ang kaibigan niya. Hindi makapaniwala kagaya ng una niyang marinig mula kay Aaron na may kakaiba itong nararamdaman kay Spencer, at noong sinabi na talaga nitong silang dalawa na. Matagal na niyang kasama ang kaibigan ngunit hindi niya naisip na magmamahal ito ng lalaki at iiyak pa talaga ito dahil dito. Naisip niya, siguro nga ay walang limitasyon ang pag-ibig, walang kasiguraduhan at dumarating ng hindi in
Nagmamadaling binaybay ni Aaron ang daan patungo sa Chen Publishing upang harapin ang ama. Malakas ang pakiramdam niyang ito ang dahilan sa likod ng paghihiwalay nila ng nobyong si Spencer, kaya pupuntahan niya ito upang ipaglaban ang minamahal. Nagawa na niya noong suwayin ang kagustuhan ng ama at gagawin niya ang lahat ng paraan ngayon upang hindi na sila tutulan pa nito. Habang nagmamaneho ay iniisip nito kung anong gagawin niya kung maghaharap na sila ng kaniyang ama. Sa totoo lang wala pa siyang plano kung ano ang dapat niyang gawin. Alam niyang isa itong padalos-dalos na desisyon ngunit wala na siyang dapat na sayanging oras. Sandali pa'y biglang tumunog ang kaniyang telepono. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. "Aaron, ipapaalala ko lang sayo ang pagkikita natin mamayang gabi—" "Papunta na 'ko sa kumpanya!" pagputol ni
SPENCER Araw ng sabado ngayon pero maaga akong pumunta sa PSU. Natapos na kasi ang semester kahapon at suppose to be kahapon kami magtatanim ng isang punong kahoy malapit sa meditation area, bilang parte ng clearance. Pero kasi kahapon isinagawa ang interview kaya hindi kami nakapagtanim ng mga kaibigan ko. Tinawagan ko na sina Larah at Raffy at papunta na sila. Actually 9AM ang usapan namin pero pumunta ako ng 7AM kasi gusto ko munang tumambay sa upuan sa may meditation area na tinambayan ko no'ng nakaraang araw, ang sarap kasing pumunta doon at mag-unwind. Habang humahakbang ako papalapit sa upuan ay may napansin akong nakaupo roon! Akala ko ay si Peter—ang estudyanteng nakilala ko na madalas na pumupunta rito kaya nagpatuloy lamang ako sa paghakbang. Ngunit nang malapit na ako at malinaw ko ng nakikita kung sinong nakaupo ay natigilan ako bigla. Hindi si Peter ang naroon. Isang lalaki na medyo may edad na
Labis na nag-aalala sina tatay Alberto, nanay Rosa, at Eilana sa kanilang bunsong anak at kapatid na si Spencer. Isang araw na kasi itong nakahiga sa kwarto at hindi lumalabas. Napapansin ng mga magulang na may tinatagong problema sa kanila ang anak. Kahit hindi nito sabihin sa kanila ay nararamdaman nilang may mabigat na pinagdaraanan ito. Kanilang napansin na simula no'ng bumalik ito sa kanilang bahay ay may nabago sa anak, ang dating masigla at masayahin nitong mukha at napalitan ng pagkamatamlay at halos 'di masyadong nagpapakita ng ngiti. Kilalang kilala nila ang anak at alam nilang kapag ganito si Spencer ay meron itong dinaramdam, ngunit noon ay kusa itong magsasabi sa kanila, pero ngayon ay tila hindi nito kayang sabihin ang problema. Kaya ganoon na lamang sila kung mag-alala sa binata. "Eilana anak, wala bang na kwento ang kapatid mo kung anong pinobroblema niya ngayon? Hanggang ngayon ay hind
Kinabukasan, dumating na gabi ng promotion party ni tatay Alberto. Maagang naghanda ang pamilya Dela Cruz upang hindi mahuli sa nasabing event. Samantala, si Spencer ay may labis na inaalala. Sa naturang party kasi ay nakakasigurdo siyang magkikita sila ng pamilya ni Aaron. Nag-aalala siya sa maaring mangyari at nag-aalala siyang masira ang pinaka-importanteng araw ng kaniyang ama dahil sa kanya. Naisip na nitong hindi na lamang pumunta, ngunit tiyak na hindi papayag ang kanyang tatay. At isa pa'y wala rin siyang sapat na irarason upang hindi makasama. Labis siyang kinakabahan dahil mag-isa niyang haharapin ang gabing 'to, wala kasi si Larah at si Raffy. Hanggang ngayon kasi ay nagtatampo pa rin siya sa kaibigang si Larah dahil sa hindi nito paghingi ng pahintulot sa kanya, noong nakaraang araw. Pakiramdam niya'y para siyang usa na dadalo sa pista ng mga lobo, dahil hindi niya alam ang magiging reaksyo
Hindi niya lubos akalaing nasa event ito. Sabi kasi ng kanyang tito Armando kanina na hindi ito dumalo, pero ngayon ay kaharap na niya ito sa mesa at makakasabay pang kumakain. Agad namang nagmano sina Alvin at Aaron sa mga kanilang tito Alberto at tita Rosa. "Pagpalain kayo." ani tatay Alberto. "Paglapain kayo, ito na ba ang mga binata mo Armando? Napakalalaki na nga't napaka gagwapo pa! Mana talaga sa'yo ang dalawa no'ng kabataan mo." Pagmumuri ni nanay Rosa. "Ikaw talaga Rosa, hindi pa rin kumukupas ang pagiging bolera mo!" natatawang sambit ni Armando. "Kilala mo naman ako!" halakhak naman ng ginang. Inayos ni Spencer ang sarili at hindi pinahalata ang nararamdamang tensyon sa presensya ni Aaron, pati na rin sa daddy at kuya nito. Ayaw niyaw mahalat